Home / Romance / Love start at Contract / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Love start at Contract : Chapter 81 - Chapter 90

98 Chapters

81. Reunion

Hindi ko inaasahan na biglaan ang pag-alis namin papuntang china, hindi na ako tumutol dahil kagustuhan ko naman makasama siya. Ngunit hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating roon sino ang naghihintay sa amin.Pasado alas dose ng hapon ng makarating kami, malamig lamig pa ang paligid, katulad noon ay nangangapa na naman ako.May sumalubong sa amin, mga chino, base sasalita nila, nasa likod lang ako habang buhat si Earen at pinapakinggan lang ang kanilang pag-uusap kahit wala naman ako naiintindihan. Sa dati parin kami dumaretso, wala naman nagbago, sa bahay niya rito kahit matagal hindi kami nakabalik rito.Hindi ko inaasahan na may ibang mga tao roon, halos mapuno ng tao ang tahanan. Dumaretso kami kaagad sa loob ng kwarto.“Dito ba gaganapin ang reunion?” “Hindi! Dumalaw lang sila para makita si Earen.” Napatango nalang ako, masaya ako dahil nirerecognize nila si Earen bilang anak ni Earniel.Nagpahinga muna kami ni Earen, habang si Earniel ay nanatili sa sala kausap ang mga
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

82. Patibong

Biglang nagbago ang ekspresyon ang mukha ni Kheanna na hindi ko maintindihan bakit biglang nagkaganoon.“Ano pera lang ang gusto mo kay Earniel?” Biglang nagbago rin ang tibre ng kanyang boses, wala namang ibang tao sa pasilyo ng banyo sa pagkakaalam ko, ngunit ang lakas ng kanyang boses na parang gusto niyang iparinig sa ibang tao, kung sakaling may mapadaan.“Anong sinasabi mo?” Kunot noo kong sabi. Bigla siyang naglakad lagpas sa akin sa likod ko ang tungo niya kaya napalingon ako, hanggang makita ko si Earniel na nakatayo, ang mga mata niya ay blangkong nakatingin sa akin, habang si Kheanna ay sumakbit ang kamay sa braso ni Earniel.“Lumabas na sa kanya na pera lang talaga ang gusto niya sa’yo!” ayokong intindihin ang sinasabi ni Kheanna dahil nakafocus ang mata ko kay Earniel.“Naniniwala ka ba sa kanya?” Kinakabahan ako at natatakot isipin ang mangyayari.Ngunit nanatiling tahimik si Earniel, hindi ko mahulaan ang tinatakbo ng isip niya ngayon.Maya- maya’y inalis niya ang
last updateLast Updated : 2024-12-12
Read more

83. A Plan to Kill me!

Pabalik na muli kami ng San Miguel at naisipan namin at napag-usapan na rito na lang namin ganapin ang pagdiriwang ng pasko, maganda na rin iyon para makawala na rin sa landas ni Kheanna na sa pagkakaalam ko ay naiwan siya sa China. Pasado alas- tres ng hapon ng lumapag sa airport ang eroplano, maraming bodyguard niya ang sumalubong sa amin at ilang mejia. Sumakay kaagad kami sa magara niyang Van at binaybay ang daan papuntang Townhouse. Naisipan kong paglutuan siya ng dinner para mamaya dahil umalis rin siya kaagad pagkarating namin. Sinamahan ako ng ilang katulong at bodyguard habang naiwan naman sa baby sitter niya si Earen, at hindi ko na sinama pa. Pansin ko na maluwag ang kalsada na parang naubos ang mga sasakyan sa kalsada ng San Miguel, marahil ay marami ang umuwi sa kani-kanilang lugar upang makasama ang kanilang pamilya, iyon rin ang balak namin ni Earniel kapag natapos niya ang ilang trabaho sa opisina. May napansin si Melody na panay ang buntot sa sasakyan
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

