"GOOD MORNING, flowers for the most gorgeous lady in this place."Halos mapatalon sa gulat si Yanna nang may magsalita sa gilid niya. Nahihiya niyang binalingan si kuya dahil sa reaksyon niya. Napansin niya agad na marami itong dalang bulaklak at sa isang segundo ay na-gets niya agad na nagbebenta ito ng bulaklak.Umiling siya. "Uhh, sorry, I won't buy, I actually don't have enough cash with me right now.""No, no," sabi ni kuyang tindero at itinaas pa ang kamay at nag-wave na tila nagsasabi na hindi. Muli nitong iniabot ang bouquet pero hindi tinanggap ni Yanna."I haven't converted my money yet. I have no cash right now that I can pay you.""I'm not selling this flowers, Ma'am, someone already bought it for you.""Huh?"Ngumiti ang lalaki. "Some mysterious man thinks you're gorgeous and deserves to have this bouquet of flowers." Ibinigay nito muli iyon kay Yanna at tinanggap naman na ng babae. "Have a good day!"Kumaway ang lalaki bago nag-pedal palayo sa lugar ni Yanna. Samantalang
MULA SA balkonahe ng hotel room ni David ay nakatanaw siya kay Yanna na nasa baba at may kausap na ilang mga locals doon. Habang umiinom ng kape ay kanina pa napapansin ni David na parang matamlay ang dalaga kumpara sa mga energy nito nang mga nagdaang araw.Hinihilot nito ang sentido at nakakapit nang mahigpit sa mesa. She really doesn't look well. Kaya naman ibinaba ni David ang tasa ng kape at nagmamadaling bumaba sa pwesto ni Yanna.Nang makarating doon ay mataman niyang binantayan ang babae, ni halos hindi siya kumurap para masigurong hindi siya mahuhuli kung sakali mang may hindi magandang mangyari. He's worried to death. Pero ayaw niya rin namang takutin lalo si Yanna kapag bigla nalang siyang lumapit ngayon."Oh my God!"Nang marinig ang ilang mga reaksyon sa mga tao ay nagmamadaling tumayo si David mula sa pagkakaupo at tumakbo patungo sa pwesto ni Yanna kanina. Hindi nga siya nagkamali, nakahiga sa sahig ang babae at sobrang pale ng mukha."Call an ambulance," dinig niya na
INIABOT NI DAVID ang gamot ni Yanna at pinanood nito ang babae sa ginawang pag-inom. Sinigurado niyang nainom ni Yanna ang mga gamot at vitamins nito. Kinakabahan pa rin siya at natatakot, ramdam niya pa rin yung takot na naramdaman niya kanina nang makitang nahimatay si Yanna.Naupo siya sa gilid ni Yanna."May masakit ba sa iyo?" marahang tanong niya. "Kanina bago ka mahimatay, anong mga naramdaman mo?"Masama ang tingin sa kanya ni Yanna."Pakielam mo?" nakairap na sagot ng babae."May gusto ka bang kainin para sa breakfast mo bukas?" tanong ni David na hindi pinansin ang pagsusuplada ni Yanna."Hindi kita kailangan dito, David, umalis ka na."David sighed. "Don't worry, hindi kita guguluhin. Just let me stay here para may kasama ka. Sa upuan na muna ako matutulog. Tawagin mo ako kapag nagugutom ka, kung may masakit sa'yo, o basta kahit ano kung may kailangan ka."Humalukipkip si Yanna. "Sinabi ko na kaya ko na ang sarili ko."Umiling si David. Sa halip na makipagtalo ay inayos ni
