Sumilip muna ako, hindi na baling mahuli, huwag ko lang makasabay si Calvin, kanina ko pa siya nasisilip sa labas, magmula ng sabihin niya sa akin ang sekreto niya ay ayaw na niyang humiwalay sa akin. Nang ganap na hindi ko na siya natanaw sa gate ay lumabas na ako, marahil ay nakaalis na siya, at sinundo ng driver niya. Dumaan muna ako kay Earniel at hinalikan siya sa pisngi, binubulong ko palagi na sana ay magising na siya, natatakot na rin ako na baka ako ang maging dahilan ng kumpanyang pinagpaguran niyang palaguin ng maraming taon, kahit pa sinasabi ni Calvin na ninakaw niya lang iyon sa kanyang kapatid na si Earlio. Pagkatapos ay lumabas na ako, sinalubong din ako ni Jerome, “Nakaalis na ba si Calvin?” “Kanina pa kayo Ma’am hinihintay sa sasakyan!” napataas ang kilay ko, inakala ko na wala na siya at malalaman ko ay hinihintay niya ako sa kotse, “Next time si Melody na lang ang gusto kong makasama, tutal dati mong amo siya, sa kanya kana lang sumunod!” Sabay balagbag kong
Inakala kong dinner ng company ang sasalubong sa akin ng gabing iyon lahat ay bihis na bihis at parang inaantay ang pagdating ko, sa mabibilog na lamesa na may mga kurtinang pula at mga palamuti na naayon sa kanilang tradisyon ay alam ko ng may okasyon.Hinagilap ng mata ko ang maaring makausap pero sa rami ng tao ay hindi ko maabala ang sarili sa paghahanap.Lumapit sa akin ang ina ni Calvin at may kung anong sinabit sa leeg ko, saka tangan tangan niya akong inupo sa harapan, katabi si Calvin sa kaliwa habang solo namin ang lamesa na may iba’t ibang regalong nakalapag sa ibabaw. Napapatanong ang isip ko ano ba ang nangyayari? Bakit parang nagsasaya ang lahat. May tunog pa ng fireworks sa labas.Sabay sumigaw ng pasasalamat ang M.C para sa pagpunta sa engagement party na ito, hindi na nila narinig ang pag-alma ko dahil sa lakas ng tugtog at masigabong nilang palakpakan, napatingin ako kay Calvin malaki ang ngiti niya sa pisngi.Hindi ko masiksik sa utak ko ang engagement na sinasabi,
Halos nailuha ko na lahat wala na akong mapiga sa mga mata ko, sa matarik na bundok ako tumayo, umaasang pagkatapos nito ay mawala na ang mabigat kong pasanin, wala na akong mukhang ihaharap kay Earniel kundi kahihiyan, kaya nga mas mabuti nalang na mawala ako at makahanap siya ng karapat dapat na babae para sa kanya.At habang iniisip ko iyon ay naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga, nagpprotesta ang puso ko at at sinasabi na hindi ko pa rin kayang pakawalan siya.Ayoko siyang iwan dahil nangako ako sa kanya ng sasamahan ko siya hanggang dulo. Pero wala na akong mukhang ihaharap sa kanya, walang kapatawaran ang ginawa ko, sinaktan ko ang damdamin niya, kahit hindi ko pa makita ang itsura niya ngayon.Maniwala ‘man siya o hindi ay natuloy ang dapat ay mangyayari, ngunit ano nga bang pinagkaiba, nalawayan na ng ibang lalaki ang dapat ay sa asawa ko lang.Umiyak muli ako, gusto kong ubusin ang lahat ng luha ko, ng sa kabilang buhay ay makita ko ang sarili na nakangiti naman.Pu
