Napatitig na lang ako sa kanya habang nilalantakan niya ang luto ko, wala ko masabi kundi ang mapangiti lang. mas ganado talaga ang kain niya kapag lutong bahay kesa kapag kumakain kami sa labas, kung sa labas ay may matitira pa siya ngayon simo’t na simot. Dumighay pa siya ng hindi niya inaakala.“Nabusog pa ang honey ko?” ligpit ko sa mga pinagkainan niya, nagulat ako ng haltakin niya, at mapaupo sa kandungan niya. – “Ano ka ba kakain mo lang!” Tapik ko sa balikat niya.Mahigpit siyang yumapos sa akin at pinigilan ako sa pagliligpit ng kinainan niya.“Mamaya ka na umuwi huh!” Sambit niya at humigpit pa ang yapos sa akin. Para siyang batang sumisiksik ang mukha sa akin.“Hindi ko naman sinabi na uuwi na ako!” Naputol ang pag-uusap namin ng pumasok bigla si Denver at makita kami sa ganung lagay. Si Denver na lang ang umiwas ng tingin, at yumuko.“What?” Bulalas ni Earniel.“N-Nandyan na po si Mr. Zaragoza!” Sambit nito at unti-unting umatras.“Okay! Pasabi 5 minutes!” lumabas si Den
Mawawala ng isang linggo si Earniel, sasama siya sa farm ni Mr. Zarragoza may pinapatapos itong construction sa farm nito at gusto nito na si Earniel ang magtingin ng mga materiales na matitibay kahit bumagyo.Pinagluto ko muna siya ng almusal kahit ayaw niya ako pabangunin ng umaga, kahit ayaw niyang pumunta roon ay wala siyang magagawa, kahit gusto niyang makasama ako.Gising na siya ng balikan ko sa kwarto nakaligo na rin siya at nakabihis, ayaw niyang pinagsisilbihan ko siya kagaya noon, pero makulit ako at hindi sumusunod ginagawa ko pa rin ang mga nakasanayan kong gawin sa kanya noon pa man.Nakatalikod siya at inaayos ang malago niyang buhok, hindi ko napigilan yakapin siya. Inamoy amoy ko pa hanggang magtagal ako sa ganung pwesto. Naramdaman ko ang palad niyang gumapang sa palad ko, saka.niya ako nilingon sa likuran“Bumibigat tuloy pakitamdam ko!” Rinig ko sa likuran niya pavibration nito ay rinig ko habang nakalapat ang tainga ko sa likuran niya.“Mabilis lang naman ang one
Lagpas bente kwatro oras ang biyahe sa TREN, nakakainip at nakakabagot, tutulog, gigising kakain ay nasa loob kapa rin ng tren habang patagal ng patagal lalo akong nagnanais na makita si Earniel, at isa pa gusto ko malaman kung sino ang babae na iyon? Sino ang babaing gumamit ng numero niya para sirain kami.Magtitilaok ang manok ng marating ko ang bukana ng Zarragoza Farm. Literal na farm ang naabutan ko, mataas na tanim ng mais at mayayabong na puno ng mangga, maaliwalas ang paligid at may mangilang ngilang tao sa paligid tila sila ang tauhan ng mga Zarragoza.Walang kabahay bahay o kubo ‘man lang na masisilungan o mapagtatanungan, kaya kanino ba ako lalapit para marating ang tahanan ng mga Zarragoza. Hanggang sa may mga tao akong namataan malapit sa kinatatayuan ko, isang babae at isang lalaki may dala silang tractura at nagkokolekta ng mga tuyong dahon.Hindi ko alam saan nila dadalhin, at hindi ko na kailangan alamin isa lang naman ang kailangan ko malaman.Nasan si Earniel?
