Sa isang lumang ancestral house kami natigil ni Jerome, sa itsura nito ay parang wala ng nagtatangkang dumalaw. Bumaba ako at umapak sa makapal kapal na rin na dahon sa lupa, gaano na ba katagal may nagtao rito? Sa isip ko habang ginagala ang paningin sa sulok ng malaking espasyo.Tanging malulungkot na kaluskos ng hangin ang nababanaag ko sa lugar.Nag-ikot ikot muna ako sa labas hanggang napukaw ako sa lalaking nakaupo sa kinakalawang at lumang luma na duyan. Hindi na ako nag-abala na lumapit dahil kusa na siyang naglakad papunta akin.“Bakit ka narito?” Malamig kong tanong, nakakapagtaka rin na narito siya. Huminga siya ng malalim habang nangungusap ang mata niyang nakabaling sa ibang gawi sabay binalik sa akin ang tingin niya at bahagyang ngumiti.“Ako nga dapat magtanong niyan? Bakit ka narito?” Nangunot ang noo ko at napasimangot, hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. – “Nasa bahay kita don’t you remembered?” Saka ko lang nalingap ang lugar, kaya pala pamilyar ng kaunti
Hindi ako nakatulog ng magdamag dala dala ko pa rin hanggang panaginip ang lahat ng sinabi ni Calvin, kahit pa ang boses nito ay parang bumubulong sa tainga ko. Ngunit kung hindi ko lang siguro inalam, kung sino ang asawa ni Earlio ay sa malamang ay hindi ko mararamdaman ito ngayon, gusto ko lang naman bumalik sa dating ako.Ako na hindi ko na mahanap magmula ng mapasa sa akin ang responsibilidad, kagaya ng responsibilidad ni Earniel noon, ngunit gumugulo sa isip ko kung totoo ba talaga ang lahat, may totoo nga ba sa sinasabi ni Calvin?Sa mahaba kong pag-iisip ay hindi ko namalayan ang paglapit ng lalaki sa tabi ko.Naglakad ako pabalik sa opisina muli ni Earniel, pero bago ko pa marating iyon ay nabunggo ako sa bisig ng isang lalaki, sa sobrang dikit namin ay naramdaman ko ang init ng katawan niya, napatunghay ako at napatitig sa mukha niya, sa mga mata ko rin siya nakatitig.Lumayo agad ako at luminga linga, kinakabahan akong may makakita sa amin at mag-isip na naman ng kung ano an
Sumilip muna ako, hindi na baling mahuli, huwag ko lang makasabay si Calvin, kanina ko pa siya nasisilip sa labas, magmula ng sabihin niya sa akin ang sekreto niya ay ayaw na niyang humiwalay sa akin. Nang ganap na hindi ko na siya natanaw sa gate ay lumabas na ako, marahil ay nakaalis na siya, at sinundo ng driver niya. Dumaan muna ako kay Earniel at hinalikan siya sa pisngi, binubulong ko palagi na sana ay magising na siya, natatakot na rin ako na baka ako ang maging dahilan ng kumpanyang pinagpaguran niyang palaguin ng maraming taon, kahit pa sinasabi ni Calvin na ninakaw niya lang iyon sa kanyang kapatid na si Earlio. Pagkatapos ay lumabas na ako, sinalubong din ako ni Jerome, “Nakaalis na ba si Calvin?” “Kanina pa kayo Ma’am hinihintay sa sasakyan!” napataas ang kilay ko, inakala ko na wala na siya at malalaman ko ay hinihintay niya ako sa kotse, “Next time si Melody na lang ang gusto kong makasama, tutal dati mong amo siya, sa kanya kana lang sumunod!” Sabay balagbag kong
