Hindi ko alam paano ko ba tatakpan ang mga pulang markang iniwan ni Earniel sa leeg ko, tinititigan ko ang kahubaran ko sa salamin ng banyo halos mapuno ito sa gigil ni Earniel kagabi, sana lang ay nalagyan ko ‘man lang siya bago siya umalis kanina.Pagkatapos ko magshower ay nagbihis na ako, isinuot ko ang damit na napili niya ngayong araw, ayaw pa niya ako umuwi sa apartment, gusto pa niya ako makasama kahit pa siya naman ang busy at laging wala.Bumaba na ako para sa almusal ng tawagin ako, titig na titig sa akin si Servana siguro ay nakita na niya ang nasa leeg ko kahit pa nilagyan ko na ito ng balabal.Nguniti na lang ako at kumain.Pagkatapos ng agahan ay dumaretso ako at naupo sa bench ng garden.“Ikaw ba talaga ang nagpabago kay Master Lao?” Napatayo ako ng may marinig na tinig sa gilid ko, isang babae na halos parang kaidadan ko lang.— “Nung dumating ka hindi na siya nagagalit sa akin kahit pa magkamali ako!” dapat ba na lumaki ang ulo sa sinabi niya.“Tama siya Ma’m! Binago
Ewan ko ba bakit hindi ako madalaw ng antok, madaling araw na, wala rin akong natanggap na mensahe sa kanya o tawag, iniisip ko kung nakauwi na ba siya.Bumangon ako at uminom ng tubig, naguguilt ako na hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya.Sinilip ko ang orasan sa wristwatch ko, pasado alas-dose na may biyahe pa ng bus.Bigla ko na lang naisip, na lumabas at umalis, sumakay ako ng bus at nagpapababa kung saan ang subdivision na kinatitirikan ng bahay niya, walang akong kasiguraduhan kung narito na siya. Pwedeng abala pa siya sa trabaho o mag-ina niya, napailing ako, bakit ko na naman naisip iyon.Bumukas ng kusa ang gate palibhasa ay kilala na ako ng operator ng CCTV, bumati lang ang mga gwardiyang nabungaran ko.Bukas pa ang ilaw sa sala, pero tahimik ang paligid, saglit pa ay nakapasok na ako.Sigurado akong narito na siya dahil nakita kong nakaparada na ang sasakyan niya.Umakyat ako sa second floor, binuksan ko a
“Ayaw mo ba mag-aral sa abroad?” Minsan tanong ni Earniel sa akin, bakit nga naman hindi, maganda rin iyon opportunidad para sa akin, at para sa amin, pero may agam agam ako, paano kung habang wala ako ay makahanap siya ng bago kagaya ng ginawa niya noong nasa San Miguel ako. At iniisip ko rin na hindi na kami pabata, lilipas ang taon madaragdagan ang edad namin, at habang lumilipas iyon ay nagbabago ang mga kagustuhan namin, kaya mas nanaisin kong nasa tabi niya, hanggang sa huli ng aming buhay. Napaangat ang ulo ko ng maramdaman ang kurot niya sa pisngi ko! “Bakit mo ako kinurot? Masakit kaya!” haplos ko ang mukha ko, na kahit hindi naman masakit at parang dampi lang ay umarte na ako. “Tulala ka, ano iniisip mo?” Umayos rin ako at sumandal sa headboard. “Pwede bang dito na lang ako!” Nagsusumamo na sabi ko sa kanya. “Bakit? Natatakot ka ba na hindi mo kaya sa ibang bansa?” Tama siya inaalala ko rin iyon, mahahalo ako sa ibang lahi, na hindi kaparehas ng salita at ng pag-uuga
Tanging pag-iyak at paghagulgol ang inatupag ko ng buong magdamag, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bakit niya ako iniwan ni hindi man lang siya nag-iwan ng mensahe at hindi rin nakipagkita sa akin.“Iiyak ka na lang ba diyan?” Sita sa akin ni Calvin, hindi ko na siya napansin na kanina ko pa kasama.“Eh! Ano ba ang dapat kong gawin?” Hikbi ko pa.“Dito ka umiyak!” Subsub niya sa ako sa bisig niya.Hinayaan niya ako umiyak hanggang sa maubos ko na ang natitirang luha ko.Dinala niya ako sa resto, umorder siya ng marami kahit wala naman akong gana.“Gusto ko ng umuwi!”“San ka uuwi?”“Kahit saan!”“Okay ako na bahala!”Tulala ako kaya hindi ko alam saan niya ako dinala pagkatapos namin kumain, hablot hablot lang niya ang kamay ko hanggang sa mapagtanto ko magandang tanawin kahit gabi na.City lights ang paborito kong panoorin sa gabi, at heto at nakakapanood na naman ako, parang bituin na nagnining-ning.“Nasaan ba tayo?” Usisa ko.“Huwag mo ng isipin at magrelaks ka lang muna!” Luma
