♡ KABANATA 1 ♡ I have to accept the truth, na isa lang akong pambayad utang sa isang CEO, diborsyado at nagmamay-ari ng isang malaking construction company! Sinasabi nila na siya ang billionaire son ng San Miguel, bukod sa mayaman ay kilala rin siya! Sa tabloid man o sa telebisyon. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na makilala siya o makita! Wala rin naman sa akin kung makilala ko pa siya, dahil sinasabi ni Mamay at Papay na malaki ang agwat niya sa akin, at sigurado naman ako na hindi ko siya magugustuhan. Kapalit ng dalawang milyon ang kaligayahan ko para sa dalawang taong pagsasama kay Earniel Lao. Pagsasama na kailangan matapos upang mabayaran ang utang namin sa kanila. Walang ibang choice kundi kasal. I never met him in person, since the day na sabihin sa akin ni papay na kailangan kung pumunta ng San Miguel para makita at makilala ang mapapangasawa ko, ganun sila kabilis na pinaalis ako, walang pasabi, basta biglaan, nakabasta na agad ang mga gamit ko, hindi naman karamihan a
♡ KABANATA 2 ♡ ALA SAIS pa lang ng umaga ay ginising na ako ng mga katulong para mag-almusal, halos hindi ko pa nababawi ang pagod ko sa biyahe kahapon, kayang latang lata ako ng makarating sa hapagkainan! Sinandukan ako ng katulong sa pinggan kahit wala pa ako sa wisyo na kumain. Sanay naman ako gumising ng maaga pero sa pagkakataon na ito ay hinahanap ko ang mahabang tulog. - Nagpanggap ako na okay lang, lalo na at hiyang hiya ako sa itsura ko, pawang naka ayos na sila at nakabihis ng maganda samantalang ako ay nakapantulog pa na sinabayan ng magulo kong buhok na lagpas balikat at hindi pa nasuklayan. “Anak ito ang unang araw mo bilang sekretarya ni Earniel!” simulang sabi ni Don Enricko, nangunot at napamulat ng husto ang mata ko ng marinig na magtatrabaho ako kay Earniel bilang sekretarya niya na pinagtaka ko, dahil sa pagkakaalam ko ay kapag nagkita na kami ay ikakasal na kami dahil nakapirma na ako sa kontrata. “Magwowork po ako?” “Hindi naman literal na trabaho, sabih
♡ KABANATA 3 ♡ What’s wrong with him hindi ako makaalis sa bisig niya, maging sa labi niya. Sinasabi ng utak ko na tumigil na dahil malapit na ako madala, inaamin ko na he's a good kisser kahit pa siya lang ang lalaking umangkin ng labi ko. Binibilang ko ang segundong tinagal ng pagkaka-ayos namin! At patuloy pa rin ako sa pag-iisip kong hanggang saan kami dadalhin ng mapusok niyang halik. Kalaunan tumigil siya, sinubsob muli niya ako sa bisig niya. Bumubulong siya ng mahina sa tainga ko at ang tanging tumatak sa akin ay ang pangalan ng isang babae. Selena! “Se…lena, I mi..ss yo..u!” Pagkasabi niya noon ay bumitaw na siya sa akin at natulog! Halos tatlong taun na ang lumipas, magmula ng maghiwalay sila ni Selena! Sinasabi sa balita, Selena cheated on him, yung iba sinasabing talagang hindi nila minahal ang isa’t isa kaya naghiwalay na sila ng tuluyan at sinasabi rin sa balita na tumagal lang sila para makaahon ang pamilya nila Selena sa malaking pagkakautang
