Umalis si ate para ihatid ang pagkain sa isang bodyguard habang ang make up artist ko nagsimula na akong ayusan. Iniba na rin niya ang buhok ko.Tiningnan ko lang ang mukha ko sa salamin habang inayusan niya ako. Inaalala ko rin ang nangyari kahapon hanggang ngayon.Gumaan ang pakiramdam ko ngayon, alam ko kung bakit pero iniwasan kong isipin. Kanina noong papasok ako, sobrang bigat. Parang pasan ko ang buong mundo, pinilit ko lang gumalaw dahil iyun ang kailangan at ayaw ko rin malaman nila ate ang inisip ko."Hay salamat, bumalik din ang alaga ni Jemma," nakangiting sabi ng make up artist pagkatapos ng matagal na katahimikan. Napatingin ako sa kanya sa salamin."Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko."Sobrang bigat ng awra mo kanina, pati si Jemma mas piniling manahimik at hayaan nalang ang mga gusto mo," nakangiting sabi niya."Ganito na ako kanina pa, nag overthink lang kayo."Nag-iwas ako sa kanya ng tingin. Ngumisi lang siya sa aki. kaya hindi ko na siya pinansin. Nahalata
"Sabi niya kasing ihatid ko siya," nakangiting sabi ni Mr. Yanetta. Natigilan ako pero nawala rin agad ng narinig ko ang malakas na tawa ni Ivan. Piste talaga."Ang kapal naman ng babaeng iyun, kaibigan ko pa talaga ang pinahatid," nakangising sabi ni Ivan at sumulyap sa akin. Sarap niyang suntukin sa mukha para hindi na siya makangisi sa akin."Talaga lang, kahit ako sa kaibigan ko kapag may siraulong lalapit sa kanya ilalayo ko talaga siya sa kanya," nakangiting sabi ko. Nawala ang ngisi niya sa labi sa huling sinabi ko. Akala mo ha.Iiwasan ka na ni Ven, humanda ka."Miss Cruz, ikaw na po ang kukunan," singit ng isang staff. Medyo nahiya pa siya dahil sa kausap ko. Palihim kong inirapan silang dalawa bago pumunta sa harap. Hindi man alam ng lahat ang status ni Ivan sa buhay, marami pa rin ang nakakaalam kung gaano siya kayaman kaya hindi na ako nagtaka kung bakit magulo ang mga tao dito sa studio dahil sa dalawa.Ito namang si Ivan, panay kindat sa mga babae at panay ngiti pa ng m
"Alam mo ba ang tungkol kay Mr. Wilson at kay Vanessa?" tanong agad ni ate sa akin pagkapasok ko sa dressing room ko."Hindi," tipid kong sagot."Kalat na sa studio ang pag hanap ni Mr. Wilson kay Vanessa," natarantang sabi niya."Pagalitan mo nalang ang siraulong lalaking iyun," simpleng sabi ko habang umupo sa harap ng salamin."Ano ka ba Layviel, umayos ka nga."Maayos naman ako ha?"Ganun nga ang gagawin mo, seryoso ako," seryosong sabi ki. Alam kong hindi iyun gagawin ni ate dahil sino ba naman kami diba? isang billionaire iyun at pagalitan lang ng simpleng tao."Tingin mo magagawa ko iyun?" sarcastic niyang tanong. Ngumisi lang ako sa kanya. "Ikaw nalang gumawa kung iyun ang gusto mo," wala sa sariling sabi ni ate at umupo na sa sofa."Sige," sabi ko at tumayo na para sana lalabas ulit at gawin ang sinabi niya. Dali dali namang tumakbo sa akin si ate para pigilan ako."Jusko Layviel, wag mo ng dagdagan ang issue mo," inis niyang sabi at hinila niya ako pa upo ulit."Kaysa magka
