“Miss Avva, bakit hindi pa po kayo natutulog?” tanong ni Brandon nang makita niya itong umiinom ng red wine sa may tabi ng pool area. Avva rolled her eyes. “It's none of your business,” she replied.Napatingin si Brandon sa may bintana. Nakita niyang nakasilip doon ang magkapatid na sina Hivo at Bia. “Pero Miss Avva, mukhang hinihintay po kayo ng mga anak niyo. Hindi pa po sila natutulog,” aniya.“BullshiT.” Nilaklak ni Avva ang lahat ng laman ng wine glass at saka ito ipinatong sa may swimming pool deck na gawa sa sukabumi stones. “Brandon, kung gusto mo silang tabihan at patulugin, then, go! Pagod na pagod na ako sa maghapong kakaalaga at kababantay sa kanila. Deserve ko ring magkaroon ng ‘me time’. Isa pa, bago ako bumaba rito sa pool area ay siniguro ko munang nakahiga na sila. I thought they would fall asleep after I left. I just need at least twenty minutes for myself. Masama na ba akong ina if I do that?”Huminga ng malalim si Brandon. “Hindi naman po sa gano'n, Miss Avva. Hin
“Napakalandi talaga ng Mayang ‘yon! Paano niya nahanap at nakilala si Gavin? Hindi! Hindi ako papayag na maging malapit sila sa isa’t-isa,” nagngangalit na turan ni Avva habang hawak-hawak niya ang bubog ng wine glas na binasag niya kanina. Dumaloy ang pulang likido sa kaniyang kaliwang kamay. Kinuha niya ang kaniyang bath robe at naglakad papunta sa sunlounger kung saan naroroon ang bagong bili niyang i-Phonee. Mula sa kaniyang sling bag ay kinuha naman niya ang calling card na palihim niyang ninakaw sa wallet ni Brandon noong inihatid sila nito papunta sa villa. “Baka kung anong kahalayAn pa ang gawin ni Maya sa mapapangasawa ko. I will never let her taste my man, again. NEVER!”Mabilis na itinipa ni Avva ang numero ni Gavin sa kaniyang i-Phonee at tinawagan ito. Ilang minuto ring nag-ring ang cell phone nito bago siya sinagot.[“Who’s this?]“G-Gavin, si Avva ‘to. I’m sorry kung kinuha ko ang numero mo mula kay Brandon ng walang pahintulot. Malalim na ang gabi. Hindi ka pa ba uuwi?
“Mommy!”“Oh, naririto na pala ang baby ko! How’s your business meeting slash vacation? Nasungkit mo ba ang tiwala ni Senior Thompson?” nakangiting sabi ni Angelita habang sinasalubong ang kaniyang anak na si April.Sumimangot si April.“Bakit gan’yan ang mukha mo? Para kang pinag bagsakan ng langit at lupa. Don’t tell me na hindi mo na close ang deal?” Inagaw ni Angelita ang dalang dalawang maleta ni April. Agad din naman niya iyong ibinigay sa kanilang mga katulong nang nagsilapit ang mga ito sa kanila.“Hay!” Nanlalambot na umupo si April sa sofa. “Hindi naman sa gano’n, mommy. Hindi lang kami sinipot ng matandang Thompson na ‘yon. Gugugol na naman ako ng oras para magpa-appointment sa kaniya. Nakakaloka na!”Hinaplos ni Angelita ang buhok ng kaniyang anak. “Kaunting tiyaga at pasensya pa, anak. At least, naranasan niyong mag-asawa na mag-stay sa pinaka magarbo, pinakamahal at pinakasikat na hotel sa buong bansa! Tapos, libre pa lahat. Hayaan mo na. Gano’n talaga kapag sobrang yama
“Matthan…”Naalimpungatan si Maya nang marinig niya ang pag-ung0t ng kaniyang anak na si Hope. Nakaupo siya sa silya habang nakahiga naman ito sa kaniyang kandungan. Nais niya itong dalhin sa taas para roon matulog pero nagpumilit itong doon na laang sila matulog sa mga silya para mabantayan nila si Matthan.“Hope, anak, gising. Nananaginip ka.” Tinapik-tapik ni Maya ang pisngi ni Hope pero hindi pa rin ito nagising. Muli sana niyang tatapikin ang mga pisngi nito nang bigla na naman itong nagsalita habang natutulog.“Matthan, amoy gas.”“Gas?” bulong ni Maya. Nagdesisyon siyang hayaan na munang managinip ang kaniyang anak.“There’s a fire! Matthan, gising!”Natigilan si Maya nang mapagtanto niya kung ano ang nais sabihin ni Hope kay Matthan. “It’s not an accident. Someone started the fire,” she murmured.“Matthan. Tumatakas ‘yong lalaki. Lumalaki na ang apoy.” Pinagpapawisan na si Hope habang panay ang galaw ng ulo nito sa kaliwa’t kanan.Agad na inalog ni Maya ang mga balikat ng kani
