“Maya, Hope, sandali!”Napahinto sina Maya at Hope sa paglalakad nang bigla silang tawagin ni Gavin.“Daddy, sa’n ka po nanggaling? Bakit po bigla ka na lang nawala kanina?” nakapamewang na tanong ni Hope habang nakasimangot kay Gavin.“Hope, I said stop calling him your dad. He's not your biological father,” mahinang sambit ni Maya.“Nasaan po ba ang totoo naming daddy? Ano po bang pangalan niya?” biglang tanong ni Hope.Hindi nakaimik si Maya. “Anak, mamaya na natin ito pag-usapan ha. Sa ngayon, please, huwag mo nang tawaging daddy si Sir Gavin. Baka akalain ng mga makakarinig na siya nga ang daddy mo,” suway niya rito.“But mommy, I want him to be my daddy,” Hope said with a frown.“Hope Hernandez, huwag ng matigas ang ulo.” Pinalaki nang bahagya ni Maya ang kaniyang mga mata para ipahiwatig sa kaniyang anak na malapit na siyang mapikon sa ginagawa nito.Yumuko si Hope. “I'm sorry, mommy. Doon na po muna ako kay Matthan. Babantayan ko na muna po siya. Sorry po kung naging makulit a
Read more