Mahinang katok ang nagpagising sa akin, napabangon ako sa higaan, nakahiga pa rin sa tabi ko si Earniel.Katulong ang nadatnan kong nasa pinto, ngunit ano naman kaya ang kailangan niya.“Nakahanda na po, sabi ng Senyor at pinapatawag na po kayo!”“Ahh! Sige susunod na kami!” Pagkasara ko ng pinto ay kagad akong lumapit kay Earniel para gisingin siya.Nalimutan namin na may salo salo nga palang inaalok ni Senyor sa amin kanina. Pagkagising niya ay sabay na kami naligo ni Earniel kahit wala pa siya sa wisyo at aantok antok.Ako na ang nag-asikaso ng mga susuotin at kailangan niya, samantalang ako ay bagong bestida lang ang nadala ko na nabili ko lang sa palengke, hindi na rin ako nag-abala pa na mag-ayos dahil sa isip ko ay kakain lang naman kami ng hapunan, at matutulog rin pagkatapos.Sa garden sa labas kami nagtungo, ngunit hindi ko inaasahan na hindi simpleng salo-salo ang mararatnan namin roon. Kundi marangya pa sa marangya at halatang pinagkagastusan, may mangilan mangilan bis
Sa hospital na ako nagkamalay, wala akong taong nadatnan sa loob ng konkretong kwarto na kinasasadlakan ko, hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa sakit o dahil ba sa shock sa aksidente. Biglang sumagi sa isip ko si Earniel at si Denver ano na nga ba ang nangyari sa kanila. Sa pagnanais ko na makalabas ay napilitan ako tumayo para hanapin sila ngunit bumagsak lang ako sa sahig at hindi ko na mabangon ang sarili. Umawang ang pinto may taong naglalakad papalapit sa akin. Tumunghay ako at pinakatitigan siya, si Don Enricko na may mabangis na pigura. Makailang beses niyang binagsak ang tungkod niya na nagpapasakit sa ulo ko ng sobra. “N-nasaan h-ho si Earniel?” Nag-aalala ako sa kanya dahil pinagsangagala niya ang sarili huwag lang ako mapuruhan ng sobra. Umismid ito at lalong tumapang ang tingin sa akin. “Tinatanong mo pa talaga, dapat nga ikaw ang nasa kalagayan niya ngayon! Dahil sa’yo nag-umpisa ang lahat! Sino ngayon ang mag-aasikaso ng negosyo? Ako?” Mariin nitong sabi. “
Napatayo ako sa tabi ni Earniel, ng maulinigan ko ang malakas na bulyaw ni Don Enricko sa akin, nakatayo siya malapit sa pinto habang pinapaingay sa sahig ang kanyang tungkod. Tumayo ako ng tuwid ngunit binaba ko ang tingin ko, ayokong magsalubong ang mga tingin namin.Na tanging galit lamang ang nababasa ko.“Ngayon na kita muna siya ano pa ang ginagawa mo dito, alis na!” Taboy niya sa akin na parang aso, ngunit nanatili akong nakatayo at hindi umalis sa kinatatayuan ko.Kung ako lang ang masusunod gusto kong manatili sa tabi ni Earniel hanggang sa magising siya, umaasa ako sa natitirang 50 porsyento na tsansa kesa sa 50 porsyento na hindi.“Hindi ho bang pwedeng manatili na lang ako rito sa tabi niya?” Nagsusumamo ang tinig ko, umaasa na pagbibigyan ako ni Din Enricko.“At bakit pa?” Pandidilat ng mata niya sa akin na nagpababa sa mata ko at iwasan tignan siya. — “Isa kang malas sa pamilya hindi ka nararapat rito, kung alam ko lang na ito ang mangyayari sana hindi na ako pumayag sa c
Panaginip o bangungot?Ganito ko nilalarawan ang disposisyon ko ngayon, habang nakaupo ako sa swivel chair sa opisina ni Earniel sa LAO EMPIRE GROUP of COMPANY.Sandamakmak ang mga nakahilera at patong patong na papel, kung susumahin ay parang aabutin ako ng tatlong araw sa pagbabasa.Paano ba ito nagagawa lahat ni Earniel? Kaya ba inaabot siya kahit magdamag matapos lang ang lahat ng ito.Satingin ko ay maiiyak na ako, kung hindi ko pa ito uumpisahan.Napahagud ako sa noo, isa pa lang ang nabubuklat ko ay nahihilo na ako, may mga bagay na tinutukoy rito pero hindi ko naman alam ang ibig sabihin, sino ba ang tutulong sa akin? Si Denver nagrerecover pa rin sa aksidente. Napabuntong hininga ako, ng may mahinang kumatok sa pinto at pagkuway may lalaking pumasok, hindi ko ganap nakita ang mukha niya dahil sa tabing ng bookshelf pero panigurado akong papalapit na siya sa akin.“Jerome?” Hindi ko inaasahan na darating siya, ngunit ano nga ba ang ginagawa niya rito?“Ako na po Ma’am ang magp