"Drink this first."Inabutan ni David si Yanna ng gamot at tubig. Todo alalay ang lalaki at kahit na galit si Yanna ay nakakaramdam pa rin siya ng hiya sa ginagawang pag-aalaga ni David.Kinuha ni Yanna ang gamot at ininom iyon sa lalaking mistulang nurse niya mula pa kahapon. Hindi lubos akalain ni Yanna na darating ang araw na ito, na nasa tabi niyang muli si David, inaalagaan siya, at tinakasan lahat ng mga bagay at tao na sumira sa kanila dati.Too bad, the situation is different now.May anak na siya at may fiance. Ayaw niya ring madawit sa ano mang scandal na ini-issue ng mga tao ngayon kay David. She's not a third party and she never wished to be. Hindi siya gagaya sa mga taong kinamuhian niya noon."Kailan ka uuwi?" seryosong tanong ni Yanna habang nakatingin kay David.Nag-iwas ng tingin si David sa kanya habang kinukuha ang baso sa kamay niya upang ibaba iyon sa mesa."Kailangan mo ng kasama rito," marahang wika ni David. "Isa pa, wala rin naman akong gagawin sa Pilipinas. I
MAAGANG GUMISING si Yanna para makita at masilayan ang sunrise kahit hindi niya sigurado kung mayroon. Bumaba siya ng kanyang hotel room at dumiretso sa labas para maghanap ng magandang breakfast restaurant.She rode a cyclo to a near cafe. Madaming magagandang reviews siyang nabasa kaya iyon ang pinuntahan niya.Nakasuot ito ng yellow sunflower-designed flowy dress na hanggang paa at flat sandals na boho ang design. Nakalugay lang ang buhok nito at hindi na rin naglagay ng ano mang kolorete sa mukha. Gusto niyang maging magaan lang ang araw niya.Pagdating sa cafe ay nag-order ito ng cake at ng best seller na kape nila. Pumwesto siya sa second floor para maganda ang view pero hindi ganoon kaganda ang panahon. Makapal ang ulap at imposibleng masilayan niya ngayon ang pagtaas ng araw. Gayunpaman ay hindi naman mukhang uulan kaya ayos na rin sa kanya.Sinubukan niyang tawagan si Kristoff pero busy ang linya nito. Nag-send nalang siya ng message para lang mag-update sa lalaki. Sinubukan
Pagkatapos ng pag-uusap nila na iyon ni David ay hindi na lumabas ng kwarto si Yanna. Nag-aayos na siya ng gamit at iniisip ng umuwi. Kristoff: Masyado pa ring magulo dito. Are you sure you want to come back already?Bumuntong hininga si Yanna at ngumuso. Hindi niya pa nasabi kay Kristoff na nandoon si David pero sasabihin niya pag-uwi. Yanna: Gusto ko na bumalik diyan. Plus my business need me already. Kristoff: Mainit ang mata sa'yo ng pamilya ni Fiona.Yanna: Actually, feeling ko ito na rin yung best time para ituloy ang investigation. Kristoff: Masyadong risky, Yanna. Paano kung baliktarin ka na naman nila? Nate and I need you.Ngumiti si Yanna sa harap ng cellphone kung saan naroon ang video ni Kristoff.Yanna: Sigurado naman akong hindi mo ako iiwan. Don't worry too much, alright?Kristoff: Fine. Send me your flight details, susunduin kita.Pagkatapos ng tawag ay kumbinsido na siya na kailangan na niyang umuwi. Umalis siya ng Manila para iwasan si David pero nandito naman it
MALAKAS ANG BUHOS ng ulan at hindi makaalis si Yanna sa restaurant na pinuntahan niya. May meeting siya roon kanina para sa isang investment at ngayon ay siya nalang ang naiwan doon, nakaabang sa labas, habang hinihintay tumila ang ulan.Huminga siya nang malalim at humalukipkip. Iniisip niya na takbuhin nalang ang daan patungo sa sasakyan na dala niya pero paniguradong basang-basa na siya bago pa siya makasakay."Bahala na nga," bulong niya sa sarili at niyakap ang bag.Umamba na itong tatakbo nang may humila sa braso niya at napabalik siya sa pwesto.Kunot ang noong binalingan niya ang kung sino mang nangahas gumawa no'n. Bumilog ang mga mata niya nang makita si David na nakasuot ng cap, naka-collared shirt, at may hawak na payong."Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Yanna at sumilip sa likod ng lalaki kung may kasama ba ito.Ito ang unang beses na nakita niya si David mula noong maghiwalay sila sa Vietnam."I was in the area. Paalis na sana ako pero nakita kita rito,"
