JAMES POV Ilang buwan ng walang tigil sa kakakulit sila Mommy sakin para pumayag ako sa sine-set up nilang pagpapakasal ko kay Scarlette. Mariin ko mang tinutulan ang kagustuhan nila ngunit wala din akong magawa sa laki ng naging kasalanan ko sa kanila noon, isa sa dahilan ko ngayon kung bakit ayaw kong pumayag na si Scarlette ang ipakasal sakin ay hindi ko kasi nakikita ang sarili ko na maka s*x ito dahil simula pa man nuon ay nakababatang kapatid na ang turing ko kay Scarlette. Limang taon din ang age gap namin kaya napaka bata nito para sakin , isa pa hindi ko kayang lokohin ito dahil kilala ko ang aking sarili , wala sa bokabularyo ko ang magseryoso sa iisang babae. Ang problema lang matalik na kaibigan nila Daddy ang parents niya. Kaya madalas itong nasa bahay namin dahil sa tuwing may majong nights ang mga magulang namin mula pa nung bata kami ay magkakasama kaming lahat ba malayang nakakapaglaro sa aming garden kaya kasama ang iba pa naming mga kababata.Kaya lang kahit anon
Nang matapos ang aming meeting ay tinawagan ko kagad si Daniel alam kong importante ang tawag nito dahil hindi nito ugaling manligalig sa akin sa oras ng meeting ko. Alam pati niya na isang beses akong hindi sumagot sa tawag niya ay ibig sabihin nun abala ako sa trabaho sa opisina. Pero sa klase ng miss calls niya alam kong trouble na naman to. Malamang may nakita na naman itong ""Bro! kakatapos lang ng meeting natin. ANo na naman bang trouble ang nagawa ko?! hindi ka na naman tumitigil sa kaka-miss call sakin " tanong ko dito. “Bro may kasalanan ako sayo! can we meet tonight na lang sa favorite hang out area natin. O dun na lang kaya sa may resort mo sa sa bar na lang, Dun ko na lang ipapaliwanag sayo lahat” anas ni Daniel. "D*mn bro parang kinakabahan ako sa sasabihin mo mukhang malaki ang naging atraso ko this time at ganyan ang sinasabi mo sakin ngayon. May nabuntisan na ba ako?" pabiro kong tanong sa kanya "hahaha mamaya na lang bro! sasabihan ko na lang din sila William par
"CONGRATULATIONS" malakas na paghiyaw ni Alexander“Wohoooo this call for celebration!” Wika naman ni Daniel. Winawagayway pa niya ang bote ng wine na kapit kapit niya. Panay din ang tawanan ng mga ito habang nang aasar sakin. Mukhang may nagawa nga ata akong kalokohan this time."Bro congratulations sayo ! hahahaha" sulsol pa ni William. Sa ngiti nito mga mukhang hindi sila nagbibiro sakin. May laman ang mga bawat pag ngisi ng mga ito sa akin."hahaha aba bro ikaw aah, hindi mo man lang kami inimbita sa kasal mo napakadaya mo akala ko ba magkakaibigan tayo?! bakit nagsolo ka?” dagdag naman ni David"ito na nga ang sinasabi sa hula, pano na yan ngayon bro hindi ka na pwedeng makipagkita kay Ms. Monday, pait na kay Ms. Tuesday o di kaya kay Ms. Wednesday, ibig bang sabihin niyan wala na din si Ms. Thrusday at Ms. Friday? " pang aasar din ni Seb sa akinna-weirdohan naman ako sa mga kaibigan ko sa sinabi nila. "anong ibig niyong sabihin?! ano na naman bang kalokahan yan mga baliw talaga