Hindi ko akalain na may bisita si Don Enricko ng mapadaan ako sa opisina niya sa Mansion, nasipat ko sa nakaawang na pinto si Mrs. Wang na nakaupo sa visiting chair at magkaharap na kausap si Don Enricko, bakas sa mukha nito ang pagkaasiwa.Dumikit ako ng bahagya sa tabi ng pinto ng may marinig ako kahit kaunti.Hindi ako nagkamali dahil ako ang tapik nila.“Sampid lamang sa pamilya siya ang tagapagmana!” Inis na sabi ni Mrs. Wang tungkol sa akin.“Wala ka ng magagawa iyon ang desisyon ni Earniel! Hayaan mo kapag nagising si Earn mawawala na rin iyan sa pamilya! Gagawa ako ng paraan” hindi ko inaasahan na maririnig iyon kay Don Enricko, sa sobrang sama ng loob niya sa akin ay ngayon ko na nakikita ang tunay nilang kulay. umalis na ako sa pakikinig at baka hindi ko pa magustuhan ang susunod. Kung wala nga lang si Earniel rito ay hindi ako tatagal, hindi ko na kaya pa na pakisamahan ang mga tao rito.Papasok na ako sa kwarto ni Earniel ng marinig ko ang pagtawag ni Madam Victoria.Humi
Isang linggo na kami sa bagong rest house, patuloy pa rin kaming nagtatago, maliban kay Earniel na sa opisina muna pinili magstay, hindi pa kami sigurado kung sino ang may kagagawan, nag-aalala na rin ako kila Mamay, Papay, mga kapatid ko at kay Earen.Gusto ko na rin silang lumayo rito at magbalik sa San Agustin at isama si Earen!Alam kong mas protektado sila lalo na si Earen kung magiging malayo sila rito dahil sa gulo, kahit pa mahirap para sa akin ang malayo kay Earen, ngunit kailangan subukan kahit pansamantala lang.Mag-isa ako sa sala at nagbabasa ng libro ng lumapit si Mayel isa sa mga kasambahay ng rest house, sinabi niyang may bisita ako sa labas at nais pumasok.Napaisip ako, dahil wala naman akong inaasahan na bisita at isa pa ay tagong resort ito ng mga Lao.Agad akong tumayo sa kinauupuan ko, saka nilakad ang mga paa papuntang dalampasigan kung saan ay naghihintay ang bisita ko.Hindi ko inaasahan na lalaki, nakita ko na ang mukha niya ngunit hindi ko maalala ang pangal
Natanggap ko ang Consolation Price na binigay ko naman kay Ikio, halos hindi siya makapaniwala at napayakap pa siya sa akin.Bumaling ang mga mata ko kay Earniel, agad siyang umiwas ng titig at umalis rin sa kinatatayuan niya, hindi na lang din ako nagpaapekto at tinuon muli sa bagong gagawin.Naisipan ng team manager na maghiking rin kami sa lugar bago kami umuwi ng kinahapunan.Kasama ko pa rin si Ikio na todo ang alalay sa akin kahit hindi naman kailangan dahil pakiramdam ko ay sanay na sanay ang katawan ko, may umuudyok pa nga sa isipan ko na magpabaging baging kapag may nadadaanan kami na zip line, hindi ko rin alam kung bakit, siguro ay taga bundok ang dating ako.Napalingon ako sa likuran ng mahirapan si Ikio na makaakyat sa mataas na bahagi ng bundok, ngunit napukaw ang mata ko sa direksyon papunta kay kay Earniel! Parang gustong magsalubong ng kilay ko ng makita kong magkahawak pa sila ng kamay ng First wife niya.Hindi ko maawat ang sarili na mag-ngitngit sa inis, na hindi k