NAKAPALUMBABA SI YANNA sa may terasa habang iniisip ang sinabi ni Kristoff. All those years, she believed something happened.Lahat ng sinabi nila, pinaniwalaan niya kaya ngayon na may iba pa palang posibleng nangyari ay hindi siya makapaniwala.She hurt David and with that, David hurt her, too. Pareho silang nagkasakitan dahil sa pangyayaring iyon. It broke her to her core."Okay ka lang?" tanong ni Kristoff na naglakad palapit sa kanya. Inabutan siya nito ng isang baso ng tubig."Hmm, masyado lang magulo ang isip ko ngayon," aniya.'Paano kung hindi nangyari ang gabing iyon, would that change everything?' aniya sa kanyang isipan.Hindi niya magawang magpaliwanag noon kay David dahil maski siya ay hindi alam ang nangyari. "Do you still love him, Yanna?" mahinahong tanong ni Kristoff na ngayon ay nasa malayo na ang tingin."H-huh?" gulantang na saad ni Yanna. Nataranta ito at muntik mabitawan ang hawak na baso.Lumingon si Kristoff sa kanya at sa kamay niya na nanginginig at kita an
"MAGMAKAAWA? NAHIHIBANG NA BA SILA? I can just pay that lawyer or whatever! Damn it!" Galit na galit si Fiona na lumabas ng bahay. Nakasalubong niya si Brent pero maging ito ay hindi niya pinansin. Abala ang utak niya sa pag-iisip kung sino marahil ang witness na sinasabi ni David. "Jaewon Hospital," sabi niya sa taxi driver ng taxi na sinakyan. Isa pang nagpapainit ng ulo niya ay walang available na driver sa bahay nila. May lakad ang mag-asawa at sa hiwalay na lugar kaya walang driver na pwedeng maghatid sa kanya ngayon. "At gusto pa nilang papuntahin ako sa Yanna na iyon na walang sasakyan?" iritadong sabi niya sa sarili. Napatingin ang driver sa kanya, nagtataka at napapaisip kung siya ba ang kausap ni Fiona o hindi. Inirapan naman ito ni Fiona kaya hindi na umimik ang driver. Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa pupuntahan. The hospital were Hiraya stays in. Gusto niyang maglabas ng galit at sama ng loob at ito ang una niyang naisip. Nagmamadali siyang lumabas ng taxi
"I'm sorry for not telling you about it first. I'm sorry wala ako noong mga panahong kailangan niyo ako. I'm sorry I'm the dumbest man in your life. Pero sa pagkakataong ito gusto kong itama ang lahat, sa tamang proseso, sa tamang paraan. I want to be a real father to Nate... and even if it's long overdue, I want to be your partner and husband for life. Will you marry me?" Naluluha si Yanna at hindi agad nakasagot. Halo-halong emosyon ang nagsasayaw sa isipan niya. Her knees are trembling. Her lips remained open and in awe. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng sakit at lahat ng pinagdaanan nila ay dito rin sila hahantong, na sa kanya pa rin siya magiging masaya ng ganito. "Y-yes," nanginginig at umiiyak na sabi ni Yanna. Tumayo si David at dahan-dahang isinuot ang singsing sa daliri niya at niyakap siya nito. Hinalikan ni David ang tuktok ng ulo ni Yanna habang bumubulong ng salamat at mahal kita. ***** "WHAT THE HELL IS THIS?" Kalmadong nag-angat ng mukha si Davi
