Nakita kong ngumisi siya kaya inirapan ko siya."Ngayon lang to, sayang ang pagkain," pairap kong sabi."Okay," nakangiting sabi niya, parang tuwang tuwa talaga siya kaya inirapan ko ulit siya. Kainis, bakit ba ako nandito.Nilabas na niya ang mga pagkain at tuwang tuwa na umupo sa malapit sa akin. Parang bata, parang hindi billionaire.'Kung hindi ko lang narinig iyun kay mommy, wala akong pakialam sa mga tao, angkinin ko talaga to.'Tahimik lang ako kumain habang siya naramdaman kong panay tingin niya sa akin."Saan ka mag bakasyon?" "Uuwi ako," tipid kong sabi."Pwedeng sumama?" nakangiting tanong niya."Hindi," agad kong sagot. Kinabahan ako baka sasama talaga siya at makita ni mommy, tangina yung nga ang iniwasan ko."Bakit hindi?""Hindi purket sumabay ako rito ngayon, kakalimutan ko na ang sinabi ko kagabi."Tumahimik siya kaya nagpatuloy ako sa ginawa ko. Nakakainis talaga tong lalaking to, sarap suntukin sa mukha. Sana pagkatapos nito titigilan na niya talaga ako. May pakira
Magbasa pa