KATE POV "My Gawd Kate (bulogn ko sa aking sarili , napayuko ako , hindi ko nga gustong magka boyfriend ayun naman pala naikasal naman ako sa isang taong hindi ko kilala) ano na naman bang katangahan ang ginawa mo." Pilit kong inaalala ang mga nangyari ng mga sandaling iyon. Unti-unti ay bumalik sa aking isipan ang mga sinabi ng kaibigan nitong si James sa akin, naalala ko lahat ng katangahang ginawa ko ng gabi iyon, hiyang hiya ako ng bumalik sa isip ko ang pagsayaw ko ng sexy dance sa itaas ng stage. Ang hindi ko na lang maalala ay ang mga sandaling nasa kwarto na kami nitong si James. Ngayon ko naalala yung pinirmahan namin ng gabing iyon hindi naman kasi talaga namin alam kung ano iyong pinirmahan namin basta na lang kami nagsulat sa papel na binigay sa amin nitong kasama niyang lalaki.Tungkol na pala sa kasal ang aming pinrimahan. Napapabuntong hininga na lang ako. Hiyang-hiya ako sa mga taong kaharap ko sa mga sandaling ito. Bukod kasi sa hindi ko naman talaga sila kilala ay
"Wala na bang ibang paraan Mr. Santiago? Kung sakali anong magiging terms ng kasal natin?" tanong ko pa dito. Nagbabaka-sakali akong mayroon ding paraan para mabago ko ang isip nito o kahit papano ay magkaruon ako ng laban mula sa kanya. "sige Ms. Andres, ganito ang magiging set up natin. Kagaya ng sinabi ko sayo hindi kita gusto at kailangan ko lang na magpanggap ka sa harap nila Mommy sa loob ng 2 taon bilang asawa ko. Kaya wag kang matakot na pagsasamantalahan kita. Pero dahil mag-asawa tayo matutulog tayo sa iisang kwarto, lalagyan na lang natin ng harang ang gitna ng aking kama, maluwag iyon kaya wag kang mag-alala na baka magka-dikit tayo. Lahat ng magiging pangangailangan mo ay ibibigay ko. Isang buwan every 6 months kailangan umuwi ka sa Pinas kasama ko para makita nila Mommy na talagang nagsasama tayo ng dahil sa pagmamahal, pero every month akong bibisita sa iyo dito sa Kuwait para hindi naman magtaka si Mommy, kukuhaan kita ng sarili mong bahay para pag uuwi ako dito ay
JAMES POV"D*mn Bro ayun pala yung Kate. Napaka ganda ni Kate panalo ka dun bro. Pag hiniwalayan mo na sakin na lang ako ng bahala sa kanya." bungad kagad sakin ni WilliamBinato ko naman ito ng ballpen sa naiisip niyang kalokohan. "Siraulo ka talaga, ang pinunta natin dito ang mapapayag ko siyang umuwi kasama ko sa Pinas, “ sagot ko sa kanila"napapayag mo naman ba?!" tanong sakin ni Daniel"wala naman siyang choice kundi um-oo lang sa alok ko. Legally kasal kami kaya kung hindi ako papayag na pirmahan kahit mag file siya ng annulment wala din siyang magagawa. Isa pa hawak ko sa mga kamay ko ang kapalaran niya. kung handa siyang mawala lahat sa kanya then go ahead." sabi ko pa sa kanila."haist ang malas naman ni Kate at ikaw pa ang napang-asawa niya. Napakalupit mo bro!" sabi naman ni William sa akin. "Grabe bro parang ibang-iba na ang itsura ni Kate kesa nung nakita natin sya sa resort mo sa Boracay! parang mas naging hot na siya ngayon!" napapakagat labing sabi ni Daniel. Napap
