NAKATANGGAP SI FIONA ng message mula sa isang kaibigan niya. Nagsho-shopping ito ngayon at naghahanap ng isusuot para sa engagement party nila ni David habang abala naman ang lalaki sa dami ng trabaho na tinatapos nito.Friend: Girl, what is this? Aware ka ba rito? Or is your boyfriend doing something behind your back? Friend: And oh, is that Brianna Smith? His ex??Nawala ang ngiti sa mga labi ni Fiona habang nakatingin sa larawan na kasunod na s-in-end nito matapos sabihin ang mga naunang mensahe.Picture iyon ni David at Fiona na papasok sa isang coffee shop. They both looked so good with their corporate attires, na para bang maski iyon ay pinag-usapan. Humigpit ang hawak niya sa cellphone. Kumuyom ang panga niya at namula ang buong mukha nito."Ma'am, kukunin niyo po--""No," pagalit na sabi niya."Po? Pero--"Tiningnan niya ng masama ang sales lady at inirapan. Bumaba ang tingin niya sa hawak nito na pulang dress na kanina ay gustong-gusto niyang bilhin pero ngayon ay ni kaunti
NATIGILAN SI YANNA at bumalik sa pagkakaupo. Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas mula roon. Umiling ito na para bang hindi gustong maniwala sa narinig.David sighed. Magsasalita na sana itong muli nang dumating ang server at nilagay ang order nila sa mesa. Sa mga sandaling iyon ay nagkatitigan ang dalawa, parehong binabasa ang isa't isa."Alam ko na mahirap paniwalaan, pero iyon ang nalaman ko base sa sarili kong imbestigasyon. I talked to everyone in your..." Natigilan ng ilang saglit si David at napayuko bago muling tinitigan ang dalaga. "In your cell back then..."Kinagat ni Yanna ang ibabang labi at umiling. Huminga siya nang malalim at kinuha ang tubig sa harapan at diretsong ininom iyon hanggang sa mangalahati. "Imposible.""That's the truth, Yanna.""No. Sinasabi mo lang iyan para malinis ang pangalan mo. You don't have to clean your name, David, everything about you in my memory is already tainted."Nagtaas-baba ang adams apple ni David. Kita ang kaba sa mukha
WALA SA SARILING pinagmasdan ni Yanna ang kabuuan ng living room ni David. Simple lang iyon at halos wala ngang gamit. May flat screen na TV at may mamahaling set ng sofa. Walang mga frame na nakasabit sa wall. "Hindi mo ininom ang kape mo kanina, gusto mo ng kape? Tsaa? or what?" tanong ni David pagkatapos siyang paupuin nito."Coffee," tipid na sagot ni Yanna."Alright. Wait here," sagot ni David bago siya iniwan sa sala.The house is bland. May kulay pero parang wala. Tahimik. Tila ba lungkot ang una mong mararamdaman pagkapasok mo. At iyon ang napansin ni Yanna. Ni walang mga larawan sa paligid, at kung pumunta siya rito na hindi alam kung kanino ang bahay ay tiyak na hindi niya mahuhulaan.Ilang minuto pa ay bumalik muli si David sa sala na may dalang dalawang tasa ng kape. Tahimik niya iyon na ibinaba sa mesa bago naupo sa tabi ni Yanna."Bihira ako umuwi rito," sabi ni David nang mapansin ang tanong sa mga mata ng babae. "Usually, sa condo ako natutulog. I bought this house la
"THAT MAN FROM BEFORE?" Magka-video call ngayon sina Paulo at Yanna. Kasama naman ni Yanna si Kristoff na kababalik lang ng manila. Magkatabi sila sa dining area at nakalagay ang laptop ni Yanna sa mesa kung saan naroon ang mukha ni Paulo sa screen. "Hindi ko pa alam kung ano ang ibang detalye. But at least for now ay alam natin kung sino talaga ang may gawa no'n..." "Hindi si David ang nagpabugbog sa'yo?" makahulugang tanong ni Paulo at sumulyap sa katabi ni Yanna na si Kristoff. Tumikhim si Kristoff. "I kind of feel he's telling the truth. Tingin ko ay hindi naman ganoon kasama ang kapatid ko," sabi ng lalaki. Hindi nagsalita si Yanna. Humalukipkip lamang ito habang nag-iisip ng malalim. "Mapagkakatiwalaan ba natin iyan?" tanong muli ni Paulo na halata pa rin ang galit kay David. "Paano kung nagkukunwari lang iyan na tumutulong para hindi tayo makakalap ng ebidensya?" Walang nagsalita sa kanila. Nagpasahan lang sila ng makahulugang tingin. Huminga nang malalim si Yanna at
