Home / Romance / Love start at Contract / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Love start at Contract : Chapter 41 - Chapter 50

86 Chapters

41. Hurtful Love

Naging tahimik ng ilang araw ko, since nasa ibang bansa si Earniel, wala ako message na natatanggap sa kanya simula ng umalis siya, siguro sobrang busy niya.Nalipat kami ni Claudia sa isang hotel bilang laundry staff at kung minsan ay housekeeper kapag kulang sila ng tao, wala naman kaso sa’min basta sumasahod at nakakatulong.Nakaassign kami ni Claudia mangolekta ng mga kumot at sapin, at responsible rin minsan sa pagpapalit. Nang bigla niya akong kalabitin at magtago kami sa gilid na hindi ko kaagad naunawaan.“Hindi ba si Earniel Lao iyon? Yung lalaking nakabingwit sayo!” si Earniel nga ang lalaki, at may isa siyang kasama na magandang babae, naglalakad sila sa pasilyo at pumasok sa isang kwartong kahilera roon.— “Tara lumapit tayo roon!” Hila sa akin ni Claudia at tumigil kami sa harap ng pinto.“A-anong ginagawa mo umalis na tayo rito!” Hila ko sa kanya, kinakabahan akong masilip kami o makita sa monitor.“Hindi ko akalain na napakababaero niya sino sino nalaang binibingwit niya
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

42.My Master Love

Hindi ko namalayan ang pag-alis ni Earniel ng umaga, tanghali na ako ng magising, ng may babaing pumasok sa loob, si Servana na may dalang pagkain. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko, at nanakit pa rin ang bahagi ng balakang ko at mga hita na pakiramdam na ngawit na ngawit, bumangon ako at sumandal sa headboard. “Pagkatapos ninyong kumain ay uminom na kayo ng gamot Ma’am paalala ni Master Lao!” “Sige ho, Salamat” matipid kong tugon, at nagsimula ng kumain, lugar at mga prutas ang laman ng tray, kaya mabilis ko rin naubos at nainom ang gamot. “Tinatanong rin po ni Master Lao kung kumusta na pakiramdam ninyo!” nilapag ko ang tray sa lamesa pagkatapos kong kumain. “Ayos naman ho!” Hinahanap ko agad ang phone ko, iniisip ko kung marami na ba siyang tawag sa akin o messages, dahil puro siya pahabilin kay Servana, wala akong nakitang mensahe pulos tawag na umabot sa bente, kaya muli ay binaba ko sa lamesa ang phone ko. “Sige Ma’m lalabas na ako!” Dampot muli ni Servana at tuluyan na
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more

43. The baby's Father

Hindi ko alam paano ko ba tatakpan ang mga pulang markang iniwan ni Earniel sa leeg ko, tinititigan ko ang kahubaran ko sa salamin ng banyo halos mapuno ito sa gigil ni Earniel kagabi, sana lang ay nalagyan ko ‘man lang siya bago siya umalis kanina.Pagkatapos ko magshower ay nagbihis na ako, isinuot ko ang damit na napili niya ngayong araw, ayaw pa niya ako umuwi sa apartment, gusto pa niya ako makasama kahit pa siya naman ang busy at laging wala.Bumaba na ako para sa almusal ng tawagin ako, titig na titig sa akin si Servana siguro ay nakita na niya ang nasa leeg ko kahit pa nilagyan ko na ito ng balabal.Nguniti na lang ako at kumain.Pagkatapos ng agahan ay dumaretso ako at naupo sa bench ng garden.“Ikaw ba talaga ang nagpabago kay Master Lao?” Napatayo ako ng may marinig na tinig sa gilid ko, isang babae na halos parang kaidadan ko lang.— “Nung dumating ka hindi na siya nagagalit sa akin kahit pa magkamali ako!” dapat ba na lumaki ang ulo sa sinabi niya.“Tama siya Ma’m! Binago
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more

