“Ganun ba yun?! Pero hindi ako naniniwala diyan. Kasi pakiramdam ko one day magku-krus ulit ang mga landas niyo. Hindi pa lang siguro ngayon pero darating din yung araw na yun” sagot niya sa akin. Nalulungkot ako pero winawaksi ko iyon sa aking isipan. Ayoko lang din talaga. Masakit ang ginawa sakin ng kapatid ko at ni Michael kaya wala ako sa mood na makipaglandian pa sa kahit na sino lalo sa lalaking nakasama ko lang dahil sa sobrang kalasingan. “Hayaan mo na yun kumain ka na diyan. Bakit sakin bigla napunta ang topic!” Tanong niya sa akin. "Madam alam mo ba yung kasama ko sa flat. Kagabi nanganak na, diba kilala mo naman si Laiza? yung nakwento ko sayo nung nakaraan. Yung nabuntisan ng Syrian niyang patner tapos iniwan dahil sumama na sa ibang babae?!" panimula nito "oo naalala ko yun nabanggit mo yun dati diba pangalawang anak na niya yan dapat? kung kelan manganganak saka iniwan , mga walang hiya talaga din minsan tong mga lalaking ito" tanong ko naman sa kanya "oo pangalawa
Nakalimutan ko ng tignan ang message ni Gema, lutang ang utak ko pagkatapos ko kasi sa trabaho dumiretso na ako ng uwi ng bahay. Naabutan ko si Gema na nag-aayos ng gamit niya. Tinitignan niya ang mga pinaglumaang damit niya at mga ibang gamit na inilalagay sa maleta. "Oh bakit nagliligpit ka Gema? magbabakasyon ka ba sa Pinas?" tanong ko dito "naku Kate hindi mo siguro nabasa yung mga message ko sayo noh?." tanong naman niya sakin "bakit ano ba yun? hindi ko pa nabasa na busy na kasi ako kanina dami naming napag meetingan nakalimutan ko ng tignan yung message mo." tanong ko dito huhugutin ko sana ang cell phone ko ng magsimula ng magkwento si Gema. "si Margie nahuli ng mga pulis." sabi nito sakin "huh?! may visa naman yun bakit siya mahuhuli? Diba visa 18 naman siya?" gulat kong tanong sa kanya "Ang loka umalis dito sa bahay natin ayun pala nawalan na ng visa, hindi na nirenew ng amo niya , Oo Visa 18 siya! parang na terminate na pala yun sa company nila kaya siya lumipat ng i
Excited naman ang mga staff namin sa magaganap na first year aniniversary celebration sa aming branch . Isa kasi ito sa magiging dahilan kung bakit makaka target na naman kami ngayong buwan at magbibigay sa lahat ng magiging bonus. Isa pa kwento nitong sila Rona nung dumalaw nung nakaraang taon itong COO ng aming kompanya para sa ribbon cutting ceremony halos lahat ng mga kababaihang bisita ay talagang lumapit dito at nagpapansin. Pero masyado daw itong suplado sa mga tao ngumingiti siya pero ramdam ng mga ito ang pagka-ilang dahil mukhang ayaw nito sa mga picture taking. Ayon sa mga ito gwapo at bata pa daw ang aming COO . Pinagbawal din daw nito ang paggamit ng cell phone sa mga staff para makakuha ng picture, hindi ko din maintindihan kung bakit walang picture na nagkalat sa internet tungkol dito samantalang madaming mga picture ang mga ibang lahi na makikita kahit pa sa google at sariling pages ng aming company.Bali-balita kasing ayaw nito ang humaharap sa camera, tila pinatan
KATE POV Habang nagda-drive ako papasok sa trabaho ay panay ang pag ring ng aking telepono. Ng makita ko kung sino ang tumatawag sa akin ay rumehistro ang pangalan ni Nikka. Hindi ko naman ito masagot kaya naman nag return call na lang ako sa kanya ng tawag ng mag drive thru ako sa Mc Donalds para umorder ng coffee at pang breakfast ko dahil sa pagmamadali ay wala na akong oras mag prepare ng aking pagkain ngayong araw. “Good morning Nikka! Yes what can i do for you?” Wika ko dito “Girl may ichi-chika ako sayo. Alam mo ba si Michael nakaalis na pala kanina hinatid nila Aling Camila. Ayun yung nanay mo talak na naman ng talak sa kanto. Kakaalis pa lang ni Michael napakadami ng plano kagad para sa mga gagawin ni Michael para daw sa bahay niyo.”bungad na kwento ni Nikka ng tumawag siya sa akin “Hahaha akala ko naman kung ano na ang sasabihin mo. Mabuti naman kung ganon!” Sagot ko dito “Eh kasi nga yung nanay mo bida bida dito sa lugar natin andun na naman sila sa umpukan ni Ali