Nag-aagaw ang liwanag at dilim ng hindi maalis ang mata ko sa maalong dagat, tila nililipad niya ang isip ko kagaya sa saranggolang lumilipas sa himpapawid na pinaglalruan ng mga bata, gusto kong kalimutan ang lahat at bumuo ng bagong buhay kahit mag-isa.Nilakad ko ang dalampasigan, habang nakatanaw sa araw, umaasang pagkalubog ng araw ay sasama ang lahat ng hinagpis at sakit na naipon sa puso ko at sa pagsikat nito bukas ay hinihiling ko na sana ay mga positibong bagay na ang mangyari.Bumaling ako sa likuran na parang may tumatawag sakin.Si Katherine na kumakaway sa akin, hindi naman siya mahirap kasama, para siyang ate na nakaalalay sa kanyang nakakabatang kapatid, mabait at maasikaso ngunit hindi ko maitatanggi na parehas kaming natali sa pamilya Lao.Naglakad ako palapit sa kanya, niyaya niya akong tumulong sa bahay ng mga Evangelista at sa paglalagay ng dekorasyon para sa nalalapit na pista. Ang mayamang pamilya ng Evangelista ang siyang pangunahing sponsor kada taon kapag n
Bakit hindi siya galit? Iyon ang tanong ko sa isipan ko habang nakahiga ako sa ibang panig ng papag, pero bago pa ako makarating rito ay kitang kita ng dalawang mata ko na naroon siya, nakatingin at pinapanood ang maselang eksena namin ni Calvin, bumaling ako sa kanya sa pag-aakalang sa kabilang gilid din ito nakaharap, at tulog na, ngunit hindi ko inaasahan na nakaharap siya sa akin at nakatitig sa akin.Nahihiwagahan ako sa kinikilos niya, na havang tinititigan ko siya ay ibng katauhan ang nakikita ko sa kanya.“ikaw ba talaga si Earniel?” usisa ko sa kanya. Nag-aalinlangan ako, dahil natatakot akong malilinlang muli ng taong nasa harapan ko, paano kung si Earlio siya at nagpalit lang ng anyo, kagaya ng ginawa nito bilang si Calvin at paano kung ngayon ay baka si Earniel naman siya, natakot akong baka gayahin na niya ang mukha nito, dahil minsan na niyang ginustong maging si Earniel.“Bakit? Ehh! Ikaw? Ikaw ba talaga si Doreena?”Napabangon ako, bakit binabalik niya ang tanong sa
Tapos na ang pista pero nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon aynanatili pa rin si Earniel sa bayan ng San Jose at parang walang balak na umuwi ng San Agustin, madalas siyang nasa bahay ni Kath naglalagi, at doon ko rin siya nakitang nakasuot lang ng simpleng long sleeves, lumang maong at salakot sa ulo pananggalang sa matinding init kapag nagpupunta kami sa palayan at taniman ng mais.Malayong malayo ang itsura niya sa Earniel na laging pustura, laging nakacoat and tie at ang sapatos na hindi natatanggalan ng kintab, nagkakamay na rin siya kung kumain, at naliligo na rin siya ng malamig, na kapag may pagkakataon ay sinusulyapan ko siya sa tinagpi tagping dahon ng anahaw.Kung bakit narito siya ay hindi ko alam, hindi pa kami nag-uusap ng masinsinan buhat ng magdiwang kami ng pista sa yate. Kakatapos lang namin maghugas ng plato na pinagtulungan pa namin na ubusin, at kasalukuyan namamahinga at nakaupo sa bangko.“Hindi ka ba hinahanap sa kumpanya mo?” Usisa ko ng masulyapan ko ha
Nang sabihin sakin ni Earniel na gusto niya ipaalam ang pagbubuntis ko ay takot kaagad ang naramdaman ko, kaya ko nga ba harapin ang mga taong ng husga, kaya ba nila ako patawarin sakabila ng lahat ng nangyari? O kaya ba nila ako makita na kasama muli si Earniel.Ngayon ay nakatayo muli ako sa meeting hall kaharap ang mga tao minsan naging alaala ng bangungot ko. katulad ng inaasahan ay pare-parehas ang ekspresyon nila, lahat sila ay hindi masaya sa pagbabalik ko.Na habang tinitignan nila ako ay punong puno ng kaba ang dibdib ko, ang hawak ni Earniel ang palad ko ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para manatiling nakatayo rito.“Sigurado ka ba?” Pabulong kong sabi sa kanya. Ayokong magpadalos dalos siya, kung maari nga lang ay gusto ko sana na hindi na ito malaman pa ng lahat. Dahil ayokong dumating sa Punto na madamay ang anak namin sa magulong Mundo na ito.“Oo naman! Ano bang inaalala mo? Sila ba? Huwag mo na sila intindihin!” nang marinig ko iyon ay napawi ng bahagya an