THE WHOLE SPACE is sparkling. May mga naglalakihang chandelier sa high-ceiling ng venue. Small tables are scattered and hundreds of men and women in their expensive coats and dresses are all over the place. Naka-angkla ang kamay ni Yanna sa braso ni Kristoff nang pumasok sila sa golden carpet na entrance ng lugar. Unti-unti ng nagsisimula ang party, madami ng tao, at naka-set up na ng maayos ang lahat. Ang tanging hinihintay nalang ay si David at Fiona."Kristoff..." Napalingon ang dalawa nang marinig ang boses ng isang ginang. "Yanna," napipilitang banggit ng babae sa pangalan ni Yanna.Katabi ni Mrs. Smith ang anak na si Brent. Pormal na pormal ang dalawa at talagang kagalang-galang ang itsura.Nagpeke ng ngiti si Yanna at tumango sa dalawa samantalang hindi naman ngumiti ang katabi niya at tango lang din ang naging responde nito sa kanila.Mrs. Smith is smiling widely while Brent beside her looks dangerously serious. Para bang hindi nito gusto na makita ang dalawa roon pero wala s
MANGHA NA TUMINGIN sa paligid si Yanna. Sa gitna ng kadiliman ay ang nga naggagandahang mga ilaw mula sa malalayong bahay. Maganda ang pwesto ng restaurant at over looking ang city. Malamig ang simoy ng hangin at hindi ganoon kadami ang tao."You like it?" nakangiting tanong ni Kristoff bagaman kita naman sa mukha ni Yanna ang sagot.Itinaas ni Yanna ang hawak niyang wine glass na may laman ding wine pagkatapos ay ngumiti sa lalaki. Nagkibit ito ng balikat bago sumimsim sa wine at ibinaba iyon."As usual, you have a taste.""Parang malalim ang iniisip mo kanina pa, sure ka okay ka lang?" tanong ng lalaki.Hindi agad nakasagot si Yanna. Huminga siya nang malalim. Ayaw niyang magsinungaling kay Kristoff. Sumandal siya sa sandalan ng upuan at tumingin sa malayo ng ilang segundo bago ibinalik ang mga mata sa lalaki na tahimik lang na nakamasid sa kanya."Yung totoo?" mahinang tanong niya.Napalunok si Kristoff sa biglang pagseseryoso ng boses ni Yanna. Pinagsiklop niya ang mga kamay sa ib
SUMALUBONG ANG MALAMIG na hangin paglabas niya ng airport. Wala siyang kasama na kahit sino dahil gusto niyang mapag-isa sa mga oras na iyon."Ma'am Yanna Reynolds?" may lumapit na chauffeur sa kanya para ihatid siya sa pag-i-stay-an niya sa Sapa, Vietnam. Medyo malayo-layo pa ang byahe pero excited na si Yanna na mag-ikot-ikot sa lugar."Yes," sagot ni Yanna at tinuro ang ilang gamit niya para magpatulong sa pagbuhat.The chauffeur is nice. Madami itong mga pa-trivia tungkol sa Vietnam habang nasa byahe sila. Naging komportable rin si Yanna sa daan at hindi naman naka-feel ng awkwardness. Masaya niyang pinagmasdan ang mga tanawin mula sa labas ng sasakyan."Is this your first time here?" tanong ng lalaki."Yes. But I've been wanting to come here ever since. I just never get the chance not until now.""You should explore the other parts of Vitenam, too.""I will," magiliw na sagot ni Yanna.Gabi na nang makarating siya sa hotel na tutuluyan. Medyo sosyal ang hotel na pag-i-stay-an ni