Hindi ko na talaga alam ano bang pumasok sa isip ko kung bakit ko nga ba natanong iyon. Sobrang sira na yata ako, bagamat dapat ay nasagot na na niya ako ngunit bakit parang titig na titig lang siya sa akin, na parang napapangiti pa? Ano bang tumatakbo sa isip niya? Naguguluhan ba siya kung sino ang mas mahal niya? O nasisiyahan ba siya na may ibang babaing nagkakagusto sa kanya. Hindi ko naman talaga na maitatanggi na napakagwapo niya kahit pa nasa 40’s na ang edad niya, napahinto ako sa ideya na iyon na baka ba nagkakagusto na ako sa kanya o baka nga nadala lang ako ng isang gabing may mangyari sa amin, aaminin ko na hinahanap ko ang mainit niyang halik na kahit pa lasing ako ay damang dama ko, bumaling ang mata ko sa bisig niya, bagamat nababalutan iyon ng makapal na coat at jacket ay bakit parang gusto kong magpakulong muli. Bigla akong napalunok at ilan beses iwinaksi ang iniisip ko.Ngunit nakakaintriga na parang hindi siya makapag-isip agad? Parehas ba kami ng iniisip? Sa titi
Nagising ako kinaumagahan na wala na siya sa loob ng kwarto, hindi naman ako nagugulat dahil madalas naman talaga siyang umaalis lalo na kapag umaga para pumasok ng trabaho. Dinaanan ko muna si Earen sa nursery roon niya pero wala siya, kaya bumaba na ako para mag - agahan. Si Mamay at ilang kasambahay ang naabutan ko noon na nasa kusina at naghahain. Dumulog ako sa hapag naroon na roon sila Maureen, Paula, Elias, Papay at Earen kasama ang tagapag-alaga niya. Pasandok na sana ako ng kanin ng dumating si Earniel, wearing a gray shirt, black short at tuwalya sa balikat, na hindi ko usually nakikita magmula ng dumating ako rito. Basang basa rin siya ng pawis na syang patuloy niyang tinutuyo. “Magpalit kana Earniel bago ka kumain!” Paalala ni Mamay sa kanya na siyang sinunod niya, sinundan ko lang siya ng tingin. Hanggang sa mawala na siya. Nang makabalik siya ay iniisip ko na baka nakacoat and tie na naman siya, or mga damit na pang business attire. Pero same parin sa nauna nagpal
Gulat na gulat si Earniel habang nakatitig sa skin. Hindi yata niya inaasahan na naghihintay ako sa kanya, Tinanggal niya ang coat niya at isinabit sa gilid, sinunod niyang buksan ang polo niya at ilislis naman ang laylayan ng kanyang manggasNakamasid lang ako sa kanyang hanggang sa pansinin niya ako, ibinaba niya ang kanyang phone sa lamesang nasa gitna ng mga sofa at roon ay naupo siya.Lumapit ako at naupo rin sa tabi niya.“Okay ka lang ba?” Biglang tanong niya na dapat ay tanong ko. Iniisip ko tuloy hindi ba ako okay kaya ganun ang tanong niya sa akin.“Oo naman, nainip na nga ko rito sa kwarto!” “Aayain sana kita lumabas kaso kakalabas mo lang ng hospital.”“Tara!” aya ko sa kanya gusto ko rin siya makausap ng masinsinan at maliwanagan sa natuklasan ko kanina.“Tara?” Nagtatanong niyang sabi, sumang-ayon, ng sagayon ay kumilos siya, dinampot niya muli ang phone niya at susi, hindi na rin siya nagpalit ng damit, saka kami lumabas ng kwarto.Pawang tulog na ang lahat at kami na
Nagising ako na tila ba ang ingay ng sobrang lamig at ginawin ako. minulat ko ang paningin ko, maraming taong nakapaligid sa akin. Lahat sila ay nakatungo at nakatitig sa akin.Dagli akong bumangon, wala naman masakit sa akin, bukod lang sa hinihigop ako ng antok. Lumapit kaagad si Earniel alalay ang likod ko sa pagbangon.“Ano bang nangyari bakit ba tayo narito?” usisa ko ng mapansin na nasa ospital kami.“Nakita kitang nakahandusay, sobra akong nag-alala kaya dinala rito para makasigurado.” “Umuwi na tayo wala kapa pahinga!” Pilit kong alis sa kama. Nakakahiyang naabala ko pa ang oras na sana ay pahinga na niya, at bukas ay may trabaho pa siya.“Huwag mo ako intindihin! Sandali lang at aalamin ko ang sitwasyon mo!” tumayo siya at tinungo ang labas, umalis naman sila Mamay at Papay ng magising ako na sabi nila ay bibilhan ako ng makakain.Kaya naging tahimik ang kwarto mag-isa at nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, hindi ko mawari kung dapat na ba bumalik na ang alaala ko. Ma
