KINAUMAGAHAN SA HOTEL ROOM NI JAMES
Napabalikwas ako ng bangon ng walang tigil na nag ring ang aking cellphone. Napasaplo naman ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay parang binibiyak ito sa sobrang sakit nagulat pa ako ng pagbaling ko sa aking tagiliran na may lalaki akong katabi, agad kong sinilip ang aking katawan na nakatabong sa ilalim ng comforter. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong mayroon naman akong saplot. "Ohhhh Kate, ano na naman kayang katangahan ang pinaggagagawa mo kagabi?!" mahina kong bulong sa aking sarili bahagya ko pang hinampas hampas ang aking ulo dahil sa totoo lang wala akong maalala kung ano ang mga ngayari kagabi. Wala din akong ideya kung paano ako nakarating sa silid ng lalaking ito. Ang huling natatandaan ko lang nasa Beach Front Bar ako at mag-isang nagpapakalunod sa alak. Dahan-dahan akong kumilos at bumaba ng kama. Ayokong makalikha ng ingay para hindi ko magising ang lalaki sa aking tabi. Ayokong makita niya ako lalo na at hindi ko naman kilala ang lalaking ito. Napasulyap naman muli ako sa kanya habang himbing na himbing ito sa kanyang pagkakatulog. Isa-isa kong pinulot ang aking sandals at maliit na bag at tuluyan ng lumabas sa loob ng VIP SUITE room na iyon. Lumingon muna ako sa paligid para masiguradong walang nakakita sa akin saka ko inayos ang aking sarili at walang lingon-lingon na akong naglakad palayo ng pasilyong iyon. Tinawagan ko naman pabalik ang aking bunsong kapatid para tanuning ito kung bakit siya walang tigil sa kakatawag sa akin. Naiinis man ako pero hindi ko kayang tiisin ang aking kapatid at magulang sa ibinalita sa akin ni George. ARAW NA NAGKAGULO SA AMING BAHAY GEORGE POV Nagkakatinginan kaming lahat nila Mama ng pagbuksan ko ng pinto ang taong nag doorbell sa aming gate. Nanlaki ang mga mata ni Mama at Papa na nagkakape ng umagang iyon sa may Veranda ng aming bahay, napabalikwas pa ang mga ito ng tayo. Hindi namin inaasahan lahat na darating na pala ngayong araw si Ate Kate. Ilang beses niya lang sinasabi sa amin na magbabakasyon sya sa Pilipinas ngunit hindi niya sinasabi ang petsa ng araw at oras ng kanyang pag-uwi. Nagulat na lang kaming lahat ng bigla siyang sumulpot sa bahay. "Suprise!" sigaw ni Ate Kate ng pagbuksan ko siya ng gate "Ang laki laki mo na bunso aah. Dalawang taon pa lang akong nawala ang laki na ng tinangkad mo sa akin. (binigay naman ni Ate Kate ang kanyang maleta sa akin at nanakbo na ito palapit kila Mama) Mama, Papa! (yumakap si Ate sa kanila, tila napansin naman ni ate ang pagsesenyasan namin ni Papa, tinuturo ni Papa na akyatin ko ang silid ni Ate Charlotte para sabihan ito) Aba parang hindi kayo excited na makita ako. Bakit ganyan yang mga mukha niyo para naman kayong nakakita ng multo sa pagdating ko!?” nagtatampong sabi ni Ate Kate samin. "Ahhhh Kate bakit hindi ka nagsabi samin na ngayon na pala ang dating mo sana ay nasundo ka namin sa airport?!" nauutal na sabi ni Mama. "Syempre Mama surprise nga. Meron ba namang surpresang sinasabi. (pumasok na ito diretso sa bahay) Hmmmmm namiss ko ang bahay natin . (sabi pa niya) teka Papa nasaan na si Charlotte don't tell me tulog pa rin siya anong oras na aah teka nga magising