"Ngayon ko lang nalaman na may pakialam ka pala sa image mo Layviel," nakangising sabi niya.Hindi ko alam kung matutuwa ako na nandito siya at hindi niya pinuntahan si Ven o maiinis dahil nandito siya at iniinis talaga ako ng lalaking to."Ikaw lang naman ang walang pakialam," simpleng sabi ko at humarap sa salamin. "Lumayas na nga kayo dito," inis kong sabi. Narinig kong suminghap sila ate at ang make up artist sa sinabi ko. Narinig ko ring parehong humahalakhak si Mr. Yanetta at si Mr. Wilson.Anong meron sa sinabi ko? bakit ganyan nalang ang kanilang reaction? ngayon lang ba sila pinalayas sa isang kwarto? ako lang ba ang nakagawa nun?Kung ganun, palagi ko nalang iyun gawin. I feel special."Iba talaga ang fighting spirit mo Layviel," nakangising sabi niya.Kanina ko lang napansin na tahimik lang si Mr. Yanetta sa kanyang tabi at nakikinig lang sa batuhan naming salita. Ano kaya inisip niya ngayon? at bakit nga sila nandito?"Wala naman akong pakialam sayo," sabi ko at kinuha ang
"Ganun ba ka weak ang tingin mo sa kaibigan mo Layviel?" nakangising tanong ni Ivan sa akin. Tiningnan ko siya ng seryoso."Kung nagpakilala ka lang kay Vanessa para magdala ng ikasakit sa kanya Ivan, please lang wag mong ituloy ang binabalak mo," seryosong sabi ko. Tumaas ang kilay niya at may sasabihin sana siya pero nagsalita ulit ako."Ayaw ko sa lahat masaktan ang kaibigan ko, sana ganun ka rin. Nakilala mo si Vanessa at alam ko sa unang tingin mo sa kanya makilala mo agad kung anong klaseng tao ang kaibigan ko," seryosong sabi ko.Wala na siyang sinabi ng mapansin ang seryoso kong mukha. Sa pagkakataong ito, alam niyang hindi ako nagbibiro."Gagawa ako ng paraan para hindi kakalat sa labas ang kumalat dito sa studio niyo, gaya ng sinabi mo.""Mabuti naman Mr. Wilson, ayaw kong madagdagan ang iisipin ng manager ko," huminto muna ako at sumulyap kay Mr. Yanetta bago humarap sa salamin bago nagpatuloy. "Marami na siyang inisip ngayon dahil sa akin," mahinahong dagdag ko."That's wh
"Mahal naman siya Jem kaya hindi niya masabi iyun kay Layviel," nakangising sabi ng make up artist ko kaya sinamaan ko sila ng tingin."Manahimik kayo," seryosong sabi ko.Pareho silang humahalakhak. Inayos ko muna ang itsura ko bago tumayo at lumabas para sa next shoot ko. Hindi ko nalang pinansin ang nakakalokong ngiti nila. Paglabas ko, ganun pa rin ang tingin niya. Wow, amazing. Parang celebrity lang ang peg ko ngayon. Ganito rin mararanasan ni Ven bukas sigurado ako, pero hindi ko na kailangan pag alalahanin yan dahil alam kong kaya na niya yan. Hindi naman siguro malala gaya ng sa akin.Nangako rin ang putanginang Ivan na hindi kakalat ang nangyari ngayon. Masusuntok ko talaga siya kapag nasaktan ang kaibigan ko.Gusto ko man pumasok bukas para samahan si Ven, hindi ko gagawin. Ayaw kong isipin niyang ginawa ko siyang bata. Nandiyan naman ang manager namin, kung sakali mang may mangyaring hindi maganda, malalaman ko agad. Susugurin ko talaga ang putanginang lalaking iyun.Hindi
"Why?" kunot noong tanong ni Mr. Yanetta sa akin. Tumawa muna ako ng ilang sandali bago tumahimik na.Tiningnan ko ang cameraman na ngayon titig na titig sa akin, gusto niya bang sabihin ko bakit ako natawa o hindi nalang?"I'm just joking Mr. Yanetta.I'm sorry if I'm not professional right now," nakangiting sabi ko at umayos na ng tayo."Why are you laughing then?" kunot noong tanong niya."Because he said I'm not professional and it's true naman," simpleng sabi ko. Nakita kong natigilan ang cameraman. Walang mali sa sinabi ko dahil totoo ang sinabi niya pero hindi naman iyun ang tinawanan ko talaga, sinabi ko lang para hindi na siya matakot.Nilingon ni Mr. Yanetta ang cameraman kaya tumikhim ako. Parang alam ko na ang gagawin niya kaya inunahan ko na siya."Inasar ko lang siya Mr. Yanetta, kasalanan ko talaga iyun."Nilingon niya ako kaya palihim ko siyang dinilatan ng mata. Bumugtong hininga siya at nilingon ang mga staff."Please continue and Ms. Cruz please be professional," hul