Napatitig na lang ako sa kanya habang nilalantakan niya ang luto ko, wala ko masabi kundi ang mapangiti lang. mas ganado talaga ang kain niya kapag lutong bahay kesa kapag kumakain kami sa labas, kung sa labas ay may matitira pa siya ngayon simo’t na simot. Dumighay pa siya ng hindi niya inaakala.“Nabusog pa ang honey ko?” ligpit ko sa mga pinagkainan niya, nagulat ako ng haltakin niya, at mapaupo sa kandungan niya. – “Ano ka ba kakain mo lang!” Tapik ko sa balikat niya.Mahigpit siyang yumapos sa akin at pinigilan ako sa pagliligpit ng kinainan niya.“Mamaya ka na umuwi huh!” Sambit niya at humigpit pa ang yapos sa akin. Para siyang batang sumisiksik ang mukha sa akin.“Hindi ko naman sinabi na uuwi na ako!” Naputol ang pag-uusap namin ng pumasok bigla si Denver at makita kami sa ganung lagay. Si Denver na lang ang umiwas ng tingin, at yumuko.“What?” Bulalas ni Earniel.“N-Nandyan na po si Mr. Zaragoza!” Sambit nito at unti-unting umatras.“Okay! Pasabi 5 minutes!” lumabas si Den
Mawawala ng isang linggo si Earniel, sasama siya sa farm ni Mr. Zarragoza may pinapatapos itong construction sa farm nito at gusto nito na si Earniel ang magtingin ng mga materiales na matitibay kahit bumagyo.Pinagluto ko muna siya ng almusal kahit ayaw niya ako pabangunin ng umaga, kahit ayaw niyang pumunta roon ay wala siyang magagawa, kahit gusto niyang makasama ako.Gising na siya ng balikan ko sa kwarto nakaligo na rin siya at nakabihis, ayaw niyang pinagsisilbihan ko siya kagaya noon, pero makulit ako at hindi sumusunod ginagawa ko pa rin ang mga nakasanayan kong gawin sa kanya noon pa man.Nakatalikod siya at inaayos ang malago niyang buhok, hindi ko napigilan yakapin siya. Inamoy amoy ko pa hanggang magtagal ako sa ganung pwesto. Naramdaman ko ang palad niyang gumapang sa palad ko, saka.niya ako nilingon sa likuran“Bumibigat tuloy pakitamdam ko!” Rinig ko sa likuran niya pavibration nito ay rinig ko habang nakalapat ang tainga ko sa likuran niya.“Mabilis lang naman ang one
Lagpas bente kwatro oras ang biyahe sa TREN, nakakainip at nakakabagot, tutulog, gigising kakain ay nasa loob kapa rin ng tren habang patagal ng patagal lalo akong nagnanais na makita si Earniel, at isa pa gusto ko malaman kung sino ang babae na iyon? Sino ang babaing gumamit ng numero niya para sirain kami.Magtitilaok ang manok ng marating ko ang bukana ng Zarragoza Farm. Literal na farm ang naabutan ko, mataas na tanim ng mais at mayayabong na puno ng mangga, maaliwalas ang paligid at may mangilang ngilang tao sa paligid tila sila ang tauhan ng mga Zarragoza.Walang kabahay bahay o kubo ‘man lang na masisilungan o mapagtatanungan, kaya kanino ba ako lalapit para marating ang tahanan ng mga Zarragoza. Hanggang sa may mga tao akong namataan malapit sa kinatatayuan ko, isang babae at isang lalaki may dala silang tractura at nagkokolekta ng mga tuyong dahon.Hindi ko alam saan nila dadalhin, at hindi ko na kailangan alamin isa lang naman ang kailangan ko malaman.Nasan si Earniel?
