Hindi pa ‘man natatapos ang pagkain namin ay siya namang pagdating ni Denver na humahangos ng mabuksan agad ang pinto bumati siya sa amin saka siya lumapit kay Earniel at may binubulong.“Kailangan mo ng umalis!” Bulalas niya, sa hindi ko malaman dahilan ay ang parang pinagmamadali niya ako.“May problema ba?” Usisa ko sa kanilang dalawa.“Basta kailangan mo ng uwuwi, wag ka ng magtanong.” Galit na naman ang boses niya kaya nanahimik ako at tumayo, naglakad ako at mabilis na lumabas, ramdam ko ang paghabol ni Earniel at nahawakan kaagad ang kamay ko bago ko pa mapasok ang pinto ng elevator.“Sorry! May emergency lang!” Tigil niya sa harapan ko, at sinusundan ang tingin ko.Bumukas ang pinto ng elevator, napakarami ang lulan noon, lahat sila ay iisa ang ekspresyon at lahat din sila ay parang nakatitig sa akin.“kapal din ng mukha mo na magpakita pa rito, hindi mo pa ba tapos huthutan si Earniel?” Bungad agad sa akin ng babae ng makalabas sila ng elevator.“Bakit mo pa yan pinabalik rit
Mahal na mahal ko siya habang magkayakap kami sa kama ng makauwi, not sex can define our love to each other. Kundi love at appreciation niya, na hindi siya nagkaroon ng trust issue sakin samantalang ako ay laging tinatanong kung kaya ba niyang gawin iyon. Kaya ba niya ako lokohin at ipagpalit sa iba kagaya ng iba lalaki, sapalagay ko ay hindi.Mahaba na ang tulog ni Earniel ngunit ako ay hindi pa rin madalaw, pirmi lang akong nakatitig sa mukha niya na kahit araw araw naman kami magkasama ay hindi ko ‘man lang pinagsasawaan. Even his in 40’s ay nanatili pa rin ang mukha niya sa 30’s maliban na nga lang kapag nagsusungit siya ay talagang lalabas ang gatla niya.Nang magsawa akong titigan siya at niyakap ko naman siya, his body is skinny and hard, pero kapag nakahubad siya ay nagkakaroon pa rin ng bakat ng manipis na abs niya at para sa akin ay sobrang sexy niya kapag naka suit at coated. Kinapakapa ko pa ang katawan niya, pero may naughty things ang naglaro sa utak ko, habang nakatihay
Pagkagising ko pala lang ng umaga ay alam ko na kung saan ang tungo ko, bumalik muli ako sa hospital kung saan ko nakita sila Earniel at kheanna na magkasama at arugang aruga pa niya, suntok sa buwan ang pagpunta ko, hindi ko maintindihan kung ano ba ang gusto kong malaman, ngayon ay nasa harapan muli ako ng pinto, ang pintong nagdulot sa akin ng sakit sa dibdib. At mga tanong na namuo. Tumigil ako sa pinto ng VIP room 101,huminga muna ako ng malalim saka ko pinihit ng marahan ang pinto, nakita ko si Kheanna na presentable pa ang pagkakahiga. “Napasyal ka yata?” Bangon niya kaagad sa higaan. “Hindi kita pinapasyalan, gusto ko lang malaman kung buhay kapa?” “Oo naman buhay na buhay!” Napakagat pa ng labi ito na parang may gustong ipagmalaki sa akin! — “Kaya ka ba nandito para malaman kung gaano kasarap mag-alaga si Earniel? Siguro iyak ka ng iyak kagabi ng malaman mo no?” naiinis ako sa sinasabi niya, ngunit nanatili akong tahimik sa mga oras na iyon kahit gusto ko siyang saktan, n
