Napatayo ako sa tabi ni Earniel, ng maulinigan ko ang malakas na bulyaw ni Don Enricko sa akin, nakatayo siya malapit sa pinto habang pinapaingay sa sahig ang kanyang tungkod. Tumayo ako ng tuwid ngunit binaba ko ang tingin ko, ayokong magsalubong ang mga tingin namin.Na tanging galit lamang ang nababasa ko.“Ngayon na kita muna siya ano pa ang ginagawa mo dito, alis na!” Taboy niya sa akin na parang aso, ngunit nanatili akong nakatayo at hindi umalis sa kinatatayuan ko.Kung ako lang ang masusunod gusto kong manatili sa tabi ni Earniel hanggang sa magising siya, umaasa ako sa natitirang 50 porsyento na tsansa kesa sa 50 porsyento na hindi.“Hindi ho bang pwedeng manatili na lang ako rito sa tabi niya?” Nagsusumamo ang tinig ko, umaasa na pagbibigyan ako ni Din Enricko.“At bakit pa?” Pandidilat ng mata niya sa akin na nagpababa sa mata ko at iwasan tignan siya. — “Isa kang malas sa pamilya hindi ka nararapat rito, kung alam ko lang na ito ang mangyayari sana hindi na ako pumayag sa c
Panaginip o bangungot?Ganito ko nilalarawan ang disposisyon ko ngayon, habang nakaupo ako sa swivel chair sa opisina ni Earniel sa LAO EMPIRE GROUP of COMPANY.Sandamakmak ang mga nakahilera at patong patong na papel, kung susumahin ay parang aabutin ako ng tatlong araw sa pagbabasa.Paano ba ito nagagawa lahat ni Earniel? Kaya ba inaabot siya kahit magdamag matapos lang ang lahat ng ito.Satingin ko ay maiiyak na ako, kung hindi ko pa ito uumpisahan.Napahagud ako sa noo, isa pa lang ang nabubuklat ko ay nahihilo na ako, may mga bagay na tinutukoy rito pero hindi ko naman alam ang ibig sabihin, sino ba ang tutulong sa akin? Si Denver nagrerecover pa rin sa aksidente. Napabuntong hininga ako, ng may mahinang kumatok sa pinto at pagkuway may lalaking pumasok, hindi ko ganap nakita ang mukha niya dahil sa tabing ng bookshelf pero panigurado akong papalapit na siya sa akin.“Jerome?” Hindi ko inaasahan na darating siya, ngunit ano nga ba ang ginagawa niya rito?“Ako na po Ma’am ang magp
Hindi ko akalain na may bisita si Don Enricko ng mapadaan ako sa opisina niya sa Mansion, nasipat ko sa nakaawang na pinto si Mrs. Wang na nakaupo sa visiting chair at magkaharap na kausap si Don Enricko, bakas sa mukha nito ang pagkaasiwa.Dumikit ako ng bahagya sa tabi ng pinto ng may marinig ako kahit kaunti.Hindi ako nagkamali dahil ako ang tapik nila.“Sampid lamang sa pamilya siya ang tagapagmana!” Inis na sabi ni Mrs. Wang tungkol sa akin.“Wala ka ng magagawa iyon ang desisyon ni Earniel! Hayaan mo kapag nagising si Earn mawawala na rin iyan sa pamilya! Gagawa ako ng paraan” hindi ko inaasahan na maririnig iyon kay Don Enricko, sa sobrang sama ng loob niya sa akin ay ngayon ko na nakikita ang tunay nilang kulay. umalis na ako sa pakikinig at baka hindi ko pa magustuhan ang susunod. Kung wala nga lang si Earniel rito ay hindi ako tatagal, hindi ko na kaya pa na pakisamahan ang mga tao rito.Papasok na ako sa kwarto ni Earniel ng marinig ko ang pagtawag ni Madam Victoria.Humi
