SUMALUBONG ANG MALAMIG na hangin paglabas niya ng airport. Wala siyang kasama na kahit sino dahil gusto niyang mapag-isa sa mga oras na iyon."Ma'am Yanna Reynolds?" may lumapit na chauffeur sa kanya para ihatid siya sa pag-i-stay-an niya sa Sapa, Vietnam. Medyo malayo-layo pa ang byahe pero excited na si Yanna na mag-ikot-ikot sa lugar."Yes," sagot ni Yanna at tinuro ang ilang gamit niya para magpatulong sa pagbuhat.The chauffeur is nice. Madami itong mga pa-trivia tungkol sa Vietnam habang nasa byahe sila. Naging komportable rin si Yanna sa daan at hindi naman naka-feel ng awkwardness. Masaya niyang pinagmasdan ang mga tanawin mula sa labas ng sasakyan."Is this your first time here?" tanong ng lalaki."Yes. But I've been wanting to come here ever since. I just never get the chance not until now.""You should explore the other parts of Vitenam, too.""I will," magiliw na sagot ni Yanna.Gabi na nang makarating siya sa hotel na tutuluyan. Medyo sosyal ang hotel na pag-i-stay-an ni
"GOOD MORNING, flowers for the most gorgeous lady in this place."Halos mapatalon sa gulat si Yanna nang may magsalita sa gilid niya. Nahihiya niyang binalingan si kuya dahil sa reaksyon niya. Napansin niya agad na marami itong dalang bulaklak at sa isang segundo ay na-gets niya agad na nagbebenta ito ng bulaklak.Umiling siya. "Uhh, sorry, I won't buy, I actually don't have enough cash with me right now.""No, no," sabi ni kuyang tindero at itinaas pa ang kamay at nag-wave na tila nagsasabi na hindi. Muli nitong iniabot ang bouquet pero hindi tinanggap ni Yanna."I haven't converted my money yet. I have no cash right now that I can pay you.""I'm not selling this flowers, Ma'am, someone already bought it for you.""Huh?"Ngumiti ang lalaki. "Some mysterious man thinks you're gorgeous and deserves to have this bouquet of flowers." Ibinigay nito muli iyon kay Yanna at tinanggap naman na ng babae. "Have a good day!"Kumaway ang lalaki bago nag-pedal palayo sa lugar ni Yanna. Samantalang
MULA SA balkonahe ng hotel room ni David ay nakatanaw siya kay Yanna na nasa baba at may kausap na ilang mga locals doon. Habang umiinom ng kape ay kanina pa napapansin ni David na parang matamlay ang dalaga kumpara sa mga energy nito nang mga nagdaang araw.Hinihilot nito ang sentido at nakakapit nang mahigpit sa mesa. She really doesn't look well. Kaya naman ibinaba ni David ang tasa ng kape at nagmamadaling bumaba sa pwesto ni Yanna.Nang makarating doon ay mataman niyang binantayan ang babae, ni halos hindi siya kumurap para masigurong hindi siya mahuhuli kung sakali mang may hindi magandang mangyari. He's worried to death. Pero ayaw niya rin namang takutin lalo si Yanna kapag bigla nalang siyang lumapit ngayon."Oh my God!"Nang marinig ang ilang mga reaksyon sa mga tao ay nagmamadaling tumayo si David mula sa pagkakaupo at tumakbo patungo sa pwesto ni Yanna kanina. Hindi nga siya nagkamali, nakahiga sa sahig ang babae at sobrang pale ng mukha."Call an ambulance," dinig niya na
INIABOT NI DAVID ang gamot ni Yanna at pinanood nito ang babae sa ginawang pag-inom. Sinigurado niyang nainom ni Yanna ang mga gamot at vitamins nito. Kinakabahan pa rin siya at natatakot, ramdam niya pa rin yung takot na naramdaman niya kanina nang makitang nahimatay si Yanna.Naupo siya sa gilid ni Yanna."May masakit ba sa iyo?" marahang tanong niya. "Kanina bago ka mahimatay, anong mga naramdaman mo?"Masama ang tingin sa kanya ni Yanna."Pakielam mo?" nakairap na sagot ng babae."May gusto ka bang kainin para sa breakfast mo bukas?" tanong ni David na hindi pinansin ang pagsusuplada ni Yanna."Hindi kita kailangan dito, David, umalis ka na."David sighed. "Don't worry, hindi kita guguluhin. Just let me stay here para may kasama ka. Sa upuan na muna ako matutulog. Tawagin mo ako kapag nagugutom ka, kung may masakit sa'yo, o basta kahit ano kung may kailangan ka."Humalukipkip si Yanna. "Sinabi ko na kaya ko na ang sarili ko."Umiling si David. Sa halip na makipagtalo ay inayos ni