"GOOD MORNING, flowers for the most gorgeous lady in this place."Halos mapatalon sa gulat si Yanna nang may magsalita sa gilid niya. Nahihiya niyang binalingan si kuya dahil sa reaksyon niya. Napansin niya agad na marami itong dalang bulaklak at sa isang segundo ay na-gets niya agad na nagbebenta ito ng bulaklak.Umiling siya. "Uhh, sorry, I won't buy, I actually don't have enough cash with me right now.""No, no," sabi ni kuyang tindero at itinaas pa ang kamay at nag-wave na tila nagsasabi na hindi. Muli nitong iniabot ang bouquet pero hindi tinanggap ni Yanna."I haven't converted my money yet. I have no cash right now that I can pay you.""I'm not selling this flowers, Ma'am, someone already bought it for you.""Huh?"Ngumiti ang lalaki. "Some mysterious man thinks you're gorgeous and deserves to have this bouquet of flowers." Ibinigay nito muli iyon kay Yanna at tinanggap naman na ng babae. "Have a good day!"Kumaway ang lalaki bago nag-pedal palayo sa lugar ni Yanna. Samantalang
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa
HINDI MAPIGILAN NI DAVID ang ngiti habang nasa passenger seat ng sasakyan niya si Yanna. Habang ang babae naman ay nakabusangot at halatang nakaupo lang doon dahil wala siyang choice. "Music?" tanong ni David para hindi sobrang awkward sa loob ng sasakyan. Hindi umimik si Yanna at sa halip ay pinokus ang atensyon sa cellphone nito. Pasimpleng sinilip ni David iyon at nakitang pa-lowbatt na ang babae. "Gusto mo ng charger?" Lumingon sa kanya si Yanna na may tingin na parang gusto na siyang sakalin. "Alright, pauwi ka na rin naman," ani David na siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong. Hindi na ulit siya umimik pagkatapos no'n dahil baka mabwisit pa lalo sa kanya. Sa halip ang ginawa niya ay binagalan niya ang mag-drive. Every minute counts for him right now. Hindi niya alam kung mauulit pa ba ang pagkakataon na ito at kung kailan pa ba ulit mangyayari iyon. For now, he's happy to be in the same place with her. At ang maihatid ito ng maayos sa bahay nito. "Ganito k
NAKALABAS NA SI YANNA mula sa hospital. Maayos na ang lagay nito pero katulad noong nagising ito ay hindi pa rin niya naaalala ang mga huling nangyari sa kanya. Ngayon ay nakatanaw si David kay Yanna at Kristoff. Masaya ang dalawa na kumakain sa park, nagkwekwentuhan at halatang komportable sa isa't isa. Kristoff took care of Yanna, katulad ng ipinangako nito kay David. Pero hindi niya iyon gusto. He wants to be the one to take care of her. Pero pinagbigyan niya ang gusto ni Paulo na 'wag na munang biglain si Yanna. Pero hanggang kailan niya ba kakayanin iyon? "Bumalik na siya kung saan siya nanggaling." Napalingon si David nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It's Fiona. Nakasuot ito ng dress at sunglasses. "Ano'ng ginagawa mo rito?" iritadong sabi ni David. Malinaw na sa kanila na aksidente ang nangyari pero sa isipan ni David ay may kasalanan pa rin doon si Fiona. Ayaw magsabi nito at si Yanna naman ay hindi makaalala kaya hindi nila alam kung ano nga ba ang n
NANGHINA SI FIONA nang makita ang video mula kay David. CCTV iyon sa labas ng hospital kung saan pumasok si Fiona at ilang segundo lang ay pumasok din si Yanna. Pagkatapos ay nakitang lumabas si Yanna, galit, umiiyak, at nagmamadali.Napanganga siya at nanginig ang buong katawan. Ang mga salitang sinabi niya noon kay Hiraya habang galit siya... ibig sabihin ay narinig iyon lahat ni Yanna?"What?" malakas na sabi ni David. "Sabihin mo ngayon na wala kang kinalaman dito."Umiling si Fiona at kita ang kaba sa mukha nito. Yanna probably knew by now."H-hindi ko alam, hindi kami nagkita--""Oh, shut up!" putol ni David. "Alam naman nating lahat na ikaw lang ang gumagawa ng mga ganitong palabas. Now what? Ano na naman ang sinabi mong paninira?"Tumingin siya kay Brent, nanghihingi ng tulong."K-kuya, I... I didn't. Hindi talaga kami nagkita ni Yanna." Humarap siya kay David. "P-pwede niyong tanungin si Hiraya. Nasa loob ako ng hospital room niya nang mga oras na iyan at hindi ko nakita si Y