♡ KABANATA 4 ♡Hindi ako nahimatay sinadya ko lang na pumikit para ipagamot naman niya ako! Iniisip ko na baka maubusan ako ng dugo! Dahil noon sa aming baryo ng San Agustin ay may nasugatan sa amin noon dahil sa layo ng ospital siya ay naubusan ng dugo at namatay.Wala ako narinig na salita sa kanya pero nararamdaman ko ang mabilis na takbo ng sasakyan. Sa isang private hospital kami tumigil! Mga nurse ang umalalay sa akin at hindi siya. Private room ako dinala may IV (intravenous) pa. Pinagsisihan ko tuloy ang madala rito! Nakaupo siya sa upuang nasa sulok at nagbabasa ng dyaryo. Napatitig ako ng husto ng makita ko siya sa FrontPage. Bumaba ang dyaryo at siya na ang nakita ko, tumayo siya at lumapit.“Magpahinga ka mabuti, aalis na ako!” Malamig niyang sabi, pinagmasdan ko ang IV puno pa ito at ayoko mag-isa at mabored rito.“Samahan mo muna ako! Ayoko mag-isa!” Iniangat ko ang kamay ko para bahagyang hilahin ang suit niya.“Hindi pwede busy ako!” alis niya ng kamay ko sa suit niya
♡ KABANATA 5 ♡ 5AM pa lang ay gumising na ako, almusal muna ang una kong inatupag, bago ako naglinis at naglaba ng mga sinuot niya kagabi! Napapaisip ako na parang hindi ako nagttraining as a wife at parang maid. Wala siyang tinakdang oras kung anong oras ko ba siya gigisingin nakaupo lang ako sa sofa at pinagmamasdan siyang matulog! Tunog ng alarm ang nagpagising sa kanya, agad akong lumabas para magtimpla ng kape niya. “Good morning Sir?” Masaya kong bati sa kanya habang pumupungay pa ang mata niya at hindi pa maidilat lumapit ako sa kanya at humalik sa labi niya. Base na rin sa nabasa ko sa contract na good morning kiss, at habang natutulog siya ay iyon ang napagkaabalahan kong basahin, ang papel na binigay ni Ms. Mendoza na photocopy ng kontrata. Hindi naman siya umimik at diretsong tumayo lang, sa hapag siya dumaretso at naupo, binuksan niya ang basket na nakatakip sa pagkain na nasa lamesa! “Nilagang mais?” masama ang titig niya sa akin, saka dinampot niya at kinag
♡ KABANATA 6 ♡ Maaga kami umalis para hindi maabutan ng traffic, tulog pa ang diwa ko habang nakasandal sa upuan ng sasakyan. Bukang liwayway pa at kakaunti lang ang naitulog ko. Tahimik kami sa biyahe at nasa utak ko pa rin ang sinabi niya. Hindi ako nakikipagkompetensiya sa taong mahal niya, wala kong ibang gusto kundi ang matapos na ito. Humikab ako at umunat! Naramdaman ko ang paghapdi ng braso ko kaya napababa ko kaagad! Hindi ko pinahalata na may kakaiba sa braso ko, mabuti na lang at mahaba ang manggas at hindi nakikita ang malaking gasgas. Itinulog ko na lang muna ang lahat ng iniisip ko, hindi dapat ako malungkot o masaktan dapat lagi lan(g ako masaya. Kalabit ang nagpagising sa akin, nasa parking kami ng opisina! “bilisan mo may kliyente pa ako!” labas agad nito sa sasakyan. Sumunod ako sa kanya, pumasok kami sa loob. Pagtitimpla ng kape agad ang inatupag ko pitong tao ang nasilip kong naroon, sa conference room ay seryoso silang nag-uusap, nakaupo siya sa unahan
♡ KABANATA 7 ♡ Isang linggo rin naging laman siya ng headlines, naniniwala siya na hindi niya kailangan magpapaunlak ng interview kahit kaninong reporter, para sa kanya ay katatawanan ang lahat at hindi na kailangan pang pansinin, iyon ang gusto niya na ipamulat sa akin, habang kasama ko pa siya! Kahit si Don Enricko ay walang magawa sa katigasan ng ulo niya. Ngunit patuloy pa rin usapin kung sino ang nagpakalat ng video, dahil sa company policy bawal maglabas ng kahit anong CCTV footage na dapat ay sa loob ng kompanya lang pag-uusapan! Mabigat ang parusa sa taong nagpakalat noon, maari siyang patawan ng suspension or ganap na tanggalin without benefits and insurance f*e from company. Lantad sa hallway ang CCTV, kaya dahil mas mabilis nahuhuli ang may sala kung maraming mata ang nakakakita, walang maitatago siya man o mga empleyado, walang pakealam si Earniel sa mga issue ng empleyado niya, kahit ano pa gawin ng mga ito. Ngunit sa kabila ng issue ay lalong tumaas ang rating niya a