Mahinang katok ang nagpagising sa akin, napabangon ako sa higaan, nakahiga pa rin sa tabi ko si Earniel.Katulong ang nadatnan kong nasa pinto, ngunit ano naman kaya ang kailangan niya.“Nakahanda na po, sabi ng Senyor at pinapatawag na po kayo!”“Ahh! Sige susunod na kami!” Pagkasara ko ng pinto ay kagad akong lumapit kay Earniel para gisingin siya.Nalimutan namin na may salo salo nga palang inaalok ni Senyor sa amin kanina. Pagkagising niya ay sabay na kami naligo ni Earniel kahit wala pa siya sa wisyo at aantok antok.Ako na ang nag-asikaso ng mga susuotin at kailangan niya, samantalang ako ay bagong bestida lang ang nadala ko na nabili ko lang sa palengke, hindi na rin ako nag-abala pa na mag-ayos dahil sa isip ko ay kakain lang naman kami ng hapunan, at matutulog rin pagkatapos.Sa garden sa labas kami nagtungo, ngunit hindi ko inaasahan na hindi simpleng salo-salo ang mararatnan namin roon. Kundi marangya pa sa marangya at halatang pinagkagastusan, may mangilan mangilan bis
Gulat na gulat si Earniel habang nakatitig sa skin. Hindi yata niya inaasahan na naghihintay ako sa kanya, Tinanggal niya ang coat niya at isinabit sa gilid, sinunod niyang buksan ang polo niya at ilislis naman ang laylayan ng kanyang manggasNakamasid lang ako sa kanyang hanggang sa pansinin niya ako, ibinaba niya ang kanyang phone sa lamesang nasa gitna ng mga sofa at roon ay naupo siya.Lumapit ako at naupo rin sa tabi niya.“Okay ka lang ba?” Biglang tanong niya na dapat ay tanong ko. Iniisip ko tuloy hindi ba ako okay kaya ganun ang tanong niya sa akin.“Oo naman, nainip na nga ko rito sa kwarto!” “Aayain sana kita lumabas kaso kakalabas mo lang ng hospital.”“Tara!” aya ko sa kanya gusto ko rin siya makausap ng masinsinan at maliwanagan sa natuklasan ko kanina.“Tara?” Nagtatanong niyang sabi, sumang-ayon, ng sagayon ay kumilos siya, dinampot niya muli ang phone niya at susi, hindi na rin siya nagpalit ng damit, saka kami lumabas ng kwarto.Pawang tulog na ang lahat at kami na
Nagising ako na tila ba ang ingay ng sobrang lamig at ginawin ako. minulat ko ang paningin ko, maraming taong nakapaligid sa akin. Lahat sila ay nakatungo at nakatitig sa akin.Dagli akong bumangon, wala naman masakit sa akin, bukod lang sa hinihigop ako ng antok. Lumapit kaagad si Earniel alalay ang likod ko sa pagbangon.“Ano bang nangyari bakit ba tayo narito?” usisa ko ng mapansin na nasa ospital kami.“Nakita kitang nakahandusay, sobra akong nag-alala kaya dinala rito para makasigurado.” “Umuwi na tayo wala kapa pahinga!” Pilit kong alis sa kama. Nakakahiyang naabala ko pa ang oras na sana ay pahinga na niya, at bukas ay may trabaho pa siya.“Huwag mo ako intindihin! Sandali lang at aalamin ko ang sitwasyon mo!” tumayo siya at tinungo ang labas, umalis naman sila Mamay at Papay ng magising ako na sabi nila ay bibilhan ako ng makakain.Kaya naging tahimik ang kwarto mag-isa at nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, hindi ko mawari kung dapat na ba bumalik na ang alaala ko. Ma
