Chapter: 98. PriceIsang linggo na kami sa bagong rest house, patuloy pa rin kaming nagtatago, maliban kay Earniel na sa opisina muna pinili magstay, hindi pa kami sigurado kung sino ang may kagagawan, nag-aalala na rin ako kila Mamay, Papay, mga kapatid ko at kay Earen.Gusto ko na rin silang lumayo rito at magbalik sa San Agustin at isama si Earen!Alam kong mas protektado sila lalo na si Earen kung magiging malayo sila rito dahil sa gulo, kahit pa mahirap para sa akin ang malayo kay Earen, ngunit kailangan subukan kahit pansamantala lang.Mag-isa ako sa sala at nagbabasa ng libro ng lumapit si Mayel isa sa mga kasambahay ng rest house, sinabi niyang may bisita ako sa labas at nais pumasok.Napaisip ako, dahil wala naman akong inaasahan na bisita at isa pa ay tagong resort ito ng mga Lao.Agad akong tumayo sa kinauupuan ko, saka nilakad ang mga paa papuntang dalampasigan kung saan ay naghihintay ang bisita ko.Hindi ko inaasahan na lalaki, nakita ko na ang mukha niya ngunit hindi ko maalala ang pangal
Last Updated: 2025-04-01
Chapter: 97. Lost and FoundNatanggap ko ang Consolation Price na binigay ko naman kay Ikio, halos hindi siya makapaniwala at napayakap pa siya sa akin.Bumaling ang mga mata ko kay Earniel, agad siyang umiwas ng titig at umalis rin sa kinatatayuan niya, hindi na lang din ako nagpaapekto at tinuon muli sa bagong gagawin.Naisipan ng team manager na maghiking rin kami sa lugar bago kami umuwi ng kinahapunan.Kasama ko pa rin si Ikio na todo ang alalay sa akin kahit hindi naman kailangan dahil pakiramdam ko ay sanay na sanay ang katawan ko, may umuudyok pa nga sa isipan ko na magpabaging baging kapag may nadadaanan kami na zip line, hindi ko rin alam kung bakit, siguro ay taga bundok ang dating ako.Napalingon ako sa likuran ng mahirapan si Ikio na makaakyat sa mataas na bahagi ng bundok, ngunit napukaw ang mata ko sa direksyon papunta kay kay Earniel! Parang gustong magsalubong ng kilay ko ng makita kong magkahawak pa sila ng kamay ng First wife niya.Hindi ko maawat ang sarili na mag-ngitngit sa inis, na hindi k
Last Updated: 2025-03-19
Chapter: 96. A GameHindi ko na talaga alam ano bang pumasok sa isip ko kung bakit ko nga ba natanong iyon. Sobrang sira na yata ako, bagamat dapat ay nasagot na na niya ako ngunit bakit parang titig na titig lang siya sa akin, na parang napapangiti pa? Ano bang tumatakbo sa isip niya? Naguguluhan ba siya kung sino ang mas mahal niya? O nasisiyahan ba siya na may ibang babaing nagkakagusto sa kanya. Hindi ko naman talaga na maitatanggi na napakagwapo niya kahit pa nasa 40’s na ang edad niya, napahinto ako sa ideya na iyon na baka ba nagkakagusto na ako sa kanya o baka nga nadala lang ako ng isang gabing may mangyari sa amin, aaminin ko na hinahanap ko ang mainit niyang halik na kahit pa lasing ako ay damang dama ko, bumaling ang mata ko sa bisig niya, bagamat nababalutan iyon ng makapal na coat at jacket ay bakit parang gusto kong magpakulong muli. Bigla akong napalunok at ilan beses iwinaksi ang iniisip ko.Ngunit nakakaintriga na parang hindi siya makapag-isip agad? Parehas ba kami ng iniisip? Sa titi
Last Updated: 2025-03-16
Chapter: 95. Camp Sad in a Camp SiteNagising ako kinaumagahan na wala na siya sa loob ng kwarto, hindi naman ako nagugulat dahil madalas naman talaga siyang umaalis lalo na kapag umaga para pumasok ng trabaho. Dinaanan ko muna si Earen sa nursery roon niya pero wala siya, kaya bumaba na ako para mag - agahan. Si Mamay at ilang kasambahay ang naabutan ko noon na nasa kusina at naghahain. Dumulog ako sa hapag naroon na roon sila Maureen, Paula, Elias, Papay at Earen kasama ang tagapag-alaga niya. Pasandok na sana ako ng kanin ng dumating si Earniel, wearing a gray shirt, black short at tuwalya sa balikat, na hindi ko usually nakikita magmula ng dumating ako rito. Basang basa rin siya ng pawis na syang patuloy niyang tinutuyo. “Magpalit kana Earniel bago ka kumain!” Paalala ni Mamay sa kanya na siyang sinunod niya, sinundan ko lang siya ng tingin. Hanggang sa mawala na siya. Nang makabalik siya ay iniisip ko na baka nakacoat and tie na naman siya, or mga damit na pang business attire. Pero same parin sa nauna nagpal
Last Updated: 2025-03-09
Chapter: 94. Marriage ContractGulat na gulat si Earniel habang nakatitig sa skin. Hindi yata niya inaasahan na naghihintay ako sa kanya, Tinanggal niya ang coat niya at isinabit sa gilid, sinunod niyang buksan ang polo niya at ilislis naman ang laylayan ng kanyang manggasNakamasid lang ako sa kanyang hanggang sa pansinin niya ako, ibinaba niya ang kanyang phone sa lamesang nasa gitna ng mga sofa at roon ay naupo siya.Lumapit ako at naupo rin sa tabi niya.“Okay ka lang ba?” Biglang tanong niya na dapat ay tanong ko. Iniisip ko tuloy hindi ba ako okay kaya ganun ang tanong niya sa akin.“Oo naman, nainip na nga ko rito sa kwarto!” “Aayain sana kita lumabas kaso kakalabas mo lang ng hospital.”“Tara!” aya ko sa kanya gusto ko rin siya makausap ng masinsinan at maliwanagan sa natuklasan ko kanina.“Tara?” Nagtatanong niyang sabi, sumang-ayon, ng sagayon ay kumilos siya, dinampot niya muli ang phone niya at susi, hindi na rin siya nagpalit ng damit, saka kami lumabas ng kwarto.Pawang tulog na ang lahat at kami na
Last Updated: 2025-02-22
Chapter: 93. The Real WifeNagising ako na tila ba ang ingay ng sobrang lamig at ginawin ako. minulat ko ang paningin ko, maraming taong nakapaligid sa akin. Lahat sila ay nakatungo at nakatitig sa akin.Dagli akong bumangon, wala naman masakit sa akin, bukod lang sa hinihigop ako ng antok. Lumapit kaagad si Earniel alalay ang likod ko sa pagbangon.“Ano bang nangyari bakit ba tayo narito?” usisa ko ng mapansin na nasa ospital kami.“Nakita kitang nakahandusay, sobra akong nag-alala kaya dinala rito para makasigurado.” “Umuwi na tayo wala kapa pahinga!” Pilit kong alis sa kama. Nakakahiyang naabala ko pa ang oras na sana ay pahinga na niya, at bukas ay may trabaho pa siya.“Huwag mo ako intindihin! Sandali lang at aalamin ko ang sitwasyon mo!” tumayo siya at tinungo ang labas, umalis naman sila Mamay at Papay ng magising ako na sabi nila ay bibilhan ako ng makakain.Kaya naging tahimik ang kwarto mag-isa at nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, hindi ko mawari kung dapat na ba bumalik na ang alaala ko. Ma
Last Updated: 2025-02-21