A SHOWROOM KATE AND RONA CONVERSATION Nag ikot ikot muna ako sa buong showroom para makapag check ng mga staff at items. Bumaba din ako sa ilalim ng basement kung saan nakalagay ang aming stock room. Napansin ko naman na hanggang ngayon wala pa rin itong si Jack , hindi pa rin siya pumapasok sa duty schedule niya. Ang dami na niyang pending na trabaho na hanggang ngayon ay walang gumagalaw dahil walang nakakaalam kung pano iyon isarado sa system. Naka receive din ako ng email mula sa head office tungkol sa mga hindi na close na mga ticket para sa mga items na nadeliver na. Nag iisa lang kasi si Jack na nakakaalam sa gawaing iyon kaya naman napansin ko ang mga absents niya. “Rona wala na naman pala si Jack ngayon?! Ang dami na niyang pending na trabaho, nagsesend na ng email ang mga taga Head Office ang daming pending na open P.O (purchase order) natin , hindi pwede yang matengga ng matagal. Nabusy ako kaya ngayon ko lang napansin na wala pa rin pala siya.” Tanong ko kay Rona ng
KATE POV Nagulat pa ako sa biglang pagsulpot ni Jay dito sa showroom sa Kuwait. Paano naman niya nalaman kung saan ako naka-assign ngayon samantalang hindi ko naman sinabi sa kanya na lilipat na ako nung nasa Dubai pa ako o kung saan lugar man ako lumipat ngayon. Naisip ko na lang baka naman sinabihan na naman ito ng mga kaibigan ko sa Dubai. Minsan madaldal talaga tong mga lukaret na to lalo na at nasuhulan ng konti ng mga items na nagmula sa base bumibigay kagad hindi pwedeng mga bilinan. Mahigit sa isang taon na din ang nakalipas magmula ng umalis ako ng Dubai, natahimik na din ang buhay ko mula nuon sa pangungulit sakin ni Jay. Hindi sa inaayawan ko ito pero hindi ko lang talaga gusto ang ibang lahi lalo at Kano, may hindi rin kasi magagandang kwento ang mga kaibigan ko sakin tungkol sa mga naging karelasyon nila. Mula pa naman nuon ay tinapat ko na siya na hindi ko nakikita ang sarili ko na maging karelasyon siya. Ok lang naman daw kahit simulan lang namin muna sa pagiging ma
CAMILA POV “Bwis*t sino ba tong akala mo kung makapag doorbell. Wala ba kayong doorbell sa bahay niyo!” Sigaw ko habang papalapit sa gate namin. “Sandali lang!” Sigaw ko pa. Nagulat ako sa napagbuksan ko ng gate, . Malaking ngiti ang sumilip sa aking mga labi ng makita ko ang lalaking nag doorbell. Isang kano ang naligaw sa bahay namin. Tinawag ko naman si George para siya na lang makipag-usap sa poging binatang ito. Wala kasi akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Parang kinakain na niya ang salita baka bigla na lang duguin ang ilong ko dito. “Hi Mam good morning! I am Jay just want to ask if Kate lives in here?!” Tanong nito sakin “Oh! Wait . You wait i call my son” sagot ko naman dito “Okay Mam im her friend , and im a good guy. Sorry for disturbing , “ magalang at nakangiti nitong sabi. “punyet* hindi ko naman maintindihan tong lalaking to sa sinasabi niya!” Bulong ko sa aking sarili “Ok wait.” Nakangiti ko na namang sabi . Narinig ko pangalan ni Kate baka ito yung kano
“But pleade don't tell Kate about me visiting here. I know she will get mad.” Aniya nito "ok no problem. I know Kate" sagot ko naman “Bro , gotta go ahea i need to catch up the flights.Mam i will go now! If you dont mind?!” Sabi pa nito samin “Ok thats so sweet of you” sagot ko naman dito. ewan ko kung tama ba sinasabi ko naririnig ko lang yun sa mga movie. Natawa pa ako ng bahagya sa aking sarili “Once you graduate George let me know i will give you back up in entering the army if you want?” sabi pa niya muli kay George. "thanks Man!" maiksing sagot nitong si George “Oh kita mo na isasama ka pa sa pag army. Atleast my back up ka na. Ang daming nag aasam makapasok dun oi.” Sabi ko pa dito kay George. Nakita ko naman siyang pailing-iling. "okay Mam really have to go. Hope i can come back to visit all of you again." anas naman nito amin “Sure no problem, anytime. maiksi kong sagot "sige na Ma, aalis na din naman na yan." sabi naman sakin ni George. at tuluyan na ngang t