na muna yan?!" sabi pa ni Ate. Dire-diretso ng naglakad si Ate Kate papunta sa kwarto ni Ate Charlotte. "Teka Kate!" sigaw ni Mama sa kanya. Pipigilan pa sana siya ni Mama ng biglang pumanik na tila wala ng naririnig si Ate Kate sa kwarto ni Ate Charlotte. Sinundan naman namin kaagad si Ate sa taas pero huli na din ang lahat. Naabutan na niyang nakahiga pa sa kama si Ate Charlotte at Kuya Michael na magkayap. Matinding gulo na ang naganap sa aming bahay. Naiinis man ako ay wala din akong magawa dahil lagi akong pinapagalitan nila Papa sa tuwing sasabihan ko silang ipaalam na kay Ate Kate ang nangyari kay Ate Charlotte. Ang lagi nilang dahilan ay huwag na munang ipaalam kay Ate Kate dahil baka itigil nito ang pagpapadala ng allowance namin at baka hindi na din siya tumulong sa pag-aasikaso ng mga dokumento ni Kuya Michael para makasampa na siya sa barko. Matinding sagutan ang naganap sa pagitan nila Mama at Ate Kate. Hindi ko masisisi si Ate kung bakit ganoon katindi ang sama ng loob niya sa amin kahit ako ay tutol sa lahat ng pangungunsinting ginawa nila Papa kay Ate Charlotte. Kaya naman hindi na namin napigilan pa si Ate Kate at tuluyan na itong umalis ng bahay, iniwan niya ang malaking maleta na dala niya. Tanging hand carry luggage at maliit na bag lamang ang dala niya ng sumakay siya sa taxi. Hindi ko na siya naabutan dahil humarurot na ang taxi na kanyang sinasakyan ng labasin ko siya. "walanghiyang Kate yan! natuto ng sumagot sagot satin aba Arthur hindi mo dapat hinahayaan yan na ganyan-ganyanin lang tayo. Kala mo kung sino na . Porket nagka posisyon lang sa trabaho ang yabang yabang na!" galit na galit na sabi ni Mama kay Papa Dinuro ni Papa si Kuya Michael "Kaya ikaw lalaki ka gawan mo ng paraan yan, kelangan mapakasalan mo na kaagad si Charlotte bago ka pa sumampa ng barko para hindi kayo nalalait ng ganyan ni Kate. " galit na singhal ni Papa kay Kuya Michael. "Pa, bakit naman parang si Ate Kate pa ang may kasalanan?! siya na nga itong niloko niyang hayop na yan." dinuro-duro ko si Micahel habang gigil na gigil akong nagsasabi kay Papa. "Ikaw George napakatigas din ng ulo mo hilig mong makisawsaw. Huwag ka ng dumagdag sa ikasasama ng loob ng Ate Charlotte mo. Alam mo ng buntis ang kapatid mo baka makasama yan sa bata.” Galit na pagsaway sakin ni Papa. Panay naman ang iyak ni Ate Charlotte at inaalo ito ni Mama. "Huwag po kayong mag-alala Tito gagawan ko po ng paraan para maikasal na kami ni Charlotte sa lalong madaling panahon. Kumpleto na din naman ako sa mga dokumento at training ko para si Charlotte na ang ilalagay ko sa Alote ko. Schedule na lang din ng pagsampa ang kulang dahil nakapasa naman na ako sa interview.” sagot naman ng kup*l na Michael na ito. Padabog akong pumasok sa loob ng aking kwarto at pabalibag kong inilock ang aking pinto.Kinabukasan ay sobrang galit na galit pa rin si Mama kay Ate Kate ,panay ang pagsigaw niya sa buong bahay dahil hindi man lang siya sinasagot ni Ate ang kanyang mga messages at tawag. "Bwis*t na Kate yan, hanggang ngayon ayaw pa rin akong sagutin sa tawag ko. Aba hindi siya nagpadala ng allowance para ngayong buwan at biglaan palang uuwi . Anong ipangbabayad natin sa mga bills ngayon! Ginigil