44. Feelin Guilt

Ewan ko ba bakit hindi ako madalaw ng antok, madaling araw na, wala rin akong natanggap na mensahe sa kanya o tawag, iniisip ko kung nakauwi na ba siya.Bumangon ako at uminom ng tubig, naguguilt ako na hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya.Sinilip ko ang orasan sa wristwatch ko, pasado alas-dose na may biyahe pa ng bus.Bigla ko na lang naisip, na lumabas at umalis, sumakay ako ng bus at nagpapababa kung saan ang subdivision na kinatitirikan ng bahay niya, walang akong kasiguraduhan kung narito na siya. Pwedeng abala pa siya sa trabaho o mag-ina niya, napailing ako, bakit ko na naman naisip iyon.Bumukas ng kusa ang gate palibhasa ay kilala na ako ng operator ng CCTV, bumati lang ang mga gwardiyang nabungaran ko.Bukas pa ang ilaw sa sala, pero tahimik ang paligid, saglit pa ay nakapasok na ako.Sigurado akong narito na siya dahil nakita kong nakaparada na ang sasakyan niya.Umakyat ako sa second floor, binuksan ko a
last updateLast Updated : 2024-10-03
Read more

45.May nagbabalik at may aalis

“Ayaw mo ba mag-aral sa abroad?” Minsan tanong ni Earniel sa akin, bakit nga naman hindi, maganda rin iyon opportunidad para sa akin, at para sa amin, pero may agam agam ako, paano kung habang wala ako ay makahanap siya ng bago kagaya ng ginawa niya noong nasa San Miguel ako. At iniisip ko rin na hindi na kami pabata, lilipas ang taon madaragdagan ang edad namin, at habang lumilipas iyon ay nagbabago ang mga kagustuhan namin, kaya mas nanaisin kong nasa tabi niya, hanggang sa huli ng aming buhay. Napaangat ang ulo ko ng maramdaman ang kurot niya sa pisngi ko! “Bakit mo ako kinurot? Masakit kaya!” haplos ko ang mukha ko, na kahit hindi naman masakit at parang dampi lang ay umarte na ako. “Tulala ka, ano iniisip mo?” Umayos rin ako at sumandal sa headboard. “Pwede bang dito na lang ako!” Nagsusumamo na sabi ko sa kanya. “Bakit? Natatakot ka ba na hindi mo kaya sa ibang bansa?” Tama siya inaalala ko rin iyon, mahahalo ako sa ibang lahi, na hindi kaparehas ng salita at ng pag-uuga
last updateLast Updated : 2024-10-05
Read more

46. Maling akala

Tanging pag-iyak at paghagulgol ang inatupag ko ng buong magdamag, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bakit niya ako iniwan ni hindi man lang siya nag-iwan ng mensahe at hindi rin nakipagkita sa akin.“Iiyak ka na lang ba diyan?” Sita sa akin ni Calvin, hindi ko na siya napansin na kanina ko pa kasama.“Eh! Ano ba ang dapat kong gawin?” Hikbi ko pa.“Dito ka umiyak!” Subsub niya sa ako sa bisig niya.Hinayaan niya ako umiyak hanggang sa maubos ko na ang natitirang luha ko.Dinala niya ako sa resto, umorder siya ng marami kahit wala naman akong gana.“Gusto ko ng umuwi!”“San ka uuwi?”“Kahit saan!”“Okay ako na bahala!”Tulala ako kaya hindi ko alam saan niya ako dinala pagkatapos namin kumain, hablot hablot lang niya ang kamay ko hanggang sa mapagtanto ko magandang tanawin kahit gabi na.City lights ang paborito kong panoorin sa gabi, at heto at nakakapanood na naman ako, parang bituin na nagnining-ning.“Nasaan ba tayo?” Usisa ko.“Huwag mo ng isipin at magrelaks ka lang muna!” Luma
last updateLast Updated : 2024-10-06
Read more

47.Me as Girlfriend

Napatitig na lang ako sa kanya habang nilalantakan niya ang luto ko, wala ko masabi kundi ang mapangiti lang. mas ganado talaga ang kain niya kapag lutong bahay kesa kapag kumakain kami sa labas, kung sa labas ay may matitira pa siya ngayon simo’t na simot. Dumighay pa siya ng hindi niya inaakala.“Nabusog pa ang honey ko?” ligpit ko sa mga pinagkainan niya, nagulat ako ng haltakin niya, at mapaupo sa kandungan niya. – “Ano ka ba kakain mo lang!” Tapik ko sa balikat niya.Mahigpit siyang yumapos sa akin at pinigilan ako sa pagliligpit ng kinainan niya.“Mamaya ka na umuwi huh!” Sambit niya at humigpit pa ang yapos sa akin. Para siyang batang sumisiksik ang mukha sa akin.“Hindi ko naman sinabi na uuwi na ako!” Naputol ang pag-uusap namin ng pumasok bigla si Denver at makita kami sa ganung lagay. Si Denver na lang ang umiwas ng tingin, at yumuko.“What?” Bulalas ni Earniel.“N-Nandyan na po si Mr. Zaragoza!” Sambit nito at unti-unting umatras.“Okay! Pasabi 5 minutes!” lumabas si Den
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

