“Alam mo, huwag kang feeling, okay?! Ang grupo n’yo lang ang pinaka-maingay dito, kaya natural lang na mapatingin ang mga tao sa inyo.” Pagtatanggol ko sa sarili ko.Ngumiti lang siya at sinagot ako, “Okay, Miss, sabi mo eh! By the way, ako nga pala si James. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”Napairap ako at tumungga ng tequila bago sumagot. “Alam mo, gusto ko lang mapag-isa, kaya pwede ba, huwag mo na akong idamay sa trip n’yo magkakaibigan? Quota na ako sa sakit ngayong araw. Kaya kung pwede lang, ibang babae na lang ang pagpustahan n’yo. Wala kang mapapala sa’kin.”Tumawa siya nang bahagya bago sumagot. “Miss, hindi ka namin pinagpupustahan. Kita mo namang umalis na ang mga kaibigan ko, ‘di ba? Oh, sige, ganito na lang hayaan mo lang akong umupo dito sa tabi mo at makipag-inuman sa’yo. Pero may kasunduan tayo kung sino sa atin ang unang gumawa ng hindi magandang kilos, siya ang magbabayad ng lahat.”Agad niyang tinawag ang waiter, na mabilis namang lumapit. “Ikaw ang saksi, h
Last Updated : 2024-06-18 Read more