“Ganun ba yun?! Pero hindi ako naniniwala diyan. Kasi pakiramdam ko one day magku-krus ulit ang mga landas niyo. Hindi pa lang siguro ngayon pero darating din yung araw na yun” sagot niya sa akin. Nalulungkot ako pero winawaksi ko iyon sa aking isipan. Ayoko lang din talaga. Masakit ang ginawa sakin ng kapatid ko at ni Michael kaya wala ako sa mood na makipaglandian pa sa kahit na sino lalo sa lalaking nakasama ko lang dahil sa sobrang kalasingan. “Hayaan mo na yun kumain ka na diyan. Bakit sakin bigla napunta ang topic!” Tanong niya sa akin. "Madam alam mo ba yung kasama ko sa flat. Kagabi nanganak na, diba kilala mo naman si Laiza? yung nakwento ko sayo nung nakaraan. Yung nabuntisan ng Syrian niyang patner tapos iniwan dahil sumama na sa ibang babae?!" panimula nito "oo naalala ko yun nabanggit mo yun dati diba pangalawang anak na niya yan dapat? kung kelan manganganak saka iniwan , mga walang hiya talaga din minsan tong mga lalaking ito" tanong ko naman sa kanya "oo pangalawa
MADELINE POVPagkalipas ng ilang araw, nagsimula na ang paglilitis. Halos mapuno ang courtroom sa dami ng taong nais masaksihan ang kaso. Ang bawat kilos ng mga nasasakdal—sina Jasper, Bridget, at Nicole—ay nakatuon sa lahat ng mata. Sa gitna ng mahigpit na seguridad, tahimik akong nakaupo sa likuran, hawak ang kamay ni Liam. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, lalo na nang magsimula ang mahabang balitaktakan ng mga abogado.Hukom: "Tayo'y magsimula. Atty. De Guzman, pakipresenta ang inyong mga unang tanong."Atty. De Guzman (Prosekusyon): "Maraming salamat,your honor. Unang tanong ko sa saksi, si Aaron. Aaron maaari mo bang ilarawan ang iyong relasyon sa mga akusado, sina Bridget at Nicole?"Aaron: "Oo, ako ay matagal nang nakatrabaho sina Bridget at Nicole. Kami ay magkaibigan, at sa simula, nagkakasundo kami sa mga desisyon. Ngunit, nang magtagal, napansin ko na may mga bagay silang ginagawa nang lihim na hindi ko alam. Hindi lang sila kundi ang boss kong si Jasper"Atty. De Guzman:
MADELINE POV Tahimik akong nakamasid sa gilid habang binibitbit ng mga pulis sina Bridget at Nicole. Nakaposas ang kanilang mga kamay, at kahit pilit nilang itinatago ang kaba, bakas sa kanilang mga mukha ang galit at takot. Lahat ng ito ay nag-ugat sa ginawa ni Jasper, hindi nagtagal ang pag-interrogate kay Jasper ay tinuro niya at sinabi niya ang lahat ng kaniyang ginawa. "it's okay Love, ito na yun oh!, matatapos na ang lahat, pagkatapos nito i think you deserve a big vacation." malambing na sabi ni Liam sa akin "oo Love, salamat. " bumaling ako sa kaniyang balikat.Sa hindi kalayuan, nandoon si Jasper. Tahimik siyang nakamasid, pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang kawalang-awa. Walang bahid ng pagsisisi ang kanyang mukha ni isang pag-alala sa pagkakaibigan nila nina Bridget at Nicole. Para sa kanya, tapos na ang lahat. Tatawa-tawa siyang nakangiti habang pinagmamasdang ipasok ang dalawang kasabwat niya, binanggit din niya ang tungkol sa pakikipagsabwatan ng mga
