All Chapters of The Billionaire's Destined Love: Chapter 51 - Chapter 60

97 Chapters

Kabanata 51

“G-Gavin…”Kinusot ni Gavin ang kaniyang mga mata at saka iyon iminulat. Nakatulog siya agad kanina pagkarating niya sa kaniyang condo unit. Naubos ang lakas niya nang makipagtalo siya sa kaniyang lolo dahil ayaw niyang sundin ang ipinag-uutos nito. Nawala ang natitirang antok niya sa katawan nang biglang nagtatakbo si Bia sa kaniya at niyakap siya.“D-daddy…”Natulala si Gavin pero hindi naman iyon nagtagal. Marahan niyang ikinulong sa braso niya ang batang babae. “Umiiyak ka ba?” malumanay na tanong niya.Sa takot sa sariling ina ay umiling si Bia.Nalipat ang atensyon ni Gavin kay Hivo. Nakayuko ito habang pinipigilan ang paghikbi. Nilalaro rin nito ang mga daliri. “Hivo, what's wrong?”Walang naisagot si Hivo sa kaniyang daddy kung hindi ang pag-iling. Sobrang sakit ng gums niya. Pakiramdam niya ay dumurugo na naman ang parte na pinagbunutan ng kaniyang ngipin. Mariin ang pagkakahawak sa kaniya kanina ng kaniyang Mommy Avva at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang ep
Read more

Kabanata 52

Nakarating sina Maya sa isang malaking gusali. Nang makapasok sila sa lobby ay bumungad sa kanila ang naglalakihang chandeliers at naggagandahang mga bulaklak. Nakasunod lang siya kay Don Gilberto. Naaasiwa siya sa mga titig na binibigay ng mga taong nadadaanan nila ngunit mas nangingibabaw sa kaniya ang mabigyan ng maayos na tahanan ang anak niyang si Hope. Tulog na tulog pa rin si Hope sa mga bisig niya. Napatingin siya sa suot na mumurahing bestida, kumpara sa mga suot ng mga staff at nakatira roon. Kung ikukumpara ay nagmumukha siyang basahan. “Hija?” tawag sa kaniya ni Don Gilberto na nagpabalik sa kaniya sa huwisyo.“Po?” malumanay niyang tanong.“Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Don Gilberto.Tumango si Maya.Huminto si Don Gilberto sa harap ng elevator. “Let’s go, hija.”Nahihiyang ngumiti si Maya sa matanda. Masaya siyang itinuturing na apo ni Don Gilberto si Hope, lalo pa’t hindi naranasan ni Hope na magkaroon ng lolo at lola dahil hindi naman siya tanggap ng mga magul
Read more

Kabanata 53

Napaatras si Maya nang makita si Avva kasama ang mga anak nito at si Gavin. Hindi niya alam ngunit kusang kumilos ang mga paa niya at tumakbo siya papalayo. Nagtungo siya sa isang pasilyo. Nakita niya ang isang hagdan at doon nagtago. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Napahawak siya roon. “B-bakit sila magkasama?” bulong ni Maya sa sarili. May naiisip na siyang rason ngunit pilit na ibinabaon ng utak niya iyon. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano. Ayaw niyang paniwalaan ang nakita ng mga mata niya. Halos mabaliw na si Maya kakahintay na umalis ang mga ito. Halos ilang minuto rin ang inilagi niya sa hagdan. Nagpasya siyang bumalik roon at hindi na niya nakita sina Avva at Gavin. Nang makapasok siya loob ng unit niya ay balisa siya. “Mommy?” kunot-noong tawag ni Hope nang makita ang kaniyang mommy. Mabilis na ngumiti si Maya. “Yes, anak?” “Si lolo po?” Tumabi si Maya kay Hope at humingan nang malalim. “Nakauwi na. Magtatrabaho na si mommy bukas. Kakausapin ko si Don Gilberto kung ma
Read more