♡ KABANATA 8 ♡Nagising ako sa na parang maliwanag na! Nahagip ng mata ko na katabi ko pa si Earniel at nakayakap pa ako sa kanya napabangon ako dahil alam ko magluluto pa ako ng almusal at maglilinis ng bahay pati narin maglalaba.Agad kong ginawa iyon, puro karne ang niluto ko, mabuti na lang at maalam ako sa pagluluto.Pasado alas siyete kahit naririnig ko ang ang alarm niya ay parang hindi siya gumigising nilapitan ko siya namumutla siya at nang hawakan ko ang kanyang noo at leeg ay sobra niyang init! Agad akong Kumuha ng malamig na tubig at tuwalya para pahiran ang kanyang katawan. Tinanggal ko kaagad ang mga damit niya at naiwan lang siyang nakaboxer short, lalo siyang nagchill kaya nataranta ako! Naghanap ako ng paracetamol para mapainom agad siya. Binihisan ko kaagad siya matapos kong punasan.Narinig ko ang pagtawag ni Ms. Mendoza sa phone na agad kong sinagot! Sinabi ko na hindi na makakapasok si Mr. Lao, hindi ko na binanggit kung bakit basta sinabi ko lang siya na ang baha
Hindi ko inaasahan na biglaan ang pag-alis namin papuntang china, hindi na ako tumutol dahil kagustuhan ko naman makasama siya. Ngunit hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating roon sino ang naghihintay sa amin.Pasado alas dose ng hapon ng makarating kami, malamig lamig pa ang paligid, katulad noon ay nangangapa na naman ako.May sumalubong sa amin, mga chino, base sasalita nila, nasa likod lang ako habang buhat si Earen at pinapakinggan lang ang kanilang pag-uusap kahit wala naman ako naiintindihan. Sa dati parin kami dumaretso, wala naman nagbago, sa bahay niya rito kahit matagal hindi kami nakabalik rito.Hindi ko inaasahan na may ibang mga tao roon, halos mapuno ng tao ang tahanan. Dumaretso kami kaagad sa loob ng kwarto.“Dito ba gaganapin ang reunion?” “Hindi! Dumalaw lang sila para makita si Earen.” Napatango nalang ako, masaya ako dahil nirerecognize nila si Earen bilang anak ni Earniel.Nagpahinga muna kami ni Earen, habang si Earniel ay nanatili sa sala kausap ang mga
Maagang umalis papuntang opisina si Earniel, naalimpungatan ako na wala na siya. Napag – isipan ko na mamili kami sa mall, kasama sila Melody at Personal bodyguard namin ni Earen na tinalaga ni Earniel para sa amin.Sa pag-iikot ko ay sumagi sa isip ko s Kheanna. Hindi ko alam bakit ko naisipan puntahan ang labas ng hospital kung saan nakaadmit siya, iniwan ko muna si Earen sa kanyang baby sitter.sa labas pa lang ay maraming tao na, mabuti na lang at hindi nila napansin ang pagdating ko, sinamahan ako ni Melody sa loob, hindi na ako dumaan sa Information dahil alam ko na ang sa alam ko na, kung saan siya naroroon. Sa isang pribadong kwarto ako tumigil, mabuti na lang at wala ganong dumaraan sa pasilyo kaya may oras pa ako pag-isipan kung magpapakita pa ba ako sa kanya o mananatili lang nakatayo sa labas ng pinto.“Sigurado bang dito ang kwarto niya?”“Yes Ma’am!” Sambit ni Melody at hinawakan ang doorknob at handa ng buksan ang pinto.“Antayin mo na lang ako rito!” Tumango lang si M