"Drink this first."Inabutan ni David si Yanna ng gamot at tubig. Todo alalay ang lalaki at kahit na galit si Yanna ay nakakaramdam pa rin siya ng hiya sa ginagawang pag-aalaga ni David.Kinuha ni Yanna ang gamot at ininom iyon sa lalaking mistulang nurse niya mula pa kahapon. Hindi lubos akalain ni Yanna na darating ang araw na ito, na nasa tabi niyang muli si David, inaalagaan siya, at tinakasan lahat ng mga bagay at tao na sumira sa kanila dati.Too bad, the situation is different now.May anak na siya at may fiance. Ayaw niya ring madawit sa ano mang scandal na ini-issue ng mga tao ngayon kay David. She's not a third party and she never wished to be. Hindi siya gagaya sa mga taong kinamuhian niya noon."Kailan ka uuwi?" seryosong tanong ni Yanna habang nakatingin kay David.Nag-iwas ng tingin si David sa kanya habang kinukuha ang baso sa kamay niya upang ibaba iyon sa mesa."Kailangan mo ng kasama rito," marahang wika ni David. "Isa pa, wala rin naman akong gagawin sa Pilipinas. I
MAAGANG GUMISING si Yanna para makita at masilayan ang sunrise kahit hindi niya sigurado kung mayroon. Bumaba siya ng kanyang hotel room at dumiretso sa labas para maghanap ng magandang breakfast restaurant.She rode a cyclo to a near cafe. Madaming magagandang reviews siyang nabasa kaya iyon ang pinuntahan niya.Nakasuot ito ng yellow sunflower-designed flowy dress na hanggang paa at flat sandals na boho ang design. Nakalugay lang ang buhok nito at hindi na rin naglagay ng ano mang kolorete sa mukha. Gusto niyang maging magaan lang ang araw niya.Pagdating sa cafe ay nag-order ito ng cake at ng best seller na kape nila. Pumwesto siya sa second floor para maganda ang view pero hindi ganoon kaganda ang panahon. Makapal ang ulap at imposibleng masilayan niya ngayon ang pagtaas ng araw. Gayunpaman ay hindi naman mukhang uulan kaya ayos na rin sa kanya.Sinubukan niyang tawagan si Kristoff pero busy ang linya nito. Nag-send nalang siya ng message para lang mag-update sa lalaki. Sinubukan
Pagkatapos ng pag-uusap nila na iyon ni David ay hindi na lumabas ng kwarto si Yanna. Nag-aayos na siya ng gamit at iniisip ng umuwi. Kristoff: Masyado pa ring magulo dito. Are you sure you want to come back already?Bumuntong hininga si Yanna at ngumuso. Hindi niya pa nasabi kay Kristoff na nandoon si David pero sasabihin niya pag-uwi. Yanna: Gusto ko na bumalik diyan. Plus my business need me already. Kristoff: Mainit ang mata sa'yo ng pamilya ni Fiona.Yanna: Actually, feeling ko ito na rin yung best time para ituloy ang investigation. Kristoff: Masyadong risky, Yanna. Paano kung baliktarin ka na naman nila? Nate and I need you.Ngumiti si Yanna sa harap ng cellphone kung saan naroon ang video ni Kristoff.Yanna: Sigurado naman akong hindi mo ako iiwan. Don't worry too much, alright?Kristoff: Fine. Send me your flight details, susunduin kita.Pagkatapos ng tawag ay kumbinsido na siya na kailangan na niyang umuwi. Umalis siya ng Manila para iwasan si David pero nandito naman it
