"Mahal naman siya Jem kaya hindi niya masabi iyun kay Layviel," nakangising sabi ng make up artist ko kaya sinamaan ko sila ng tingin."Manahimik kayo," seryosong sabi ko.Pareho silang humahalakhak. Inayos ko muna ang itsura ko bago tumayo at lumabas para sa next shoot ko. Hindi ko nalang pinansin ang nakakalokong ngiti nila. Paglabas ko, ganun pa rin ang tingin niya. Wow, amazing. Parang celebrity lang ang peg ko ngayon. Ganito rin mararanasan ni Ven bukas sigurado ako, pero hindi ko na kailangan pag alalahanin yan dahil alam kong kaya na niya yan. Hindi naman siguro malala gaya ng sa akin.Nangako rin ang putanginang Ivan na hindi kakalat ang nangyari ngayon. Masusuntok ko talaga siya kapag nasaktan ang kaibigan ko.Gusto ko man pumasok bukas para samahan si Ven, hindi ko gagawin. Ayaw kong isipin niyang ginawa ko siyang bata. Nandiyan naman ang manager namin, kung sakali mang may mangyaring hindi maganda, malalaman ko agad. Susugurin ko talaga ang putanginang lalaking iyun.Hindi
"Why?" kunot noong tanong ni Mr. Yanetta sa akin. Tumawa muna ako ng ilang sandali bago tumahimik na.Tiningnan ko ang cameraman na ngayon titig na titig sa akin, gusto niya bang sabihin ko bakit ako natawa o hindi nalang?"I'm just joking Mr. Yanetta.I'm sorry if I'm not professional right now," nakangiting sabi ko at umayos na ng tayo."Why are you laughing then?" kunot noong tanong niya."Because he said I'm not professional and it's true naman," simpleng sabi ko. Nakita kong natigilan ang cameraman. Walang mali sa sinabi ko dahil totoo ang sinabi niya pero hindi naman iyun ang tinawanan ko talaga, sinabi ko lang para hindi na siya matakot.Nilingon ni Mr. Yanetta ang cameraman kaya tumikhim ako. Parang alam ko na ang gagawin niya kaya inunahan ko na siya."Inasar ko lang siya Mr. Yanetta, kasalanan ko talaga iyun."Nilingon niya ako kaya palihim ko siyang dinilatan ng mata. Bumugtong hininga siya at nilingon ang mga staff."Please continue and Ms. Cruz please be professional," hul
"Manager ng kabila," sagot niya sa akin. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pag-upo. Agad naman akong inisikaso ng make up artist ko."Alam niyo, pwede naman kayong umuwi," pa unang sabi ko. Walang sumagot sa kanila kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Hindi niyo na kailangan mag hintay sa akin.""Itong make up artist mo pwede mo ng pauwiin," sabi naman ni ate."Pati ikaw ate, hindi mo na kailangan akong bantayan dito.""Hindi pwede," seryosong sabi niya."Hindi naman ako gagawa ng ikaka stress mo ate," sabi ko."Hindi naman iyun ang inisip ko," sabi niya. Hindi ako nagsalita para pakinggan ang susunod niyang sasabihin. "Trabaho ko ito kaya hindi pwedeng iwan na lang kita dito at hahayaan sa lahat.""Ganun din ako, trabaho kong ayusan ka bago kay sumabak sa harap ng camera," sabi naman ng make up artist ko. Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan nalang sila.Ngayon lang din naman ito, pagkatapos si Ven nalang ang alalahanin nila bukas. Hindi na nila ako kailangang isipin pa."Okay,"
Piste talaga, kakasabi ko lang na mas gusto ko yung style dati tapos ito agad ang bubungad sa akin. Pag mayaman ako, bibilhin ko itong tanginang studio na ito sa tanginang billionaire na iyun. "Ikaw lang ba ang sinabihan?" kunot noong tanong ko. Piste siya kapag si ate lang."Lahat ng manager pinatawag," sagot ni ate. Umirap ako sa kawalan at hindi na nagsalita. Edi wow. "Lipat tayo ng agency ate," inis kong sabi at umupo sa harap ng salamin."Gusto mo bang mas lalong maging mayaman si Mr. Yanetta?" tanong niya. Taka ko naman siyang tiningnan galing sa salamin."Bakit?" takang tanong ko."Kapag lilipat ka, siya ulit ang bagong boss mo sa studio na iyun," natatawang sabi niya. Umirap lang ako sa kanya. May point siya pero tangina. Sino bang maysabing susundan niya ako kung saan ako mag punta? sinabi ko ng hindi na dapat kami mag-usap.Lumabas na ako sa dressing room ko nang tinawag na ako. Kagaya kanina tahimik pa rin sila sa harap ko. Ang seryoso talaga nila tingnan ngayon."Bakit a