"Manager ng kabila," sagot niya sa akin. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pag-upo. Agad naman akong inisikaso ng make up artist ko."Alam niyo, pwede naman kayong umuwi," pa unang sabi ko. Walang sumagot sa kanila kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Hindi niyo na kailangan mag hintay sa akin.""Itong make up artist mo pwede mo ng pauwiin," sabi naman ni ate."Pati ikaw ate, hindi mo na kailangan akong bantayan dito.""Hindi pwede," seryosong sabi niya."Hindi naman ako gagawa ng ikaka stress mo ate," sabi ko."Hindi naman iyun ang inisip ko," sabi niya. Hindi ako nagsalita para pakinggan ang susunod niyang sasabihin. "Trabaho ko ito kaya hindi pwedeng iwan na lang kita dito at hahayaan sa lahat.""Ganun din ako, trabaho kong ayusan ka bago kay sumabak sa harap ng camera," sabi naman ng make up artist ko. Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan nalang sila.Ngayon lang din naman ito, pagkatapos si Ven nalang ang alalahanin nila bukas. Hindi na nila ako kailangang isipin pa."Okay,"
"Aalis tayong lahat dito kung aalis si Miguel," seryosong sabi ni lolo. Napangisi ako. Favorite nga ni lolo si Miguel, habang favorite din akong kampihan ni Miguel. Ano kayo diyan?"Lolo!" inis na sigaw ng pinsan ko at tumayo habang masamang tumingin sa akin."Lolo, kung hindi siya aalis, ako nalang aalis!" pananakot niya kay lolo. Kung natakot nga si lolo sa kanya, parang wala lang naman kay lolo."Kung iyun ang gusto mo," seryosong sabi ni lolo. Gusto kong matawa sa reaction ng mga tita ko."Papa!" sigaw ni tita ang mama nang pinsan ko nananakot kay lolo."Fine!" inis na sigaw ng pinsan ko at mag padabog na lumabas sa mansyon."Aalis kaming lahat dito papa!" galit na ring sabi ni tita at lumabas agad para sundan ang anak.Lumabas nga silang lahat, kami nalang ang natira ng parents ko at ang kapatid ko.Ganun sila ka ayaw sa akin kaya nagsi-alisan lahat, kala mo talaga suyuin pa sila ni lolo. Edi umalis sila, alam kong takot lang silang mawalan ng mana."Bakit nandito pa kayo?" ser
"Dito ka lang Miguel, parang miss na miss ka na nila. Hindi ka ata nagpakita ng ilang buwan. Bakit kaya?" nakangiting tanong ko at tiningnan si mommy. "Kapal ng mukha mo," sabi ng isang pinsan ko na inis na inis din sa akin. Actually magkakampi silang lahat, habang ako si Miguel lang ang kumampi sa akin. Wala silang magagawa dahil si Miguel lang naman ang paborito ng lolo namin, kaya ganyan nalang iyan sila kay Miguel."Buti Miguel, dinala mo ang ate mo ngayon dito. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong umalis siya," singit ng lolo namin kaya tumahimik ang lahat.Lumapit ako kay lolo habang nakangiti, pero pinigilan nila ako."Wag kang lumapit sa kanya!" sigaw ng isang tita ko."Easy, hindi ko sasaktan si lolo. Magmano lang naman ako sa kanya, okay lang ba lolo?" tanong ko kay lolo na ngayon nakangiti sa akin at tumango. Kinindatan ko muna ang tita ko bago nagpatuloy."Kumusta ka lolo?" bulong kong tanong at nagmano sa kanya. Akala ng lahat ayaw talaga ni lolo sa akin, ganun