Kabanata 54

Nang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina ay agad na ibinaba ni Luke ang telepono niya sa ibabaw ng kaniyang lamesa. Lumunok siya at binati ang kakapasok lang na si Garret Lawson—ang isa sa matalik niyang kaibigan. “What brings you here, Garret? Matagal-tagal na rin mula nang huli mo akong bisitahin ah!” bungad ni Luke. Kinuha niya ang bote ng whiskey at saka sinalinan ang kaniyang baso. “It’s too early to drink. M-may problema ba?” “Wala naman, pare! Gusto ko lang uminom ng kaunti. Alam mo na, pampa-relax. Tambak kasi ang workloads ko lately. T-teka, maiba ako. You seemed happy earlier no’ng pumasok ka. What’s the matter? May panibago ka na namang babae, ‘no?” Kinuha ni Luke ang baso niyang may lamang whiskey at inalog ito saka niya dahan-dahang ininom.Kumurba ang malaking ngiti sa magkabilang labi ni Garret. Hinila niya ang upuang nasa sulok ng opisina ni Luke at ipinuwesto ito sa harap ng kaibigan. “Actually, she’s not a new girl, pare. She’s from my past. Ilang taon ko na siy
Read more

Kabanata 55

April and Warren stood before Don Gilberto's office door. Their hearts pounded in their chests when they entered the room. “How’s my look, honey?” April asked. Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ni Warren. “What kind of question is that? Of course, you look beautiful and stunning, as always. Paniguradong hitsura mo pa lang ay mai-impress mo na si Senior Thompson!” Tinitigan niya ng malagkit ang asawa niya. He can’t take his eyes off her. Paano ba naman, lalong lumitaw ang ka-sexy-han at ang hubog ng katawan nito dahil sa hapit na hapit nitong dress na yumayakap sa kaniyang coca-cola body. Ang tela nito’y nagniningning lalo na kapag tinatamaan ng ilaw.. The design — The intricate beading and delicate lace embellishments added a touch of glamor and sophistication to her ensemble. Her hair was styled in a chic updo, and her accessories sparkled with understated elegance. Parang gusto niya itong angkinin sa loob mismo ng opisina ng matandang Thompson!Habang nakatitig si Warren sa asa
Read more

Kabanata 56

“Is that all, Mr. and Mrs. Fresco?” nakataas ang isang kilay na sambit ni Senior Thompson. Medyo mataas ang tono ng boses niya habang sinasabi iyon. “I expected more from the both of you, but...Sorry to say this. You disappoint me.” Dahan-dahan niyang isinara ang laptop na pag-aari ng mag-asawa. Itinulak niya ito palapit sa dalawa. “S-senior… What are you trying to say?! May kulang pa po ba? May kailangan pa po ba kaming ipaliwanag sa iyo? Idagdag? Just state it, Senior Thompson.” Napakunot noo ni April. “We’re willing to add more or to omit something you didn't like.” Don Gilberto shook his head. He cleared his throat and stood up. “I’m sorry, but I cannot accept it. Sa ibang kompanya niyo na lang i-offer ‘yan, baka sakaling tanggapin nila.” “Mr. Thompson, wait…” pigil ni April. Kasalukuyan niyang hawak ang kaliwang braso ng matanda. “Please, don’t do this to us. Matagal po naming pinaghandaan ito. Mahabang panahon ang ginugol namin para sa business deal na ‘to. Please, give us
Read more

Kabanata 57

“Tarantado ka, sino ka ba?!” Nang matitigan ni Warren ang mukha ni Gavin ay namukhaan niya ito. Isa ito sa dalawang lalaking bumubuntot kay Maya noong libing ni Matthan. “Ano namang ginagawa mo sa teritoryo ng mga Thompson?”"It’s none of your business!” Hinawakan ni Gavin ang kamay ni Maya at inilapit ito sa kaniya. “Don’t you dare lay your dirty hands on her again or else…”“Or else what? Sino ka ba ha?” Tiningnan ni Warren si Gavin mula ulo hanggang paa. “Bodyguard ka ba ni Maya? Kung oo, ang cheap mo siguro dahil hindi naman afford ng babaeng ‘yan na magbayad ng bodyguard. Tsaka tingnan mo nga ‘yang hitsura mo! Mukha kang—” Nahinto ang pagsasalita niya nang biglang sumulpot ang mga tauhan nito at kinaladkad siya palayo sa dalawa. "I'm not yet done with you, asshóle! Lagot ka sa akin kapag nalaman ko kung sino ka!"Maya’s hands were shaking and trembling. Pinapakalma siya ni Gavin sa pamamagitan ng pagtapik at paghimas sa likod niya. "That jérk! Dito pa talaga niya piniling gawin
Read more

