“Sige anak, wag ka sanang magtampo samin ng Mama mo kung nilihim namin ito sayo. Saka yung mga naririnig mo sa mga kapitbahay natin hayaan mo sila. Alam mo namang wala kaming ibang maasahan kundi ikaw lang. Sana naman hindi maputol ang pagpapadala mo samin ng allowance pagbalik mo ng Dubai ng dahil sa nangyari. (maamong sabi sakin ni Papa) Alam mo naman diba?! Si Charlotte kasi pagka graduate nun ay hindi pa muna siya makakapag trabaho dahil manganganak na din ang kapatid mo. Malapit na din naman makasampa sa barko si Michael habang hindi pa siya nakakaalis, pakiusap namin ng Mama mo na ikaw muna ang gumastos sa amin pati sa pagpapa check up na din sana ng kapatid mo tutal ikaw naman ang meron sa ngayon ibabalik din naman nila yun pag-nakaluwag luwag na sila!” Mahinahong sabi ni Papa. Hindi naman ako sumagot sa kanila. Ayokong magsalita dahil baka kung ano na naman lumabas sa bibig ko. Sa isip isip ko , nagawa na nga nila akong gag*hin tapos ngayon ako pa ang sasagot sa mga obligasyo
MALAKIPAS ANG DALAWANG ORAS Malalakas na pagkatok sa pintuan ng apartment na tinutuluyan ko ang sunod sunod na umalingaw-ngaw. Sa sobrang katahimik sa lugar na iyon ay maririnig ko mula sa loob ang mga pang aasar ng mga kababata ko na ume-echo sa buong pasilyo ng 10 rooms apartment na iyon. "ang mga bruha! hahaha" anas ko. "KATE BUKSAN MO ANG PINTO!" mala Nora Aunor sabi ni Alvin. Tawa ako ng tawa ng mabuksan ko na ang pinto dahil nagda-drama na kagad itong si Alvin , nag-wa-walling pa siya. nakakapit sya patalikod sa pader saka paupong nagpadausdos. "hahaha chos lang!" sabi nito sakin. “Ahhhhhh!!! (malakas na sigaw ni Nikka) Kate, wow naman asensado na talaga ang friend natin ang ganda ganda natin ngayon teh! Sa lahat ng niloko ikaw lang ang blooming na blooming. Kaya ka mapag tsismisan sa Maharlika Compound, ” walang pakielam na sabi ni Nikka sakin. Tawa pa ito ng tawa sa kanyang kalokohan. “Ahh okay bye! (Pang aasar ko dito, asta kong sasaraduhan sila ulit ng pinto) hahhah
“Preeeetttt !!! Piiiit! Piittt! Nikka busi-busina din pag may time oh! Oo si Kate tong kaharap mo. Siya yung ex fiance ni Michael at pamilya niya yung ikinukwento mo!” Pag aawat naman ni Alvin sa pagiging madaldal ni Nikka. “Aba girl mas okay na yan kesa malaman pa ni Kate sa iba na naman niya malaman, atleast tayo na naunang nakapag-chika sa kanya” sabi naman nito “Ok lang Alvin , sus ngayon pa ba ako masasaktan, buti pa nga mga kapitbahay natin alam na nuon pa ang ngyari kay Charlotte at Michael ako na lang pala ang hindi pa nakakaalam. At himala dahil hindi umabot ng Dubai ang tungkol dito samantalang lahat na lang ata ng tsismis lumilipad, at ito pa talaga ang nakalagpas sakin” Sabi ko pa sa kanila “Girl pasensya ka na hindi naman namin masabi sayo, malay ko bang hindi mo pa alam. Busy ka din naman kasi lagi girl, bibihira ka na nga naming makitang magpost“ sabi naman ni Nikka sa amin. “Hayaan niyo na yun , move on na lang talaga pero hindi na ko babalik sa bahay nila Mama han
KATE POV AFTER A WEEK Bumalik na ako ng Dubai. Dito ko na lang naisipang tapusin ang natitirang araw ng aking bakasyon. Mayroon pa din akong 2 weeks bago ako bumalik sa duty ngunit ng malaman ng aming Operation Manager na maaga akong bumalik dito sa Dubai mula sa aking pagbabakasyon sa pinas ay pinatawag ako ng mga ito sa opisina para sa isang mahalagang balita.Pagdating ko sa kwarto ko ay inupdate ko lang sila Mama na nakarating na ako dito sa flat namin, hindi ko na din inaasahang makapag reply kaagad ang mga ito sakin dahil ngayong araw din ang kasal ng aking kapatid kay Michael. Ginawa kong abala ang aking sarili sa paglilinis ng aking kwarto, binago kong muli ang porma ng aking silid para pagpagin ang kamalasan sa buhay ko. Nang makatapos naman ako sa aking ginagawa ay sinimulan ko ng mag-parte parte ng mga pasalubong na dala ko para sa mga kasamahan ko at kaibigan dito sa Dubai. Ang totoo niyan iniiwasan ko talagang makapitan ko ang aking cell phone ngayong araw, ayoko s
