Angelita was walking back and forth, at kanina niya pa iyon ginagawa.‘Bwiset na Larson clan ‘yan! After so many years, ngayon pa ba naman sila lilitaw? Their brother is now buried six feet under the ground. Inuuod na si Miguel at matagal na siyang wala,' piping wika ni Angelita. Nagngingitngit siya sa galit habang napapakagat-labi. "Hindi nila p'wedeng malaman ang totoo tungkol kay Miguel. Hindi nila p'wedeng malaman ang lahat ng ginawa ko. Napakarami ko nang ginawa para makamit ko ang lahat ng mayroon ako ngayon kaya hindi ako papayag na mawala pa ang lahat ng ito. Lahat ng hahadlang sa mga plano ko, buburahin ko silang lahat dito sa mundo dahil ayoko nang bumalik pa sa putikan na pinanggalingan ko noon!"Halos umakyat na ang galit sa ulo ni Angelita kaya nagpasiya siyang maupo muna at tawagan ang kaniyang asawa. Agad niyang hinanap ang numero nito at agad na tinawagan.[“Buti naman at napatawag ka. Alam mo bang miss na miss na kita? Sayang at hindi ka nakasama sa akin dito sa Itali
Katatapos lang gumamit ni Gavin ng men’s restroom nang muling pumasok sa isip niya ang nawala niyang kwintas, limang taon na ang nakararaan.‘I should ask Avva where my necklace is. I know she picked it up five years ago.’ Nilamukos ni Gavin ang guwapo niyang mukha bago kunin ang kaniyang cell phone mula sa bulsa ng kaniyang suot na pang-ibaba. Nasa recent contacts niya ito dahil tumawag ito sa kaniya noong nakaraan. Mabilis na pinindot ni Gavin ang numero ng cell phone nito at agad itong tinawagan.Makalipas ang ilang sandali, Avva immediately picked up her phone.[“Hello, Gavin—”] “Avva, I want to ask you something," tanong ni Gavin. [“What do you want to ask, Gavin? Do you want to ask me out? Of course, I will gladly say yes!”]“What?" Iritableng inikot ni Gavin ang kaniyang mga mata. Naiirita talaga siya sa pagiging assumera ng babaeng kausap niya. “No, I will never ask you out. May gusto lang sana akong itanong sa iyo tungkol sa isang bagay na napakahalaga sa akin na kinuha mo
“Anong ginagawa mo?” diretsong tanong ni Avva. Labis na ikinagulat ni Manang Elvira ang biglaang pagsulpot ni Avva sa harap niya. Kanina lamang kasi ay naroon ito sa salas at pinapal0 ang dalawang bata. “Ahh, wala po! Naghahanap lang po ng signal. Kanina pa po kasing walang signal dito sa villa," palusot na sambit ni Manang Elvira. Napalunok siya matapos niyang sabihin iyon.Itinaas ni Avva ang isa niyang kilay. She even crossed her arms habang diretso ang tingin sa matanda. “Naghahanap ng signal o bini-videohan m kami nang palihim ng mga anak ko?”Nang marinig ni Manang Elvira ang sinabi ni Avva, agad niyang itinago ang kaniyang cellphone sa kaniyang likuran. Pilit niyang itinanggi ang paratang ni Avva.“Naku, hindi po, Miss Avva. B-bakit ko naman po kayo bi-videohan? W-wala naman po kayong ginagawang masama," palusot na sambit ni Manang Elvira.Sa halip na tigilan siya ni Avva, mas lalo pa itong lumapit sa matanda at pilit na inagaw ang cellphone nito. “Akin na ‘yan. Ibigay mo sa
Posturang-postura na pumasok si Gavin sa opisina ng kaniyang Lolo Gilberto. “Good morning, lolo!” Naroon rin sa loob si Maya kaya binati niya rin ito. “Magandang umaga, Maya!”Hindi nagsalita si Maya. Walang emosyon siyang tumango kay Gavin saka ibinaling ang tingin sa kahit anong bagay sa opisina ni Don Gilberto na maaari niyang tingnan. Dahil sa pag-iwas niya na maka-eye to eye si Gavin, napansin nito na parang ilag siya sa rito."Maya, bakit naman ang cold mo sa akin? Kanina mo pa ako pilit iniiwasan at hindi pinapansin. May problema ba? M-may nakakahawa ba akong sakit kaya lumalayo ka?” pabirong sambit ni Gavin. Napaawang at may ngiti sa labi ni Gavin habang sinasabi nito iyon kaya alam ni Don Gilberto na nagbibiro lamang ang kaniyang apo. Ngumiti siya habang napapailing. Tinapunan niya ng tingin si Maya bago magsalita. “Apo, ‘wag mo namang ganyanin si Maya. Baka nahihiya lang siya sa ‘yo kaya siya gan'yan.”“Lolo naman! Masyado po kayong seryoso. Nagbibiro lang naman po ako.” Ku