"Wala na akong pakialam kung iyun ang tingin ng ibang tao sa akin, iyun ang paraan ko para hindi ako masaktan ng ibang tao," dagdag kong sabi.Ilang sandali pa tahimik na kaming dalawa."Pasok na tayo," uli ko sa sinabi ko kanina. Ngayon tumango na siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya habang siya ngumuso sa akin. He's still a baby for me."Wag ka lang magsalita mamaya, hayaan mo lahat ang sasabihin nila ako na bahala doon," nakangiting paalala ko. "Hindi ko iyan hahayaan ate, kung dati wala akong magawa dahil bata pa ako ngayon may magagawa na ako, ayaw kong pagsisihan iyun sa huli," sabi niya kaya umirap lang ako sa kanya at na una ng lumabas na.Parang hindi ko na siya mapigilan sa gusto niya. Pero sa totoo lang kinabahan ako.Habang naglakad kami papasok biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isng text kaya tiningnan ko muna ito.Zephyrus: kumusta ka na? I hope okay ka lang baka bibilhin ko yang lugar niyo at ipangalan sayo para maging okay na sila sayo.Napailing ako sa kanyang
Kanina nag-ayos lang ako ng mga gamit ko ngayon papunta na kami sa mansyon. Kinabahan ako ng sobra, hindi pa ako pinakain ng kapatid ko dahil doon nalang daw para sabay kaming apat. Wowers, tingnan natin kung makakain nga talaga ako doon."Kainis yung pinsan mo Miguel, anong pinupunta niya doon sa kwarto ko, hindi kami close."Kanina pa ako nag rant sa babaeng yun, may boyfriend ata siya ngayon at takot na namang magkagusto sa akin. Nagpatunay lang na mas maganda talaga ako sa babaeng iyun, pati siya takot na kaya niya ako pinuntahan.Wag lang niyang ipakita ako sa boyfriend niya baka ma de ja vu siya bigla."Pinsan mo rin iyun ate," sabi niya. Umirap ako sa kawalan at tiningnan lang ang daan papunta sa amin. Sobrang dami talagang nagbago, halatang hindi naka-uwi ng ilang taon. Baka maliligaw pa ako dito kung ako lang mag-isa. Hindi talaga pamilyar sa akin itong mga nakatayo na nadaanan namin ngayon."Sinong nandun?" tanong ko ng ma-isip iyun. Baka nandun din ang mga tita at tito kong
Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako at tiningnan ang oras, wow umaga na ang haba tulog ko. Akala ko talaga masisira ang buong bakasyon ko kapag uuwi ako dito sa amin.Pero paano kami pupunta sa bahay ngayon? balak ko naman kamustahin si mommy.Hindi ko muna iyun inisip at inayos ko muna ang mga damit ko. Habang nag-ayos ako, may nag doorbell naman kaya agad akong tumayo para pag buksan ang kapatid ko, wala naman akong ibang bisita dito kundi siya lang.Nang binuksan ko nagulat ako ng hindi kapatid ko ang nakita ko kundi ang pinsan kong may galit sa mundo, I mean sa akin lang pala."Anong ginawa mo dito?" mataray kong tanong sa kanya agad. "Hindi mo ba papasukin ang pinsan mo?" taas kilay niyang tanong sa akin. Ayaw magpapatalo sa katarayan ko."Wala akong pinsan," simpleng sabi ko at isirado ko na sana ang pinto pero hindi natuloy ng magsalita ulit siya bago ko mairasa ito."Oo nga pala, tinakwil ka na pala sa pamilya namin, my bad."Nang-asar ba siya? hindi kasi ako na-asar.
