KATE POVBigla akong napaatras sa aking pagkakahiga ng mamulatan ko ng mata itong si James na katabi ko sa aking kama na sarap na sarap sa kanyang pagkakatulog habang magkayakap kaming dalawa. Bahagya naman itong naalimpungatan ng bigla akong kumalas sa aking pagkakayakap sa kanya. Inalala ko naman ang nangyari kagabi at dahilan kung bakit kami magkatabi kaming natutulog. Napakamot ako sa aking ulo ng maalala ko ang kagagahan ko na naman kagabi pati na ang pinagsamang sama ng loob ko kay James bago umalis ng bahay na iyon at sa mga nalaman ko kila Nikka na ginawa nila Mama sa likuran ko. Kung hindi pa ako umuwi hindi ko pa malalamang wala na pala akong condong babalikan dahil muli ay pinakielaman nila ang naipundar ko. Nalaman ko pa kila Nikka na matindi pa daw ang sama ng loob ng mga ito sa akin dahil sa naglihim daw ako tungkol sa condo. Napatitig ako sa mukha ni James na mahimbing pa rin ang tulog ng mga sandaling iyon. Naalala ko kung paano niya ako inalagaan kagabi pati na ang h
AFTER 2 WEEKS NG NAKAUWI SA PINASAng bilis na nagdaan ang panahon. Parang kelan lang ng dumating kami ng Pilipinas pero ngayon ay dalawang linggo na kaagad ang nakalipas . Natutuwa ako sa parents ni James lalo na sa Mommy niya. Halos araw araw siyang bumibisita sa amin at palaging may dalang lutong pagkain para sa akin. Lagi nilang hinihirit ang bilisan ang pagbibigay sa kanila ng apo. Napapangiti na lang ako sa tuwing ayun na ang aming nagiging topicMinsan napapaisip na ako kung ampon lang ba ng mga ito si James, napakalayo kasi ng ugali nito sa kanila. Itinuturing na din nila akong parang tunay nilang anak. Ang daming bagay na ginagawa nila Mommy na hindi ko naranasang gawin sa akin ng sarili kong mga magulang, kapag sila Mama ang kausap ko wala ng bukang bibig kundi ang tungkol sa remmittance ko sa kanila.Kapag naiisip ko ang dalawang taong kontrata namin ni James ay nalulungkot din ako kasi kasabay ng pagatatapos ng aming pagsasama ang magandang pakikitungo sa akin ng mga magula
"Teka muna madam wag mo munang ibaba ang tawag ko! meron pa kong isang ichi-chika sayo!" pagpupumilit nitong makinig ako sa kwento niya. "Hahaha ano na naman yun?” Tanong ko naman sa kanya. Aliw na aliw talaga akong kausap itong si Rona. Sa tagal na naming nagsasama sa trabaho kahit kailan ay hindi siya nawalan ng maikukwento . Kahit ata sa kadulo duluhan ng Kuwait basta may Pinoy ay alam niya ang istorya.“Ito na nga diba si Isay nasa Israel ang asawa! Ilang beses na niyang ine-enganyo na pumunta na din dito sa kuwait, aba nahuli niyang nambababae ang asawa dahil na wrong send sa kanya ang asawa niya. Nagsend ba naman ng picture niya na nakahubad isesend para dun sa babae niya. Kaya naman pala ayaw pumunta dito sa Kuwait may asawa na pala dun sa Israel. May anak na din pala dun ang mokong. Sa tingin namin parang mag 5 years old na yung bata medyo malaki na din kasi.” Detalyadong pagku kwento pa niya sa akin.Napahinto naman ako sa aking paghihiwa. Saksi ako sa sakripisyo nitong si Is