48. Another Struggle

Mawawala ng isang linggo si Earniel, sasama siya sa farm ni Mr. Zarragoza may pinapatapos itong construction sa farm nito at gusto nito na si Earniel ang magtingin ng mga materiales na matitibay kahit bumagyo.Pinagluto ko muna siya ng almusal kahit ayaw niya ako pabangunin ng umaga, kahit ayaw niyang pumunta roon ay wala siyang magagawa, kahit gusto niyang makasama ako.Gising na siya ng balikan ko sa kwarto nakaligo na rin siya at nakabihis, ayaw niyang pinagsisilbihan ko siya kagaya noon, pero makulit ako at hindi sumusunod ginagawa ko pa rin ang mga nakasanayan kong gawin sa kanya noon pa man.Nakatalikod siya at inaayos ang malago niyang buhok, hindi ko napigilan yakapin siya. Inamoy amoy ko pa hanggang magtagal ako sa ganung pwesto. Naramdaman ko ang palad niyang gumapang sa palad ko, saka.niya ako nilingon sa likuran“Bumibigat tuloy pakitamdam ko!” Rinig ko sa likuran niya pavibration nito ay rinig ko habang nakalapat ang tainga ko sa likuran niya.“Mabilis lang naman ang one
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

49.RelationShiit

Lagpas bente kwatro oras ang biyahe sa TREN, nakakainip at nakakabagot, tutulog, gigising kakain ay nasa loob kapa rin ng tren habang patagal ng patagal lalo akong nagnanais na makita si Earniel, at isa pa gusto ko malaman kung sino ang babae na iyon? Sino ang babaing gumamit ng numero niya para sirain kami.Magtitilaok ang manok ng marating ko ang bukana ng Zarragoza Farm. Literal na farm ang naabutan ko, mataas na tanim ng mais at mayayabong na puno ng mangga, maaliwalas ang paligid at may mangilang ngilang tao sa paligid tila sila ang tauhan ng mga Zarragoza.Walang kabahay bahay o kubo ‘man lang na masisilungan o mapagtatanungan, kaya kanino ba ako lalapit para marating ang tahanan ng mga Zarragoza. Hanggang sa may mga tao akong namataan malapit sa kinatatayuan ko, isang babae at isang lalaki may dala silang tractura at nagkokolekta ng mga tuyong dahon.Hindi ko alam saan nila dadalhin, at hindi ko na kailangan alamin isa lang naman ang kailangan ko malaman.Nasan si Earniel?
last updateLast Updated : 2024-10-15
Read more

50. Zarragoza's Plan

Mahinang katok ang nagpagising sa akin, napabangon ako sa higaan, nakahiga pa rin sa tabi ko si Earniel.Katulong ang nadatnan kong nasa pinto, ngunit ano naman kaya ang kailangan niya.“Nakahanda na po, sabi ng Senyor at pinapatawag na po kayo!”“Ahh! Sige susunod na kami!” Pagkasara ko ng pinto ay kagad akong lumapit kay Earniel para gisingin siya.Nalimutan namin na may salo salo nga palang inaalok ni Senyor sa amin kanina. Pagkagising niya ay sabay na kami naligo ni Earniel kahit wala pa siya sa wisyo at aantok antok.Ako na ang nag-asikaso ng mga susuotin at kailangan niya, samantalang ako ay bagong bestida lang ang nadala ko na nabili ko lang sa palengke, hindi na rin ako nag-abala pa na mag-ayos dahil sa isip ko ay kakain lang naman kami ng hapunan, at matutulog rin pagkatapos.Sa garden sa labas kami nagtungo, ngunit hindi ko inaasahan na hindi simpleng salo-salo ang mararatnan namin roon. Kundi marangya pa sa marangya at halatang pinagkagastusan, may mangilan mangilan bis
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more
PREV
1
...
34567
...
9
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status