Nagising ako sa sama ng pakiramdam, parang ang tiyan ko ay walang tigil sa pagkulo, panay hilab at gutom na gutom, pero tinatamad naman akong bumaba at magluto ng pwedeng kainin. Napabaling ako kay Earniel, mukhang malalim na ang kanyang pagkakatulog, ngunit parang kusang gumalaw ang kamay ko at ginising siya.Nagmulat ang mata niya, na kahit pupungay pungay ay bumangon siya, nag-aalala ang kanyang reaksyon.“B-bakit anong nangyari?”“Gusto kong kumain, ng leche plan!” “Leche plan?” Kinuha niya ang phone niya at may tinignan, sabay bumaling muli sa akin ang tingin niya! — “2am pa lang Hon, mukhang malabo tayong makabili ng ganun!” Nakaramdam agad ako ng pagkalungkot sa hindi ko alam na kadahilanan. Kaya nabakas ko kaagad ang pagkataranta niya, agad siyang bumangon at kinuha ang susi.“Saan ka pupunta, sasama ako!” tayo at lapit ko.“Teka madaling araw na hindi kana pwedeng lumabas!” hawak niya sa braso ko at pinaupo ako sa kama.“Bakit naniniwala ka ba a aswang at multo?” Usisa ko, d
Gulat na gulat si Earniel habang nakatitig sa skin. Hindi yata niya inaasahan na naghihintay ako sa kanya, Tinanggal niya ang coat niya at isinabit sa gilid, sinunod niyang buksan ang polo niya at ilislis naman ang laylayan ng kanyang manggasNakamasid lang ako sa kanyang hanggang sa pansinin niya ako, ibinaba niya ang kanyang phone sa lamesang nasa gitna ng mga sofa at roon ay naupo siya.Lumapit ako at naupo rin sa tabi niya.“Okay ka lang ba?” Biglang tanong niya na dapat ay tanong ko. Iniisip ko tuloy hindi ba ako okay kaya ganun ang tanong niya sa akin.“Oo naman, nainip na nga ko rito sa kwarto!” “Aayain sana kita lumabas kaso kakalabas mo lang ng hospital.”“Tara!” aya ko sa kanya gusto ko rin siya makausap ng masinsinan at maliwanagan sa natuklasan ko kanina.“Tara?” Nagtatanong niyang sabi, sumang-ayon, ng sagayon ay kumilos siya, dinampot niya muli ang phone niya at susi, hindi na rin siya nagpalit ng damit, saka kami lumabas ng kwarto.Pawang tulog na ang lahat at kami na
Nagising ako na tila ba ang ingay ng sobrang lamig at ginawin ako. minulat ko ang paningin ko, maraming taong nakapaligid sa akin. Lahat sila ay nakatungo at nakatitig sa akin.Dagli akong bumangon, wala naman masakit sa akin, bukod lang sa hinihigop ako ng antok. Lumapit kaagad si Earniel alalay ang likod ko sa pagbangon.“Ano bang nangyari bakit ba tayo narito?” usisa ko ng mapansin na nasa ospital kami.“Nakita kitang nakahandusay, sobra akong nag-alala kaya dinala rito para makasigurado.” “Umuwi na tayo wala kapa pahinga!” Pilit kong alis sa kama. Nakakahiyang naabala ko pa ang oras na sana ay pahinga na niya, at bukas ay may trabaho pa siya.“Huwag mo ako intindihin! Sandali lang at aalamin ko ang sitwasyon mo!” tumayo siya at tinungo ang labas, umalis naman sila Mamay at Papay ng magising ako na sabi nila ay bibilhan ako ng makakain.Kaya naging tahimik ang kwarto mag-isa at nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, hindi ko mawari kung dapat na ba bumalik na ang alaala ko. Ma