Sa isang lumang ancestral house kami natigil ni Jerome, sa itsura nito ay parang wala ng nagtatangkang dumalaw. Bumaba ako at umapak sa makapal kapal na rin na dahon sa lupa, gaano na ba katagal may nagtao rito? Sa isip ko habang ginagala ang paningin sa sulok ng malaking espasyo.Tanging malulungkot na kaluskos ng hangin ang nababanaag ko sa lugar.Nag-ikot ikot muna ako sa labas hanggang napukaw ako sa lalaking nakaupo sa kinakalawang at lumang luma na duyan. Hindi na ako nag-abala na lumapit dahil kusa na siyang naglakad papunta akin.“Bakit ka narito?” Malamig kong tanong, nakakapagtaka rin na narito siya. Huminga siya ng malalim habang nangungusap ang mata niyang nakabaling sa ibang gawi sabay binalik sa akin ang tingin niya at bahagyang ngumiti.“Ako nga dapat magtanong niyan? Bakit ka narito?” Nangunot ang noo ko at napasimangot, hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. – “Nasa bahay kita don’t you remembered?” Saka ko lang nalingap ang lugar, kaya pala pamilyar ng kaunti
Hindi ako nakatulog ng magdamag dala dala ko pa rin hanggang panaginip ang lahat ng sinabi ni Calvin, kahit pa ang boses nito ay parang bumubulong sa tainga ko. Ngunit kung hindi ko lang siguro inalam, kung sino ang asawa ni Earlio ay sa malamang ay hindi ko mararamdaman ito ngayon, gusto ko lang naman bumalik sa dating ako.Ako na hindi ko na mahanap magmula ng mapasa sa akin ang responsibilidad, kagaya ng responsibilidad ni Earniel noon, ngunit gumugulo sa isip ko kung totoo ba talaga ang lahat, may totoo nga ba sa sinasabi ni Calvin?Sa mahaba kong pag-iisip ay hindi ko namalayan ang paglapit ng lalaki sa tabi ko.Naglakad ako pabalik sa opisina muli ni Earniel, pero bago ko pa marating iyon ay nabunggo ako sa bisig ng isang lalaki, sa sobrang dikit namin ay naramdaman ko ang init ng katawan niya, napatunghay ako at napatitig sa mukha niya, sa mga mata ko rin siya nakatitig.Lumayo agad ako at luminga linga, kinakabahan akong may makakita sa amin at mag-isip na naman ng kung ano an
Sumilip muna ako, hindi na baling mahuli, huwag ko lang makasabay si Calvin, kanina ko pa siya nasisilip sa labas, magmula ng sabihin niya sa akin ang sekreto niya ay ayaw na niyang humiwalay sa akin. Nang ganap na hindi ko na siya natanaw sa gate ay lumabas na ako, marahil ay nakaalis na siya, at sinundo ng driver niya. Dumaan muna ako kay Earniel at hinalikan siya sa pisngi, binubulong ko palagi na sana ay magising na siya, natatakot na rin ako na baka ako ang maging dahilan ng kumpanyang pinagpaguran niyang palaguin ng maraming taon, kahit pa sinasabi ni Calvin na ninakaw niya lang iyon sa kanyang kapatid na si Earlio. Pagkatapos ay lumabas na ako, sinalubong din ako ni Jerome, “Nakaalis na ba si Calvin?” “Kanina pa kayo Ma’am hinihintay sa sasakyan!” napataas ang kilay ko, inakala ko na wala na siya at malalaman ko ay hinihintay niya ako sa kotse, “Next time si Melody na lang ang gusto kong makasama, tutal dati mong amo siya, sa kanya kana lang sumunod!” Sabay balagbag kong
Inakala kong dinner ng company ang sasalubong sa akin ng gabing iyon lahat ay bihis na bihis at parang inaantay ang pagdating ko, sa mabibilog na lamesa na may mga kurtinang pula at mga palamuti na naayon sa kanilang tradisyon ay alam ko ng may okasyon.Hinagilap ng mata ko ang maaring makausap pero sa rami ng tao ay hindi ko maabala ang sarili sa paghahanap.Lumapit sa akin ang ina ni Calvin at may kung anong sinabit sa leeg ko, saka tangan tangan niya akong inupo sa harapan, katabi si Calvin sa kaliwa habang solo namin ang lamesa na may iba’t ibang regalong nakalapag sa ibabaw. Napapatanong ang isip ko ano ba ang nangyayari? Bakit parang nagsasaya ang lahat. May tunog pa ng fireworks sa labas.Sabay sumigaw ng pasasalamat ang M.C para sa pagpunta sa engagement party na ito, hindi na nila narinig ang pag-alma ko dahil sa lakas ng tugtog at masigabong nilang palakpakan, napatingin ako kay Calvin malaki ang ngiti niya sa pisngi.Hindi ko masiksik sa utak ko ang engagement na sinasabi,