JAMES POVMasaya akong uuwi ngayon ng Cebu dahil sa balitang sinabi sa akin nila Daniel. Ngayon hindi na ako mahihirapang gumawa ng dahilan para mahiwalayan si Scarlette sakaling matuloy ang kasal namin. Pero dahil sa hindi ko pa alam kung saan ako magsisimulang maghanap kay Kate ay minabuti ko ng mag hire din ng private investigator , mas maraming naghahanap mas maganda para mapabilis na makita ito sa lalong madaling panahon. Nauubusan na ko ng oras kung aasahan ko lang si Daniel na magpahanap . Kailangan ko na ng extra tulong . Mayroon na lang akong dalawang linggo para mahanap si Kate.“Hello Detective Ivan, good morning this is James Santiago” bungad kong pagbati dito“Hi Mr.Santiago nice to hear your voice again. Kamusta na ba?” Sagot naman nito sakin“Im good Detective, kakailanganin ko sana ang tulong mo ulit ngayon. Pero this time as soon as possible. “ sagot ko naman“Walang problema diyan Mr.Santiago kilala mo naman ako. Hinding hindi ka magsisisi sa pagkuhang muli sakin.” S
9 HOURS AFTER Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan namin sa Kuwait ay nagtungo na kami sa Sheraton Hotel na matatagpuan lamang sa Centro ng Kuwait, dito ako palaging tumutuloy sa tuwing dadalaw ako ng Kuwait. Kailangan asikasuhin ko na sa lalong madaling panahon ang pakikipag-usap ko kay Kate. Kailangan mapa-oo ko ito para makuha ko na ang property ko sa LA. At para na din manahimik na sila Mommy sa kakakulit saking mag-asawa na ako. Tutal ay apo lang ang gusto nila. Kay Kate pwede kong gawin lahat ng gusto kong gawin kahit pa mag-asawa na kami. Malaya akong makakakilos at lumabas - labas . Ang kailangan lang gawin nito ay ipagpatuloy ang pagiging asawa ko sa mata nila Mommy tutal legally married naman kami. Nagpahinga muna kami nila Daniel at William, nagliwaliw kami sa mga masasarap na kainan at labuyan sa Kuwait , kinabukasan ko na planong kausapin si Kate. May naisip na akong paraan para hindi siya makatanggi sa akin.Nabalitaan ko kasing bread winner ito sa kanilang pamilya. Ki
KATE POV "My Gawd Kate (bulogn ko sa aking sarili , napayuko ako , hindi ko nga gustong magka boyfriend ayun naman pala naikasal naman ako sa isang taong hindi ko kilala) ano na naman bang katangahan ang ginawa mo." Pilit kong inaalala ang mga nangyari ng mga sandaling iyon. Unti-unti ay bumalik sa aking isipan ang mga sinabi ng kaibigan nitong si James sa akin, naalala ko lahat ng katangahang ginawa ko ng gabi iyon, hiyang hiya ako ng bumalik sa isip ko ang pagsayaw ko ng sexy dance sa itaas ng stage. Ang hindi ko na lang maalala ay ang mga sandaling nasa kwarto na kami nitong si James. Ngayon ko naalala yung pinirmahan namin ng gabing iyon hindi naman kasi talaga namin alam kung ano iyong pinirmahan namin basta na lang kami nagsulat sa papel na binigay sa amin nitong kasama niyang lalaki.Tungkol na pala sa kasal ang aming pinrimahan. Napapabuntong hininga na lang ako. Hiyang-hiya ako sa mga taong kaharap ko sa mga sandaling ito. Bukod kasi sa hindi ko naman talaga sila kilala ay
"Wala na bang ibang paraan Mr. Santiago? Kung sakali anong magiging terms ng kasal natin?" tanong ko pa dito. Nagbabaka-sakali akong mayroon ding paraan para mabago ko ang isip nito o kahit papano ay magkaruon ako ng laban mula sa kanya. "sige Ms. Andres, ganito ang magiging set up natin. Kagaya ng sinabi ko sayo hindi kita gusto at kailangan ko lang na magpanggap ka sa harap nila Mommy sa loob ng 2 taon bilang asawa ko. Kaya wag kang matakot na pagsasamantalahan kita. Pero dahil mag-asawa tayo matutulog tayo sa iisang kwarto, lalagyan na lang natin ng harang ang gitna ng aking kama, maluwag iyon kaya wag kang mag-alala na baka magka-dikit tayo. Lahat ng magiging pangangailangan mo ay ibibigay ko. Isang buwan every 6 months kailangan umuwi ka sa Pinas kasama ko para makita nila Mommy na talagang nagsasama tayo ng dahil sa pagmamahal, pero every month akong bibisita sa iyo dito sa Kuwait para hindi naman magtaka si Mommy, kukuhaan kita ng sarili mong bahay para pag uuwi ako dito ay
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.