Inakala kong dinner ng company ang sasalubong sa akin ng gabing iyon lahat ay bihis na bihis at parang inaantay ang pagdating ko, sa mabibilog na lamesa na may mga kurtinang pula at mga palamuti na naayon sa kanilang tradisyon ay alam ko ng may okasyon.Hinagilap ng mata ko ang maaring makausap pero sa rami ng tao ay hindi ko maabala ang sarili sa paghahanap.Lumapit sa akin ang ina ni Calvin at may kung anong sinabit sa leeg ko, saka tangan tangan niya akong inupo sa harapan, katabi si Calvin sa kaliwa habang solo namin ang lamesa na may iba’t ibang regalong nakalapag sa ibabaw. Napapatanong ang isip ko ano ba ang nangyayari? Bakit parang nagsasaya ang lahat. May tunog pa ng fireworks sa labas.Sabay sumigaw ng pasasalamat ang M.C para sa pagpunta sa engagement party na ito, hindi na nila narinig ang pag-alma ko dahil sa lakas ng tugtog at masigabong nilang palakpakan, napatingin ako kay Calvin malaki ang ngiti niya sa pisngi.Hindi ko masiksik sa utak ko ang engagement na sinasabi,
Halos nailuha ko na lahat wala na akong mapiga sa mga mata ko, sa matarik na bundok ako tumayo, umaasang pagkatapos nito ay mawala na ang mabigat kong pasanin, wala na akong mukhang ihaharap kay Earniel kundi kahihiyan, kaya nga mas mabuti nalang na mawala ako at makahanap siya ng karapat dapat na babae para sa kanya.At habang iniisip ko iyon ay naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga, nagpprotesta ang puso ko at at sinasabi na hindi ko pa rin kayang pakawalan siya.Ayoko siyang iwan dahil nangako ako sa kanya ng sasamahan ko siya hanggang dulo. Pero wala na akong mukhang ihaharap sa kanya, walang kapatawaran ang ginawa ko, sinaktan ko ang damdamin niya, kahit hindi ko pa makita ang itsura niya ngayon.Maniwala ‘man siya o hindi ay natuloy ang dapat ay mangyayari, ngunit ano nga bang pinagkaiba, nalawayan na ng ibang lalaki ang dapat ay sa asawa ko lang.Umiyak muli ako, gusto kong ubusin ang lahat ng luha ko, ng sa kabilang buhay ay makita ko ang sarili na nakangiti naman.Pu
Nag-aagaw ang liwanag at dilim ng hindi maalis ang mata ko sa maalong dagat, tila nililipad niya ang isip ko kagaya sa saranggolang lumilipas sa himpapawid na pinaglalruan ng mga bata, gusto kong kalimutan ang lahat at bumuo ng bagong buhay kahit mag-isa.Nilakad ko ang dalampasigan, habang nakatanaw sa araw, umaasang pagkalubog ng araw ay sasama ang lahat ng hinagpis at sakit na naipon sa puso ko at sa pagsikat nito bukas ay hinihiling ko na sana ay mga positibong bagay na ang mangyari.Bumaling ako sa likuran na parang may tumatawag sakin.Si Katherine na kumakaway sa akin, hindi naman siya mahirap kasama, para siyang ate na nakaalalay sa kanyang nakakabatang kapatid, mabait at maasikaso ngunit hindi ko maitatanggi na parehas kaming natali sa pamilya Lao.Naglakad ako palapit sa kanya, niyaya niya akong tumulong sa bahay ng mga Evangelista at sa paglalagay ng dekorasyon para sa nalalapit na pista. Ang mayamang pamilya ng Evangelista ang siyang pangunahing sponsor kada taon kapag n
Bakit hindi siya galit? Iyon ang tanong ko sa isipan ko habang nakahiga ako sa ibang panig ng papag, pero bago pa ako makarating rito ay kitang kita ng dalawang mata ko na naroon siya, nakatingin at pinapanood ang maselang eksena namin ni Calvin, bumaling ako sa kanya sa pag-aakalang sa kabilang gilid din ito nakaharap, at tulog na, ngunit hindi ko inaasahan na nakaharap siya sa akin at nakatitig sa akin.Nahihiwagahan ako sa kinikilos niya, na havang tinititigan ko siya ay ibng katauhan ang nakikita ko sa kanya.“ikaw ba talaga si Earniel?” usisa ko sa kanya. Nag-aalinlangan ako, dahil natatakot akong malilinlang muli ng taong nasa harapan ko, paano kung si Earlio siya at nagpalit lang ng anyo, kagaya ng ginawa nito bilang si Calvin at paano kung ngayon ay baka si Earniel naman siya, natakot akong baka gayahin na niya ang mukha nito, dahil minsan na niyang ginustong maging si Earniel.“Bakit? Ehh! Ikaw? Ikaw ba talaga si Doreena?”Napabangon ako, bakit binabalik niya ang tanong sa