Halos nailuha ko na lahat wala na akong mapiga sa mga mata ko, sa matarik na bundok ako tumayo, umaasang pagkatapos nito ay mawala na ang mabigat kong pasanin, wala na akong mukhang ihaharap kay Earniel kundi kahihiyan, kaya nga mas mabuti nalang na mawala ako at makahanap siya ng karapat dapat na babae para sa kanya.At habang iniisip ko iyon ay naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga, nagpprotesta ang puso ko at at sinasabi na hindi ko pa rin kayang pakawalan siya.Ayoko siyang iwan dahil nangako ako sa kanya ng sasamahan ko siya hanggang dulo. Pero wala na akong mukhang ihaharap sa kanya, walang kapatawaran ang ginawa ko, sinaktan ko ang damdamin niya, kahit hindi ko pa makita ang itsura niya ngayon.Maniwala ‘man siya o hindi ay natuloy ang dapat ay mangyayari, ngunit ano nga bang pinagkaiba, nalawayan na ng ibang lalaki ang dapat ay sa asawa ko lang.Umiyak muli ako, gusto kong ubusin ang lahat ng luha ko, ng sa kabilang buhay ay makita ko ang sarili na nakangiti naman.Pu
Pabalik na muli kami ng San Miguel at naisipan namin at napag-usapan na rito na lang namin ganapin ang pagdiriwang ng pasko, maganda na rin iyon para makawala na rin sa landas ni Kheanna na sa pagkakaalam ko ay naiwan siya sa China.Pasado alas- tres ng hapon ng lumapag sa airport ang eroplano, maraming bodyguard niya ang sumalubong sa amin at ilang mejia.Sumakay kaagad kami sa magara niyang Van at binaybay ang daan papuntang Townhouse.Naisipan kong paglutuan siya ng dinner para mamaya dahil umalis rin siya kaagad pagkarating namin.Sinamahan ako ng ilang katulong at bodyguard habang naiwan naman sa baby sitter niya si Earen, at hindi ko na sinama pa.Pansin ko na maluwag ang kalsada na parang naubos ang mga sasakyan sa kalsada ng San Miguel, marahil ay marami ang umuwi sa kani-kanilang lugar upang makasama ang kanilang pamilya, iyon rin ang balak namin ni Earniel kapag natapos niya ang ilang trabaho sa opisina.May napansin si Melody na panay ang buntot sa sasakyan namin, ayo
Biglang nagbago ang ekspresyon ang mukha ni Kheanna na hindi ko maintindihan bakit biglang nagkaganoon.“Ano pera lang ang gusto mo kay Earniel?” Biglang nagbago rin ang tibre ng kanyang boses, wala namang ibang tao sa pasilyo ng banyo sa pagkakaalam ko, ngunit ang lakas ng kanyang boses na parang gusto niyang iparinig sa ibang tao, kung sakaling may mapadaan.“Anong sinasabi mo?” Kunot noo kong sabi. Bigla siyang naglakad lagpas sa akin sa likod ko ang tungo niya kaya napalingon ako, hanggang makita ko si Earniel na nakatayo, ang mga mata niya ay blangkong nakatingin sa akin, habang si Kheanna ay sumakbit ang kamay sa braso ni Earniel.“Lumabas na sa kanya na pera lang talaga ang gusto niya sa’yo!” ayokong intindihin ang sinasabi ni Kheanna dahil nakafocus ang mata ko kay Earniel.“Naniniwala ka ba sa kanya?” Kinakabahan ako at natatakot isipin ang mangyayari.Ngunit nanatiling tahimik si Earniel, hindi ko mahulaan ang tinatakbo ng isip niya ngayon.Maya- maya’y inalis niya ang