JAMES POVUmalis ako ng walang paalam kay Kate, iniwan ko itong mag isa sa unit. Napagdesisyunan kong umalis at makipagkita kila William dahil nandito sila ngayon sa Cebu para magliwaliw. Naiinis ako kay Kate dahil palaging tumatawag ang manliligaw nitong Amerikano sa kanya. Hindi na nito inisip na baka mahuli kami nila Mommy at mabaliwala ang lahat ng pinaghirapan ko. Alam kong pag nalaman nila na set up lang ang kasal namin ay magagalit ang mga ito sa akin at maaring bawiin nila ang binigay nilang property sa LA. Dalawang taon lang ang hiningi ko dito para magpanggap bilang asawa ko pero hindi nito kayang tiisin na hindi makipag communicate sa manliligaw niya. Ayoko naman siyang pagsabihan tungkol dito dahil ayokong isipin niyang nagseselos ako sa kanya.Pagdating ko sa famous na Bamboozers Bar na matatagpuan sa General Maximum Ave sa Cebu City ay agad akong nagtungo sa pwesto nila William. Madaming tao ng mga oras na iyon. Madami kaming kasabayan na mga foreigner. Pagka upo ko ay n
AFTER 1 MONTHPAGBABALIK SA KUWAITYumakap ng mahigpit sa akin si Mommy Samantha at Daddy Eddie. Mabilis na nagdaan ang isang buwang bakasyon ko sa Pinas. Kahit na hindi ko nakita ang tunay kong pamilya pakiramdam ko ay kulang pa ang mg araw ng aking pamamalagi sa Pinas ito dahil sa pag-eenjoy ko sa bonding namin ng parents ni James. Hindi dahil sa gusto kong makasama si James kundi dahil sa nararamdaman ko ang pakiramdam ng pinahahalagahan ng magulang na ni minsan ay hindi ko naramdaman kila Mama. Hahanap-hanapin ko ang pag-aalaga ng mga ito sa akin pagbalik ko ng Kuwait. Kung noong una ay nagdadalawang isip pa akong sumama kay James pauwi dahil sa takot na baka hindi ako magustuhan ng parents niya o dili kaya ay baka matapobre ang mga magulang nito dahil sa mayayaman ang mga ito at ako ay simpleng empleyado lang ng kanilang anak sa negosyo nito sa Kuwait. Pero nagkamali ako lahat ng naiisip ko ay kabaliktaran ang nangyari.Para hindi kami mahirapan ni James ay lahat ng tungkol sa ak
PAGBABALIK NG TRABAHO AFTER 1 MONTH VACATION Kinabukasan ay nagbalik na din ako sa trabaho. Ang dami din palang nangyari sa mga panahong umuwi ako ng Pinas kaya naman pala hindi na nakakatawag sa akin si Rona dahil may ibang nagmando sa kanila habang wala ako sa trabaho. Nag assign pala ng ibang Showroom Incharge habang naka bakasyon ako. Napag alaman ko din na isa sa aking mga Syrian staff ang na terminate dahil sa nakitaan umano ito ng expiry. Nakaka-duda naman ang pagkakatanggal dito dahil dalawang araw bago ang araw na sinasabing natanggal ito ay nag check pa sila Carina sa area na iyon ng full expiry ng lahat ng items at sigurado akong naibaba na ang mga item na yun sa area ng aming nearly expire items kaya naman nagtataka ako. Required kasi sa mga ito ang i-check isa-isa ang mga items para makita ang expiry. Mahigpit kasi ang bansang ito pagdating sa mga expiry . Maaring makasuhan ang store na makitaan ng expiry, walang kahit na anong eksplenasyon ang tatanggapin ng mga tag
KATE AND JAY CONVERSATIONMakalipas ang ilang araw ng makabalik ako sa Kuwait ay siya namang pagbisita ni Jay sa akin sa Showroom. Nagulat pa ako sa pagdating nito ay may dala siyang bouquet of roses. Ang lalaki naman ng ngiti ng aking mga staff na Pinoy. Kilalang kilala na kasi nila itong si Jay dahil palagi itong bumibisita sa akin sa trabaho. Mahilig din itong magdala ng kung ano -anong items galing sa base para ipanuhol sa aking mga staff lalo na kapag hinahanap ako nito. Nakakaramdam man ako ng panghihinayang dahil alam kong makalipas ng dalawang taon ay magwawakas na ang pagpapanggap naming ito. Alam kong pagkatapos noon ay kailangan ko na ding layuan ang mga magulang ni James na nagpakita sakin ng kahalagahan ko bilang anak at bilang isang tao.Gayunpaman napapangiti naman ako dahil mula nuong nasa Dubai pa ako hanggang dito sa Kuwait ay naging consistent itong si Jay sa panunuyo sa akin. “Hi Bratt welcome back!” Sabi niya sa akin“Thank you Jay, you dont have to do that!” n