ANG PAGDATING SA PILIPINAS Pagbaba ng eroplanong sinasakyan namin ay kinapitan ko na lahat ng gamit ni Kate. Hindi ko ito pinagbuhat dahil alam kong may kabigatan na din ang kanyang mga gamit. Nagkatinginan naman si William at Daniel dahil sa pagbubuhat ko ng mga maleta nitong si Kate. Hindi ko kasi typical na ginagawa ito. Ultimo nga sarili kong luggage ay inaasa ko pang ipabuhat sa iba. "What?! bakit ganyan kayo makatingin sakin? masama bang magbuhat ng maleta?" sabi ko sa kanilang dalawa dahil panay ang ngitian ng mga ito "James don't tell us na nabighani ka na kaagad kay Kate?!" pagbibirong sabi sa akin ni Daniel. "Hahaha! First time to Bro si James nagbuhat ng maleta plus ngtulak ng baggage trolley ( malakas na nagtawanan ang mga ito) Bro baka naman nilalagnat ka" pang aasar pa nila sakin. "Mga siraulo, naninigurado lang ako. Mahirap na baka mamaya bigla akong takasan nito hindi pwedeng mangyari yun kanina pa sila Mommy naghihintay “sagot ko sa kanila. Nagsisikuhan nam
"okay ka lang ba iha?" tanong muli ni Mommy kay Kate. Hinahampas pa niya ang kanyang dibdib sa pagkakabilaok niya sa mga sinasabi ni Mommy "okay lang po ako, nabilaukan lang ako ng laway ko." sagot naman nito "Uuwi naman siya every 6 months dito sa Pilipinas then every month 1 week akong mag stay sa Kuwait para samahan siya." sagot ko naman kila Mommy. “Nasanay na po kasi ako sa buhay ko sa abroad Mommy, saka naaawa din po ako sa mga staff ko kung iiwanan ko sila bigla. Madami din po kasi silang umaasa sa akin. Baka mapahamak sila kung iba na mag handle sa kanila. Dadalaw dalaw naman po sa akin si James sa Kuwait..” Paliwanag nito kay Mommy “Ganoon ba iha. Sige kung saan ka komportable , basta wag mong kakalimutang tumawag pa paminsan minsan samin pag nasa Kuwait ka na ulit. “ sabi ni Mommy kay Kate “Oo naman Mommy tatawagan ko po kayo palagi.” Sagot naman ni Kate “Ahh iha maglalambing lang sana ako sayo. Pwede ba akong dumalaw sa inyo minsan sa bahay niyo sa Kuwait? Para
SA CONDO NI JAMES KATE POV Nabighani ako sa ganda ng community kung saan nakatira itong si James. Mayaman talaga ito yan na lamang ang nabulalas ko ng makita ko ang ammenities ng condo na sinasabi niyang titirahan namin. Hindi ko inaasahan na ganito ang itsura nuon, akala ko ay simpleng condo lang ito kagaya nung condo na nabili ko malapit sa school nila George. Napakalaki ng building na to at may mga shops pa sa ilalim na parang mall, hindi lang typical din ang mga binebenta dito. Makikita ang mga high brand kagaya ng LV, Gucci at iba pang mamahaling mga shops. Nakakamangha din ang infinity pool nila na nakalagay sa gitna ng kanilang building. Manghang-mangha ako sa aking mga nakikita. Ang amenities sa kanyang condo ay hindi kaparehas ng mga ordinaryong condo. Mayroon pa akong nakikitang golf course sa kabilang banda ng building kung san naruruon ang unit ni James. Naiisip ko lang sa ganitong itsurang building siguro ang mga nakatira dito ay sobrang yayaman talaga. Mamaya magsu-s
Hindi na ako nagpaalam kay James bumaba na ako at ng enjoy sa swimming pool. Habang naliligo ay may mga grupo din ng kalalakihan akong nakasabayan. Aahon na sana ako dahil sa hindi na maganda ang tabas ng mga dila nito, nakakabastos na kasi ang mga sinasabi nila at siguradong ako ang sinasabihan nila dahil wala namang ibang babae naliligo sa pwesto naming iyon kundi ako lang. Paakayat na sana ako sa hagdan ng makita ko ang isang lalaki na lumapit sa mga ito. Hindi pa nagtatagal ng ilang minuto ay umalis na kaagad ang buong grupo na iyon na kakamot kamot sa kanilang ulo at naiwan ang lalaking ito.Lumapit sa akin ang lalaking ito at nagpakilala. "Hi, Im Denver. Pagpasensyahan mo na Miss yung iba talaga dito mga bastos karamihan naman ng ganyang yung mga bisita lang din ng unit holder. Hindi ko alam panong nakakpasok yang mga ganyan dito samantalang exclusive naman itong building na ito. Siguro dapat ireport ko ito mamaya sa mga guards para maiwasan ang mga ganitong insidente ulit." sa