84. Something missing piece

Hindi ko pa rin mahanap ang sagot sa tanong ko sa sarili, kung sino ba ako, kahit pa parang batid ko na ilang panahon na ang lumilipas ay hindi wala pa rin akong maalala. Minsan parang nasasanay ang sarili ko sa payak na mundong ginagalawan ko, parang may payapa sa pakiramdam ngunit may mga tanong sa isipan. kaya naisip kong magpalakad lakad sa bakuran, mayayabong ang puno tila liblib at malayo sa kabihasnan ang kinaroroonan namin. Sa mga huni ng ibon, lagaslas ng tubig ang siyang nagsisilbing musika sa labas ng tahanan na iyon. Sa paglilibot ko sa paligid ay nakita ko si Carlo na may kasamang babae, wala akong naramdaman na selos o anupaman, sa itsura ng babae ay tila hindi rin naman siya ordinaryo, at halatang hindi taga rito, sa pag-uusisa ko ay marahan akong lumakad gamit ang tungkod na kahoy na siyang nagsisilbing gabay ko sa paghakbang, pa ika ika ko pa rin nailalakad ang mga paa kong may nanatili pa rin na may sugat, seryoso ang kanilang pag-uusap at habang papalapit ako ay
last updateLast Updated : 2025-01-03
Read more

85. The Stranger's mind

Habang nilalakad namin ang kahabaan ng kalye ng pamilihan ay wala ‘man lang sa akin nagpapaalala ng lahat, ni hindi ‘man sumasagi sa isip ko ang panunumbalik ng alalaalang nawawala sa pagkatao ko, hawak niya ang mga kamay ko ng mahigpit ngunit ang init niyon ay hindi ‘man lang pumapawi sa nalulumbay kong damdamin. Tumigil kami sa isang kainang nakatayo sa gilid. Pamilyar ngunit hindi ko mawari at matukoy, dumampot siya ng stick at nagsimulang tumusok tusok, nakamasid lang ako sa kanya na parang batang maghihintay na abutan ng makakain.Sa mga daliri ko ay inipit ang makitid at maliiit na stick.“Fishball baka magustuhan mo!” Sambit pa niya sa akin, sabay inilapat ko sa akin labi at kagatan ng maliit. Sa pagnguya ko ay ang biglaang kong pagkahilo na ikinabahala niya.Sapo ko ang noo ko, sa hindi ko malamang dahilan ay may isang mukha ng lalaki ang rumehistro sa isip ko, hindi ko maaninawan ang kanyang mukha, at pilit na inaalala, ng mabaling ako kay Carlo ay nabatid ko na hindi siya
last updateLast Updated : 2025-01-06
Read more

86. A boy named Earniel Lao

Hindi napakali ang mga paa ko ng makaalis si Carlo ng umagang iyon, hindi mapakali naparang gusto kong umalis na hindi ko maintindihan, ngunit natitiyak ko na magagalit si Carlo kapag nalaman niya ang balak ko at isa pa ay binalaan na rin niya ako na huwag ng baba ng bundok, ngunit hindi ko mapigil ang sarili na umalis at pumunta sa ibaba, gusto ko lang mapawi ang pagkabagot ko lalo pa at mag-isa ako.Hanggang mabuo ko ang desisyon ang magpunta at mamasyal sa ibaba ng bundok.Kahit malayo at nakakapagod at tiniis ko, kahit pa abutan ako ng mataas na sikat ng araw, at makaramdam na din ng gutom, lalo pa ng mapabaling baling ang tingin ko sa mga nakahilerang kainan, kinapa ko ang loob ng bulsa ng paldang suot ko ngunit iisang barya lang ang laman nito, na hindi makakapawi ng uhaw at gutom ko.Naupo ako sa gilid at pinagmasdan ang mga taong kumakain hanggang madako ang paningin ko sa televisiong nakabukas sa kainan.Bumaling ako at nilibang lang ang sarili upang mapawi ang nararamdaman
last updateLast Updated : 2025-01-08
Read more

87. Whose my True Husband

Ginising agad ako ni Christian sa hindi malamang dahilan, pansin ko ang pagliligpit niya.“Aalis ba tayo” Usisa ko sa kanya.“Basta! Umayos kana!” irita niyang sagot. Sabay nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa, kahit hindi ko maintindihan ang nangyayari, ay sumunod na lang ako sa kanya. Wala naman akong aayusin kundi sarili ko lang naman. Wala Naman ako gamit gaano atang iba ay parang napaglumaan pa. – “May naghihintay sa atin na pick-up sa baba!” Dugtong pa niya.Lumabas na kami, at pinaikutan niya ng makapal na kadena ang yerong pinto, sabay nag-umpisa siyang maglakad, sumunod lang ako at tahimik na nakatanaw, naguguluhan sa biglaan naming paglisan sa lugar.Matapos ang mahigit dalawang oras na paglalakad ay narating namin ang bukana papuntang ibaba ng bundok, kahit hindi pa ganap na nakakarating roon ay natanaw ko na ang pick up na sinasabi niya, may mga taong naghihintay rin, at sumalubong samin.Bahagya silang sumulyap sa akin at bumalik muli ang paningin kay Christian,“Tara!” ay
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