Nang matapos mag-usap ang mag-lolo, nilisan na rin ni Gavin ang opisina nito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang coat upang tawagan si Brandon. Biglang sumulpot si Maya sa kaniyang harapan."M-Maya, muntik na kitang mabangga!” ani Gavin. Ilang metro na lamang ang layo nila sa isa’t isa. “Ayos ka lang ba?”“Okay lang po ako, Sir Gavin. Malakas naman po ang reflexes ko kaya madali ko po kayong maiilagan. Takot ko lang po na mabanlian nitong mainit na kape, ‘no!” pabirong patutsada ni Maya. Tumawa pa siya para mas convincing. Idinaan na lamang niya sa biro ang sinabi niya kahit na kanina pa niya gustong tumalikod kay Gavin.Kumamot sa kaniyang ulo si Gavin. “Pasensya ka na talaga. Hindi kita napansin kasi nakatingin ako sa baba. Kinukuha ko kasi ang cellphone ko. Tatawagan ko sana si—”“Hindi niyo naman po kailangang magpaliwanag sa akin, Sir Gavin. Okay lang po talaga, tsaka hindi naman po ako nasaktan." Pinutol ni Maya ang sinasabi ni Gavin dahil ayaw na niyan
Labis na ikinagulat ni Maya ang sinabi ni Gavin kanina. Hindi niya akalaing ipagpapaalam siya nito para mag-half day! Napakamot siya sa kaniyang ulo bago tutulan ang sinabi nito. “Sir Gavin, huwag na po. Kaya naman pong maghintay ni Hope. Hindi ba, Hope?”Hindi sumagot si Hope. Para bang sang-ayon siya sa gusto ng Daddy Gavin niya na mag-half day muna ang kaniyang mommy.“Hope, alam mo namang kakaumpisa pa lang ni mommy sa work, hindi ba? Makapaghihintay naman si Matthan. Mamaya na lang natin siya puntahan, okay?"“Maya—” pagtawag ni Don Gilberto kaya agad siyang nilingon ng kaniyang sekretarya. “You may go. Mag-half day ka na lang muna.”“P-pero Don Gilberto…”“Wala rin naman akong masyadong ipapagawa sa'yo ngayon kaya sige na. Dalhin mo na si Hope sa kakambal niya," wika ng matanda."Narinig mo ‘yon, Hope? Pumayag na si lolo mo na pumunta ka kay Matthan. Ang mommy mo na lang ang hindi," bulong ni Gavin.“Mommy, sige na po. Sumama ka na sa amin ni daddy," pamimilit ni Hope.“Ano pa b
“Kumusta ang pakiramdam mo, Maya? Ayos ka na ba?” tanong ni Gavin. Kapwa sila nakatutok ni Hope sa kagigising lang na si Maya.“A-anong nangyari?” Sapo-sapo ni Maya ang kaniyang ulo habang tinatanong iyon. Hinihilot pa niya ang magkabila niyang sintido habang dahan-dahang ibinabangon ang sarili.“Nawalan ka po ng malay kanina, mommy," ani Hope.“Plano ko sanang dalhin ka na sa ospital, Maya. Ilang minuto ka na kasing walang malay. Buti na lang at gumising ka na.” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Gavin.“P-paano ako napunta rito?”“Binuhat kita. Buti na lang at nagising na si Hope no’ng nahimatay ka kaya tinulungan niya ako," paliwanag ni Gavin. Patuloy pa rin niyang pinapaypayan si Maya mula sa labas. “Putlang-putla ka na kanina. Alalang-alala ako sa ‘yo.” “P-pasensya na po kayo.” Pinalapit ni Maya si Hope at nang makalapit ito ay binigyan niya ito nang mahigpit na yakap. “Maraming salamat po sa pag-aasikaso sa akin at kay Hope. Buti na lang po at kasama namin kayo dahil kung hindi,
Nang marinig ang boses ni Hope ay agad na bumangon si Maya. Inayos niya ang suot niyang damit at pinandilatan si Hope. “Ikaw talagang bata ka! Puro ka kalokohan. Halika nga rito. Kumain ka muna.” Halos gustuhin niyang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi siya makatingin nang diretso kay Gavin habang ang binata naman ay patawa-tawa lang.“Mommy, look oh! Tinatawanan ka ni daddy," dagdag pa ni Hope. Tumatawa na rin siya nang mapang-asar.“Tumigil na kayo ha! Naiinis na ako. Hindi na nakakatuwa," ani Maya. Inikot niya ang kaniyang mga mata kay Gavin saka niya ito sinamaan ng tingin. ‘Bakit gano’n? Kapag si Avva ang gumagawa no’n sa akin, inis na inis ako. Pero kapag si Maya, tuwang-tuwa pa ako. Hay nako! Tuluyan na nga yata akong nahulog sa isang 'to,' sigaw ng isip ni Gavin. Bumalik siya sa ulirat nang bigla siyang hampasin ni Maya sa balikat. Mahina lamang ang hampas nito pero ginising no’n ang nakatulalang diwa nito. “Dahan-dahan lang po sa pagtitig kay mommy, daddy!