Nang dumating ang alas singko ng hapon ay nagdatingan na sa flat ang mga kasama ko sa bahay. Kagaya ng ibang mga OFW na nagtitipid, naisipan kong mangupahan lang ng maliit na kwarto kay Tikya ang aming flat holder, hindi kasi practical dito sa abroad ang kumuha ng sariling bahay, mas okay ang room sharing. Mabuti na nga lang at mura kong nakuha ang kwarto na ito, kasama ko dito ang kaibigan ko sa trabahong si Lou, siya ang nag refer sakin sa flat holder namin, ng malaman niyang nabakante na ang isang partition sa kanilang flat ay agad niya akong inabisuhan at nagustuhan ko naman ito ng makita ko dahil sakto lang ito para sakin ang mahalaga may sarili akong kwarto na matulugan.Dalawa lang kami sa full room na nilagyan ng partition at may maliit na hallway sa gitna namin, may sarili din kaming banyo sa loob kaya hindi na namin kailangan pang makipag unahan kapag kailangan naming gumamit ng banyo. Dito sa Dubai madaling makakuha ng mauupahang kwarto pero mahirap makatapat ng maayos na ma
AT THE HEAD OFFICE DUBAI BRANCH Pagdating ko sa Head Office ay nagtungo na muna ako sa receptionist area. Simpleng jeans at t-shirt lang ang suot ko na tinernuhan ko ng doll shoes at sling bag , tinirintas ko lang din ang buhok ko para bumagay sa awra ng outfit ko. Hindi na ako nag formal attire dahil hindi naman ako sinabihang mag-du-duty ni Madam Isabel nung nag message siya sa akin kahapon. "Hi Zel (bati ko sa receptionist naming Pinay, inabot ko sa kanya ang isang supot na naglalaman ng pasalubong ko sa kanya mula Pinas) Dumating na ba si Madam Isabel?" tanong ko sa kanya Nakangiti naman ito ng buksan ang binigay kong pasalubong "ay dai! nagbakasyon ka pala. salamat dito , Oo nandiyan na siya halos magkasunduan lang din kayo. Kakapasok lang din niya sa loob" sabi naman niya sakin "Sige puntahan ko muna maya na lang tayo mag chikahan aah!" sagot ko naman sa kanya "sige, sige!" sagot naman niya sakin Naglakad na ako papasok. Pinag buksan pa niya ako ng pinto dahil wala akong
KUWAIT Madaling lumipas ang isang buwang taning na ibinigay sakin ng Top Management para mag- turn over ng mga trabaho at mag appoint ng bagong mag ha-handle para sa branch na maiiwan ko sa Dubai. Sumang-ayon naman ang mga matataas na amo sa pagpili ko kay Penny bilang new supervisor in charge, dahil isa siya sa mga dedicated na staff na maaring magpatuloy ng magandang pamamalakad na aking nasimulan. Naturuan ko na din ito ng ilang mahahalagang bagay at techniques na maari niyang i-apply para makatulong sa kanyang trabaho. Hindi ko rin naman siya papabayaan kahit na nasa Kuwait na ako. Maari naman niya akong i message o tawagan kahit na anong oras para magpaturo. Pinabagahe ko naman kila Mama ang iba ko pang gamit na hindi ko na maaring dalhin papuntang Kuwait, kagaya ng sinasabi sa akin ni Madam Isabel, maganda at maayos ang bansang paglilipatan ko. Ito din daw ang may highest currency sa buong mundo , isa pa sa taas ng sasahurin ko dito monthly ay makakaipon na ako ng maayos at
1 YEAR AFTER SA BRANCH SA KUWAIT Lahat kami sa Showroom pati na rin ang mga tauhan ng Head Office ay abalang naghahanda ng pag-pa-planong gagawin namin para sa magiging marketing strategy ngayong darating na Feb. 20 . Nararamdaman ko din ang matinding suporta mula sa Top Management sa pamamagitan ng pakikiisa nila sa pagbibigay ng kanilang mga suhestiyon ng mga promo at raffle na maari naming maging gimik sa unang taong anibersaryo ng aming showroom. Masaya ko ding ibinahagi sa aking mga boss’es ang development na nagawa ng aming team para sa ikauunlad ng Showroom na kinakapitan ko. Iba ang kompitesyon kapag nagtrabaho ka sa Arab Country. Madalas dito ang sulutan ng posisyon. Sa ilang taon ko sa Dubai danas ko na ito at ngayon ay parehas na sitwasyon ang nararanasan ko sa Kuwait. Ang kagandahan lang sa middle east walang diskriminasyon para magkaruon ka ng posisyon kahit gaano kalaki pang establisyimento ang pagtatrabahuhan mo. Kagaya na lamang ng nangyari sa akin ng ako ay nas
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.