KATE POV HR DEPARTMENT KATE AND MR.ISMAIL CONVERSATION Naka receive ako ng email mula kay Mr. Ismael pinapapunta ako nito sa Head Office para sa isang proposal sa akin. Hindi ko naman muna siya tinanong kung tungkol saan ito. Pagdating ko sa HO ay sinalubong na ako kaagad ni Mr. Ismael sa front desk pa lang. Magmula kasi ng malaman nito ang tungkol sa amin ni James ay nagbago na ito ng pakikitungo sa akin. Mas naging approachable ito at lahat ng aking request ay binibigay kaagad. Kung sabagay pano pa ito makaktanggi kung asawa na ng may-ari ang humiling sa kanya. Isa ito sa mga priveledge na nagustuhan ko sa set up naming iyon ni James. Kahit papano may magandang nagawa din naman sa akin ang pakikipagkasundo ko kay James. Pumayag ako sa kagustuhan nitong magpanggap ako bilang asawa niya sa loob ng dalawang taon kapalit ang 10million at kalayaan kong makawala sa legalization ng aming kasal. Tinanggap ko ito dahil wala na din akong magagawa lagi niyang panakot sa akin ang hindi
HAIME POV Kinabukasan , as usual naunang nagising na naman sa akin si Natalie. Alam kong excited din siya kaya agad na din akong bumangon at naligo. Sinundo namin ang pamilya ni Natalie sa address na binigay ni Jerald. Hindi naman ito kalayuan sa bahay na namin at alam ko iyon, ginamit namin ang malaking Van na tinatawag nilang artista van sa Pilipinas. “Good morning Haime, good morning Anak.” Masayang bati ng Mommy niya sa amin. “Good Morning din Tita. Ready na po kayo?!” Nakangiti kong tugon. Lumapit din si Natalie sa parents niya at humalik. “Oo iho , hindi na nga kami nakatulog nitong si Ethan sa pagka excited.” Sagot sakin ni Tita Kayline Bumaba naman ako katapat ni Kim at binati ang batang kanina pa nakatingin sakin. “Who’s excited to go Universal Studios?” Pilyo kong tanong “Me…..” sumisigaw habang tumatalong sagot ni Kim. “Okay kaya naman. Lets go na.” Tugon ko sa kaniya. Tinulungan ko na nga din sila Jerald mag ayos ng kanilang mga dalang gamit. Dahil ka
NATALIE POVHindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayong gabi. Kaya ng makarating kami sa kwarto ay pinupog ko ng mainit na halik si Haime. Walang hanggan ang pasasalamat ko kay Haime. Hindi ko na siya inusisa pa kung paano niya nahanap ang parents ko. Ang importante lang sakin ay pinahahalagahan ni Haime ang bawat sinasabi ko. "ikaw!, masyado kang clever hon, bakasyon pala ahh...." malandi kong sabi kay Haime habang nakalingkis ang aking mga braso sa kaniyang leeg. “Pero again, I appreciate everything hon. You made this trip really extra special” nakangiti kong sabi.“Kaya naman Mister Haime Rodriguez, come with me…” malandi kong hinila papuntang banyo si Haime. “Hon…. Wag mo kong sisimulan, i swear you cannot stop me!” Malambing pero may pagbabanta niyang sabi.“Then don’t stop” sagot ko sa kaniya.Pagdating namain sa loob ng banyo ay tinitigan ko siya ng may kaharutan sa kaniyang mga mata. Pilya kong kinagat ang aking mga labi habang dahan dahan kong hinuhubad ang mga
