Home / Romance / OFW Wife of a Billionaire / Kabanata 341 - Kabanata 350

Lahat ng Kabanata ng OFW Wife of a Billionaire: Kabanata 341 - Kabanata 350

465 Kabanata

Kabanata 340

“Auntie Madeline,” sabi ni Natalie, sabay ngiti. “Ang galing mo talagang mag-surf sabi ni Mommy ganyan din daw si Mommyla Madie dati. Sana maging kasing galing niyo ako balang araw.” Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. “Kaya mo ‘yan, Natalie. Basta magtiwala ka sa sarili mo.” Sa sandaling iyon, narealize ko na hindi ko kailangang madaliin ang lahat. Ang dagat, ang alon, at ang saya, dito ko nahanap ulit ang sarili ko. Naglakad na muna kami at nagtungo sa bar counter. “Natalie, dito ka lang ha? Babantayan ka muna ng staff,” bilin ko sa kaniya habang tinatapik ang balikat ng pamangkin ko. Napagod na siya sa kakalaro sa alon, pero ako, nasa mood pa para sumabay sa alon. “Kung may gusto ka umorder ka lang sa kanila. “ sabi ko pa sa kaniya. “Sige, Tita. Ikaw lang muna maglaro sa mga waves because i’m tired na po. Mag-enjoy ka lang po?. sagot niya Naglakad ako papunta sa tubig. Hinampas ng alon ang binti ko, malamig pero masarap. Tumalon ako kasabay ng alon, pakiramdam ko pa
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Kabanata 341

MADELINE POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kailan lang kakadating ko palang at tinatakasan ko ang realidad. Ngayon, pabalik na ulit ako ng London, bitbit ang mga bilin nila Mommy sa akin. “Anak, huwag mong kalimutang tumawag ha? Mag-message ka agad kapag nakarating ka na doon,” sabi ni Mommy habang yakap-yakap ako. “Oo naman, Mommy. Lagi akong mag-a-update sa inyo,” sagot ko, pilit akong ngumingiti sa kanila para hindi nila mahalata ang bigat ng nasa loob ko. Nag videocall na lang din ako kila Ate Kayline para magpaalam kay Natalie. “At anak, si Rainiel bago kayo magpakasal gusto naming makita ng daddy mo, ayoko sa videocall lang gusto ko din siyang makita personal? Promise me.” Napabuntong-hininga ako, pero tumango ako. “Opo, Mommy. Don't worry , uuwi naman po kami.” Binitawan nila ako, at nagpaalam na ako sa kanila. Pagdating ko sa airport, huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa gate ko. Pagkapasok ko ng eroplano, pakiramdam ko parang mas bumigat pa an
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa

Kabanata 342

MADELINE POVPinilit kong magpanggap na natutulog, pero hindi ako mapakali. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya sa gilid ko, parang humihila ng atensyon ko palapit sa kanya.Muli kong binuksan ang mga mata ko at sinilip ang paligid. At sa isang iglap, nagtagpo ang mga mata namin.Nakangiti siya. Hindi ko alam kung mayabang ba iyon o sadyang totoo ang sinabi niya kanina, na tadhana nga ang dahilan ng pagkikita namin dito. Pero kung ano man yun , ayoko ng anumang guloBinalik ko ang headphones ko at isinara kong muli ang mga mata ko. Pero kahit gaano ko kagustong takasan ang tensyon, isang tanong ang sumisiksik sa isipan ko, Bakit parang nagiging interesado na ako kagad sa kaniya. Mali itong nararamdaman koPagkalapag ng eroplano, mabilis kong inayos ang sarili ko. Malamig ang hangin sa labas, pero mas nanunuot sa akin ang kaba. Sinabi ko kay Rainiel ang flight details ko. Pilit kong iniiwasang magkrus muli ang landas namin ng lalaking ito dahil baka nandito si Rainiel. Pero nang ti
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa

Kabanata 343

Ngumisi siya muli, ngunit ngayon ay parang may halong lungkot. “Baka nga wala,” sagot niya. Tumalikod na siya at bumalik sa taxi, pero bago siya sumakay, humarap ulit siya sa akin.“Madeline, ‘di ba?” tanong niya bigla, ang tono niya ay halos pabulong.Nagulat ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko?“Sinabi mo sa airport, habang tinatawag mo ang pangalan ng boyfriend mo,” paliwanag niya bago ko pa man siya mapag-isipan ng masama. “Relax, hindi ko balak manghimasok. Siguro nga lang, may dahilan kung bakit tayo muling nagkita. Ingat ka.”At sa isang iglap, isinara na niya ang pinto ng taxi.Nanatili akong nakatayo sa harap ng apartment, hawak ang mga gamit ko, habang ang taxi na sinasakyan niya ay unti-unting nawawala sa paningin ko.Pagtingin ko sa pinto ng apartment namin, parang may mabigat na pakiramdam ang bumalot sa akin. Ang mga tanong sa isipan ko ay lalong dumami. Nasaan si Rainiel? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? At bakit parang ang lalaking ito, na dapat hindi k
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa

Kabanata 344

MADELINE POV Hawak ko dokumento para sa requirements sakasal namin , tahimik akong clinic office ni Rainiel sa ospital kung saan siya tumatambay tuwing wala na siyang pasyente . Gusto ko siyang sorpresahin. Pero sa halip na ngiti at yakap ay isang eksena ang naabutan ko na dumurog sa akin. Sa loob ng opisina niya, nakita ko si Rainiel, ang lalaking tinuturing kong magiging asawa mahigpit na nakayakap si Emma Lopez sa kaniya halatang mainit ang halikan nila. Parang tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung lalapit o lalayo ako, pero ang mga paa ko ay parang may sariling isip at dire-diretso akong pumasok sa loob. “Anong ginagawa niyo?!” sigaw ko, dahilan para mapalingon sila pareho. Halos hindi nagulat si Rainiel. Tumayo siya nang kalmado, habang si Emma ay ngumiti pa nang bahagya. Nakakapanlumo ang mga ekspresyong iyon. “Madeline, hindi ba dapat nasa bakasyon ka pa? Anong ginagawa mo rito? “ tanong ni Rainiel sakin, ang boses niya ay malamig at puno ng yabang. Parang kasalana
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Kabanata 345

LIAM WILSON POV Habang nag-uusap kami, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Si Madeline, ang babaeng walang takot magsalita at tila handang gawin ang kahit ano para sa layunin niya. Nakakaaliw siyang tignan. Napaka cute niya talaga pero halata ko ring may iniinda siyang sakit. Sakit sa puso na hindi niya maitago tago dahil sa mata niyang namamaga. Gayundin ang ilong niyang pulang pula. Napasandal ako sa kinauupuan ko dahil sa tingin ko tadhana na talaga ito dahil sa palagi kaming pinagtatagpo ng panahon at ngayon sa iisang ospital pala kami nagtatrabaho. Sa ospital na pagma-may-ari ko. Hindi ko alam ang ngyari sa kaniya pero ngayon, kasama niya ako sa baliw na plano niyang ito. “Kapag pumayag ka, isang taon kitang patitirahin ng libre sa apartment ko,” pamimilit pa niya, “At bibigyan kita ng $10,000 na monthly allowance. Ayoko ng komplikasyon, ayokong pagdating ng oras ay may iba ka pang hihingin kaya magpipirmahan tayo ng kontrata para less hustle sating dalawa.” Sa tono
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Kabanata 346

MADELINE POV Parang ang bigat ng katawan ko habang naglalakad ako papunta sa conference hall. Bawat hakbang ko ay parang isang pasanin. Nakasalubong ko si Rainiel at Emma. Magkahawak sila ng kamay at matamis ang mga ngiti sa mukha nila, parang ang saya-saya nila, at ako parang isang tahimik na saksi sa kanilang kaligayahan. Para akong binagsakan ng isang toneladang bato sa dibdib ko. Lahat ng sakit na tinatago ko, bigla na lang sumabog. Habang papalapit ako, pinilit kong itago ang nararamdaman ko. Pinilit kong gawing normal ang lahat, na parang walang nangyaring masama. Pero habang naglalakad sila papunta sa harap, ang mga tingin ng mga tao sa paligid ay ramdam ko. Ang mga mata nila ay puno ng pag-aalala at panghuhusga. Parang ako lang ang may dala ng pinakamabigat na pasanin. Nang dumating kami sa conference hall, ang bigat ng atmospera sa buong paligid. Naalis ang tuon ko ng magsimula na ang conference. Pinakilala na isa isa ang mga may katungkulan sa ospital. “And now, our
last updateHuling Na-update : 2024-12-03
Magbasa pa