Napatango ako, damang-dama ang bawat salita niya. “Opo, Tita Amara, Tito Lance. Nangangako ako. Hinding-hindi ko na sasaktan si Kayline. Ang tanging gusto ko ay ang alagaan siya at mahalin habang-buhay. At maliwanag din po na hindi kami titira sa bahay ni Mommy at kahit anong mangyari ay susuportahan ko siya” Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko, pero pinigilan ko ito. Hindi ko maaaring ipakita ang kahinaan ko sa sandaling ito—kailangan nilang makita kung gaano kaseryoso ang intensyon ko. Tumango na rin si Tito Lance. “Okay Sige, kung ganun Ethan. May basbas mo na kami. Pero tandaan mo, nag iisang babaeng anak namin si Kayline. Huwag mong kalimutan ang pinangako mo ngayon.” Halos mapatalon ako sa tuwa, ngunit pinigilan ko ang sarili kong maging sobrang emosyonal. Tumayo ako at inabot ang kamay ni Tito Lance, matatag na tinanggap ang pahintulot nila. “Salamat po. Maraming, maraming salamat. Hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay niyo sa akin." sagot ko sa kanila ng may
BEFORE THE PROPOSAL 10 DAYS BEFORE “Baby, hindi ako kagad makakauwi ng bahay. May meeting kami sa labas nila Ricky para sa isang client” malambing kong sabi kay Kayline “Okay no problem, may aasikasuhin din ako mamayang gabi baka malate ako magkikita kami nila Lander.” Sagot naman niya sa akin “Sige susunduin na lang kita kapag maaga kaming natapos sa meeting namin. “ sabi kong muli sa kaniya “Its okay don’t worry about me, dadalhin ko din sasakyan ko.” Sagot naman niya sa akin. “Okay Love you!” “I love you too. See you later” sagot ko sa kaniya at ibinaba ko na ang tawag ko sa kaniya. Nang mga sandaling iyon ay nasa tapat na din ako ng bahay nila Kayline , mula pa lang sa pagpasok ko sa bahay nila ay ramdam ko agad ang bigat ng magiging topic namin ng kaniyang parents. Seryosong nakaupo ang kaniyang Mommy Amara at Daddy Lance, sa dinami dami na ng hinarap kong mga malalaking clients, problema at kaganapan sa buhay ko dito lang sa parents lang ni Kayline ako parang dinaga. Ka
Nag-uumapaw ang damdamin ko, at sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Tumingin ako kay Ethan, na ngayon ay dahan-dahan nang lumuluhod sa harap ko, hawak ang isang maliit na kahon na may nakabukas na singsing. Ang gulo ng isip ko hindi ko inaasahang mangyayari ito. Sa paligid namin, tahimik na nagmamasid ang pamilya ko at mga kaibigan, bawat isa sa kanila ay nakangiti, at parang may lihim na kilig na pinipigilang sumabog. Nagulat din ako na nandun na din sila Lander at Kim na halos kakadating dating lang. “Kayline,” ang mahinang sabi ni Ethan, ang mga mata niya ay nakatingin ng diretso sa akin, puno ng emosyon at pagmamahal. “Noong una kasal natin , alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. Naging bulag, bingi at pipi ako noon dahil sa mga maling impormasyon na nakarating sakin. Kaya bago ang lahat gusto kong humingi ng tawad sayo. Akala ko okay na tayo ng mag live in tayo matapos ang reconcillation sa pagitan nating dalawa . Pero habang t
KAYLINE POV Isang ordinaryong araw. Weekends na naman. Nagkaayan kami ng aking mga college friend na sila Kim na magbonding this week kaya naman nagpaalam ako kay Ethan para sa ME TIME namin habang siya ay lalabas din kasama ng kaniyang mga kaibigan. “Baby you need anything sa mall? Sa BGC kami.” Maambing kong sabi kay Ethan habang nag aayos ng sarili “Wala naman baby, mag enjoy ka sa time mo with your friends, lalabas din kami nila Patrick mamaya.” Nakangiti kong sumabi. “Okay thank you baby. I love you. Aalis na ko nandiyan na ata sila Lander nag message na ee.” Sagot ko sa kaniya. Humalik na ako sa kaniya at lumabas na ng bahay. Nanhihintay na sila Lander kasama sila Kim. Tuwang tuwa ako matagal tagal na din since last kaming nagkita kita. Habang naglalakad kami sa BGC at hawak-hawak ang mga bag na pinamili namin ay naglalaro na kagad sa isip ko ang magiging plano ko sa susunod na weekend. Nagkakatawanan ka