88. Way back in your House

88.“Aalagaan kita! Hanggang sa unti-unting bumalik ang alaala mo!” mga katagang naririnig ko habang nakapikit ako, kahit alam Kong hindi ko siya kilalang lubos.Panandalian akong mag-isa Ng umalis Siya, ang Sabi Niya ay may daraanan lang Siya at babalik muli Kasama Ng isang sopresa.Nanatili Lang ako sa pagkakahiga Hanggang sa bumukas ang pinto bumungad sa akin ang tatlong Bata, isang lalaki at babaing may edad at si Earniel na may kalong na paslit. Lahat sila ay namumula at namumugto ang mga matang nakatitig sakin.“Ate!” Takbo sa akin ng tatlong batang nagsisipag-iyakan na. Napaupo na Lang ako at iniisip kung sino ba sila? – “Ate! Mabuti at buhay ka, namiss ka namin!” dugtong na mga iyak Ng Bata sa akin.Gusto Kong ibuka ang bibig ko ngunit ano ba ang dapat Kong Sabihin sa kanila. Wala akong maalala, hindi ko alam kung sino ba sila at kung kaano ano rin, ang tanging nagawa ko lang ay yakapin rin sila pabalik kagaya ng pagyakap nila sa akin.“Mga Kapatid mo sila, si Elias, Paula at
last updateLast Updated : 2025-02-03
Read more

89. Magbabalik pa nga ba?

89Nagising ako na nakabihis na si Earniel, kagaya ng una ko siyang nakita sa telebisyon, ang formal, halos ibang iba sa kahapon na kasama ko siya, sadyang kahanga hanga at kagalang galang.“Saan ka pupunta?” Habang nakatitig sa kanya na palakad lakad sa loob ng silid na iyon.“Sorry nagising kita!”“Hindi, talagang gising na ako kanina pa, pero ang suot mo hindi pangkaraniwan nakikita sa mga nakakasalamuha ko!” Turo ko pa sa suot niya.“Ito ba, karaniwan suot ko pag nasa trabaho, kapag hindi na ako busy ay isasama kita!”“T-talaga?” kahit wala naman ako ideya sa place niya ay nakaramdam ako ng galak. Hanggang sa lumabas na siya, nag-ayis na rin saka lumabas, sa bintana ko na lang siya natanaw na pasakay na ng magara niyang sasakyan.“Tara kain na Ma’am!” bungad sa akin ng may edad na babae.“Ma’am? Bakit mo ako tinatawag ng ganun?”“Ma’am ako si Servana, mayordona ni Mr. Lao!” Napatango na lang ako ng malaman ko ang katayuan niya, saka niya ako sinama sa hapag, pansin ko ang katahimi
last updateLast Updated : 2025-02-05
Read more

90. Back to the First met

Tumikhim siya bago siya kumuha ng damit sa tokador.“Ano ayos lang ba sa’yo? – Hhmm! Sa totoo lang ay hindi pa rin ako naniniwala na asawa kita!” Napansin ko ang pagtigil niya ng panandalian saka muling inayos ang tokador na nabuksan.“Ikaw ang bahala kung maniniwala ka o hindi!” sambit niya bago siya umalis sa harapan ko, pansin ko ang biglang pagbabago ng kanyang mukha na naging seryoso.Ngunit dapat nga ba ako na mangamba? O mag-alala ‘man lang? O ipagsasawalang kibo ko na lang. Pagkatapos niyang magshower ay dumaretso lang siya papuntang pinto, hindi ‘man lang pumihit ang kanyang ulo para tignan ako, nakaramdam ako ng kunsensiya marahil ay hindi ko iniisip ang mga sinabi ko, pero masisisi niya ba ako kung wala ako maalala.Naghintay akong bumalik siya ng kwarto sa tinutulugan namin kagabi, ngunit sa tinagal tagal at nilalim ng gabi ay wala pa rin siya, iniisip ko na baka sa iba na siya natulog o baka naman nagalit talaga siya sa akin, hindi ko naman talagang pinupunto na gusto ko
last updateLast Updated : 2025-02-06
Read more
PREV
1
...
5678910
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status