KATE POVCONVO WITH JAMESNakatingin ako kay James habang nakapamewang sa pagpasok namin sa unit niya. Hinihintay ko siyang kahit papano ay humingi ng pasensya sa kaniyang mga nasabi pero parang wala siyang pakielam sa akin , kumilos lang ito ng normalkagaya ng kaniya routine palagi na akala mo ay walang sinabing hindi maganda sa akin. Dumiretso lang ito sa kusina at kumuha ng beer na pinalamig na niya sa ref kanina. Napapabuga naman ako ng hangin sa pagkainis dito. Naupo lang ito sa kaniyang sofa sabay baling sakin ng tingin."WHAT?! ano yang tingin na yan Kate? did i do anything to you?" tanong nito sa akin "tandaan mo Kate asawa kita , wag mo ng isiping mag back out dahil pumirma ka sa kontrata natin, wala kang magagawa kailangan mong sundin ang dalawang taong nasa kontrata natin kundi mawawala lahat sayo!" nakangisi niyang sabi sakinNapapataas naman ang kilay ko dito , naluha naman ako ng magsimula akong sumagot sa kayabangan nitong si James. "akala mo kung sino ka! hindi dahil
MADELINE POVPagkalipas ng ilang araw, nagsimula na ang paglilitis. Halos mapuno ang courtroom sa dami ng taong nais masaksihan ang kaso. Ang bawat kilos ng mga nasasakdal—sina Jasper, Bridget, at Nicole—ay nakatuon sa lahat ng mata. Sa gitna ng mahigpit na seguridad, tahimik akong nakaupo sa likuran, hawak ang kamay ni Liam. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, lalo na nang magsimula ang mahabang balitaktakan ng mga abogado.Hukom: "Tayo'y magsimula. Atty. De Guzman, pakipresenta ang inyong mga unang tanong."Atty. De Guzman (Prosekusyon): "Maraming salamat,your honor. Unang tanong ko sa saksi, si Aaron. Aaron maaari mo bang ilarawan ang iyong relasyon sa mga akusado, sina Bridget at Nicole?"Aaron: "Oo, ako ay matagal nang nakatrabaho sina Bridget at Nicole. Kami ay magkaibigan, at sa simula, nagkakasundo kami sa mga desisyon. Ngunit, nang magtagal, napansin ko na may mga bagay silang ginagawa nang lihim na hindi ko alam. Hindi lang sila kundi ang boss kong si Jasper"Atty. De Guzman:
MADELINE POV Tahimik akong nakamasid sa gilid habang binibitbit ng mga pulis sina Bridget at Nicole. Nakaposas ang kanilang mga kamay, at kahit pilit nilang itinatago ang kaba, bakas sa kanilang mga mukha ang galit at takot. Lahat ng ito ay nag-ugat sa ginawa ni Jasper, hindi nagtagal ang pag-interrogate kay Jasper ay tinuro niya at sinabi niya ang lahat ng kaniyang ginawa. "it's okay Love, ito na yun oh!, matatapos na ang lahat, pagkatapos nito i think you deserve a big vacation." malambing na sabi ni Liam sa akin "oo Love, salamat. " bumaling ako sa kaniyang balikat.Sa hindi kalayuan, nandoon si Jasper. Tahimik siyang nakamasid, pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang kawalang-awa. Walang bahid ng pagsisisi ang kanyang mukha ni isang pag-alala sa pagkakaibigan nila nina Bridget at Nicole. Para sa kanya, tapos na ang lahat. Tatawa-tawa siyang nakangiti habang pinagmamasdang ipasok ang dalawang kasabwat niya, binanggit din niya ang tungkol sa pakikipagsabwatan ng mga