Matapos kong marinig sa Ina ni Earniel ng masasakit na salita, nagpasya muna ako maglakad lakad sa garden hanggang madaanan ko ang bar ni Earniel na malapit lang naman sa pool area.Bumukas ang pinto hudyat na hindi ito nilolock, kahit pa umaalis siya, hindi ko kilala ang alak pero namili pa rin ako kung ano ang pinakamatapang, okay lang kahit hindi na masarap.Kumuha ako nb chaser at nagsalin ng paunti unti. Nakita ko rin ang retro music player ni Earniel at nagpatugtog kung ano man ang naroon.Mag-isa ako at pinagmamasdan ang nangangalahati na rin na alak, hindi ko na alam kung anong oras na, at gaano na ako katagal umiinom rito.Narinig ko lang na bumukas ang pinto hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung sino, dire- direstso lang ako sa paglagok.Umingit ang upuan, alam kong may tumabi at sabay kumuha rin siya ng chaser at nagsalin ng bahagya sa baso niya, saka lang ako tumingin ng lumagok na siya.Si Earniel na mukhang kararating lang galing trabaho, tumitig rin siya sa akin.“Bak
“Ayaw mo na bang bumalik sa dati?” Unti-unti siyang lumapit at halos dumikit ang kanyang mukha sa akin, halos parang takuri ang pisngi ko sa init, hindi ko alam kung kikiligin ako o madidiri, hanggang hawakan niya ang mga kamay ko, at nilapit sa dibdib niya, at maramdaman ko ang tibok ng puso niya, na pabilis ng pabilis – “Doreena! Kasi kahit ayaw mo ipipilit ko pa rin!” nangungusap ang mga mata niyang singkit, tila kinukuha ang loob ko.Wala rin ako nagawa kundi ang matameme na lang, hanggang bumukas ang pinto ng opisina niya, pinapatawag na siya sa meeting niya, marahan niyang binitawan ang kamay ko saka niya tinungo ang pintuan, doon lang din ako nakahinga, na parang kanina ay pigil na pigil ko, hindi ko alam kung bakit sa kilig ba o sa inis.“Salamat at umalis na rin siya!” Bulong ko sa sarili at pabagsak ako na naupo sa sofa, ng muling bumukas at bumungad ang ulo niya.“Antayin mo ako, huwag kang aalis!” pagkatapos niyang sabihin iyon, ay isinarado na niya muli ang pinto, at maiw
Tumikhim siya bago siya kumuha ng damit sa tokador.“Ano ayos lang ba sa’yo? – Hhmm! Sa totoo lang ay hindi pa rin ako naniniwala na asawa kita!” Napansin ko ang pagtigil niya ng panandalian saka muling inayos ang tokador na nabuksan.“Ikaw ang bahala kung maniniwala ka o hindi!” sambit niya bago siya umalis sa harapan ko, pansin ko ang biglang pagbabago ng kanyang mukha na naging seryoso.Ngunit dapat nga ba ako na mangamba? O mag-alala ‘man lang? O ipagsasawalang kibo ko na lang. Pagkatapos niyang magshower ay dumaretso lang siya papuntang pinto, hindi ‘man lang pumihit ang kanyang ulo para tignan ako, nakaramdam ako ng kunsensiya marahil ay hindi ko iniisip ang mga sinabi ko, pero masisisi niya ba ako kung wala ako maalala.Naghintay akong bumalik siya ng kwarto sa tinutulugan namin kagabi, ngunit sa tinagal tagal at nilalim ng gabi ay wala pa rin siya, iniisip ko na baka sa iba na siya natulog o baka naman nagalit talaga siya sa akin, hindi ko naman talagang pinupunto na gusto ko
89Nagising ako na nakabihis na si Earniel, kagaya ng una ko siyang nakita sa telebisyon, ang formal, halos ibang iba sa kahapon na kasama ko siya, sadyang kahanga hanga at kagalang galang.“Saan ka pupunta?” Habang nakatitig sa kanya na palakad lakad sa loob ng silid na iyon.“Sorry nagising kita!”“Hindi, talagang gising na ako kanina pa, pero ang suot mo hindi pangkaraniwan nakikita sa mga nakakasalamuha ko!” Turo ko pa sa suot niya.“Ito ba, karaniwan suot ko pag nasa trabaho, kapag hindi na ako busy ay isasama kita!”“T-talaga?” kahit wala naman ako ideya sa place niya ay nakaramdam ako ng galak. Hanggang sa lumabas na siya, nag-ayis na rin saka lumabas, sa bintana ko na lang siya natanaw na pasakay na ng magara niyang sasakyan.“Tara kain na Ma’am!” bungad sa akin ng may edad na babae.“Ma’am? Bakit mo ako tinatawag ng ganun?”“Ma’am ako si Servana, mayordona ni Mr. Lao!” Napatango na lang ako ng malaman ko ang katayuan niya, saka niya ako sinama sa hapag, pansin ko ang katahimi