talaga ako ng anak mong yan Arthur." sabi ni Mama Camilia“Ikaw nga tumawag diyan George baka sakaling sumagot yang kapatid mong magaling! Ang dami daming bayarin dito sa bahay hindi man lang nag iwan kahit magkano.”Sabi naman ni Papa“eeh kasi sinabihan mo pa si Ate na hindi niyo kailangan ang pera niya siya na nga itong niloko" pabulong kong sabi sa kanila"anong sinasabi mo George?" tanong sakin ni Mama"sabi ko anong sasabihin ko kapag sumagot na si Ate?!” Tanong ko naman sa kanila“Ikaw ng bahala magdahilan sabihin mo na din yung pang tuition ni Charlotte. Isa pa yun hindi naman pwedeng i h
Hindi naman nagtagal ay biglang nag ring ang aking cell phone. Si Ate Kate ang nasa kabilang linya. Bumubulong ito sa pagsasalita ng sagutin ko ang kanyang tawag. Hindi ko pa siya masyadong marinig pero sinabihan ko na siya sa nangyari kay Mama. "ate si Mama kasi, sinugod sa ospital." sabi ko kay ate Kate "bakit anong ngyari kay Mama?" tanong naman niya sakin "galit na galit kasi sayo si Mama kahapon pa. Tinatawagan ka daw niya hindi ka naman sumasagot." natataranta kong sabi sa kanya, narinig kong napabuntong hininga naman si Ate Kate mula sa kabilang linya." kaya ayon kanina biglang inatake sa puso, namumutla siya nung una hanggang sa hinimatay na siya ng tuluyan, susunod na din ako kila Papa sa ospital ngayon." sabi ko pa kay Ate. "umuwi ka na dito ate, pasensya ka na Ate pero kasi ang alam ko walang pambayad sila Mama sa ospital, kanina inaangal pa din niya ang pambayad sa kuryente, mapuputulan na daw tayo" nahihiya ko pang sabi sa kanya. "bakit nagpadala ako sa kanya nung naka
CHARLOTTE POVNakaupo ako sa may silya sa labas ng aming balkon. Napapangiti ako ng makaalis na si Ate Kate sa aming bahay. Mahal ko ang aking kapatid ngunit nagkataon lang na iisa ang taong minahal namin. Umakyat na din sila Mama sa kanilang kwarto sa sobrang galit kay Ate Kate. Nagkaruon na ako ng kutob na ngayong araw ang dating ni Ate para magbakasyon dito sa Pilipinas batay sa huling video call namin ng sabihin ko sa kanya ang tungkol sa last tuition fee na babayran ko. Finals ko na din kasi, ilang buwan na lang at pa graduate na ako. Kagaya ng napagkasunduan namin nila Mama at Papa hindi ko binanggit kay Ate ang tungkol sa aking pagbubuntis dahil siguradong hindi na ito magpapadala sa amin ng sustento lalo na kapag nalaman niya kung sino ang ama ng aking pinagbubuntis. Mag-dadalawang tatlong buwan na din ang dinadala ko sa aking sinapupunan. Hindi ko inagaw kay Ate si Michael. Una naman talaga kaming nagkakilala ni Michael bago pa man maging sila ni Ate ng biglaan, kasamahan ko
Nagdaan ang mga araw at palagian na ang naging pag-aaway nila Michael at Ate dahil ito sa lalaking laging nakakasama ni Ate Kate sa kanyang picture. Kaya naman palagi akong niyaya ni Michael na mag-inom hanggang sa isang araw ay naungkat namin sa usapan ang nakaraang panliligaw niya sa akin. "Alam mo Charlotte dapat kasi ikaw na lang talaga . Bakit ba kasi ayaw mo sakin noon?" tanong nito sa akin. Napaparami na din ang aming naiinom ng mga sandaling iyon. "Michael magtigil ka nga diyan!. Engage ka na sa kapatid ko kahit pa sabihin kong gusto kita wala na din naman silbi." pagpapakipot kong sagot sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. Napahinto siya sa paglagok ng kanyang iinumin. Dahil sa palagian na naming pagsasama ay naramdaman kong nahulog na muli ang loob sa akin ni Michael, makikita sa lagkit ng kanyang mga tingin ang matinding pagnanasa sa akin. Mag-iisang buwan na din kasi magmula ng hindi na siya kausapin ni Ate Kate dahil sa pagseselos niyang wala naman talagang baseha