HAIME POV "thank you Hon!" bulong ni Natalie sa akin. Sobrang na-appreciate niya ang ginawa kong ito para sa kaniya. Aminado naman kasi talaga siyang matagal na niya itong pangarap na mangyari pero dahil sa ego at dahil na din sa pagka busy niya sa negosyo ay laging naiisantabi ito. Masaya siyang nakasabay ulit niya sa isang hapag ang kaniyang mga magulang at kuya. Bonus pa na kasama nito ang asawa at anak nito."Hon is it okay na tumabi ako kila Mommy?!" tanong niya sa akin "it's okay ano ka ba. I-enjoy mo ang moment Hon, masaya ako na nagustuhan mo ang hinanda ko para sayo." tugon ko sa kaniya. Parang bata itong yumapos sa kaniyang Mommy at Daddy, samantalang ako ay umupo sa tabi ng kaniyang Kuya. Mabilis din kaming nagkasundo ng kapatid niya, dahil isa rin itong businessminded person, naiisipan na din pala nitong mag retire sa ospital para mag for good na sa Pinas pero madami pa siyang dapat isa-alang-alang kaya hindi pa siya sumusuong. Panay pagpapasalamat ni Natalie sa akin k
NATALIE POVSa loob ng VIP Lounge. Nakangiting pumasok si Haime. Agad kong ibinaba ang aking cellphone, at ngumiti ako sa kaniya. Hindi pa rin maalis ang ngiti ko dahil sa pang aasar ng mga kaibigan ko. Naupo si Haime sa tabi ko.“Ang tagal mo naman Hon, okay ka lang ba?!” Tanong ko sa kaniya.“Im good Hon, medyo may pila lang kasi sa CR.” Sagot naman niya sa akin. “May order na ba kayo?” Tanong niya sa akin“Wala pa , hinihintay ka pa namin” tugon ko sa kaniyaNakatalikod ako sa pintuan ng VIP LOUNGE kaya hindi ko nakikita kung sino ang pumapasok. Bumukas ulit ang pinto at nagulat ako ng mula sa kanyang likuran ay may batang masayang tumatawa. Bahagya nitong kinapitan ang aking buhok dahilan para humarap ako.Paghalingon ko para tignan kung sino ang batang ito ay bumuhos na ang mga luha sa aking mga mata. Nagulat siya ng makita ko si Mommy, Daddy at Kuya Jerald, hindi naman pamilyar sa akin ang kasama ni kuya na babae. Pero sa tingin ko ay asawa niya ito at ang bata na kahawig ko
KAYLINE POV Mixed emotion ang nararamdaman ko. Halos dekada na din kasi ng huling kong makita ang aking anak na babae. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagtatrabaho magmula ng hindi na bumalik samin si Natalie. Nagalit ako sa kaniya dahil mas pinili niya ang lalaking yun kaysa samin. Matinding kirot ang dinulot noon sa puso namin ng Daddy niya na walang ibang inisip kundi ibigay ang maganda at marangyang pamumuhay sa kanilang magkapatid. Habang ako ay naglalakad sa pasilyo ay nag-flashback naman sa aking alala ang pangyayari sa aming bahay isang araw bago kami tuluyang mag migrate sa Amerika. Abala kaming lahat mag-impake pati itong si Manang ay abala din sa pag-iimpake ng mga gamit ng kanyang mga alaga, Malapit talaga itong si Natalie at Jerald sa kanilang Manang dahil ito na halos siya ang kasama ng mga bata habang lumalaki sila. Dahil sa abala kami sa negosyo noon. Ang buong akala namin nung una ay dahil sa hindi na namin maisasama si Manang kaya ito nagmamaktol ngunit may ib
Napansin kong ang babae ay ang Mommy ni Natalie at ang lalaki naman ay ang Daddy niya na may umaalalay na. Kasabay ng mga itong naglalakad ang isang mag-anak na kung titignan ay nasa mid-age pa. Mukhang mga professional ang mga ito sa tindig, at klase ng kanilang pananamit. Magaganda ang mga kasuotan nito, at mukhang alam nila ang dress code sa lugar na ito. Makikita namang sophisticated at may pinag-aralan ang mga ito dahil sa kanilang kilos. Mukhang ito ang adopted brother na sinasabi ni Natalie sa akin. Nakangiti ko silang sinalubong. Magalang kong pinakilala ang sarili ko sa kanila. Sa totoo lang kilala ko ang ang mga taong harap ko ngayong gabi, dahil na din sa tulong ng imbestigador na kinuha ko .Palagi akong nagpapa send ng mga picture sa kanila para maging updated ako sa ngyayari. Imbestigador ang palagi kong kausap sa email at ito din ang laging tinatawagan ko sa tuwing nagtatago ako kay Natalie upang makipag ugnayan ay maplano ng maayos ang araw na ito. IMbestigador din
