AFTER 1 MONTHPAGBABALIK SA KUWAITYumakap ng mahigpit sa akin si Mommy Samantha at Daddy Eddie. Mabilis na nagdaan ang isang buwang bakasyon ko sa Pinas. Kahit na hindi ko nakita ang tunay kong pamilya pakiramdam ko ay kulang pa ang mg araw ng aking pamamalagi sa Pinas ito dahil sa pag-eenjoy ko sa bonding namin ng parents ni James. Hindi dahil sa gusto kong makasama si James kundi dahil sa nararamdaman ko ang pakiramdam ng pinahahalagahan ng magulang na ni minsan ay hindi ko naramdaman kila Mama. Hahanap-hanapin ko ang pag-aalaga ng mga ito sa akin pagbalik ko ng Kuwait. Kung noong una ay nagdadalawang isip pa akong sumama kay James pauwi dahil sa takot na baka hindi ako magustuhan ng parents niya o dili kaya ay baka matapobre ang mga magulang nito dahil sa mayayaman ang mga ito at ako ay simpleng empleyado lang ng kanilang anak sa negosyo nito sa Kuwait. Pero nagkamali ako lahat ng naiisip ko ay kabaliktaran ang nangyari.Para hindi kami mahirapan ni James ay lahat ng tungkol sa ak
PAGBABALIK NG TRABAHO AFTER 1 MONTH VACATION Kinabukasan ay nagbalik na din ako sa trabaho. Ang dami din palang nangyari sa mga panahong umuwi ako ng Pinas kaya naman pala hindi na nakakatawag sa akin si Rona dahil may ibang nagmando sa kanila habang wala ako sa trabaho. Nag assign pala ng ibang Showroom Incharge habang naka bakasyon ako. Napag alaman ko din na isa sa aking mga Syrian staff ang na terminate dahil sa nakitaan umano ito ng expiry. Nakaka-duda naman ang pagkakatanggal dito dahil dalawang araw bago ang araw na sinasabing natanggal ito ay nag check pa sila Carina sa area na iyon ng full expiry ng lahat ng items at sigurado akong naibaba na ang mga item na yun sa area ng aming nearly expire items kaya naman nagtataka ako. Required kasi sa mga ito ang i-check isa-isa ang mga items para makita ang expiry. Mahigpit kasi ang bansang ito pagdating sa mga expiry . Maaring makasuhan ang store na makitaan ng expiry, walang kahit na anong eksplenasyon ang tatanggapin ng mga tag
KATE AND JAY CONVERSATIONMakalipas ang ilang araw ng makabalik ako sa Kuwait ay siya namang pagbisita ni Jay sa akin sa Showroom. Nagulat pa ako sa pagdating nito ay may dala siyang bouquet of roses. Ang lalaki naman ng ngiti ng aking mga staff na Pinoy. Kilalang kilala na kasi nila itong si Jay dahil palagi itong bumibisita sa akin sa trabaho. Mahilig din itong magdala ng kung ano -anong items galing sa base para ipanuhol sa aking mga staff lalo na kapag hinahanap ako nito. Nakakaramdam man ako ng panghihinayang dahil alam kong makalipas ng dalawang taon ay magwawakas na ang pagpapanggap naming ito. Alam kong pagkatapos noon ay kailangan ko na ding layuan ang mga magulang ni James na nagpakita sakin ng kahalagahan ko bilang anak at bilang isang tao.Gayunpaman napapangiti naman ako dahil mula nuong nasa Dubai pa ako hanggang dito sa Kuwait ay naging consistent itong si Jay sa panunuyo sa akin. “Hi Bratt welcome back!” Sabi niya sa akin“Thank you Jay, you dont have to do that!” n