Kabanata 347

Tumigil ang lahat ng bulungan dahil sa takot nila sa maaring gawin ni Liam. Napatingin naman ako kay Liam dahil sa ginawa niya. Na appreciate ko ito kahit pa kailan lang kami nagkakilala. Sa kabila ng tensyon, ramdam ko ang sinseridad niya sa bawat salitang binibitawan niya na kahit kailan ay hindi ko naramdamang binigay sakin ni Rainiel. Pero hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko—sino ba talaga ako sa buhay ng lalaking ito? At kaya ko bang tanggapin ang galit, inggit, at paghusga ng lahat ng taong ito para lang mapanatili ang kasal namin? Habang bumaba na kami ng stage, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon, pero tila hindi nito nabawasan ang init ng mga tingin sa akin. Sinalubong kami ng titig ni Rainiel, matalim at puno ng emosyon. Tumigil siya sa harap namin, hawak pa rin ang kamay ni Emma. “Congrats, Madeline,” sabi niya, pero halatang may halong pandidiri at inis. Ngumiti si Emma, pero ang ngiti niya ay tila may hinagpis at kasiyahan na hindi ko kay
last updateHuling Na-update : 2024-12-03
Magbasa pa

Kabanata 348

MADELINE POV Nang makauwi kami sa bahay ay siya na nag bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Kung okay lang sayo ako ang gagawa bg dinner natin ngayong gabi?” Tanong niya sa akin “Mmm okay sige lang no problema.” Sagot ko sa kaniya. Nakangiti siyang umalis sandali at nagpunta sa grocery. Pagbalik niya ay may dala siyang supot at parang may bote ng wine. Gusto ko lang siyang panuorin habang nagluluto. Dahil panay ang kwentuhan namin tungkol sa ngyari kanina sa event. Panay ang pang aasar niya sa naging reaksyon ng aking ex fiance at ng babae nito. Maya maya ay biglang tumahimik ang paligid, pero ang tunog ng kutsilyo niyang nagtatadtad ng herbs at ang tunog ng steak na nagluto sa kawali ay parang musika sa tenga ko. Nakaupo lang ako sa stool at tahimik na nanonood sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga. Ang simple lang ng ginagawa niya, pero ang lakas ng dating niya. Paano ba naman, kahit naka-t-shirt lang siya at sweatpants, parang modelo pa rin si Liam
last updateHuling Na-update : 2024-12-04
Magbasa pa

Kabanata 349

LIAM POV Makalipas ang halos dalawang linggo ay masaya ang naging takbo ng pagsasama namin ni Madeline kahit na alam naming contract marriage lang. Napapangiti talaga ako tuwing kasama ko si Madeline. Hindi ko alam kung bakit, pero kakaiba ang dating niya sa akin. Yung pagiging palaban niya, yung madalas niyang pagtanggi na may epekto ako sa kanya—lahat ng iyon ay mas lalo lang nakakatawag ng atensyon ko. Kinabukasan, nauna siyang umalis papuntang ospital. Hindi ko alam kung sinasadya niya iyon o gusto lang niyang umiwas sa akin. Tumawag ako sa kanya habang papunta ako, pero hindi siya sumagot. Ngayon, na-cu-curious ako. Kaya’t nang makarating ako ng ospital ay dumiretso ako sa nurse station para makita siya. Nakita ko agad si Madeline na abala sa pag-check ng mga charts kasama ang kaniyang mga kasamahan sa duty. Ang cute niya tingnan—seryoso, pero halatang naiilang nang makita niya ako, agad niyang binaling ang kaniyang tingin sa chart pabalik para iwasan ako. Pero tumigil ako s
last updateHuling Na-update : 2024-12-04
Magbasa pa
PREV
1
...
3334353637
...
47
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status