SA BAHAY NI HAIME Nauna akong bumaba , nakahanda na ako . Habang naghihintay ako sa dalawang kasama ko ay naging abala ako sa aking telepono.Para akong magnanakaw na nakikipag usap, maya't maya ang aking pagsilip kung pababa na sila Natalie. Si Mang Samuel naman ay hinahanda na ang sasakyan na aming gagamitin. Bago nga tuluyang makababa sila Natalie ay natapos na din ako sa aking kausap. Mabuti na lang at naibaba ko kagad ang aking telepono . “You stole my heart! My God Natalie. You look so stunning!” Natulala kong sabi ng makita ko si Natalie. Ayun na lang ang nasabi ko ng alalayan ko siya habang pababa ng hagdan. “Tse! Bola.” Nahihiyang pagtutol ni Natalie sa akin . Nakita ko nag kilig sa mga mata niya sa tuwing binabati ko siya. “Kidding aside hon! Napakaganda mo! Bagay na bagay sayo ang napili mong damit” “Mmm thank you kung ganun. Teka hon si Manang din pala. Don't worry hon, tinawag na siya ni Cathy sa kwarto niya. Nakabihis na din ata siya. ” Nauna ng sumasakay sa sa
Nang matapos na kaming magkainan ay hindi naman nakatiis itong si Manang , tinulungan niya si Cathy mag-intindi sa kusina, hindi na din namin siya piniit dahil sanay talaga ang matandang kumilos Bumalik na kami sa silid namin pero bago kami magbalik sa silid ay sinabihan na namin si Manang na magpahinga na din at bukas ay mag-iikot na kami sa Beverly Hills mall. Mabilis kaming nakatulog ng gabing yun. Kinaumagahan ay nauna na namang nagising si Manang kaysa samin at nagulat na lang kaming lahat na nakahanda na ang almusal para sa lahat. Hindi talaga maiaalis sa matanda ang kumilos dahil nakasanayan na niya ito. Pagkakain namin ay gumayak na kamin para bumyahe patungo sa mall. As usual si Mang Samuel ang nag drive para sa amin. Ayaw kong malaman ni Natalie na may sarili akong lisensya dito sa Amerika, dahil panigurado akong makakahalata na siya sa totoong estado ko. Nakakatuwa na sa yaman ni Natalie at kilala din ang kaniyang pamilya sa industriya ay hindi niya niluluhuan ang s
Habang naglalabas kami ng mga gamit namin mula sa maleta ay walang tigil sa pag ku kwento si Natalie. “Hon ang swerte natin at hindi na tayo masyadong na interrogate sa immig no?! May napapanuod kasi ako minsan kapag first timer pahihirapan daw. Buti na lang hindi na tinanong si Manang” sabi niya sa akin. Ngumiti ako ng pilyo sa kaniya. “Siyemrpe Hon, pogi ang kasama mo kaya kinindatan ko na lang yung taga immig. oh diba effective pinalampas kagad tayo.” Pabiro kong Sagot sa kaniya “Oh really?! Gusto mo bumalik na ko ng pinas?!” Seryoso niyang sabi “Hahaha i’m just kidding Hon. Siyempre sayo lang ako titingin. Siguro nagluwag na sila ngayon dahil kailangan nila ng turismo after ng pandemic. Alam mo na diba bumagsak naman lahat ng mga ekonomiya.” Sagot ko sa kaniya. Tumango lang siya at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Sa totoo lang hindi nakakapagtaka na mabilis ang naging transaction namin sa immigration. Dahil Pabalik-balik na ako sa Amerika, at kilala na ako ng mga taga-imm