TAHIMIK NA NAKATANAW sa malayo sina David at Yanna. Sa magandang tanawin sa harapan nila at ang malamig na simoy ng hangin, hindi alam ni Yanna kung mas mapapayapa ang isipan niya o mas gugulo dahil katabi niya ang taong gumugulo doon ngayon. Ilang minuto silang ganoon. Nanatiling nananantya si David sa dalaga. "Nagpunta ako sa kanya..." mahinang sabi ni Yanna na sa sobrang hina ay halos hangin lang ang nakarinig. Hindi nagsalita si David. "Umiyak ako, nagalit... akala ko kahit papaano mababawasan ang sakit. Pero walang nangyari." Lumingon si Yanna kay David. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa lalaki ang lahat ng laman ng isipan niya. "Do you know that I hate you right now?" mahina at puno ng sakit ang boses ni Yanna. "I fvcking hate you right now..." tipid itong ngumiti. "Pero sumama pa rin ako sa'yo. I guess, I still trust yoy despite it all." Napanganga si David sa gulat. Kumurap-kurap ito at pilit hinuli ang mga mata ni Yanna na mailap sa kanya. Dumagundong ang kaba
GULAT NA GULAT si Brent sa mga narinig sa labas ng hospital room. Hindi ito nakapagsalita nang makita si Yanna na lumabas. Ilang segundo siyang natigil sa kinatatayuan bago pumasok aa loob ng kwarto. Nadatnan niya si Hiraya na tulala kung saan, may bahid ng guilt sa mukha nito. "Totoo ba?" matigas na tanong ni Brent kay Hiraya. Gulat na lumipat ang mga mata ni Hiraya sa kanya at wala sa sariling nahulog nito ang hawak-hawak na prutas nang makita kung sino ang pumasok. "B-brent..." nanginginig na sambit nito. "Anong narinig mo?" Pasinghal na nagbuga ng hininga si Brent. Nakakuyom na ang dalawa niyang kamao sa magkabilang gilid, sa hindi makontrol na emosyon ay nasipa nito ang sofa sa tabi. Napatili si Hiraya sa gulat, kaba, at takot na nararamdaman. "Hindi niya alam lahat? Hindi siya kasabwat sa lahat ng ginawa mo?" dire-diretsong tanong ni Brent. Mabilis ang paghinga nito habang masama ang tingin kay Hiraya. "Ano pang kasinungalingan ang sinabi mo, ha?" Lumunok si Hiraya at
PUNO NG GALIT ang puso ni Yanna sa mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman at ayaw niya ring manghusga agad. Pero hindi niya kayang hindi ilabas ang lahat, pakiramdam nito ay sasabog na siya sa libo-libong masasakit na emosyon sa kanyang dibdib. Nakita nalang niya ang sarili sa tapat ng isang pamilyar na hospital room.Hiraya CruzIyon ang pangalan na nakalagay roon. Huminga siya nang malalim at buong lakas na binuksan ang pintuan. Nakita niya ang isang may katandaan na na babae, nakaupo ito sa kama habang kumakain ng prutas. Nakaswero ito at medyo maputla ang balat. The woman who gave birth to her and also the one who's slowly killing her right now."Ano ba ang kasalanan ko sa iyo?" diretsahang sabi nito matapos i-lock ang pintuan ng kwarto. Humakbang ito ng tatlong beses at huminto sa harap ni Hiraya.Nanginginig ang buong katawan ni Yanna, gusto niyang sumigaw sa galit pero hindi niya magawa dahil nasa hospital siya. Gulat na gulat naman si Hiraya nang makita
"ALAM MO, UMALIS KA NA. Wala akong panahon sa mga pambata mong pag-iisip," sabi ni Yanna sa babaeng kaharap. "Totoo ba?" nang-aasar na sabi ni Fiona. "Hindi ka man lang ba interesado sa sasabihin ko? Oh, sige, kung sa akin at kay David ay hindi ka interesado, paano kung may kinalaman ang anak mo rito?" Nanigas si Yanna sa kinauupuan. Dumaan ang takot sa kanyang mga mata na agad nabasa ni Fiona. Nakakuyom na ang mga kamao ni Yanna habang masama ang tingin sa babae. Hanggang ngayon ay hindi niya maintindiha kung bakit ganoon nalang ang galit ni Fiona sa kanya gayong hindi naman siya ang may kasalanan kung bakit nagkapalit sila ng buhay. And she's got everything now. Bakit kailangan pang balik-balikan siya nito para guluhin? "Don't ever touch nor mention my son from that filthy dirty lips of yours," mariing sabi ni Yanna. Pinilit niyang gawing kalmado ang mga salita pero halata pa rin ang galit doon. "Whose son is he anyway? Anak mo sa kabit mo?" nangungutyang sabi ni Fiona."Shut u