JAMES POV Naparami na naman ako ng nainom na alak kagabi. Alam kong naabot ko na naman ang limit ng aking pag-iinom dahil nakakaramdam ako ng pagsakit ng aking ulo. Ganun pa man ay tandang tanda ko pa rin ang lahat ng nangyari at ginawa ko kagabi. Napabalikwas ako ng bangon ng pagkapa ko sa aking tabi ay wala na si Kate. "Hay Kate, kakaiba ka talaga sa lahat." anas ko , napapailing na lang ako ng aking ulo ng maalala ko ang masayang kwentuhan namin ni Kate kagabi pati na ang muntik kong pag angkin sa kanya. Kilala akong babaero at aminado naman ako doon, hindi ko pinapalampas ang kahit na sino basta magpakita sa akin ng motibo. Ika nga nila kapag palay na ang lumalapit sa manok ay hindi mo pa ba ito tutukain?. Pero kakaiba ang naramdaman ko kay Kate kagabi. Nirespeto ko siya ng malaman kong virgin pa siya. Hindi ko naman kasi inaasahan na hanggang ngayon ay wala pa pala itong karanasan sa pakikipagtalik dahil kahit sinong lalaking nakakita kung gaano ka wild si Kate sa dance fl
KATE POVMatapos ang tatlong araw ng pananatili ni Mama sa ospital ay pinayagan na din siya ng kanyang Doctor na lumabas. Sa buong panahon magmula ng ma-confine si Mama sa ospital ay hindi ko man lang nakitang bumisita sa kanya sila Charlotte o sinasadya talaga ng mga ito na hindi ko sila maabutan . Maaring sinasabihan na sila ni Mama sa tuwing parating na ako sa ospital para makaiwas sa maaring maging gulo. Kagaya ng sinabi ko kila Mama at Papa hindi na ako bumalik sa bahay namin, nangupahan na lang ako ng apartment na may kalayuan sa aming bahay. Si bunso lang din ang nakapunta sa aking apartment. Inasiakso ko na din ang pagkuha ng sarili kong condo habang nandito pa ako sa Pinas dahil magmula ngayon ay wala na akong planong bumalik sa bahay namin kung saan din nakatira sila Charlotte kasama si Michael. Si bunso naman ang patitirahin ko sa aking condo kapag bumalik na ako sa Dubai, kung aayaw naman siya ay plano ko na lang paupahan muna ito sa mga estudyante tutal ay malapit lang i
“Sige anak, wag ka sanang magtampo samin ng Mama mo kung nilihim namin ito sayo. Saka yung mga naririnig mo sa mga kapitbahay natin hayaan mo sila. Alam mo namang wala kaming ibang maasahan kundi ikaw lang. Sana naman hindi maputol ang pagpapadala mo samin ng allowance pagbalik mo ng Dubai ng dahil sa nangyari. (maamong sabi sakin ni Papa) Alam mo naman diba?! Si Charlotte kasi pagka graduate nun ay hindi pa muna siya makakapag trabaho dahil manganganak na din ang kapatid mo. Malapit na din naman makasampa sa barko si Michael habang hindi pa siya nakakaalis, pakiusap namin ng Mama mo na ikaw muna ang gumastos sa amin pati sa pagpapa check up na din sana ng kapatid mo tutal ikaw naman ang meron sa ngayon ibabalik din naman nila yun pag-nakaluwag luwag na sila!” Mahinahong sabi ni Papa. Hindi naman ako sumagot sa kanila. Ayokong magsalita dahil baka kung ano na naman lumabas sa bibig ko. Sa isip isip ko , nagawa na nga nila akong gag*hin tapos ngayon ako pa ang sasagot sa mga obligasyo