Tapos na ang pista pero nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon aynanatili pa rin si Earniel sa bayan ng San Jose at parang walang balak na umuwi ng San Agustin, madalas siyang nasa bahay ni Kath naglalagi, at doon ko rin siya nakitang nakasuot lang ng simpleng long sleeves, lumang maong at salakot sa ulo pananggalang sa matinding init kapag nagpupunta kami sa palayan at taniman ng mais.Malayong malayo ang itsura niya sa Earniel na laging pustura, laging nakacoat and tie at ang sapatos na hindi natatanggalan ng kintab, nagkakamay na rin siya kung kumain, at naliligo na rin siya ng malamig, na kapag may pagkakataon ay sinusulyapan ko siya sa tinagpi tagping dahon ng anahaw.Kung bakit narito siya ay hindi ko alam, hindi pa kami nag-uusap ng masinsinan buhat ng magdiwang kami ng pista sa yate. Kakatapos lang namin maghugas ng plato na pinagtulungan pa namin na ubusin, at kasalukuyan namamahinga at nakaupo sa bangko.“Hindi ka ba hinahanap sa kumpanya mo?” Usisa ko ng masulyapan ko ha
Hindi napakali ang mga paa ko ng makaalis si Carlo ng umagang iyon, hindi mapakali naparang gusto kong umalis na hindi ko maintindihan, ngunit natitiyak ko na magagalit si Carlo kapag nalaman niya ang balak ko at isa pa ay binalaan na rin niya ako na huwag ng baba ng bundok, ngunit hindi ko mapigil ang sarili na umalis at pumunta sa ibaba, gusto ko lang mapawi ang pagkabagot ko lalo pa at mag-isa ako.Hanggang mabuo ko ang desisyon ang magpunta at mamasyal sa ibaba ng bundok.Kahit malayo at nakakapagod at tiniis ko, kahit pa abutan ako ng mataas na sikat ng araw, at makaramdam na din ng gutom, lalo pa ng mapabaling baling ang tingin ko sa mga nakahilerang kainan, kinapa ko ang loob ng bulsa ng paldang suot ko ngunit iisang barya lang ang laman nito, na hindi makakapawi ng uhaw at gutom ko.Naupo ako sa gilid at pinagmasdan ang mga taong kumakain hanggang madako ang paningin ko sa televisiong nakabukas sa kainan.Bumaling ako at nilibang lang ang sarili upang mapawi ang nararamdaman
Habang nilalakad namin ang kahabaan ng kalye ng pamilihan ay wala ‘man lang sa akin nagpapaalala ng lahat, ni hindi ‘man sumasagi sa isip ko ang panunumbalik ng alalaalang nawawala sa pagkatao ko, hawak niya ang mga kamay ko ng mahigpit ngunit ang init niyon ay hindi ‘man lang pumapawi sa nalulumbay kong damdamin. Tumigil kami sa isang kainang nakatayo sa gilid. Pamilyar ngunit hindi ko mawari at matukoy, dumampot siya ng stick at nagsimulang tumusok tusok, nakamasid lang ako sa kanya na parang batang maghihintay na abutan ng makakain.Sa mga daliri ko ay inipit ang makitid at maliiit na stick.“Fishball baka magustuhan mo!” Sambit pa niya sa akin, sabay inilapat ko sa akin labi at kagatan ng maliit. Sa pagnguya ko ay ang biglaang kong pagkahilo na ikinabahala niya.Sapo ko ang noo ko, sa hindi ko malamang dahilan ay may isang mukha ng lalaki ang rumehistro sa isip ko, hindi ko maaninawan ang kanyang mukha, at pilit na inaalala, ng mabaling ako kay Carlo ay nabatid ko na hindi siya