Hindi ko inaasahan na biglaan ang pag-alis namin papuntang china, hindi na ako tumutol dahil kagustuhan ko naman makasama siya. Ngunit hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating roon sino ang naghihintay sa amin.Pasado alas dose ng hapon ng makarating kami, malamig lamig pa ang paligid, katulad noon ay nangangapa na naman ako.May sumalubong sa amin, mga chino, base sasalita nila, nasa likod lang ako habang buhat si Earen at pinapakinggan lang ang kanilang pag-uusap kahit wala naman ako naiintindihan. Sa dati parin kami dumaretso, wala naman nagbago, sa bahay niya rito kahit matagal hindi kami nakabalik rito.Hindi ko inaasahan na may ibang mga tao roon, halos mapuno ng tao ang tahanan. Dumaretso kami kaagad sa loob ng kwarto.“Dito ba gaganapin ang reunion?” “Hindi! Dumalaw lang sila para makita si Earen.” Napatango nalang ako, masaya ako dahil nirerecognize nila si Earen bilang anak ni Earniel.Nagpahinga muna kami ni Earen, habang si Earniel ay nanatili sa sala kausap ang mga
Maagang umalis papuntang opisina si Earniel, naalimpungatan ako na wala na siya. Napag – isipan ko na mamili kami sa mall, kasama sila Melody at Personal bodyguard namin ni Earen na tinalaga ni Earniel para sa amin.Sa pag-iikot ko ay sumagi sa isip ko s Kheanna. Hindi ko alam bakit ko naisipan puntahan ang labas ng hospital kung saan nakaadmit siya, iniwan ko muna si Earen sa kanyang baby sitter.sa labas pa lang ay maraming tao na, mabuti na lang at hindi nila napansin ang pagdating ko, sinamahan ako ni Melody sa loob, hindi na ako dumaan sa Information dahil alam ko na ang sa alam ko na, kung saan siya naroroon. Sa isang pribadong kwarto ako tumigil, mabuti na lang at wala ganong dumaraan sa pasilyo kaya may oras pa ako pag-isipan kung magpapakita pa ba ako sa kanya o mananatili lang nakatayo sa labas ng pinto.“Sigurado bang dito ang kwarto niya?”“Yes Ma’am!” Sambit ni Melody at hinawakan ang doorknob at handa ng buksan ang pinto.“Antayin mo na lang ako rito!” Tumango lang si M
Lalong naging magulo ang lahat ng naging usap usapan mga pangyayari lalong lalo na ang panganganak ni Kheanna at ang hindi pagsipot ni Earniel sa ospital, para bantayan ito, maraming pinupukol sa kanya tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.Ngunit maninindigan si Earniel sa harap ng mga board member at shareholders na wala siyang kinalaman sa bata. Gusto ‘man niyang ipagsigawan sa media ay ayaw niyang ipaalam pa, nag- alaala pa rin siya sa bata na maiipit sa lahat, kaya minabuti niyang pagmeetingan na lang ang lahat.Naroon ako sa gilid at nakatayo, nakikinig habang patuloy ang pagbatikos nila kay Earniel maging si Don Enricko ay inaalala pa ang reputasyon ng pamilya at ng kumpanya kesa kay Earniel na hindi niya alam ay nahihirapan rin ng mga oras na iyon. Gusto pa rin ni Don Enricko na makipagkasundo si Earniel pamilya Zarragoza kesa makipaglaban sa mga ito.Nang makaalis ang mga member at maiwan sa opisina kami ni Earniel gayundin si Don Enricko na nanatili sa loob at kin
Nakatulog kaagad si Earen matapos niyang malaro at mahile, iniwan ko na rin muna sila bago ako lumabas at buksan ang salaming pinto ng veranda ng condominium, matama akong nakatitig sa paligid, pinagmamasdan ang nag-iilawang liwanag na nagmumula sa ilang building na parang Christmas light, wala rin namang duda dahil december na. Mga ganitong oras at panahon sa baryo namin ay ramdam na ang saya, pakikinig ng caroling ng mga bata at mga pangilanngilan palabas sa maliit na stage ng baryo, ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam, parang ang pasko ay hindi na kasing saya ng ngayon! Na parang habang tumatagal ay nakakalungkot.Napahalumbaba ako at pinakatitigan pa ang paligid, ng maramdaman ko ang pagtabi at paghaplos sa buhok ko ni Earniel, napalingon kaagad ako sa kanya.“Nagsisisi ka bang bumalik rito?” Biglang tanong niya ng ibaling ko muli ang paningin sa labas.“Hindi syempre kasi kasama kita ehh, pero-!” Pinutol ko ang pagsasalita ng masagi sa isip ko si Kheanna, paano nga ba matatapo