Matapos kong marinig sa Ina ni Earniel ng masasakit na salita, nagpasya muna ako maglakad lakad sa garden hanggang madaanan ko ang bar ni Earniel na malapit lang naman sa pool area.Bumukas ang pinto hudyat na hindi ito nilolock, kahit pa umaalis siya, hindi ko kilala ang alak pero namili pa rin ako kung ano ang pinakamatapang, okay lang kahit hindi na masarap.Kumuha ako nb chaser at nagsalin ng paunti unti. Nakita ko rin ang retro music player ni Earniel at nagpatugtog kung ano man ang naroon.Mag-isa ako at pinagmamasdan ang nangangalahati na rin na alak, hindi ko na alam kung anong oras na, at gaano na ako katagal umiinom rito.Narinig ko lang na bumukas ang pinto hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung sino, dire- direstso lang ako sa paglagok.Umingit ang upuan, alam kong may tumabi at sabay kumuha rin siya ng chaser at nagsalin ng bahagya sa baso niya, saka lang ako tumingin ng lumagok na siya.Si Earniel na mukhang kararating lang galing trabaho, tumitig rin siya sa akin.“Bak
“Ayaw mo na bang bumalik sa dati?” Unti-unti siyang lumapit at halos dumikit ang kanyang mukha sa akin, halos parang takuri ang pisngi ko sa init, hindi ko alam kung kikiligin ako o madidiri, hanggang hawakan niya ang mga kamay ko, at nilapit sa dibdib niya, at maramdaman ko ang tibok ng puso niya, na pabilis ng pabilis – “Doreena! Kasi kahit ayaw mo ipipilit ko pa rin!” nangungusap ang mga mata niyang singkit, tila kinukuha ang loob ko.Wala rin ako nagawa kundi ang matameme na lang, hanggang bumukas ang pinto ng opisina niya, pinapatawag na siya sa meeting niya, marahan niyang binitawan ang kamay ko saka niya tinungo ang pintuan, doon lang din ako nakahinga, na parang kanina ay pigil na pigil ko, hindi ko alam kung bakit sa kilig ba o sa inis.“Salamat at umalis na rin siya!” Bulong ko sa sarili at pabagsak ako na naupo sa sofa, ng muling bumukas at bumungad ang ulo niya.“Antayin mo ako, huwag kang aalis!” pagkatapos niyang sabihin iyon, ay isinarado na niya muli ang pinto, at maiw
Tumikhim siya bago siya kumuha ng damit sa tokador.“Ano ayos lang ba sa’yo? – Hhmm! Sa totoo lang ay hindi pa rin ako naniniwala na asawa kita!” Napansin ko ang pagtigil niya ng panandalian saka muling inayos ang tokador na nabuksan.“Ikaw ang bahala kung maniniwala ka o hindi!” sambit niya bago siya umalis sa harapan ko, pansin ko ang biglang pagbabago ng kanyang mukha na naging seryoso.Ngunit dapat nga ba ako na mangamba? O mag-alala ‘man lang? O ipagsasawalang kibo ko na lang. Pagkatapos niyang magshower ay dumaretso lang siya papuntang pinto, hindi ‘man lang pumihit ang kanyang ulo para tignan ako, nakaramdam ako ng kunsensiya marahil ay hindi ko iniisip ang mga sinabi ko, pero masisisi niya ba ako kung wala ako maalala.Naghintay akong bumalik siya ng kwarto sa tinutulugan namin kagabi, ngunit sa tinagal tagal at nilalim ng gabi ay wala pa rin siya, iniisip ko na baka sa iba na siya natulog o baka naman nagalit talaga siya sa akin, hindi ko naman talagang pinupunto na gusto ko