“G-Gavin.” Agad na hinawakan ni Avva ang kaniyang noo nang makita niyang papalapit na ito sa kaniyang kinaroroonan.Napatakbo si Gavin nang makita niya ang nagkalat na mga bubog sa may swimming pool deck. May dala na siyang first aid kit. Ibinaba niya muna ang first aid kit sa pinakamalapit na table at saka nagtatakbo kung nasaan si Avva.“What happened here? Your hand…”“Ouch,” maarteng sambit ni Avva. “Kanina pa itong dumudugo, Gavin. Pupulutin ko sana ang mga bubog na ito nang bigla akong masugatan,” pagsisinungaling niya.Tiningnan nang masama ni Gavin si Avva. “Are you out of your mind? Why did you pick it up with your bare hands?” he said, irritably.“Pasensya na, Gavin. Hindi na kasi ako nakapag-isip nang maayos dahil inaantok na rin ako eh.” Palihim na ngumiti si Avva nang bigla siyang binuhat ni Gavin patungo sa isa sa mga sunlounge. Sinadya niyang ipinulupot ang kaniyang mga kamay sa batok nito habang kagat-kagat niya ang kaniyang labi.“Akala ko ba inaantok ka na? Bakit nak
“Daddy, good morning!” masiglang bati ni Bia habang naglalakad palapit sa dining area.Ngumiti si Gavin. “Good morning, Bia. Halika, saluhan mo si daddy.” Pinaupo niya si Bia sa kaniyang tabi.“Morning, daddy!” malungkot na bati ni Hivo.Nawala ang ngiti ni Gavin nang makita niyang matamlay ang kaniyang anak na lalaki. “Good morning? Bakit ka nakasimangot? Ang aga-aga gan’yan ang mukha mo. Sige ka mababawasan ang kaguwapuhan mo,” pabirong sabi niya.Umupo si Hivo sa tapat ni Gavin. Pinapaupo siya nito sa tabi nito pero hindi siya tumabi rito. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya.“Hivo, bakit ka sad? Hindi ba dapat masaya ka ngayon kasi kasabay nating kakain ng breakfast si daddy?” tanong ni Bia. Ipinaghahanda na siya ng pagkain ng isa sa kanilang mga katulong.“It’s our first breakfast together, Hivo. Hindi ka ba masayang kasabay mo na si daddy sa pagkain?” nakangiting tanong ni Gavin.“He has a fever,” Avva said while walking down the stairs.Agad na kumunot ang noo ni Gavin nang ma
“Maya, gising. May naghahanap sa’yo.”Dahan-dahang iminulat ni Maya ang kaniyang mga mata habang kinukusot ito. Napahikab siya at napatingin sa orasan na nakadikit sa dingding. “Mrs. Nirvana, nandiyan na po pala kayo. Ang aga niyo pong pumunta rito,” aniya habang patuloy ang paghikab.“Mamaya pa nga sana akong 9 A.M. pupunta rito kaso may isang makulit na lalaking hindi ako tinantanan hangga’t hindi ko siya dinadala rito.” Pungay pa ang mga mata ni Nirvana. Halatang inaantok pa siya. Late na kasi siya nakatulog kagabi tapos binulabog na agad siya ng alas kuwatro ng madaling araw ng lalaking iyon! Five thirty na ng dumating siya sa chapel.Nilingon ni Maya si Hope. Mahimbing pa itong natutulog. Inayos niya ang kumot nito at nilagyan ng unan ang magkabila nitong side. “Sino naman pong walang magawa sa buhay ang nanggising sa inyo ng ganitong kaaga?” tanong niya.“Iyon na nga ang ikinakainis ko, Maya. Hindi niya sabihin kung ano ang pangalan niya.” Naghikab si Nirvana. “Bumaba ka na roon
“Masama ang manakit ng babae, pare.”Tumaas ang isang kilay ni Warren. Pinasadahan niya ng tingin mula ulo hanggang paa ang lalaking nasa harap niya. “At sino ka naman para makialam sa amin?” matapang niyang tanong.“A man who can hurt a woman physically has no right to know my name,” the man said in a low, deep voice.‘Sigurado akong ngayon ko lang siya nakita. Sino kaya siya? Ano kaya ang pakay niya at naparito siya?’ isip-isip ni Maya habang tinititigan ang mukha ng lalaki.Ngumiti ang lalaki. “Miss, baka naman matunaw ako sa mga titig mong ‘yan.”Nag-iwas ng tingin si Maya. “At sinong may sabi sa’yo na tinititigan kita?” mariin niyang tanggi.Marahas na inalis ni Warren ang pagkakahawak ng lalaki sa kaniya. Itinuro niya ang mukha nito habang bahagyang nanlalaki ang mga butas ng kanyang ilong. “Oras na malaman ko ang buong pangalan at pagkatao mo ipapa—”“What? Ipapapatay mo ako?” sarkastikong sabi ng lalaki sabay tawa nang malakas.“Maghinay-hinay ka sa pananalita mo. Kilalanin mo