Halos ilang buwan na rin magmula ng umalis si Earniel. At ngayon ay kasama ko na si Earen sa bahay, wala akong makuhang balita sa kanya, bukod sa mahina ang signal ay nasa ibang bansa siya ngayon! Hindi ko na rin ano ang ginagawa niya, namimiss ko na rin siya, at sapalagay ko ay namimiss na rin niya si Earen. Pero hindi ko alam kelan kami muling magkikita. Kaya napagdesisyonan ko rin na sa pagbabalik niya sa bansa ay ang pagbabalik ko rin sa San Miguel. Kahit pa sinabi ko sa sarili ko na mananatili lang kami ni Earen rito, ngunit mahirap din pala magpanggap na okay lang ang lahat. Na akala ko ay ganun kabilis ang magdesisyon. Ngunit papano ko nga ba malalaman iyon, kung kailangan ko pang pumunta ng bayan upang malaman ang tungkol sa kanya, at iyon ang nakakalungkot na pangyayari. Hanggang isang umaga ay nabulalabog ako ng tawag ng dalawa sa akin, mayroon raw silang balita tungkol kay Earniel kaya dagli akong napabangon at pinuntahan sila, sa labas ng bahay. “Talaga bang babalik na
Nang muli kaming mapunta sa bayan ay ang biglaang pagtunog ng kanyang phone, hudyat na may tumawag sa kanya, ilang araw pa lang siya pero mukhang aalis na siya, alam ko naman at tanggap ko rin naman na hindi niya maaring pabayaan ang negosyo ng pamilya niya kaya kahit pa labag sa loob ko na umalis siya ay kailangan kong tanggapin at intindihin kahit wala pa siyang sinasabi. At busy pa sa kanyang phone.Nang matapos ang tawag ay bumaik siya sa tabi ko, nagbago na rin ang ekspresyon niya kaya alam ko na kaagad, kung ano ang ibig sabihin.“Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa! Naiintintindihan ko naman!” Pilit kong hindi maging malungkot ang tono ng boses ko! Dahil ayokong mag-alalala siya. Napabuntong hininga pa siya kaya tinapik ko siya sa likuran niya.“Sorry Hon, may nangyari lang talaga pero babalik ako huh!” Sabay halik niya sa noo ko! Dala ang agam agam ang biglaan niyang pag-alis na gusto pa sana niya magtagal at magbakasyon rito.Naglakad kami muli papuntang hospital, bukas
Napagpasyahan muna namin na maglibot libot sa palengke ng bayan, katulad pa rin ng dati ang nakagawi kong tignan, mga simpleng damit na may makukulay na disenyo, naisipan kong bilhan siya ng simpleng damit na walang print at may kulay lang, at isa pa ay hindi rin naman kasi maiwasan na titigan siya ng marami, sa ayos at itsura niya ay namumukod tangi siya.Na parang hindi siya nababagay sa ganitong lugar. Pinapasadahan lang niya ng paningin ang mga panindang nadadaanan namin at wala siyang ideya na nabilhan ko na siya. Nagsasawa na akong makita siyang laging formal, kung hindi naman formal ay polong puti o slux na fitted sa kanya.Nakakita muli ako ng turo turo sa tabi hindi ko maiwasan magbalik tanaw at maalala ng kumain kami, kaya inaya ko siyang kumain, hindi naman siya tumanggi at nakasunod lang sa akin. Para rin siyang batang nakadikit na animo’y mawawala kapag nakalingap ka.Naupo kami sa gilid habang hawak hawak namin ang mga paper plate na kasing kitid ng bamboo na kawayan, la