Lalong naging magulo ang lahat ng naging usap usapan mga pangyayari lalong lalo na ang panganganak ni Kheanna at ang hindi pagsipot ni Earniel sa ospital, para bantayan ito, maraming pinupukol sa kanya tungkol sa pagiging iresponsable niyang ama.Ngunit maninindigan si Earniel sa harap ng mga board member at shareholders na wala siyang kinalaman sa bata. Gusto ‘man niyang ipagsigawan sa media ay ayaw niyang ipaalam pa, nag- alaala pa rin siya sa bata na maiipit sa lahat, kaya minabuti niyang pagmeetingan na lang ang lahat.Naroon ako sa gilid at nakatayo, nakikinig habang patuloy ang pagbatikos nila kay Earniel maging si Don Enricko ay inaalala pa ang reputasyon ng pamilya at ng kumpanya kesa kay Earniel na hindi niya alam ay nahihirapan rin ng mga oras na iyon. Gusto pa rin ni Don Enricko na makipagkasundo si Earniel pamilya Zarragoza kesa makipaglaban sa mga ito.Nang makaalis ang mga member at maiwan sa opisina kami ni Earniel gayundin si Don Enricko na nanatili sa loob at kin
Nakatulog kaagad si Earen matapos niyang malaro at mahile, iniwan ko na rin muna sila bago ako lumabas at buksan ang salaming pinto ng veranda ng condominium, matama akong nakatitig sa paligid, pinagmamasdan ang nag-iilawang liwanag na nagmumula sa ilang building na parang Christmas light, wala rin namang duda dahil december na. Mga ganitong oras at panahon sa baryo namin ay ramdam na ang saya, pakikinig ng caroling ng mga bata at mga pangilanngilan palabas sa maliit na stage ng baryo, ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam, parang ang pasko ay hindi na kasing saya ng ngayon! Na parang habang tumatagal ay nakakalungkot.Napahalumbaba ako at pinakatitigan pa ang paligid, ng maramdaman ko ang pagtabi at paghaplos sa buhok ko ni Earniel, napalingon kaagad ako sa kanya.“Nagsisisi ka bang bumalik rito?” Biglang tanong niya ng ibaling ko muli ang paningin sa labas.“Hindi syempre kasi kasama kita ehh, pero-!” Pinutol ko ang pagsasalita ng masagi sa isip ko si Kheanna, paano nga ba matatapo
Halos ilang buwan na rin magmula ng umalis si Earniel. At ngayon ay kasama ko na si Earen sa bahay, wala akong makuhang balita sa kanya, bukod sa mahina ang signal ay nasa ibang bansa siya ngayon! Hindi ko na rin ano ang ginagawa niya, namimiss ko na rin siya, at sapalagay ko ay namimiss na rin niya si Earen. Pero hindi ko alam kelan kami muling magkikita. Kaya napagdesisyonan ko rin na sa pagbabalik niya sa bansa ay ang pagbabalik ko rin sa San Miguel. Kahit pa sinabi ko sa sarili ko na mananatili lang kami ni Earen rito, ngunit mahirap din pala magpanggap na okay lang ang lahat. Na akala ko ay ganun kabilis ang magdesisyon. Ngunit papano ko nga ba malalaman iyon, kung kailangan ko pang pumunta ng bayan upang malaman ang tungkol sa kanya, at iyon ang nakakalungkot na pangyayari. Hanggang isang umaga ay nabulalabog ako ng tawag ng dalawa sa akin, mayroon raw silang balita tungkol kay Earniel kaya dagli akong napabangon at pinuntahan sila, sa labas ng bahay. “Talaga bang babalik na
Nang muli kaming mapunta sa bayan ay ang biglaang pagtunog ng kanyang phone, hudyat na may tumawag sa kanya, ilang araw pa lang siya pero mukhang aalis na siya, alam ko naman at tanggap ko rin naman na hindi niya maaring pabayaan ang negosyo ng pamilya niya kaya kahit pa labag sa loob ko na umalis siya ay kailangan kong tanggapin at intindihin kahit wala pa siyang sinasabi. At busy pa sa kanyang phone.Nang matapos ang tawag ay bumaik siya sa tabi ko, nagbago na rin ang ekspresyon niya kaya alam ko na kaagad, kung ano ang ibig sabihin.“Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa! Naiintintindihan ko naman!” Pilit kong hindi maging malungkot ang tono ng boses ko! Dahil ayokong mag-alalala siya. Napabuntong hininga pa siya kaya tinapik ko siya sa likuran niya.“Sorry Hon, may nangyari lang talaga pero babalik ako huh!” Sabay halik niya sa noo ko! Dala ang agam agam ang biglaan niyang pag-alis na gusto pa sana niya magtagal at magbakasyon rito.Naglakad kami muli papuntang hospital, bukas