Eh? marites spotted.Tiningnan ako ni Miguel kaya tinaasan ko siya ng kilay kaya natawa siya at umiling sa babae."Don't worry ate kung gusto mo siya, gora," sabi ko. Nakitanoong namula siya sa sinabi ko kaya tumaas ang kilay ko. Wow, famous ba tong kapatid ko sa mga babae? hindi ko alam.Pero hindi na rin ako nagtaka, nasa lahi talaga namin ang magaganda ang gwapo."Ngayon ko po kaso nakitang may sinama si sir na babae, kaya inisip kong girlfriend ka niya, sorry po sa pagtatanong," nahihiyang sabi miya habang namula pa ang mukha niya."Kung gusto mo akong ligawan, ligawan mo muna kapatid ko," sabi ni Miguel at tinuro ako. Mas lalong nahiya si ate kaya natawa ako at napailing."Wag kang bakla, kung gusto mo si ate ikaw ang manligaw!" pang-aasar ko sa kapatid ko. Sumimangot naman siya at iniwan na ako doon ng makuha na ang card na hinintay namin para sa kwarto ko."Bye," nakangiting paalam ko at tumalikod na rin. Sa ganung scenario, mas lalo kong namiss ang samahan namin magkapatid da
Tinuro ako ng ibang tao ng makilala nila ako at kumaway yung iba."Layviel!" tawag ng ali na hindi ko matandaan ang pangalan nang makita niya ako habang lalagpasan na sana ako.Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa paligid para hanapin ang kapatid ko. Itong mga tao dito, sure akong pinagusapan nila ako dati, pero bakit ngayon nag-iba na ang ngiti nila sa akin."Miguel, iyan ba ang ate mo na tinakwil ng mama mo dati?" rinig kong sabi ng kung sino kaya napalingon ako kung na saan galing ang boses na iyun.Akala ko may-iba, hindi pala. Hindi ko na narinig ang sagot ng kapatid ko, nakita ko na rin siyang papalapit sa akin."Na saan ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya pero wala siya sa mood, dumeritso lang siya sa sasakyan ko kaya pinatunog ko naman ito agad para makapasok siya.Pumasok ako sa front seat at tala siyang tiningnan."Anong nangyari sayo? paano ang sasakyan mo?" tanong ko nang makitang may balak siyang mag drive sa sasakyan ko."Ipakuha ko nalang sa driver," malamig niyan
Bumugtong hininga ako nang naging pamilyar na sa akin ang lugar. Sobrang dami ng pinagbago pero hindi pa rin mawala ang mga ala-ala ko sa bawat sulok dito noong panahong tinakwil ako ni mommy.Mapait akong ngumiti at dahan dahang dumaan doon. Maraming tumingin sa sasakyan ko, alam kong hindi nila nakilala kung sino ang nasa loob. Mas mabuti na rin iyun.Nakita ko pang may groupo ng matanda na nagbulong bulongan habang nakatingin sa sasakyan ko. Sa lugar na ito, sila mommy ang mayaman sa lahat ng tao dito. Kaya nga tinakwil ako ni mommy kaysa siya ang itakwil sa pamilya niyang mayaman.Si daddy? may kaya rin naman sila pero hindi kagaya ng kay mommy. Pero wala rin naman akong pake kung sino ang mas mayaman dito o sinong mas mayaman sa kanila ni daddy, wala naman akong natanggap noong naghihirap ako. Kahit kay daddy, wala.Nagpasalamat lang ako noong bata ako dahil binuhay nila ako. Actually, close kami no mommy dati bago nangyari lahat. Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya o kahit
Buti nalang pinaalis sila ng mga bodyguards, kung hindi may paglamayan mamaya.Iniinis nila ako.Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko kaya yung iba na mismo ang umalis sa dadaanan ko. Takot palang mamatay pero nasa harapan nakaharang.Nang makalabas na ako mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko habang tiningnan ang side mirror para matingnan kung may nakasunod ba sa akin. Wala naman siguro kaya nagpatuloy lang ako sa pag drive.Medyo malayo ang sa amin dito kaya alam kong matatagalan ako pero si Miguel panay tawag na sa akin."[Ate na saan ka na?]" tanong niya sa akin habang nag drive pa ako."Nasa daan pa Miguel, masyado kang excited," simpleng sabi ko."[Nag drive ka na ngayon?]" tanong niya."Yes.""[Btw ate, saan ka uuwi? sabi mo kasi na wag ko munang sabihin kay mommy,]" tanong niya sa akin."May hotel naman diyan malapit lang," simpleng sagot ko."[Pupunta ako doon ate ngayon, ako na mag booked para sayo,]" alok niya."May pera ka ba?" biro kong tanong sa kanya. Tuloy-tuloy lang