Napatango ako, damang-dama ang bawat salita niya. “Opo, Tita Amara, Tito Lance. Nangangako ako. Hinding-hindi ko na sasaktan si Kayline. Ang tanging gusto ko ay ang alagaan siya at mahalin habang-buhay. At maliwanag din po na hindi kami titira sa bahay ni Mommy at kahit anong mangyari ay susuportahan ko siya” Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko, pero pinigilan ko ito. Hindi ko maaaring ipakita ang kahinaan ko sa sandaling ito—kailangan nilang makita kung gaano kaseryoso ang intensyon ko. Tumango na rin si Tito Lance. “Okay Sige, kung ganun Ethan. May basbas mo na kami. Pero tandaan mo, nag iisang babaeng anak namin si Kayline. Huwag mong kalimutan ang pinangako mo ngayon.” Halos mapatalon ako sa tuwa, ngunit pinigilan ko ang sarili kong maging sobrang emosyonal. Tumayo ako at inabot ang kamay ni Tito Lance, matatag na tinanggap ang pahintulot nila. “Salamat po. Maraming, maraming salamat. Hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay niyo sa akin." sagot ko sa kanila ng may
BEFORE THE PROPOSAL 10 DAYS BEFORE “Baby, hindi ako kagad makakauwi ng bahay. May meeting kami sa labas nila Ricky para sa isang client” malambing kong sabi kay Kayline “Okay no problem, may aasikasuhin din ako mamayang gabi baka malate ako magkikita kami nila Lander.” Sagot naman niya sa akin “Sige susunduin na lang kita kapag maaga kaming natapos sa meeting namin. “ sabi kong muli sa kaniya “Its okay don’t worry about me, dadalhin ko din sasakyan ko.” Sagot naman niya sa akin. “Okay Love you!” “I love you too. See you later” sagot ko sa kaniya at ibinaba ko na ang tawag ko sa kaniya. Nang mga sandaling iyon ay nasa tapat na din ako ng bahay nila Kayline , mula pa lang sa pagpasok ko sa bahay nila ay ramdam ko agad ang bigat ng magiging topic namin ng kaniyang parents. Seryosong nakaupo ang kaniyang Mommy Amara at Daddy Lance, sa dinami dami na ng hinarap kong mga malalaking clients, problema at kaganapan sa buhay ko dito lang sa parents lang ni Kayline ako parang dinaga. Ka
Nag-uumapaw ang damdamin ko, at sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Tumingin ako kay Ethan, na ngayon ay dahan-dahan nang lumuluhod sa harap ko, hawak ang isang maliit na kahon na may nakabukas na singsing. Ang gulo ng isip ko hindi ko inaasahang mangyayari ito. Sa paligid namin, tahimik na nagmamasid ang pamilya ko at mga kaibigan, bawat isa sa kanila ay nakangiti, at parang may lihim na kilig na pinipigilang sumabog. Nagulat din ako na nandun na din sila Lander at Kim na halos kakadating dating lang. “Kayline,” ang mahinang sabi ni Ethan, ang mga mata niya ay nakatingin ng diretso sa akin, puno ng emosyon at pagmamahal. “Noong una kasal natin , alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. Naging bulag, bingi at pipi ako noon dahil sa mga maling impormasyon na nakarating sakin. Kaya bago ang lahat gusto kong humingi ng tawad sayo. Akala ko okay na tayo ng mag live in tayo matapos ang reconcillation sa pagitan nating dalawa . Pero habang t
KAYLINE POV Isang ordinaryong araw. Weekends na naman. Nagkaayan kami ng aking mga college friend na sila Kim na magbonding this week kaya naman nagpaalam ako kay Ethan para sa ME TIME namin habang siya ay lalabas din kasama ng kaniyang mga kaibigan. “Baby you need anything sa mall? Sa BGC kami.” Maambing kong sabi kay Ethan habang nag aayos ng sarili “Wala naman baby, mag enjoy ka sa time mo with your friends, lalabas din kami nila Patrick mamaya.” Nakangiti kong sumabi. “Okay thank you baby. I love you. Aalis na ko nandiyan na ata sila Lander nag message na ee.” Sagot ko sa kaniya. Humalik na ako sa kaniya at lumabas na ng bahay. Nanhihintay na sila Lander kasama sila Kim. Tuwang tuwa ako matagal tagal na din since last kaming nagkita kita. Habang naglalakad kami sa BGC at hawak-hawak ang mga bag na pinamili namin ay naglalaro na kagad sa isip ko ang magiging plano ko sa susunod na weekend. Nagkakatawanan ka