88.“Aalagaan kita! Hanggang sa unti-unting bumalik ang alaala mo!” mga katagang naririnig ko habang nakapikit ako, kahit alam Kong hindi ko siya kilalang lubos.Panandalian akong mag-isa Ng umalis Siya, ang Sabi Niya ay may daraanan lang Siya at babalik muli Kasama Ng isang sopresa.Nanatili Lang ako sa pagkakahiga Hanggang sa bumukas ang pinto bumungad sa akin ang tatlong Bata, isang lalaki at babaing may edad at si Earniel na may kalong na paslit. Lahat sila ay namumula at namumugto ang mga matang nakatitig sakin.“Ate!” Takbo sa akin ng tatlong batang nagsisipag-iyakan na. Napaupo na Lang ako at iniisip kung sino ba sila? – “Ate! Mabuti at buhay ka, namiss ka namin!” dugtong na mga iyak Ng Bata sa akin.Gusto Kong ibuka ang bibig ko ngunit ano ba ang dapat Kong Sabihin sa kanila. Wala akong maalala, hindi ko alam kung sino ba sila at kung kaano ano rin, ang tanging nagawa ko lang ay yakapin rin sila pabalik kagaya ng pagyakap nila sa akin.“Mga Kapatid mo sila, si Elias, Paula at
Ginising agad ako ni Christian sa hindi malamang dahilan, pansin ko ang pagliligpit niya.“Aalis ba tayo” Usisa ko sa kanya.“Basta! Umayos kana!” irita niyang sagot. Sabay nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa, kahit hindi ko maintindihan ang nangyayari, ay sumunod na lang ako sa kanya. Wala naman akong aayusin kundi sarili ko lang naman. Wala Naman ako gamit gaano atang iba ay parang napaglumaan pa. – “May naghihintay sa atin na pick-up sa baba!” Dugtong pa niya.Lumabas na kami, at pinaikutan niya ng makapal na kadena ang yerong pinto, sabay nag-umpisa siyang maglakad, sumunod lang ako at tahimik na nakatanaw, naguguluhan sa biglaan naming paglisan sa lugar.Matapos ang mahigit dalawang oras na paglalakad ay narating namin ang bukana papuntang ibaba ng bundok, kahit hindi pa ganap na nakakarating roon ay natanaw ko na ang pick up na sinasabi niya, may mga taong naghihintay rin, at sumalubong samin.Bahagya silang sumulyap sa akin at bumalik muli ang paningin kay Christian,“Tara!” ay
Hindi napakali ang mga paa ko ng makaalis si Carlo ng umagang iyon, hindi mapakali naparang gusto kong umalis na hindi ko maintindihan, ngunit natitiyak ko na magagalit si Carlo kapag nalaman niya ang balak ko at isa pa ay binalaan na rin niya ako na huwag ng baba ng bundok, ngunit hindi ko mapigil ang sarili na umalis at pumunta sa ibaba, gusto ko lang mapawi ang pagkabagot ko lalo pa at mag-isa ako.Hanggang mabuo ko ang desisyon ang magpunta at mamasyal sa ibaba ng bundok.Kahit malayo at nakakapagod at tiniis ko, kahit pa abutan ako ng mataas na sikat ng araw, at makaramdam na din ng gutom, lalo pa ng mapabaling baling ang tingin ko sa mga nakahilerang kainan, kinapa ko ang loob ng bulsa ng paldang suot ko ngunit iisang barya lang ang laman nito, na hindi makakapawi ng uhaw at gutom ko.Naupo ako sa gilid at pinagmasdan ang mga taong kumakain hanggang madako ang paningin ko sa televisiong nakabukas sa kainan.Bumaling ako at nilibang lang ang sarili upang mapawi ang nararamdaman