Matapos kong marinig sa Ina ni Earniel ng masasakit na salita, nagpasya muna ako maglakad lakad sa garden hanggang madaanan ko ang bar ni Earniel na malapit lang naman sa pool area.Bumukas ang pinto hudyat na hindi ito nilolock, kahit pa umaalis siya, hindi ko kilala ang alak pero namili pa rin ako kung ano ang pinakamatapang, okay lang kahit hindi na masarap.Kumuha ako nb chaser at nagsalin ng paunti unti. Nakita ko rin ang retro music player ni Earniel at nagpatugtog kung ano man ang naroon.Mag-isa ako at pinagmamasdan ang nangangalahati na rin na alak, hindi ko na alam kung anong oras na, at gaano na ako katagal umiinom rito.Narinig ko lang na bumukas ang pinto hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung sino, dire- direstso lang ako sa paglagok.Umingit ang upuan, alam kong may tumabi at sabay kumuha rin siya ng chaser at nagsalin ng bahagya sa baso niya, saka lang ako tumingin ng lumagok na siya.Si Earniel na mukhang kararating lang galing trabaho, tumitig rin siya sa akin.“Bak
“Ayaw mo na bang bumalik sa dati?” Unti-unti siyang lumapit at halos dumikit ang kanyang mukha sa akin, halos parang takuri ang pisngi ko sa init, hindi ko alam kung kikiligin ako o madidiri, hanggang hawakan niya ang mga kamay ko, at nilapit sa dibdib niya, at maramdaman ko ang tibok ng puso niya, na pabilis ng pabilis – “Doreena! Kasi kahit ayaw mo ipipilit ko pa rin!” nangungusap ang mga mata niyang singkit, tila kinukuha ang loob ko.Wala rin ako nagawa kundi ang matameme na lang, hanggang bumukas ang pinto ng opisina niya, pinapatawag na siya sa meeting niya, marahan niyang binitawan ang kamay ko saka niya tinungo ang pintuan, doon lang din ako nakahinga, na parang kanina ay pigil na pigil ko, hindi ko alam kung bakit sa kilig ba o sa inis.“Salamat at umalis na rin siya!” Bulong ko sa sarili at pabagsak ako na naupo sa sofa, ng muling bumukas at bumungad ang ulo niya.“Antayin mo ako, huwag kang aalis!” pagkatapos niyang sabihin iyon, ay isinarado na niya muli ang pinto, at maiw
Tumikhim siya bago siya kumuha ng damit sa tokador.“Ano ayos lang ba sa’yo? – Hhmm! Sa totoo lang ay hindi pa rin ako naniniwala na asawa kita!” Napansin ko ang pagtigil niya ng panandalian saka muling inayos ang tokador na nabuksan.“Ikaw ang bahala kung maniniwala ka o hindi!” sambit niya bago siya umalis sa harapan ko, pansin ko ang biglang pagbabago ng kanyang mukha na naging seryoso.Ngunit dapat nga ba ako na mangamba? O mag-alala ‘man lang? O ipagsasawalang kibo ko na lang. Pagkatapos niyang magshower ay dumaretso lang siya papuntang pinto, hindi ‘man lang pumihit ang kanyang ulo para tignan ako, nakaramdam ako ng kunsensiya marahil ay hindi ko iniisip ang mga sinabi ko, pero masisisi niya ba ako kung wala ako maalala.Naghintay akong bumalik siya ng kwarto sa tinutulugan namin kagabi, ngunit sa tinagal tagal at nilalim ng gabi ay wala pa rin siya, iniisip ko na baka sa iba na siya natulog o baka naman nagalit talaga siya sa akin, hindi ko naman talagang pinupunto na gusto ko
89Nagising ako na nakabihis na si Earniel, kagaya ng una ko siyang nakita sa telebisyon, ang formal, halos ibang iba sa kahapon na kasama ko siya, sadyang kahanga hanga at kagalang galang.“Saan ka pupunta?” Habang nakatitig sa kanya na palakad lakad sa loob ng silid na iyon.“Sorry nagising kita!”“Hindi, talagang gising na ako kanina pa, pero ang suot mo hindi pangkaraniwan nakikita sa mga nakakasalamuha ko!” Turo ko pa sa suot niya.“Ito ba, karaniwan suot ko pag nasa trabaho, kapag hindi na ako busy ay isasama kita!”“T-talaga?” kahit wala naman ako ideya sa place niya ay nakaramdam ako ng galak. Hanggang sa lumabas na siya, nag-ayis na rin saka lumabas, sa bintana ko na lang siya natanaw na pasakay na ng magara niyang sasakyan.“Tara kain na Ma’am!” bungad sa akin ng may edad na babae.“Ma’am? Bakit mo ako tinatawag ng ganun?”“Ma’am ako si Servana, mayordona ni Mr. Lao!” Napatango na lang ako ng malaman ko ang katayuan niya, saka niya ako sinama sa hapag, pansin ko ang katahimi
