ANG PAGDATING SA PILIPINAS Pagbaba ng eroplanong sinasakyan namin ay kinapitan ko na lahat ng gamit ni Kate. Hindi ko ito pinagbuhat dahil alam kong may kabigatan na din ang kanyang mga gamit. Nagkatinginan naman si William at Daniel dahil sa pagbubuhat ko ng mga maleta nitong si Kate. Hindi ko kasi typical na ginagawa ito. Ultimo nga sarili kong luggage ay inaasa ko pang ipabuhat sa iba. "What?! bakit ganyan kayo makatingin sakin? masama bang magbuhat ng maleta?" sabi ko sa kanilang dalawa dahil panay ang ngitian ng mga ito "James don't tell us na nabighani ka na kaagad kay Kate?!" pagbibirong sabi sa akin ni Daniel. "Hahaha! First time to Bro si James nagbuhat ng maleta plus ngtulak ng baggage trolley ( malakas na nagtawanan ang mga ito) Bro baka naman nilalagnat ka" pang aasar pa nila sakin. "Mga siraulo, naninigurado lang ako. Mahirap na baka mamaya bigla akong takasan nito hindi pwedeng mangyari yun kanina pa sila Mommy naghihintay “sagot ko sa kanila. Nagsisikuhan nam
"okay ka lang ba iha?" tanong muli ni Mommy kay Kate. Hinahampas pa niya ang kanyang dibdib sa pagkakabilaok niya sa mga sinasabi ni Mommy "okay lang po ako, nabilaukan lang ako ng laway ko." sagot naman nito "Uuwi naman siya every 6 months dito sa Pilipinas then every month 1 week akong mag stay sa Kuwait para samahan siya." sagot ko naman kila Mommy. “Nasanay na po kasi ako sa buhay ko sa abroad Mommy, saka naaawa din po ako sa mga staff ko kung iiwanan ko sila bigla. Madami din po kasi silang umaasa sa akin. Baka mapahamak sila kung iba na mag handle sa kanila. Dadalaw dalaw naman po sa akin si James sa Kuwait..” Paliwanag nito kay Mommy “Ganoon ba iha. Sige kung saan ka komportable , basta wag mong kakalimutang tumawag pa paminsan minsan samin pag nasa Kuwait ka na ulit. “ sabi ni Mommy kay Kate “Oo naman Mommy tatawagan ko po kayo palagi.” Sagot naman ni Kate “Ahh iha maglalambing lang sana ako sayo. Pwede ba akong dumalaw sa inyo minsan sa bahay niyo sa Kuwait? Para
SA CONDO NI JAMES KATE POV Nabighani ako sa ganda ng community kung saan nakatira itong si James. Mayaman talaga ito yan na lamang ang nabulalas ko ng makita ko ang ammenities ng condo na sinasabi niyang titirahan namin. Hindi ko inaasahan na ganito ang itsura nuon, akala ko ay simpleng condo lang ito kagaya nung condo na nabili ko malapit sa school nila George. Napakalaki ng building na to at may mga shops pa sa ilalim na parang mall, hindi lang typical din ang mga binebenta dito. Makikita ang mga high brand kagaya ng LV, Gucci at iba pang mamahaling mga shops. Nakakamangha din ang infinity pool nila na nakalagay sa gitna ng kanilang building. Manghang-mangha ako sa aking mga nakikita. Ang amenities sa kanyang condo ay hindi kaparehas ng mga ordinaryong condo. Mayroon pa akong nakikitang golf course sa kabilang banda ng building kung san naruruon ang unit ni James. Naiisip ko lang sa ganitong itsurang building siguro ang mga nakatira dito ay sobrang yayaman talaga. Mamaya magsu-s
Hindi na ako nagpaalam kay James bumaba na ako at ng enjoy sa swimming pool. Habang naliligo ay may mga grupo din ng kalalakihan akong nakasabayan. Aahon na sana ako dahil sa hindi na maganda ang tabas ng mga dila nito, nakakabastos na kasi ang mga sinasabi nila at siguradong ako ang sinasabihan nila dahil wala namang ibang babae naliligo sa pwesto naming iyon kundi ako lang. Paakayat na sana ako sa hagdan ng makita ko ang isang lalaki na lumapit sa mga ito. Hindi pa nagtatagal ng ilang minuto ay umalis na kaagad ang buong grupo na iyon na kakamot kamot sa kanilang ulo at naiwan ang lalaking ito.Lumapit sa akin ang lalaking ito at nagpakilala. "Hi, Im Denver. Pagpasensyahan mo na Miss yung iba talaga dito mga bastos karamihan naman ng ganyang yung mga bisita lang din ng unit holder. Hindi ko alam panong nakakpasok yang mga ganyan dito samantalang exclusive naman itong building na ito. Siguro dapat ireport ko ito mamaya sa mga guards para maiwasan ang mga ganitong insidente ulit." sa