"Y-YANNA, may narinig ka ba bago ka maaksidente?" Kumuyom ang kamao ni Paulo. "Dapat talaga hindi ka na nagtiwala ulit diyan sa David na iyan, siya na naman ba ang dahilan kung bakit nangyari ito?" Kumunot ang noo ni Yanna sa mga salita ni Paulo. "Na naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi na ako magtitiwala talaga ulit doon sa taong iyon, Kuya. Remember everything he did? Pinabugbog niya pa nga ako sa kulungan hindi ba? That jerk." Napaatras si Paulo at tila nawalan ng lakas. Lumakas ang kabog sa dibdib niya at may kabang namumuo roon. Nanginginig ang mga labi nito bago muling nagsalita. "H-hindi ba at tapos na kayo sa isyu na iyan? Akala ko ba--" Umiling si Yanna. "Kahit pa matagal na iyon ay ginawa niya pa rin iyon. Bakit niyo pa ba pinapunta ang lalaki na iyon dito? Akala ko ba lahat tayo ay galit sa kanya?" Napahawak sa bibig si Paulo at nanlalaki ang mga mata nang magkaroon ng ideya sa nangyayari. Tumingin siya sa doctor na tahimik lang na nakikinig sa kanilang magkapatid.
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mata si Yanna, nagtataka nitong tiningnan ang paligid na halos nagkakagulo sa paggising niya. Bumaba ang tingin niya sa mga nakatusok sa kanyang kamay at agad napagtanto na nasa hospital siya. "Oh my God," tila nakahinga nang maluwag na bulalas ni Paulo at agad dumalo kay Yanna. "Pinag-alala mo kami ng sobra. May masakit ba sa'yo?" Umingit siya at pinakiramdaman ang sarili. "Nanghihina lang pero wala namang masakit. Wait, what happened?" Lumapit si Kristoff sa kanya, kita rin ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. "Car accident," sagot nito. "Sigurado ka walang masakit sa iyo?" Sa halip na sagutin iyon ay agad niyang hinanap ang anak. "Nasaan si Nate? Sinong kasama niya?" "Don't worry, nasa parents siya ni Kristoff. Hindi ko na muna sinabi ang aksidente dahil baka magwala ang bata, bawal din naman siya rito." Nakahinga nang maluwag si Yanna, ayaw niya rin sabihin sa anak ang sitwasyon. 'Car accident'? Bakit hindi niya maalala ang nangyari? Pareh
"Sir..." Tumingin si David sa assistant niya at nagtaka sa expression na pinapakita nito. "Bakit? May nangyari ba? You can go if it's an emergency. Wala naman na masyadong gagawin," sabi nito. "Uhh..." Huminga nang malalim ang lalaki bago lumapit at unti-unting hinarap ang tablet na hawak kay David. "What's that?" tanong ni David bago tiningnan ang nakalagay sa tablet. Article iyon ng isang sikat at reliable na pahayagan. May aksidente raw na naganap sa hindi kalayuan sa isang hospital. The victim is a woman in her late twenties. "Uso talaga aksidente sa bandang iyan," sabi ni David. "Sir..." muling tawag ng assistant niya. "Tingin ko ay kailangan niyo pong basahin ang pangalan ng biktima." Kumunot ang noo ni David bago sinunod ang sinabi nito. Nanlamig ang buong katawan niya sa nabasa. Hindi siya agad nakakilos na para bang nasemento na siya sa kinauupuan. At nang lumipas ang dalawang minuto ay nagmamadali niyang kinuha ang susi ng sasakyan at tumakbo palabas ng o