Napagpasyahan muna namin na maglibot libot sa palengke ng bayan, katulad pa rin ng dati ang nakagawi kong tignan, mga simpleng damit na may makukulay na disenyo, naisipan kong bilhan siya ng simpleng damit na walang print at may kulay lang, at isa pa ay hindi rin naman kasi maiwasan na titigan siya ng marami, sa ayos at itsura niya ay namumukod tangi siya.Na parang hindi siya nababagay sa ganitong lugar. Pinapasadahan lang niya ng paningin ang mga panindang nadadaanan namin at wala siyang ideya na nabilhan ko na siya. Nagsasawa na akong makita siyang laging formal, kung hindi naman formal ay polong puti o slux na fitted sa kanya.Nakakita muli ako ng turo turo sa tabi hindi ko maiwasan magbalik tanaw at maalala ng kumain kami, kaya inaya ko siyang kumain, hindi naman siya tumanggi at nakasunod lang sa akin. Para rin siyang batang nakadikit na animo’y mawawala kapag nakalingap ka.Naupo kami sa gilid habang hawak hawak namin ang mga paper plate na kasing kitid ng bamboo na kawayan, la
Ang hangarin ko lang ay mabuo ang pamilya namin pero bakit nga ba hindi ito mangyari na kahit pa dumating na ang batang magbubuklod sa amin at sa aming pagsasama ay may hadlang muli, ngayon ay may kahati ako bagamat hindi sa puso niya kundi sa magiging atensyon niya sa batang lalabas, kahit pa sabihin na hindi niya anak iyon ay siguradong ipagsisiksikan ni Kheanna ang bata sa kanya maging anh sarili nito, napabuntong hininga ako, tila hindi ko kaya na mangyari iyon.Nasa taniman kami at napagpasyahan na maglalakad lakad, malamig ang simoy ng hangin kahit pa nasakop na ng araw ang buong paligid, masaya akong pagmasdan ang umuusbong na mga tanim ni Papay at sa kabilang dako naman ay ang isdaan niya rin na nagraramihan na rin kaya maraming paninda si Mamay sa Talipapa ng baryo.Alam kong kahit hilingin ko na manatili rito si Earniel, ay siguradong hindi rin siya masasanay, magkalayo ang kinalakhan naming lugar, maaring hindi niya masyadong magustuhan ang pagkain rito, o tumira ng matagal
Akala ko ay magiging payapa na ang mga sandali ngayon kapiling ko na siya muli, ngunit hindi pa ‘man nagtatagal ay may narinig akong ingay sa labas, ingay ng helicopter.Napabangon ako maging siya sa papag. Hindi pa kami nakakalapit ay tanaw na agad namin ang lulan sa helicopter mula sa babaing bumababa.Mataray ang kanyang mukha at kahit hirap na hirap dahil sa malaki niyang tiyan ay nagawa pa niyang magtakong ng mataas. Hindi na namin inabala na lumapit dahil siya pa lang ay madaling madali ng makalapit sa amin, na para kaming susugurin dahil magkasama kami ni Earniel.“Ano bang ginagawa mo dito!” Kay Earniel ang dako ng mata niya at inis na inis pa ang kanyang tinig.“Kailangan ko bang magpaliwanag sayo?” Maanghang din ang tono ng boses ni Earniel na nagpalaki ng kanyang mata, sabay tumingin tingin sa paligid na nakamasid sa aming tatlo.Bumalik ang tingin niya sa amin, napansin kong napalunok siya sa tinuran sa kanya ni Earniel, tila napahiya siya sa akin, maging sa mga taong naro