MALAKAS ANG BUHOS ng ulan at hindi makaalis si Yanna sa restaurant na pinuntahan niya. May meeting siya roon kanina para sa isang investment at ngayon ay siya nalang ang naiwan doon, nakaabang sa labas, habang hinihintay tumila ang ulan.Huminga siya nang malalim at humalukipkip. Iniisip niya na takbuhin nalang ang daan patungo sa sasakyan na dala niya pero paniguradong basang-basa na siya bago pa siya makasakay."Bahala na nga," bulong niya sa sarili at niyakap ang bag.Umamba na itong tatakbo nang may humila sa braso niya at napabalik siya sa pwesto.Kunot ang noong binalingan niya ang kung sino mang nangahas gumawa no'n. Bumilog ang mga mata niya nang makita si David na nakasuot ng cap, naka-collared shirt, at may hawak na payong."Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Yanna at sumilip sa likod ng lalaki kung may kasama ba ito.Ito ang unang beses na nakita niya si David mula noong maghiwalay sila sa Vietnam."I was in the area. Paalis na sana ako pero nakita kita rito,"
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa
HINDI MAPIGILAN NI DAVID ang ngiti habang nasa passenger seat ng sasakyan niya si Yanna. Habang ang babae naman ay nakabusangot at halatang nakaupo lang doon dahil wala siyang choice. "Music?" tanong ni David para hindi sobrang awkward sa loob ng sasakyan. Hindi umimik si Yanna at sa halip ay pinokus ang atensyon sa cellphone nito. Pasimpleng sinilip ni David iyon at nakitang pa-lowbatt na ang babae. "Gusto mo ng charger?" Lumingon sa kanya si Yanna na may tingin na parang gusto na siyang sakalin. "Alright, pauwi ka na rin naman," ani David na siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong. Hindi na ulit siya umimik pagkatapos no'n dahil baka mabwisit pa lalo sa kanya. Sa halip ang ginawa niya ay binagalan niya ang mag-drive. Every minute counts for him right now. Hindi niya alam kung mauulit pa ba ang pagkakataon na ito at kung kailan pa ba ulit mangyayari iyon. For now, he's happy to be in the same place with her. At ang maihatid ito ng maayos sa bahay nito. "Ganito k
NAKALABAS NA SI YANNA mula sa hospital. Maayos na ang lagay nito pero katulad noong nagising ito ay hindi pa rin niya naaalala ang mga huling nangyari sa kanya. Ngayon ay nakatanaw si David kay Yanna at Kristoff. Masaya ang dalawa na kumakain sa park, nagkwekwentuhan at halatang komportable sa isa't isa. Kristoff took care of Yanna, katulad ng ipinangako nito kay David. Pero hindi niya iyon gusto. He wants to be the one to take care of her. Pero pinagbigyan niya ang gusto ni Paulo na 'wag na munang biglain si Yanna. Pero hanggang kailan niya ba kakayanin iyon? "Bumalik na siya kung saan siya nanggaling." Napalingon si David nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It's Fiona. Nakasuot ito ng dress at sunglasses. "Ano'ng ginagawa mo rito?" iritadong sabi ni David. Malinaw na sa kanila na aksidente ang nangyari pero sa isipan ni David ay may kasalanan pa rin doon si Fiona. Ayaw magsabi nito at si Yanna naman ay hindi makaalala kaya hindi nila alam kung ano nga ba ang n
NANGHINA SI FIONA nang makita ang video mula kay David. CCTV iyon sa labas ng hospital kung saan pumasok si Fiona at ilang segundo lang ay pumasok din si Yanna. Pagkatapos ay nakitang lumabas si Yanna, galit, umiiyak, at nagmamadali.Napanganga siya at nanginig ang buong katawan. Ang mga salitang sinabi niya noon kay Hiraya habang galit siya... ibig sabihin ay narinig iyon lahat ni Yanna?"What?" malakas na sabi ni David. "Sabihin mo ngayon na wala kang kinalaman dito."Umiling si Fiona at kita ang kaba sa mukha nito. Yanna probably knew by now."H-hindi ko alam, hindi kami nagkita--""Oh, shut up!" putol ni David. "Alam naman nating lahat na ikaw lang ang gumagawa ng mga ganitong palabas. Now what? Ano na naman ang sinabi mong paninira?"Tumingin siya kay Brent, nanghihingi ng tulong."K-kuya, I... I didn't. Hindi talaga kami nagkita ni Yanna." Humarap siya kay David. "P-pwede niyong tanungin si Hiraya. Nasa loob ako ng hospital room niya nang mga oras na iyan at hindi ko nakita si Y