Unti-unti siyang lumingon sa likod niya at ng makitang wala si Mr. Yanetta doon agad siyang tumingin sa akin na ngumisi na sa kanya ng malaki. Nakita kong natatawa rin ang mga staff sa ginawa ko."Wag ka kasing magtanong," bulong ng isang staff pero narinig ko naman. "Wag ka kasing bumulong," bulong ko kunwari sa kanila. Umayos naman ang staff sa kanyang pwesto. Ang sarap nilang asarin ngayon. Tiningnan ako ng seryoso sa cameraman. Ngumisi ako sa kanya pero wala siyang pinakitang reaction sa akin, dati lang siya ang panay pang-aasar sa akin. Hindi ako magagalit kapag ina-asar nila ako, ngumisi lang ako at inasar sila pabalik pero marami sila kaya palaging ako ang kawawa sa asaran pero hindi pa rin ako magagalit pero sila ngayon parang may galit sa akin.Hinayaan ko nalang sila hanggang sa matapos ulit ako sa shoot. Paulit-ulit ko iyun ginawa hanggang sa nag nine na at kailangan ko ng umuwi. Sobrang pagod ng katawan ko at alam kong ganun din sila ate. Naka day off ang P.A ko ngayon
Kumain na nga kami at sila lang naman ni ate nag-uusap habang ako kumain lang at nakikinig sa kanila. Alam kong panay tingin ni Mr. Yanetta sa akin dahil naramdaman ko iyun pero hindi ako tumingin sa kanya. "Wag mo akong tawaging sir, tayo lang naman dito," sabi niya kay ate na panay tawag ng sir habang nag-uusap sila."Okay kang sir, nandito naman tayo sa studio na pag may-ari mo," sabi ni ate. Gusto kong mag reklamo sa sinabi ni ate pero pinigilan ko ang sarili ko.Boss namin siya pero ito siya kasabay namin kumain, normal lang ba ang ganito? nakakainis. Alam ko ang dahilan kaya naiinis ako, ewan ko ba kung bakit, pagdating sa kanya naiinis talaga ako.Sa mga ginawa niya naiinis ako, kaya siguro naiinis ako dahil lahat ng ginawa niya magaan sa kalooban ko pero hindi ko pwedeng ipakita dahil sa ibang rason.Kung hindi ko nalang isipin sila mommy at maging masaya nalang sa kanya? ayaw ko naman din dahil ayaw kong isipin niyang ginamit ko lang siya para mapalapit sa pamilya na tinakwi
Pinagmasdan ko siyang habang ginawa iyun habang si ate hindi malaman ang gagawin."Hayaan mo na siya ate," simpleng sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Tagalang nahihiya siya sa lalaking yan kaya tinawag ko siya."Pst," tawag ko na parang tropa lang ang peg naming dalawa.Nilingon niya naman ako, nakita niyang nakatingin ako sa kanya kaya umayos siya ng tayo."Ibigay mo na yan kay ate, tulungan mo muna ako rito," mahinahong sabi ko. Hindi talaga mapakali si ate kaya pina-alis ko na siya doon."Tapusin ko muna—" hindi ko na siya pinatapos, sumenyas na ako sa kanya na lumapit."Bilis," parang naiinip kong sabi.Lumapit na siya at si ate na nga ang gumawa doon."Alam mong boss ka dito tapos gagawin mo ang bagay na yun, hindi ba dapat mahiya talaga kami," sabi ko ng makalapit na siya sa akin."Anong gagawin ko?" tanong niya habang nakatingin na sa gamit ko na maayos na. Hindi pinakinggan ang sinabi ko."Hindi mo naman iyun trabaho bakit mo gagawin iyun?" taas kilay kong tanong. Nilingon
"Umuwi ka na," sabi ko. Hindi ko na siya sinagot sa kanyang tanong at pumasok na sa loob ng sasakyan.Pinaandar ko ito at agad humaharurot palayo, pero habang palayo ako nakita ko siyang nakatayo pa rin siya doon habang nakatingin sa sasakyan ko.Wala akong pake kung anong sabihin nila pero ibang usapan na kapag tungkol sa pamilya ko, ayaw ko siyang madamay sa pamilya ko kaya ginawa ko ito. Minsan nga lang sumaya, ganito pa ang naging resulta. Minsan nga lang mamahalin ng ibang tao, may sabit pa. Ayaw ko mang aminin pero gustong gusto ko na talaga siya pero ayaw kong maging dahilan siya para magustuhan ako ng mga taong nakapaligid sa akin.Kung ayaw nila sa akin, ayaw nila. Hindi na ako hihila ng ibang tao para magustuhan ako.Nasa byahe pa ako nang tumawag ang manager ko sa akin."Ate?" bungad ko agad sa kanya."[Mag ingat ka bukas,]" seryosong sabi niya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at natigilan din ako. Sht, hindi talaga ako sanay na may mag-alala sa akin. Kaya magugulat a