ILANG LINGGO ANG NAKALIPAS MADELINE POV "love, sorry fro bringing your family into our family's mess." malungkot kong sabi kay Liam. "hey!" malambing niyang sabi habang hawak ang aking pisngi "Don't be like that, hindi lang inaasahan na ang pamilya nating ay may mga nakaraang hindi pa rin naghilom, mabuti nga at satin na iyon sumabog dahil alam kong kaya nating malutas ang kasong ito! magtutulungan tayo Love, kaya natin to. I love you Madeline and i like how your family handle this problem." nakangiti niyang sabi sa akin. "thank you for understanding. Siguro kung ibang lalaki lang yan, dahil sa gulong ngyayari sa pamilya namin, sigurado akong iniwan na ako" sagot ko sa kaniya Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya sabay bulong sakin "ahhh... ahhhh... at yun naman ang hindi ko gagawin kahit kailan." sabay kindat niya sa akin. Natawa ako at malambing ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Sa piling ni Liam pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako. Alam kong hindi ako mapapano
Hindi makapaniwala si Tita Amara nang malaman niya ang patuloy na galit at plano nina Jasper, Nicole, at Bridget laban sa aming pamilya. Hindi niya maitanggi ang kaba at galit na bumalot sa kanya. Agad niyang kinuha ang telepono at tumawag kay Lola Kate, ang pinakamatanda at pinakamataas na kinikilala sa aming pamilya. “Hi Mommy, nangyayari na ang kinakataukan ko. Sila Madeline na ang inabutan nito. Kailangan nating mag meeting, ngayon din,” madiing sabi niya sa linya. “Hindi na ito pwedeng palampasin.” Sa kabilang linya, alam ni Lola Kate na hindi na ito simpleng problema lamang. “Sige, Amara. Ipagbibigay-alam ko sa lahat. Maghanda ka.” Kinabukasan, nagtipon ang buong pamilya sa ancestral house ng pamilya. Ang mansyon, na karaniwang puno ng tawanan at masayang kwentuhan, ay tila may bigat ngayon na hindi maitatanggi. Ito’y parang isang reunion, ngunit sa pagkakataong ito, hindi para magdiwang kundi para pag-usapan ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap namin. Unang dumating
Madeline POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng sala habang pinagmamasdan si Tita Amara. Ang bawat salita niya ay bumabasag sa katahimikan, hinuhubaran ang mga nakatagong lihim na tila napakatagal nang iniingatan. Sa bawat kwento niya ay parang may bumabalik na pait mula sa nakaraan na hindi ko akalaing may kinalaman sa buhay ko ngayon. “Si Don Eduardo,” panimula ni Tita Amara, mahigpit ang hawak sa isang lumang photo album na may bakas ng panahon. “Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sigurado ako, hindi niya kailanman mapapatawad ang pamilya natin. Lalong lalo na ako.” Napakunot ang noo ko, ramdam ang bigat ng kanyang boses. “Galit? Bakit siya galit sa’yo, Tita?” Napabuntong-hininga si Tita Amara, halatang mabigat ang alaala niya sa nakaraan, kahit na nabanggit sakin ni Mommy ang tungkol dito ay hindi ganuon ka detalyado ang nasabi niya sa amin. “Galit siya dahil mas pinili ko si Mommy Kate kaysa sa tunay kong ina na si Mommy Charlotte. Hindi niya matanggap na mas minahal ko
MADELINE POV Isang araw habang nasa ospital si Doc Liam at ako naman ay nasa bahay lang . Naupo ako sa harap ng laptop ko at pinilit alalahanin ang bawat detalye ng mga nakita ko sa email ko bago tuluyang nawala ito. Paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang mga pangalan - Eduardo, Bridget, at Nicole. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pamilyar ang mga ito para sa akin, pero alam kong may kahalagahan sila sa kung anuman ang gusto naming malaman. Kasama si Doc Liam, sinubukan naming ibalik ang mga na-delete na file gamit ang iba’t ibang recovery tools, pero mukhang sobrang bihasa ang hacker. Kahit ang mga screenshot na inisip naming ligtas na, tuluyan na ring nawala. Habang tahimik akong nag-iisip, bumabalik sa akin ang mga alaala ng ilang pagkakataon kung saan narinig ko ang mga pangalang iyon. Hindi ko matiyak kung saan o kailan, pero alam narinig ko na yun walang duda. Hanggang sa naalala kong nagkuwento sa akin noon si Mommy tungkol sa paghihirap nila Tita Amara sa relasyon n