Kabanata 58

Angelita was walking back and forth, at kanina niya pa iyon ginagawa.‘Bwiset na Larson clan ‘yan! After so many years, ngayon pa ba naman sila lilitaw? Their brother is now buried six feet under the ground. Inuuod na si Miguel at matagal na siyang wala,' piping wika ni Angelita. Nagngingitngit siya sa galit habang napapakagat-labi. "Hindi nila p'wedeng malaman ang totoo tungkol kay Miguel. Hindi nila p'wedeng malaman ang lahat ng ginawa ko. Napakarami ko nang ginawa para makamit ko ang lahat ng mayroon ako ngayon kaya hindi ako papayag na mawala pa ang lahat ng ito. Lahat ng hahadlang sa mga plano ko, buburahin ko silang lahat dito sa mundo dahil ayoko nang bumalik pa sa putikan na pinanggalingan ko noon!"Halos umakyat na ang galit sa ulo ni Angelita kaya nagpasiya siyang maupo muna at tawagan ang kaniyang asawa. Agad niyang hinanap ang numero nito at agad na tinawagan.[“Buti naman at napatawag ka. Alam mo bang miss na miss na kita? Sayang at hindi ka nakasama sa akin dito sa Itali
Read more

Kabanata 59

Katatapos lang gumamit ni Gavin ng men’s restroom nang muling pumasok sa isip niya ang nawala niyang kwintas, limang taon na ang nakararaan.‘I should ask Avva where my necklace is. I know she picked it up five years ago.’ Nilamukos ni Gavin ang guwapo niyang mukha bago kunin ang kaniyang cell phone mula sa bulsa ng kaniyang suot na pang-ibaba. Nasa recent contacts niya ito dahil tumawag ito sa kaniya noong nakaraan. Mabilis na pinindot ni Gavin ang numero ng cell phone nito at agad itong tinawagan.Makalipas ang ilang sandali, Avva immediately picked up her phone.[“Hello, Gavin—”] “Avva, I want to ask you something," tanong ni Gavin. [“What do you want to ask, Gavin? Do you want to ask me out? Of course, I will gladly say yes!”]“What?" Iritableng inikot ni Gavin ang kaniyang mga mata. Naiirita talaga siya sa pagiging assumera ng babaeng kausap niya. “No, I will never ask you out. May gusto lang sana akong itanong sa iyo tungkol sa isang bagay na napakahalaga sa akin na kinuha mo
Read more

Kabanata 60

“Anong ginagawa mo?” diretsong tanong ni Avva. Labis na ikinagulat ni Manang Elvira ang biglaang pagsulpot ni Avva sa harap niya. Kanina lamang kasi ay naroon ito sa salas at pinapal0 ang dalawang bata. “Ahh, wala po! Naghahanap lang po ng signal. Kanina pa po kasing walang signal dito sa villa," palusot na sambit ni Manang Elvira. Napalunok siya matapos niyang sabihin iyon.Itinaas ni Avva ang isa niyang kilay. She even crossed her arms habang diretso ang tingin sa matanda. “Naghahanap ng signal o bini-videohan m kami nang palihim ng mga anak ko?”Nang marinig ni Manang Elvira ang sinabi ni Avva, agad niyang itinago ang kaniyang cellphone sa kaniyang likuran. Pilit niyang itinanggi ang paratang ni Avva.“Naku, hindi po, Miss Avva. B-bakit ko naman po kayo bi-videohan? W-wala naman po kayong ginagawang masama," palusot na sambit ni Manang Elvira.Sa halip na tigilan siya ni Avva, mas lalo pa itong lumapit sa matanda at pilit na inagaw ang cellphone nito. “Akin na ‘yan. Ibigay mo sa
Read more
PREV
1
...
45678
...
10
DMCA.com Protection Status