Habang nagkakatuwaan kami ni Doc Liam sa pool area, biglang lumapit ang mommy niya, dala ang dalawang baso ng wine. Agad akong napatigil sa pagtawa, at parang biglang bumigat ang paligid sa paglapit niya. Ang natural na ganda at awtoridad ng mommy ni Doc Liam ay hindi pwedeng hindi mapansin. “Ah, Liam,” sabi ng mommy niya, malumanay pero seryoso ang tono. “Pwede bang umalis ka muna? May kailangan akong sabihin kay Madeline.” Napakunot-noo si Doc Liam , halatang nagtataka. “Sige po, Mommy. Pero huwag niyo siyang masyadong takutin ha, baka bigla akong i divorce ng asawa ko. Pagbibiro niya sa kaniyang Mommy pero napakamot pa rin siya sa ulo habang naglalakad papasok ng bahay. Bago siya mawala sa paningin ko, lumingon pa siya at kumindat, parang sinasabing “Good luck.” Ngayon, naiwan kami ng mommy ni Doc Liam sa poolside. Umupo siya sa tabi ko, malapit lang, at iniaabot ang isang baso ng wine. Kinuha ko ito, pero hindi ko agad ininom. “Madeline,” panimula niya, titig na titig sa ak
Huling Na-update : 2024-12-08 Magbasa pa