MALAKIPAS ANG DALAWANG ORAS Malalakas na pagkatok sa pintuan ng apartment na tinutuluyan ko ang sunod sunod na umalingaw-ngaw. Sa sobrang katahimik sa lugar na iyon ay maririnig ko mula sa loob ang mga pang aasar ng mga kababata ko na ume-echo sa buong pasilyo ng 10 rooms apartment na iyon. "ang mga bruha! hahaha" anas ko. "KATE BUKSAN MO ANG PINTO!" mala Nora Aunor sabi ni Alvin. Tawa ako ng tawa ng mabuksan ko na ang pinto dahil nagda-drama na kagad itong si Alvin , nag-wa-walling pa siya. nakakapit sya patalikod sa pader saka paupong nagpadausdos. "hahaha chos lang!" sabi nito sakin. “Ahhhhhh!!! (malakas na sigaw ni Nikka) Kate, wow naman asensado na talaga ang friend natin ang ganda ganda natin ngayon teh! Sa lahat ng niloko ikaw lang ang blooming na blooming. Kaya ka mapag tsismisan sa Maharlika Compound, ” walang pakielam na sabi ni Nikka sakin. Tawa pa ito ng tawa sa kanyang kalokohan. “Ahh okay bye! (Pang aasar ko dito, asta kong sasaraduhan sila ulit ng pinto) hahhah
IN THE PHILIPPINES Prolongue May aftermath pa para kay Natalie ang ngyari sa US. Pero wala siyang choice dahil back to reality na naman siya. Maaga siyang gumising dahil kailangan niyang maghanda para pumasok sa kanyang office. Sa bahay niya muna siya nagpahatid pagkagaling nila sa Airport para makapagpahinga din si Haime ng maayos. Alam niyang pagod din ito dahil sa mahabang byahe. Hindi na rin niya inabala sa pagtulog itong si Manang dahil may jet log pa ang matanda. Humihilik pa ito sa kanyang pagkakatulog ng silipin niya. Sya na muna ang nag-asikasong magluto ng kanyang pagkain, simple omelet, toast bread and coffee lang ang kinain niya for breakfast. Pagpasok niya sa opisina ay masayang bumati sa kanya ang lahat ng nakakasalubong niyang empleyado sa lobby. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Nagtataka naman siya sa mga kakaibang ngiti na binibigay ng kanyang mga staff sa kaniya. Hinahanap naman ng mata niya ang mga tao sa cubicle sa floor bago makapasok sa opisina niya. Wala kas
Haime Huling araw na namin sa States, tumawag na si ako kay Jerald para ipaalala dito ang kanyang plano, pinaalam ko dito na lahat ay naka set na. Sinabihan ko din si Mang Samuel at Aling Cathy na sumama sa aming despedida dinner, “Mag ayos po kayo Mang Samuel. White po ang motif natin” sabi ko sa kanila “Sige po sir.” Ganoon din si Manang na pinaghandaan ng matanda, lahat sila ay pinagdamit ko ng puti. Clueless naman si Natalie sa kung anong magaganap ngayong araw, Alam naman talaga niyang mag dinner kami sa Yate para sa last day get together namin kasama ang kaniyang pamilya. Pagdating namin sa Yate, naaliw si Natalie sa itsura ni Kim, nakasuot ito ng puting dress at may koronang bulaklak sa kanilang ulo. “Wow naman ang princess namins sobrang ganda.” Pagbati niya kay Kim. “Because i look like you tita ganda.” Magiliw niyang tugon. Naabutan naming nagkukwentuhan ang kanyang pamilya, Nauna ang mga itong dumating kaysa samin. Isa-isa na din kaming nagsipag akyatan sa Yate.