ILANG LINGGO ANG NAKALIPAS MADELINE POV "love, sorry fro bringing your family into our family's mess." malungkot kong sabi kay Liam. "hey!" malambing niyang sabi habang hawak ang aking pisngi "Don't be like that, hindi lang inaasahan na ang pamilya nating ay may mga nakaraang hindi pa rin naghilom, mabuti nga at satin na iyon sumabog dahil alam kong kaya nating malutas ang kasong ito! magtutulungan tayo Love, kaya natin to. I love you Madeline and i like how your family handle this problem." nakangiti niyang sabi sa akin. "thank you for understanding. Siguro kung ibang lalaki lang yan, dahil sa gulong ngyayari sa pamilya namin, sigurado akong iniwan na ako" sagot ko sa kaniya Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya sabay bulong sakin "ahhh... ahhhh... at yun naman ang hindi ko gagawin kahit kailan." sabay kindat niya sa akin. Natawa ako at malambing ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Sa piling ni Liam pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako. Alam kong hindi ako mapapano
Hindi makapaniwala si Tita Amara nang malaman niya ang patuloy na galit at plano nina Jasper, Nicole, at Bridget laban sa aming pamilya. Hindi niya maitanggi ang kaba at galit na bumalot sa kanya. Agad niyang kinuha ang telepono at tumawag kay Lola Kate, ang pinakamatanda at pinakamataas na kinikilala sa aming pamilya. “Hi Mommy, nangyayari na ang kinakataukan ko. Sila Madeline na ang inabutan nito. Kailangan nating mag meeting, ngayon din,” madiing sabi niya sa linya. “Hindi na ito pwedeng palampasin.” Sa kabilang linya, alam ni Lola Kate na hindi na ito simpleng problema lamang. “Sige, Amara. Ipagbibigay-alam ko sa lahat. Maghanda ka.” Kinabukasan, nagtipon ang buong pamilya sa ancestral house ng pamilya. Ang mansyon, na karaniwang puno ng tawanan at masayang kwentuhan, ay tila may bigat ngayon na hindi maitatanggi. Ito’y parang isang reunion, ngunit sa pagkakataong ito, hindi para magdiwang kundi para pag-usapan ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap namin. Unang dumating
Madeline POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng sala habang pinagmamasdan si Tita Amara. Ang bawat salita niya ay bumabasag sa katahimikan, hinuhubaran ang mga nakatagong lihim na tila napakatagal nang iniingatan. Sa bawat kwento niya ay parang may bumabalik na pait mula sa nakaraan na hindi ko akalaing may kinalaman sa buhay ko ngayon. “Si Don Eduardo,” panimula ni Tita Amara, mahigpit ang hawak sa isang lumang photo album na may bakas ng panahon. “Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sigurado ako, hindi niya kailanman mapapatawad ang pamilya natin. Lalong lalo na ako.” Napakunot ang noo ko, ramdam ang bigat ng kanyang boses. “Galit? Bakit siya galit sa’yo, Tita?” Napabuntong-hininga si Tita Amara, halatang mabigat ang alaala niya sa nakaraan, kahit na nabanggit sakin ni Mommy ang tungkol dito ay hindi ganuon ka detalyado ang nasabi niya sa amin. “Galit siya dahil mas pinili ko si Mommy Kate kaysa sa tunay kong ina na si Mommy Charlotte. Hindi niya matanggap na mas minahal ko
MADELINE POV Isang araw habang nasa ospital si Doc Liam at ako naman ay nasa bahay lang . Naupo ako sa harap ng laptop ko at pinilit alalahanin ang bawat detalye ng mga nakita ko sa email ko bago tuluyang nawala ito. Paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang mga pangalan - Eduardo, Bridget, at Nicole. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pamilyar ang mga ito para sa akin, pero alam kong may kahalagahan sila sa kung anuman ang gusto naming malaman. Kasama si Doc Liam, sinubukan naming ibalik ang mga na-delete na file gamit ang iba’t ibang recovery tools, pero mukhang sobrang bihasa ang hacker. Kahit ang mga screenshot na inisip naming ligtas na, tuluyan na ring nawala. Habang tahimik akong nag-iisip, bumabalik sa akin ang mga alaala ng ilang pagkakataon kung saan narinig ko ang mga pangalang iyon. Hindi ko matiyak kung saan o kailan, pero alam narinig ko na yun walang duda. Hanggang sa naalala kong nagkuwento sa akin noon si Mommy tungkol sa paghihirap nila Tita Amara sa relasyon n