Hindi ko pa rin mahanap ang sagot sa tanong ko sa sarili, kung sino ba ako, kahit pa parang batid ko na ilang panahon na ang lumilipas ay hindi wala pa rin akong maalala. Minsan parang nasasanay ang sarili ko sa payak na mundong ginagalawan ko, parang may payapa sa pakiramdam ngunit may mga tanong sa isipan. kaya naisip kong magpalakad lakad sa bakuran, mayayabong ang puno tila liblib at malayo sa kabihasnan ang kinaroroonan namin. Sa mga huni ng ibon, lagaslas ng tubig ang siyang nagsisilbing musika sa labas ng tahanan na iyon. Sa paglilibot ko sa paligid ay nakita ko si Carlo na may kasamang babae, wala akong naramdaman na selos o anupaman, sa itsura ng babae ay tila hindi rin naman siya ordinaryo, at halatang hindi taga rito, sa pag-uusisa ko ay marahan akong lumakad gamit ang tungkod na kahoy na siyang nagsisilbing gabay ko sa paghakbang, pa ika ika ko pa rin nailalakad ang mga paa kong may nanatili pa rin na may sugat, seryoso ang kanilang pag-uusap at habang papalapit ako ay
Pabalik na muli kami ng San Miguel at naisipan namin at napag-usapan na rito na lang namin ganapin ang pagdiriwang ng pasko, maganda na rin iyon para makawala na rin sa landas ni Kheanna na sa pagkakaalam ko ay naiwan siya sa China. Pasado alas- tres ng hapon ng lumapag sa airport ang eroplano, maraming bodyguard niya ang sumalubong sa amin at ilang mejia. Sumakay kaagad kami sa magara niyang Van at binaybay ang daan papuntang Townhouse. Naisipan kong paglutuan siya ng dinner para mamaya dahil umalis rin siya kaagad pagkarating namin. Sinamahan ako ng ilang katulong at bodyguard habang naiwan naman sa baby sitter niya si Earen, at hindi ko na sinama pa. Pansin ko na maluwag ang kalsada na parang naubos ang mga sasakyan sa kalsada ng San Miguel, marahil ay marami ang umuwi sa kani-kanilang lugar upang makasama ang kanilang pamilya, iyon rin ang balak namin ni Earniel kapag natapos niya ang ilang trabaho sa opisina. May napansin si Melody na panay ang buntot sa sasakyan
Biglang nagbago ang ekspresyon ang mukha ni Kheanna na hindi ko maintindihan bakit biglang nagkaganoon.“Ano pera lang ang gusto mo kay Earniel?” Biglang nagbago rin ang tibre ng kanyang boses, wala namang ibang tao sa pasilyo ng banyo sa pagkakaalam ko, ngunit ang lakas ng kanyang boses na parang gusto niyang iparinig sa ibang tao, kung sakaling may mapadaan.“Anong sinasabi mo?” Kunot noo kong sabi. Bigla siyang naglakad lagpas sa akin sa likod ko ang tungo niya kaya napalingon ako, hanggang makita ko si Earniel na nakatayo, ang mga mata niya ay blangkong nakatingin sa akin, habang si Kheanna ay sumakbit ang kamay sa braso ni Earniel.“Lumabas na sa kanya na pera lang talaga ang gusto niya sa’yo!” ayokong intindihin ang sinasabi ni Kheanna dahil nakafocus ang mata ko kay Earniel.“Naniniwala ka ba sa kanya?” Kinakabahan ako at natatakot isipin ang mangyayari.Ngunit nanatiling tahimik si Earniel, hindi ko mahulaan ang tinatakbo ng isip niya ngayon.Maya- maya’y inalis niya ang
Hindi ko inaasahan na biglaan ang pag-alis namin papuntang china, hindi na ako tumutol dahil kagustuhan ko naman makasama siya. Ngunit hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating roon sino ang naghihintay sa amin.Pasado alas dose ng hapon ng makarating kami, malamig lamig pa ang paligid, katulad noon ay nangangapa na naman ako.May sumalubong sa amin, mga chino, base sasalita nila, nasa likod lang ako habang buhat si Earen at pinapakinggan lang ang kanilang pag-uusap kahit wala naman ako naiintindihan. Sa dati parin kami dumaretso, wala naman nagbago, sa bahay niya rito kahit matagal hindi kami nakabalik rito.Hindi ko inaasahan na may ibang mga tao roon, halos mapuno ng tao ang tahanan. Dumaretso kami kaagad sa loob ng kwarto.“Dito ba gaganapin ang reunion?” “Hindi! Dumalaw lang sila para makita si Earen.” Napatango nalang ako, masaya ako dahil nirerecognize nila si Earen bilang anak ni Earniel.Nagpahinga muna kami ni Earen, habang si Earniel ay nanatili sa sala kausap ang mga