"AAAHH!!!" Binato ni Fiona ang hawak na baso kasabay ng malakas na pagsigaw niya. Katatapos niya panoorin ang ginawang presscon ni David at ngayon ay nanginginig siya sa galit. "Fiona!" Nag-aalalang dumalo sa kanya si Brent pero agad iniwas ni Fiona ang sarili at padabog na sinipa ang upuan. "That b*tch! Hanggang ngayon ay inaagaw niya pa rin ang lahat sa akin," sabi nito habang masama ang tingin sa kung saan. Tumunog ang cellphone ni Brent. Nakatanggap siya ng e-mail mula sa company e-mail nila. Nag-iba ang itsura nito at ang kaninang maamong mukha nito habang inaawat ang kapatid ay biglang dumilim. "Fvck you, David," galit na sabi nito. Naalarma si Fiona at nakaramdam ng matinding kaba sa dibdib habang iniisip na tungkol sa kanya ang nabasa ni Brent. "A-anong nangyari?" "Magkakaroon ng emergency meeting ang board kasunod ay ang stockholder's meeting. Posibleng ma-dismiss as chairman si Dad. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng gagong iyon pero may masama akong pa
NAGULAT SI YANNA nang makita si David sa kusina niya, nakasuot ng apron at nag-aayos ng mesa. "Good morning," bati nito sa dalaga. "You want coffee or milk?" Hindi mapaliwanag ang mukha ng babae. Nagtataka na natatawa na masaya. Hinila niya ang upuan at umupo roon bago nangalumbaba at pinanood si David sa ginagawa. Pancakes ang niluto ni David na nilagyan niya na rin ng sausage. Hindi mahilig si Yanna kumain ng kanin sa umaga kaya iyon nalang ang hinanda niya. "Ano'ng trip mo?" nangingiting sabi ni Yanna. "Akala ko umuwi ka na." "Pina-practice ko na ang buhay may asawa," sabi nito at kumindat pa kay Yanna. "Coffee?" Tumango ang babae. "And caramel syrup, please." "At your service," anito bago tumalikod at kinuha ang pinapasuyo ni Yanna. Pagkatapos ay bumalik siya sa mesa upang ipagtimpla ng kape ang babae. "Wala kang pasok ngayon?" tanong ni Yanna habang kumukuha ng pagkain niya. "Work from home?" "A-attend ako ng presscon mamaya. How about you? You want to come?"
HINDI pa rin nawawala at laman pa rin ng balita ang nilabas na cheating scandal ni David at Yanna. Kabi-kabilaan ang mga hindi magagandang komento roon at natatakot si Yanna na umabot pa iyon sa ibang bansa at makaapekto sa anak niya. He might get bullied. Binuksan niya ang laptop at naisip na mag-post nalang sa social media niya kung ano ang totoong nangyari. Pero bago pa niya magawa iyon ay nakita na niya ang live interview ngayon na gagawin at nandoon si Kristoff. Nagtatakang binuksan ni Yanna iyon. Interviewer: Thank you sa pagpapaunlak, Mr. Walton, alam naming busy kayo. Kristoff: You're welcome. I'd like to make this interview short and concise. Interviewer: Kung ganoon, tinanggap niyo po ba ang imbitasyon na ito para mabigyang linaw ang lahat sa kinasasangkutan mong isyu? Tumango si Kristoff at umayos ng upo. He looks so confident but his eyes don't lie. Alam ni Yanna na nag-aalala ito sa kanya. At ang totoo ay ayaw na sana niyang idamay pa si Kristoff rito. He'