KATE POVCONVO WITH JAMESNakatingin ako kay James habang nakapamewang sa pagpasok namin sa unit niya. Hinihintay ko siyang kahit papano ay humingi ng pasensya sa kaniyang mga nasabi pero parang wala siyang pakielam sa akin , kumilos lang ito ng normalkagaya ng kaniya routine palagi na akala mo ay walang sinabing hindi maganda sa akin. Dumiretso lang ito sa kusina at kumuha ng beer na pinalamig na niya sa ref kanina. Napapabuga naman ako ng hangin sa pagkainis dito. Naupo lang ito sa kaniyang sofa sabay baling sakin ng tingin."WHAT?! ano yang tingin na yan Kate? did i do anything to you?" tanong nito sa akin "tandaan mo Kate asawa kita , wag mo ng isiping mag back out dahil pumirma ka sa kontrata natin, wala kang magagawa kailangan mong sundin ang dalawang taong nasa kontrata natin kundi mawawala lahat sayo!" nakangisi niyang sabi sakinNapapataas naman ang kilay ko dito , naluha naman ako ng magsimula akong sumagot sa kayabangan nitong si James. "akala mo kung sino ka! hindi dahil
Pagka-sara ni Kate ng pinto ay siya namang tayo ko sa aking pagkakaupo. Nag ayos din ako ng aking sarili at pasimple ko itong sinundan kung saan ito pupunta. Hindi pa ito nakakasakay ng taxi kaya naman ako ay sumakay na ng aking kotse habang nakamasid kung sino ang kasama nito paalis at kung saan ito pupunta. Wala naman akong nakitang kasama nitong umalis. Nang makasakay na si Kate sa taxi at umandar ito ay sinundan ko na kung saan ito papunta. Huminto naman ang sinasakyan nito sa isang disco club . Nang pumasok ito sa loob ay agad akong nag-park ng aking sasakyan.Tinawagan ko si Chandler, ang kababata namin nila William na malapit din sa lugar na ito nakatira. Agad naman itong pumunta hindi na ako nagdalawang salita pa, pagdating sa ganitong gimikan ay maasahan din namin ito. Hindi nga lang siya laging nakakasama sa mga lakad namin nila Daniel dahil pabalik balik din ito sa France , dun kasi siya naka established ng kanyang business. Pumasok ako kaagad sa loob at kinuha ang VIP lou
JAMES POVTumalikod na ako kay Kate at humakbang na palabas ng silid na iyon ni Kate. Muli naman itong nang-asar sa akin. Binabandera niya ang kanyang sarili sa akin, hindi ko naman alam kung bakit hindi ko ito patulan. Napaka sexy at ganda ni Kate. Malalaki ang sus* niya na bumagay sa flat niyang puson at kalakihang balakang. Maamo pa rin ang kanyang mukha na napaka ignorante kung ibang babae lang ito malamang ay sinunggaban ko na ito,"Diba ito lang naman ang gusto mo kagaya ka din ng ibang lalaki! ang sama ng ugali mo." mariin na sabi niya sa akin. "Kate tama na! (Mahinahon kong sabi sa kanya) magpahinga ka na muna lasing na lasing ka!" sagot ko kay Kate. Napilitan akong bumalik sa loob ng kanyang silid at pinasuot sa kanya ang maluwag na damit na nakita ko sa kanyang closet. Mabuti naman at hindi na siya nagmatigas pa sa akin. Sinuot din niya kaagad ang damit na inabot sa kanya. Tatawa tawa pa ito sa akin habang nangungulit. Pagkahubad niya sa kanyang bra at winagayway niya ito s
KATE POVBigla akong napaatras sa aking pagkakahiga ng mamulatan ko ng mata itong si James na katabi ko sa aking kama na sarap na sarap sa kanyang pagkakatulog habang magkayakap kaming dalawa. Bahagya naman itong naalimpungatan ng bigla akong kumalas sa aking pagkakayakap sa kanya. Inalala ko naman ang nangyari kagabi at dahilan kung bakit kami magkatabi kaming natutulog. Napakamot ako sa aking ulo ng maalala ko ang kagagahan ko na naman kagabi pati na ang pinagsamang sama ng loob ko kay James bago umalis ng bahay na iyon at sa mga nalaman ko kila Nikka na ginawa nila Mama sa likuran ko. Kung hindi pa ako umuwi hindi ko pa malalamang wala na pala akong condong babalikan dahil muli ay pinakielaman nila ang naipundar ko. Nalaman ko pa kila Nikka na matindi pa daw ang sama ng loob ng mga ito sa akin dahil sa naglihim daw ako tungkol sa condo. Napatitig ako sa mukha ni James na mahimbing pa rin ang tulog ng mga sandaling iyon. Naalala ko kung paano niya ako inalagaan kagabi pati na ang h