Kanya kanya na kaming dahilan habang papalapit kami sa pintuan ng bahay, ilang dangkal lang din ng bahay nila Yohanna at Cinderella sa amin. At habang papalapit kaminay wala pa din kaming maisip, para sa biglaan kong pagdating, hanggang napagpasyahan namin na bahala na ang lahat.Sa malapad na pinto na binubuo ng kawayan at pinagtagpi taping kahoy ay kumatok ako, abot langit ang kaba ko, alam kong magtatanong sila, at maaring pangaralan pa ako kapag nalaman nila ang dahilan ng pagbabalik ko.Umawang ang pinto, si Elias ang bumulaga sa akin, agad niyang binuksan ng malaki at nagtatawag na sa mga kapatid naming tulog pa, maging sila Mamay ay Papay ay nagising din niya.Kapwa sila nakatingin sa akin ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay ang pagpatak ng luha ko ng makatitigan sila, akala ko ay maitatago ko kila Mamay at Papay ang dinaramdam ng puso ko ngunit hindi ko pala kaya.Niyakap ako ni Mamay ng biglaan at parang nag-aalong bata, roon ay lalong rumagasa ang pag-iyak ko.“Ano bang n
Ilang beses ko na sinabi sa sarili ko na hinding hindi ko siya hahanapin, o gugustuhin makita ‘man lang kahit kapirangot na magpapaalala sa akin sa kanya, pero heto ako nakaupo sa isang café sa bayan, mag-isa at tulalang nakatitig sa video niya at larawan, matama ko lang pinagmamasdan, walang bakas sa mukha niya ang alalahanin at kalungkutan na para ‘bang masaya siya at walang iniisip, bagamat wala akong balita tungkol sa kanila ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapaisip, kung ano na nga ba sila ni Kheanna? Ano bang madalas nilang gawin kapag magkasama sila? Naalalagaan niya ba ang baby nila ni Kheanna kahit pa hindi pa ito lumalabas?Napabuntong hininga ako saka ko pinatay ang P.C. isang tao ang nagreflect roon, napatayo ako at napalingon, halos ilang linggo na rin o buwan akong naririto sa bayan ng San Miguel ng huli kaming magkita, wala naman nagbago sa kanya.“B-bakit ka nandito? Paano mo naman nalaman na nandito ako?” Matabang kong tanong sa kanya saka nagsimula humakbang palabas
Hindi nakarating sila Mamay at Papay sa hospital, dahil sa malakas na ulan at pabugso bugsong hangin, kaya wala akong magawa kundi ang makasama si Calvin sa hospital, siya ang nagbibigay ng pangangailangan ko at naglalabas ng pera niya kung kailangan, kahit meron naman akong sariling pera, na sa tuwing binibigay ko ay ayaw niyang kuhain, katulad pa rin ang pag-aasikaso niya magmula ng makilala ko siya! Maalalahanin at maalaga na parang siya ang tunay na asawa ko, madalas siya rin ang tumitingin sa baby namin ni Earniel na magtatagal pa sa hospital habang ako naman ay pwede ng umuwi pero, ayokong iwan mag-isa si Earen (E’ren) ang siyang pinangalan ko sa anak namin, isang baby boy katulad ng kanyang ama ay may maliliit din siyang mata, bagamat hindi pa naman nakikita sino ang kamukha niya.Mag-isa ako sa kama habang hinihintay na bumalik si Calvin na noon ay nagpaalam sa akin na may bibilhin lang.Sa maliit na kwarto na may anim na kama at tabi tabi hindi ko maiwasan pagmasdan ang kumpl
Oras muli ng pagdalaw ko kay Earen ng may makita akong pamilyar na mukha, mula sa kinatatayuan ko ay lumapit ako kaagad gusto ko siyang umalis at ayaw ko ng makita pa, pero habang papalapit ako ay wala ‘man lang nailabas ang bibig ko, tameme lang akong nakatitig sa kanya, bagamat nakapokus ang mata niya sa sanggol na nasa incubator.“Anong ginagawa mo dito?” lakas loob kong sabi ng makalapit na ako sa kanya ng husto. Saka lang siya bumaling sa akin, at tumayo ng tuwid, walang reaction ang mukha niya, pero ramdam ko ang panlalamig na pakikitungo niya.“Bakit hindi ko ba pwedeng makita ang anak ko?” malamig din ang boses niya at parang walang kalambing lambing, tama nga ang hinala ko, wala na ako sa kanya at naiinis akong isipin na pinili niya si Kheanna kesa sa amin.“Paano mo nalaman na nanganak na ako? Baka hanapin ka ni Kheanna kapag nalaman niyang narito ka?” Lumakad ako palapit kay Earen.“Pwede bang tayo muna bago ang iba!”“Sayo pa nanggaling huh? Umalis kana!” Pilit kong taboy
