Chapter 126Makalipas ang ilang araw ng paghahanda, nagpasya kaming umalis at bumalik sa Pilipinas. Habang nasa eroplano, ramdam ko ang halo-halong emosyon—ang saya ng pagbabalik at ang takot sa mga posibilidad na maaaring mangyari. Si Magda ay nasa tabi ko, nakangiti habang tinitingnan ang mga bata na abala sa kanilang mga laro.“Ang saya, Dad! Ang bilis ng eroplano!” sabi ni Andrew, puno ng excitement.“Oo, anak. Ngunit mas mabilis tayong makakabalik sa ating tahanan,” sagot ko, sinisikap na maging positibo kahit may mga alalahanin sa aking isipan.Nang makalapag kami sa Pilipinas, sinalubong kami ng mainit na hangin at ngiti ng aming pamilya. Ang mga bata ay nagtakbuhan sa kanilang mga pinsan, puno ng saya. Ang aming mga magulang ay nandoon din, nag-aalala at nagagalak sa aming pagbabalik.“Salamat sa pagbalik! Nami-miss na namin kayo,” sabi sa aking pangalawang ina ang aking yaya mula pa noong bata pa ako, yakap si Magda at ang mga bata.“Miss din po namin kayo!” sagot ni Magda, a
Read more