MADELINE POV Dalawang buwan na ang mabilis na nagdaan ngunit ang bigat ng nakaraan ay parang kahapon lang nangyari. Akala ko, kapag tinanggap na kami ng mga magulang namin, unti-unting magiging maayos na ang lahat. Pero hindi pala ganoon kasimple. Kahit tanggap na nila Mommy at Mommy ni Doc Liam ang relasyon namin ay hindi maikakaila na may bahagi pa rin ng pagsasama namin na hindi mabuo. Isang malaking katanungan ang bumabagabag sa amin—sino ang tunay na dahilan kung bakit nasira ang mga pamilya namin nuon. Nasimulan na namin ang mag-imbestiga kaya naman hindi na kami papayag na mahinto pa ito. May buhay ng naibuwis ng dahil sa mga taong nasa likod nito at patunay lang ito na sa tagal ng panahon ay hindi pa rin sila tumitigil kaya nakakatakot. Ngayong araw, tulad ng dati, nagpasya akong hintayin siya sa clinic, sa tuwing may duty siya at kahit na nakaleave ako ay palagi pa rin akong pumupunta sa ospital, mas panatag kasi ang kalooban ko sa tuwing magkasama kami. Pagdating ko ay
Matapos ang mahabang araw ng usapan at pagsasaliksik kasama ang aming mga pamilya, nagkaisa kaming lahat sa isang desisyon—kailangang makausap nila Mommy si Lorraine. Gusto nilang malaman ang buong detalye tungkol sa mga taong nasa likod ng iskandalong sumira sa aming mga pamilya. Para sa aming lahat, si Lorraine ang susi sa pagkakabuo ng kabuuang kwento. Sa kabila ng takot na baka may panganib pa, determinado kaming magpatuloy. Kinabukasan, bumalik kami ni Doc Liam sa bahay ni Lorraine at dahil weekends wala kaming shift sa ospital. Tahimik kaming nagmaneho papunta roon, kapwa iniisip ang magiging takbo ng usapan. Ngunit sa aming pagdating, bumungad sa amin ang hindi namin inaasahan. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga pulis. May mga caution tape na nakapalibot sa bahay, at sa gilid nito ay may nakaparadang ambulansya, ang mga ilaw nito’y kumikislap pa rin sa ilalim ng araw. Napahinto kami at natulala sa eksena. Agad naming naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang kaba sa aking d
Halos isang linggo din ang paghihirap namin sa paghahanap kay Lorraine. Sa laki ng London swertehan na lang talaga na matagpuan namin siya. Its either bangkay na siya o pwede ding nasa pinas na siya ngayon. Daig pa namin ang mga detective na inupahan ni Doc Liam . Sa bawat araw na lumilipas, ramdam namin ni Doc Liam ang bigat ng tensyon sa pagitan ng aming mga pamilya. Tumagal ng halos isang linggo bago nagkaruon na lead ang detective at sa kabutihang palad ay nandito pa rin siya sa London. Matagal din bago namin natunton ang matagal nang nawawalang sekretarya. Sa wakas, natagpuan namin siya sa isang tahimik na bayan, malayo sa ingay ng lungsod. Nakita namin siya sa isang maliit na bahay na gawa sa bato at napapalibutan ng mga halaman sa gitnang palayan. Nang kumatok kami, isang babaeng nasa edad singkuwenta ang nagbukas ng pinto. Si Lorraine - matangkad, may mahinang kilos, ngunit may mga matang tila laging nakabantay. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaba at alinlangan nang maki