Akala ko ay magiging payapa na ang mga sandali ngayon kapiling ko na siya muli, ngunit hindi pa ‘man nagtatagal ay may narinig akong ingay sa labas, ingay ng helicopter.Napabangon ako maging siya sa papag. Hindi pa kami nakakalapit ay tanaw na agad namin ang lulan sa helicopter mula sa babaing bumababa.Mataray ang kanyang mukha at kahit hirap na hirap dahil sa malaki niyang tiyan ay nagawa pa niyang magtakong ng mataas. Hindi na namin inabala na lumapit dahil siya pa lang ay madaling madali ng makalapit sa amin, na para kaming susugurin dahil magkasama kami ni Earniel.“Ano bang ginagawa mo dito!” Kay Earniel ang dako ng mata niya at inis na inis pa ang kanyang tinig.“Kailangan ko bang magpaliwanag sayo?” Maanghang din ang tono ng boses ni Earniel na nagpalaki ng kanyang mata, sabay tumingin tingin sa paligid na nakamasid sa aming tatlo.Bumalik ang tingin niya sa amin, napansin kong napalunok siya sa tinuran sa kanya ni Earniel, tila napahiya siya sa akin, maging sa mga taong naro
Pabalik na muli kami ng San Miguel at naisipan namin at napag-usapan na rito na lang namin ganapin ang pagdiriwang ng pasko, maganda na rin iyon para makawala na rin sa landas ni Kheanna na sa pagkakaalam ko ay naiwan siya sa China.Pasado alas- tres ng hapon ng lumapag sa airport ang eroplano, maraming bodyguard niya ang sumalubong sa amin at ilang mejia.Sumakay kaagad kami sa magara niyang Van at binaybay ang daan papuntang Townhouse.Naisipan kong paglutuan siya ng dinner para mamaya dahil umalis rin siya kaagad pagkarating namin.Sinamahan ako ng ilang katulong at bodyguard habang naiwan naman sa baby sitter niya si Earen, at hindi ko na sinama pa.Pansin ko na maluwag ang kalsada na parang naubos ang mga sasakyan sa kalsada ng San Miguel, marahil ay marami ang umuwi sa kani-kanilang lugar upang makasama ang kanilang pamilya, iyon rin ang balak namin ni Earniel kapag natapos niya ang ilang trabaho sa opisina.May napansin si Melody na panay ang buntot sa sasakyan namin, ayo
Biglang nagbago ang ekspresyon ang mukha ni Kheanna na hindi ko maintindihan bakit biglang nagkaganoon.“Ano pera lang ang gusto mo kay Earniel?” Biglang nagbago rin ang tibre ng kanyang boses, wala namang ibang tao sa pasilyo ng banyo sa pagkakaalam ko, ngunit ang lakas ng kanyang boses na parang gusto niyang iparinig sa ibang tao, kung sakaling may mapadaan.“Anong sinasabi mo?” Kunot noo kong sabi. Bigla siyang naglakad lagpas sa akin sa likod ko ang tungo niya kaya napalingon ako, hanggang makita ko si Earniel na nakatayo, ang mga mata niya ay blangkong nakatingin sa akin, habang si Kheanna ay sumakbit ang kamay sa braso ni Earniel.“Lumabas na sa kanya na pera lang talaga ang gusto niya sa’yo!” ayokong intindihin ang sinasabi ni Kheanna dahil nakafocus ang mata ko kay Earniel.“Naniniwala ka ba sa kanya?” Kinakabahan ako at natatakot isipin ang mangyayari.Ngunit nanatiling tahimik si Earniel, hindi ko mahulaan ang tinatakbo ng isip niya ngayon.Maya- maya’y inalis niya ang
