“Mauna na ako, Maya! Siguradong hinahanap na ako ng mga anak ko.” Tumayo na si Avva. “Kapag hindi na ako busy, tatawagan kita. Para naman makapag-bonding ulit sina Hope, Bia at Hivo."“Maganda ‘yan! Siguradong miss na miss na ni Hope ang mga anak mo kaya matutuwa siya kapag nagkalaro sila ulit," nakangiting turan ni Maya.Pumihit si Avva. Bahagya siyang tumungo para mailapit ang kaniyang mukha kay Hope. “Hope, aalis na si Tita Avva. Sa susunod, dadalhin ko sina Hivo at Bia para makapaglaro kayong tatlo ha?”Ngumiti nang pilit si Hope. Nanginginig siyang tiningnan nang diretso si Avva. “S-sige po, Tita Avva!”Niyakap ni Avva si Hope. Sa sobrang higpit ay halos masakal na ang bata. “Huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa iyo, Hope! Lahat ng bilin ko—sundin mo. Sa oras na magsumbong ka, lagot ka sa akin," bulong niya.Nakangiti pa si Maya habang nakayakap si Avva sa kaniyang anak, ngunit nang makita niya ang mukha ni Hope na nakangiwi na, inawat na niya ito. “Teka lang, Avva! Masyad
Magbasa pa