Maagang umalis papuntang opisina si Earniel, naalimpungatan ako na wala na siya. Napag – isipan ko na mamili kami sa mall, kasama sila Melody at Personal bodyguard namin ni Earen na tinalaga ni Earniel para sa amin.Sa pag-iikot ko ay sumagi sa isip ko s Kheanna. Hindi ko alam bakit ko naisipan puntahan ang labas ng hospital kung saan nakaadmit siya, iniwan ko muna si Earen sa kanyang baby sitter.sa labas pa lang ay maraming tao na, mabuti na lang at hindi nila napansin ang pagdating ko, sinamahan ako ni Melody sa loob, hindi na ako dumaan sa Information dahil alam ko na ang sa alam ko na, kung saan siya naroroon. Sa isang pribadong kwarto ako tumigil, mabuti na lang at wala ganong dumaraan sa pasilyo kaya may oras pa ako pag-isipan kung magpapakita pa ba ako sa kanya o mananatili lang nakatayo sa labas ng pinto.“Sigurado bang dito ang kwarto niya?”“Yes Ma’am!” Sambit ni Melody at hinawakan ang doorknob at handa ng buksan ang pinto.“Antayin mo na lang ako rito!” Tumango lang si M
Lalong naging magulo ang lahat ng naging usap usapan mga pangyayari lalong lalo na ang panganganak ni Kheanna at ang hindi pagsipot ni Earniel sa ospital, para bantayan ito, maraming pinupukol sa kanya tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.Ngunit maninindigan si Earniel sa harap ng mga board member at shareholders na wala siyang kinalaman sa bata. Gusto ‘man niyang ipagsigawan sa media ay ayaw niyang ipaalam pa, nag- alaala pa rin siya sa bata na maiipit sa lahat, kaya minabuti niyang pagmeetingan na lang ang lahat.Naroon ako sa gilid at nakatayo, nakikinig habang patuloy ang pagbatikos nila kay Earniel maging si Don Enricko ay inaalala pa ang reputasyon ng pamilya at ng kumpanya kesa kay Earniel na hindi niya alam ay nahihirapan rin ng mga oras na iyon. Gusto pa rin ni Don Enricko na makipagkasundo si Earniel pamilya Zarragoza kesa makipaglaban sa mga ito.Nang makaalis ang mga member at maiwan sa opisina kami ni Earniel gayundin si Don Enricko na nanatili sa loob at kin
Nakatulog kaagad si Earen matapos niyang malaro at mahile, iniwan ko na rin muna sila bago ako lumabas at buksan ang salaming pinto ng veranda ng condominium, matama akong nakatitig sa paligid, pinagmamasdan ang nag-iilawang liwanag na nagmumula sa ilang building na parang Christmas light, wala rin namang duda dahil december na. Mga ganitong oras at panahon sa baryo namin ay ramdam na ang saya, pakikinig ng caroling ng mga bata at mga pangilanngilan palabas sa maliit na stage ng baryo, ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam, parang ang pasko ay hindi na kasing saya ng ngayon! Na parang habang tumatagal ay nakakalungkot.Napahalumbaba ako at pinakatitigan pa ang paligid, ng maramdaman ko ang pagtabi at paghaplos sa buhok ko ni Earniel, napalingon kaagad ako sa kanya.“Nagsisisi ka bang bumalik rito?” Biglang tanong niya ng ibaling ko muli ang paningin sa labas.“Hindi syempre kasi kasama kita ehh, pero-!” Pinutol ko ang pagsasalita ng masagi sa isip ko si Kheanna, paano nga ba matatapo