Hindi na ako nasagot ni Earniel, nang tumunog ang phone niya, nagbago rin ang ekspresyon niya at saka siya tumayo sa kama, mahina ang boses niya papalabas ng kwarto, nakaramdam ako ng kakaiba at iniisip kung ano ang dahilan.Bumalik siya sa kwarto, at agad nagtungo sa banyo, tumayo lang din ako para ayusin ang gamit niya at mga susuotin.Nang matapos siya maligo ay agaran din ang kanyang pagbibihis, halos para siyang lilipad, halik sa noo ko ang huli niyang ginawa bago niya ako iniwan sa kwarto.Bumalik ako sa pagkakahiga ngunit, hindi mapakali ang isip ko, nararamdaman kong may problema.Bumaba ako, at sa kusina nagtungo, balak ko lutuan ng pananghalian si Earniel, ng sagayon ay may dahilan ako para pumunta ng opisina niya.Pasado alas-onse ng matapos ako, agad akong pumara ng taxi at tinungo ang mataas na building ng Lao Empire na kahit saang dako ng San Miguel mapunta ay kitang kita ito.Pumara ako at bumaba sa bukana, tila tahimik ang building ng makapasok ako, si Mia na ang unang
Last Updated : 2024-11-05 Read more