HAIME POV Kinabukasan , as usual naunang nagising na naman sa akin si Natalie. Alam kong excited din siya kaya agad na din akong bumangon at naligo. Sinundo namin ang pamilya ni Natalie sa address na binigay ni Jerald. Hindi naman ito kalayuan sa bahay na namin at alam ko iyon, ginamit namin ang malaking Van na tinatawag nilang artista van sa Pilipinas. “Good morning Haime, good morning Anak.” Masayang bati ng Mommy niya sa amin. “Good Morning din Tita. Ready na po kayo?!” Nakangiti kong tugon. Lumapit din si Natalie sa parents niya at humalik. “Oo iho , hindi na nga kami nakatulog nitong si Ethan sa pagka excited.” Sagot sakin ni Tita Kayline Bumaba naman ako katapat ni Kim at binati ang batang kanina pa nakatingin sakin. “Who’s excited to go Universal Studios?” Pilyo kong tanong “Me…..” sumisigaw habang tumatalong sagot ni Kim. “Okay kaya naman. Lets go na.” Tugon ko sa kaniya. Tinulungan ko na nga din sila Jerald mag ayos ng kanilang mga dalang gamit. Dahil ka
NATALIE POVHindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayong gabi. Kaya ng makarating kami sa kwarto ay pinupog ko ng mainit na halik si Haime. Walang hanggan ang pasasalamat ko kay Haime. Hindi ko na siya inusisa pa kung paano niya nahanap ang parents ko. Ang importante lang sakin ay pinahahalagahan ni Haime ang bawat sinasabi ko. "ikaw!, masyado kang clever hon, bakasyon pala ahh...." malandi kong sabi kay Haime habang nakalingkis ang aking mga braso sa kaniyang leeg. “Pero again, I appreciate everything hon. You made this trip really extra special” nakangiti kong sabi.“Kaya naman Mister Haime Rodriguez, come with me…” malandi kong hinila papuntang banyo si Haime. “Hon…. Wag mo kong sisimulan, i swear you cannot stop me!” Malambing pero may pagbabanta niyang sabi.“Then don’t stop” sagot ko sa kaniya.Pagdating namain sa loob ng banyo ay tinitigan ko siya ng may kaharutan sa kaniyang mga mata. Pilya kong kinagat ang aking mga labi habang dahan dahan kong hinuhubad ang mga
HAIME POV "thank you Hon!" bulong ni Natalie sa akin. Sobrang na-appreciate niya ang ginawa kong ito para sa kaniya. Aminado naman kasi talaga siyang matagal na niya itong pangarap na mangyari pero dahil sa ego at dahil na din sa pagka busy niya sa negosyo ay laging naiisantabi ito. Masaya siyang nakasabay ulit niya sa isang hapag ang kaniyang mga magulang at kuya. Bonus pa na kasama nito ang asawa at anak nito."Hon is it okay na tumabi ako kila Mommy?!" tanong niya sa akin "it's okay ano ka ba. I-enjoy mo ang moment Hon, masaya ako na nagustuhan mo ang hinanda ko para sayo." tugon ko sa kaniya. Parang bata itong yumapos sa kaniyang Mommy at Daddy, samantalang ako ay umupo sa tabi ng kaniyang Kuya. Mabilis din kaming nagkasundo ng kapatid niya, dahil isa rin itong businessminded person, naiisipan na din pala nitong mag retire sa ospital para mag for good na sa Pinas pero madami pa siyang dapat isa-alang-alang kaya hindi pa siya sumusuong. Panay pagpapasalamat ni Natalie sa akin k
NATALIE POVSa loob ng VIP Lounge. Nakangiting pumasok si Haime. Agad kong ibinaba ang aking cellphone, at ngumiti ako sa kaniya. Hindi pa rin maalis ang ngiti ko dahil sa pang aasar ng mga kaibigan ko. Naupo si Haime sa tabi ko.“Ang tagal mo naman Hon, okay ka lang ba?!” Tanong ko sa kaniya.“Im good Hon, medyo may pila lang kasi sa CR.” Sagot naman niya sa akin. “May order na ba kayo?” Tanong niya sa akin“Wala pa , hinihintay ka pa namin” tugon ko sa kaniyaNakatalikod ako sa pintuan ng VIP LOUNGE kaya hindi ko nakikita kung sino ang pumapasok. Bumukas ulit ang pinto at nagulat ako ng mula sa kanyang likuran ay may batang masayang tumatawa. Bahagya nitong kinapitan ang aking buhok dahilan para humarap ako.Paghalingon ko para tignan kung sino ang batang ito ay bumuhos na ang mga luha sa aking mga mata. Nagulat siya ng makita ko si Mommy, Daddy at Kuya Jerald, hindi naman pamilyar sa akin ang kasama ni kuya na babae. Pero sa tingin ko ay asawa niya ito at ang bata na kahawig ko