MADELINE POV Dalawang buwan na ang mabilis na nagdaan ngunit ang bigat ng nakaraan ay parang kahapon lang nangyari. Akala ko, kapag tinanggap na kami ng mga magulang namin, unti-unting magiging maayos na ang lahat. Pero hindi pala ganoon kasimple. Kahit tanggap na nila Mommy at Mommy ni Doc Liam ang relasyon namin ay hindi maikakaila na may bahagi pa rin ng pagsasama namin na hindi mabuo. Isang malaking katanungan ang bumabagabag sa amin—sino ang tunay na dahilan kung bakit nasira ang mga pamilya namin nuon. Nasimulan na namin ang mag-imbestiga kaya naman hindi na kami papayag na mahinto pa ito. May buhay ng naibuwis ng dahil sa mga taong nasa likod nito at patunay lang ito na sa tagal ng panahon ay hindi pa rin sila tumitigil kaya nakakatakot. Ngayong araw, tulad ng dati, nagpasya akong hintayin siya sa clinic, sa tuwing may duty siya at kahit na nakaleave ako ay palagi pa rin akong pumupunta sa ospital, mas panatag kasi ang kalooban ko sa tuwing magkasama kami. Pagdating ko ay
Matapos ang mahabang araw ng usapan at pagsasaliksik kasama ang aming mga pamilya, nagkaisa kaming lahat sa isang desisyon—kailangang makausap nila Mommy si Lorraine. Gusto nilang malaman ang buong detalye tungkol sa mga taong nasa likod ng iskandalong sumira sa aming mga pamilya. Para sa aming lahat, si Lorraine ang susi sa pagkakabuo ng kabuuang kwento. Sa kabila ng takot na baka may panganib pa, determinado kaming magpatuloy. Kinabukasan, bumalik kami ni Doc Liam sa bahay ni Lorraine at dahil weekends wala kaming shift sa ospital. Tahimik kaming nagmaneho papunta roon, kapwa iniisip ang magiging takbo ng usapan. Ngunit sa aming pagdating, bumungad sa amin ang hindi namin inaasahan. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga pulis. May mga caution tape na nakapalibot sa bahay, at sa gilid nito ay may nakaparadang ambulansya, ang mga ilaw nito’y kumikislap pa rin sa ilalim ng araw. Napahinto kami at natulala sa eksena. Agad naming naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang kaba sa aking d
Halos isang linggo din ang paghihirap namin sa paghahanap kay Lorraine. Sa laki ng London swertehan na lang talaga na matagpuan namin siya. Its either bangkay na siya o pwede ding nasa pinas na siya ngayon. Daig pa namin ang mga detective na inupahan ni Doc Liam . Sa bawat araw na lumilipas, ramdam namin ni Doc Liam ang bigat ng tensyon sa pagitan ng aming mga pamilya. Tumagal ng halos isang linggo bago nagkaruon na lead ang detective at sa kabutihang palad ay nandito pa rin siya sa London. Matagal din bago namin natunton ang matagal nang nawawalang sekretarya. Sa wakas, natagpuan namin siya sa isang tahimik na bayan, malayo sa ingay ng lungsod. Nakita namin siya sa isang maliit na bahay na gawa sa bato at napapalibutan ng mga halaman sa gitnang palayan. Nang kumatok kami, isang babaeng nasa edad singkuwenta ang nagbukas ng pinto. Si Lorraine - matangkad, may mahinang kilos, ngunit may mga matang tila laging nakabantay. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaba at alinlangan nang maki