88.“Aalagaan kita! Hanggang sa unti-unting bumalik ang alaala mo!” mga katagang naririnig ko habang nakapikit ako, kahit alam Kong hindi ko siya kilalang lubos.Panandalian akong mag-isa Ng umalis Siya, ang Sabi Niya ay may daraanan lang Siya at babalik muli Kasama Ng isang sopresa.Nanatili Lang ako sa pagkakahiga Hanggang sa bumukas ang pinto bumungad sa akin ang tatlong Bata, isang lalaki at babaing may edad at si Earniel na may kalong na paslit. Lahat sila ay namumula at namumugto ang mga matang nakatitig sakin.“Ate!” Takbo sa akin ng tatlong batang nagsisipag-iyakan na. Napaupo na Lang ako at iniisip kung sino ba sila? – “Ate! Mabuti at buhay ka, namiss ka namin!” dugtong na mga iyak Ng Bata sa akin.Gusto Kong ibuka ang bibig ko ngunit ano ba ang dapat Kong Sabihin sa kanila. Wala akong maalala, hindi ko alam kung sino ba sila at kung kaano ano rin, ang tanging nagawa ko lang ay yakapin rin sila pabalik kagaya ng pagyakap nila sa akin.“Mga Kapatid mo sila, si Elias, Paula at
Ginising agad ako ni Christian sa hindi malamang dahilan, pansin ko ang pagliligpit niya.“Aalis ba tayo” Usisa ko sa kanya.“Basta! Umayos kana!” irita niyang sagot. Sabay nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa, kahit hindi ko maintindihan ang nangyayari, ay sumunod na lang ako sa kanya. Wala naman akong aayusin kundi sarili ko lang naman. Wala Naman ako gamit gaano atang iba ay parang napaglumaan pa. – “May naghihintay sa atin na pick-up sa baba!” Dugtong pa niya.Lumabas na kami, at pinaikutan niya ng makapal na kadena ang yerong pinto, sabay nag-umpisa siyang maglakad, sumunod lang ako at tahimik na nakatanaw, naguguluhan sa biglaan naming paglisan sa lugar.Matapos ang mahigit dalawang oras na paglalakad ay narating namin ang bukana papuntang ibaba ng bundok, kahit hindi pa ganap na nakakarating roon ay natanaw ko na ang pick up na sinasabi niya, may mga taong naghihintay rin, at sumalubong samin.Bahagya silang sumulyap sa akin at bumalik muli ang paningin kay Christian,“Tara!” ay
Hindi napakali ang mga paa ko ng makaalis si Carlo ng umagang iyon, hindi mapakali naparang gusto kong umalis na hindi ko maintindihan, ngunit natitiyak ko na magagalit si Carlo kapag nalaman niya ang balak ko at isa pa ay binalaan na rin niya ako na huwag ng baba ng bundok, ngunit hindi ko mapigil ang sarili na umalis at pumunta sa ibaba, gusto ko lang mapawi ang pagkabagot ko lalo pa at mag-isa ako.Hanggang mabuo ko ang desisyon ang magpunta at mamasyal sa ibaba ng bundok.Kahit malayo at nakakapagod at tiniis ko, kahit pa abutan ako ng mataas na sikat ng araw, at makaramdam na din ng gutom, lalo pa ng mapabaling baling ang tingin ko sa mga nakahilerang kainan, kinapa ko ang loob ng bulsa ng paldang suot ko ngunit iisang barya lang ang laman nito, na hindi makakapawi ng uhaw at gutom ko.Naupo ako sa gilid at pinagmasdan ang mga taong kumakain hanggang madako ang paningin ko sa televisiong nakabukas sa kainan.Bumaling ako at nilibang lang ang sarili upang mapawi ang nararamdaman