Hindi ko inaasahan na biglaan ang pag-alis namin papuntang china, hindi na ako tumutol dahil kagustuhan ko naman makasama siya. Ngunit hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating roon sino ang naghihintay sa amin.Pasado alas dose ng hapon ng makarating kami, malamig lamig pa ang paligid, katulad noon ay nangangapa na naman ako.May sumalubong sa amin, mga chino, base sasalita nila, nasa likod lang ako habang buhat si Earen at pinapakinggan lang ang kanilang pag-uusap kahit wala naman ako naiintindihan. Sa dati parin kami dumaretso, wala naman nagbago, sa bahay niya rito kahit matagal hindi kami nakabalik rito.Hindi ko inaasahan na may ibang mga tao roon, halos mapuno ng tao ang tahanan. Dumaretso kami kaagad sa loob ng kwarto.“Dito ba gaganapin ang reunion?” “Hindi! Dumalaw lang sila para makita si Earen.” Napatango nalang ako, masaya ako dahil nirerecognize nila si Earen bilang anak ni Earniel.Nagpahinga muna kami ni Earen, habang si Earniel ay nanatili sa sala kausap ang mga
Maagang umalis papuntang opisina si Earniel, naalimpungatan ako na wala na siya. Napag – isipan ko na mamili kami sa mall, kasama sila Melody at Personal bodyguard namin ni Earen na tinalaga ni Earniel para sa amin.Sa pag-iikot ko ay sumagi sa isip ko s Kheanna. Hindi ko alam bakit ko naisipan puntahan ang labas ng hospital kung saan nakaadmit siya, iniwan ko muna si Earen sa kanyang baby sitter.sa labas pa lang ay maraming tao na, mabuti na lang at hindi nila napansin ang pagdating ko, sinamahan ako ni Melody sa loob, hindi na ako dumaan sa Information dahil alam ko na ang sa alam ko na, kung saan siya naroroon. Sa isang pribadong kwarto ako tumigil, mabuti na lang at wala ganong dumaraan sa pasilyo kaya may oras pa ako pag-isipan kung magpapakita pa ba ako sa kanya o mananatili lang nakatayo sa labas ng pinto.“Sigurado bang dito ang kwarto niya?”“Yes Ma’am!” Sambit ni Melody at hinawakan ang doorknob at handa ng buksan ang pinto.“Antayin mo na lang ako rito!” Tumango lang si M
Lalong naging magulo ang lahat ng naging usap usapan mga pangyayari lalong lalo na ang panganganak ni Kheanna at ang hindi pagsipot ni Earniel sa ospital, para bantayan ito, maraming pinupukol sa kanya tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.Ngunit maninindigan si Earniel sa harap ng mga board member at shareholders na wala siyang kinalaman sa bata. Gusto ‘man niyang ipagsigawan sa media ay ayaw niyang ipaalam pa, nag- alaala pa rin siya sa bata na maiipit sa lahat, kaya minabuti niyang pagmeetingan na lang ang lahat.Naroon ako sa gilid at nakatayo, nakikinig habang patuloy ang pagbatikos nila kay Earniel maging si Don Enricko ay inaalala pa ang reputasyon ng pamilya at ng kumpanya kesa kay Earniel na hindi niya alam ay nahihirapan rin ng mga oras na iyon. Gusto pa rin ni Don Enricko na makipagkasundo si Earniel pamilya Zarragoza kesa makipaglaban sa mga ito.Nang makaalis ang mga member at maiwan sa opisina kami ni Earniel gayundin si Don Enricko na nanatili sa loob at kin
Nakatulog kaagad si Earen matapos niyang malaro at mahile, iniwan ko na rin muna sila bago ako lumabas at buksan ang salaming pinto ng veranda ng condominium, matama akong nakatitig sa paligid, pinagmamasdan ang nag-iilawang liwanag na nagmumula sa ilang building na parang Christmas light, wala rin namang duda dahil december na. Mga ganitong oras at panahon sa baryo namin ay ramdam na ang saya, pakikinig ng caroling ng mga bata at mga pangilanngilan palabas sa maliit na stage ng baryo, ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam, parang ang pasko ay hindi na kasing saya ng ngayon! Na parang habang tumatagal ay nakakalungkot.Napahalumbaba ako at pinakatitigan pa ang paligid, ng maramdaman ko ang pagtabi at paghaplos sa buhok ko ni Earniel, napalingon kaagad ako sa kanya.“Nagsisisi ka bang bumalik rito?” Biglang tanong niya ng ibaling ko muli ang paningin sa labas.“Hindi syempre kasi kasama kita ehh, pero-!” Pinutol ko ang pagsasalita ng masagi sa isip ko si Kheanna, paano nga ba matatapo