KAYLINE POV Mixed emotion ang nararamdaman ko. Halos dekada na din kasi ng huling kong makita ang aking anak na babae. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagtatrabaho magmula ng hindi na bumalik samin si Natalie. Nagalit ako sa kaniya dahil mas pinili niya ang lalaking yun kaysa samin. Matinding kirot ang dinulot noon sa puso namin ng Daddy niya na walang ibang inisip kundi ibigay ang maganda at marangyang pamumuhay sa kanilang magkapatid. Habang ako ay naglalakad sa pasilyo ay nag-flashback naman sa aking alala ang pangyayari sa aming bahay isang araw bago kami tuluyang mag migrate sa Amerika. Abala kaming lahat mag-impake pati itong si Manang ay abala din sa pag-iimpake ng mga gamit ng kanyang mga alaga, Malapit talaga itong si Natalie at Jerald sa kanilang Manang dahil ito na halos siya ang kasama ng mga bata habang lumalaki sila. Dahil sa abala kami sa negosyo noon. Ang buong akala namin nung una ay dahil sa hindi na namin maisasama si Manang kaya ito nagmamaktol ngunit may ib
Napansin kong ang babae ay ang Mommy ni Natalie at ang lalaki naman ay ang Daddy niya na may umaalalay na. Kasabay ng mga itong naglalakad ang isang mag-anak na kung titignan ay nasa mid-age pa. Mukhang mga professional ang mga ito sa tindig, at klase ng kanilang pananamit. Magaganda ang mga kasuotan nito, at mukhang alam nila ang dress code sa lugar na ito. Makikita namang sophisticated at may pinag-aralan ang mga ito dahil sa kanilang kilos. Mukhang ito ang adopted brother na sinasabi ni Natalie sa akin. Nakangiti ko silang sinalubong. Magalang kong pinakilala ang sarili ko sa kanila. Sa totoo lang kilala ko ang ang mga taong harap ko ngayong gabi, dahil na din sa tulong ng imbestigador na kinuha ko .Palagi akong nagpapa send ng mga picture sa kanila para maging updated ako sa ngyayari. Imbestigador ang palagi kong kausap sa email at ito din ang laging tinatawagan ko sa tuwing nagtatago ako kay Natalie upang makipag ugnayan ay maplano ng maayos ang araw na ito. IMbestigador din
SA BAHAY NI HAIME Nauna akong bumaba , nakahanda na ako . Habang naghihintay ako sa dalawang kasama ko ay naging abala ako sa aking telepono.Para akong magnanakaw na nakikipag usap, maya't maya ang aking pagsilip kung pababa na sila Natalie. Si Mang Samuel naman ay hinahanda na ang sasakyan na aming gagamitin. Bago nga tuluyang makababa sila Natalie ay natapos na din ako sa aking kausap. Mabuti na lang at naibaba ko kagad ang aking telepono . “You stole my heart! My God Natalie. You look so stunning!” Natulala kong sabi ng makita ko si Natalie. Ayun na lang ang nasabi ko ng alalayan ko siya habang pababa ng hagdan. “Tse! Bola.” Nahihiyang pagtutol ni Natalie sa akin . Nakita ko nag kilig sa mga mata niya sa tuwing binabati ko siya. “Kidding aside hon! Napakaganda mo! Bagay na bagay sayo ang napili mong damit” “Mmm thank you kung ganun. Teka hon si Manang din pala. Don't worry hon, tinawag na siya ni Cathy sa kwarto niya. Nakabihis na din ata siya. ” Nauna ng sumasakay sa sa