"Y-YANNA, may narinig ka ba bago ka maaksidente?" Kumuyom ang kamao ni Paulo. "Dapat talaga hindi ka na nagtiwala ulit diyan sa David na iyan, siya na naman ba ang dahilan kung bakit nangyari ito?" Kumunot ang noo ni Yanna sa mga salita ni Paulo. "Na naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi na ako magtitiwala talaga ulit doon sa taong iyon, Kuya. Remember everything he did? Pinabugbog niya pa nga ako sa kulungan hindi ba? That jerk." Napaatras si Paulo at tila nawalan ng lakas. Lumakas ang kabog sa dibdib niya at may kabang namumuo roon. Nanginginig ang mga labi nito bago muling nagsalita. "H-hindi ba at tapos na kayo sa isyu na iyan? Akala ko ba--" Umiling si Yanna. "Kahit pa matagal na iyon ay ginawa niya pa rin iyon. Bakit niyo pa ba pinapunta ang lalaki na iyon dito? Akala ko ba lahat tayo ay galit sa kanya?" Napahawak sa bibig si Paulo at nanlalaki ang mga mata nang magkaroon ng ideya sa nangyayari. Tumingin siya sa doctor na tahimik lang na nakikinig sa kanilang magkapatid.
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mata si Yanna, nagtataka nitong tiningnan ang paligid na halos nagkakagulo sa paggising niya. Bumaba ang tingin niya sa mga nakatusok sa kanyang kamay at agad napagtanto na nasa hospital siya. "Oh my God," tila nakahinga nang maluwag na bulalas ni Paulo at agad dumalo kay Yanna. "Pinag-alala mo kami ng sobra. May masakit ba sa'yo?" Umingit siya at pinakiramdaman ang sarili. "Nanghihina lang pero wala namang masakit. Wait, what happened?" Lumapit si Kristoff sa kanya, kita rin ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. "Car accident," sagot nito. "Sigurado ka walang masakit sa iyo?" Sa halip na sagutin iyon ay agad niyang hinanap ang anak. "Nasaan si Nate? Sinong kasama niya?" "Don't worry, nasa parents siya ni Kristoff. Hindi ko na muna sinabi ang aksidente dahil baka magwala ang bata, bawal din naman siya rito." Nakahinga nang maluwag si Yanna, ayaw niya rin sabihin sa anak ang sitwasyon. 'Car accident'? Bakit hindi niya maalala ang nangyari? Pareh
"Sir..." Tumingin si David sa assistant niya at nagtaka sa expression na pinapakita nito. "Bakit? May nangyari ba? You can go if it's an emergency. Wala naman na masyadong gagawin," sabi nito. "Uhh..." Huminga nang malalim ang lalaki bago lumapit at unti-unting hinarap ang tablet na hawak kay David. "What's that?" tanong ni David bago tiningnan ang nakalagay sa tablet. Article iyon ng isang sikat at reliable na pahayagan. May aksidente raw na naganap sa hindi kalayuan sa isang hospital. The victim is a woman in her late twenties. "Uso talaga aksidente sa bandang iyan," sabi ni David. "Sir..." muling tawag ng assistant niya. "Tingin ko ay kailangan niyo pong basahin ang pangalan ng biktima." Kumunot ang noo ni David bago sinunod ang sinabi nito. Nanlamig ang buong katawan niya sa nabasa. Hindi siya agad nakakilos na para bang nasemento na siya sa kinauupuan. At nang lumipas ang dalawang minuto ay nagmamadali niyang kinuha ang susi ng sasakyan at tumakbo palabas ng o