Halos ilang buwan na rin magmula ng umalis si Earniel. At ngayon ay kasama ko na si Earen sa bahay, wala akong makuhang balita sa kanya, bukod sa mahina ang signal ay nasa ibang bansa siya ngayon! Hindi ko na rin ano ang ginagawa niya, namimiss ko na rin siya, at sapalagay ko ay namimiss na rin niya si Earen. Pero hindi ko alam kelan kami muling magkikita. Kaya napagdesisyonan ko rin na sa pagbabalik niya sa bansa ay ang pagbabalik ko rin sa San Miguel. Kahit pa sinabi ko sa sarili ko na mananatili lang kami ni Earen rito, ngunit mahirap din pala magpanggap na okay lang ang lahat. Na akala ko ay ganun kabilis ang magdesisyon. Ngunit papano ko nga ba malalaman iyon, kung kailangan ko pang pumunta ng bayan upang malaman ang tungkol sa kanya, at iyon ang nakakalungkot na pangyayari. Hanggang isang umaga ay nabulalabog ako ng tawag ng dalawa sa akin, mayroon raw silang balita tungkol kay Earniel kaya dagli akong napabangon at pinuntahan sila, sa labas ng bahay. “Talaga bang babalik na
Nang muli kaming mapunta sa bayan ay ang biglaang pagtunog ng kanyang phone, hudyat na may tumawag sa kanya, ilang araw pa lang siya pero mukhang aalis na siya, alam ko naman at tanggap ko rin naman na hindi niya maaring pabayaan ang negosyo ng pamilya niya kaya kahit pa labag sa loob ko na umalis siya ay kailangan kong tanggapin at intindihin kahit wala pa siyang sinasabi. At busy pa sa kanyang phone.Nang matapos ang tawag ay bumaik siya sa tabi ko, nagbago na rin ang ekspresyon niya kaya alam ko na kaagad, kung ano ang ibig sabihin.“Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa! Naiintintindihan ko naman!” Pilit kong hindi maging malungkot ang tono ng boses ko! Dahil ayokong mag-alalala siya. Napabuntong hininga pa siya kaya tinapik ko siya sa likuran niya.“Sorry Hon, may nangyari lang talaga pero babalik ako huh!” Sabay halik niya sa noo ko! Dala ang agam agam ang biglaan niyang pag-alis na gusto pa sana niya magtagal at magbakasyon rito.Naglakad kami muli papuntang hospital, bukas
Napagpasyahan muna namin na maglibot libot sa palengke ng bayan, katulad pa rin ng dati ang nakagawi kong tignan, mga simpleng damit na may makukulay na disenyo, naisipan kong bilhan siya ng simpleng damit na walang print at may kulay lang, at isa pa ay hindi rin naman kasi maiwasan na titigan siya ng marami, sa ayos at itsura niya ay namumukod tangi siya.Na parang hindi siya nababagay sa ganitong lugar. Pinapasadahan lang niya ng paningin ang mga panindang nadadaanan namin at wala siyang ideya na nabilhan ko na siya. Nagsasawa na akong makita siyang laging formal, kung hindi naman formal ay polong puti o slux na fitted sa kanya.Nakakita muli ako ng turo turo sa tabi hindi ko maiwasan magbalik tanaw at maalala ng kumain kami, kaya inaya ko siyang kumain, hindi naman siya tumanggi at nakasunod lang sa akin. Para rin siyang batang nakadikit na animo’y mawawala kapag nakalingap ka.Naupo kami sa gilid habang hawak hawak namin ang mga paper plate na kasing kitid ng bamboo na kawayan, la