KATE POV HR DEPARTMENT KATE AND MR.ISMAIL CONVERSATION Naka receive ako ng email mula kay Mr. Ismael pinapapunta ako nito sa Head Office para sa isang proposal sa akin. Hindi ko naman muna siya tinanong kung tungkol saan ito. Pagdating ko sa HO ay sinalubong na ako kaagad ni Mr. Ismael sa front desk pa lang. Magmula kasi ng malaman nito ang tungkol sa amin ni James ay nagbago na ito ng pakikitungo sa akin. Mas naging approachable ito at lahat ng aking request ay binibigay kaagad. Kung sabagay pano pa ito makaktanggi kung asawa na ng may-ari ang humiling sa kanya. Isa ito sa mga priveledge na nagustuhan ko sa set up naming iyon ni James. Kahit papano may magandang nagawa din naman sa akin ang pakikipagkasundo ko kay James. Pumayag ako sa kagustuhan nitong magpanggap ako bilang asawa niya sa loob ng dalawang taon kapalit ang 10million at kalayaan kong makawala sa legalization ng aming kasal. Tinanggap ko ito dahil wala na din akong magagawa lagi niyang panakot sa akin ang hindi
KINABUKASAN MATAPOS ANG DINNER DATE NAMIN NI JAY KATE POV Unang kong ginawa kaninang umaga ay tinawagan ko si James para kausapin ito tungkol sa binanggit sakin ni Mr.Ismail. Nagtataka ako sa biglaang desisyon nito at kung bakit binayaran pa niya ng buong 2 taon ang Villa na tinutuluyan gayong may plano naman pala siyang ilipat ako ng Europe. Nag-aaksaya lang ba ng pera itong si James. Kung sabagay naalala ko. Barya lang ito para sa isang James Santiago. Sa laki ng kinikita nito sa Showroom pati pa sa iba niyang kumpanya. Kaya hindi na nakakapagtakang ganon lang kabilis nitong bitawan ang Villa na ito kahit pa fully paid na ito. “Yes Kate you miss me? That fast, really?” Pang asar na bungad sa akin nito “James ano ba tong sinasabi sakin ni Mr.Ismail tungkol sa paglipat ko na naman ng branch?” iritable kong tanong sa kanya “Relax Kate! Binibigyan lang kita ng pabor. Hindi biro ang pagbibigay ng COO position sa isang tao. Isa pa sa Europa na yun Kate. Magandang oportunidad na
SA SHOWROOMKATE POV Nang nagdadrive na ako papasok sa opisina ay naalala kong nawaglit na sa aking isipan ang dapat talagang pag-usapan namin ni James. Hindi ko na ito nausisa kung anong plano niyang gawin sa Villa kung sakaling tanggapin ko ang offer sa pagpunta ng Italy. Maganda din ang visa ko kung sakali dahil sa working visa naman ako doon plus magkakaroon ako ng priveledge sa pagbisita sa mga Schengen Country. Gusto ko ding makuha ang kapatid kong si George kung sakaling matuloy ako doon, ayokong makulong ang kapatid ko sa toxic enviroment na mayroon ito sa piling nila Mama. Mas magandang oportunidad ito para sa kanya pag nagkataon. Mas magkakaroon siya ng maayos na pamumuhay kung makakapag abroad din siya lalo ma at sa Europa.Pagdating ko sa showroom ay naghihintay na sa aking Pagdating si Mr. Abdullah. Isa sa mga tauhan sa top management. Sinalubong ako ni Rona sa pagpasok ko pa lang sa loob ng shop.“Madam kanina pa si Mr.Abdullah sa office kasama niya si Ms. Rhea at sak
PAGDATING NG PARENTS NI JAMESKATE POVHabang nag-aayos ako ng aking mga gamit sa aking silid ay narinig ko ang pagkatok sa aking pintuan ni James. Hindi na muna ako pumasok sa aking trabaho kagaya ng napagkasunduan namin ni James.“Kate namove ang flight nila Mommy sa isang araw na ang punta nila dito. Wag mong kalimutan. Kakatukin na lang kita dito sa kwarto mo kapag susunduin na natin sila. Agahan na lang natin ng konti ang alis dadaan pa ako sa flower shop.” Malambing na sabi sa akin ni James. Magmula pa kahapon ng ako ay sigawan ni Mr.Abdullah at ipahiya hindi lang sa staff ko kundi pati na din sa mga customer ay tila naman nagbago ang ihip ng hangin. Bumait na sa akin si James at hindi na niya ako inaasar.“Sige James, mabuti kung ganon para makapaghanda ako ng mga paborito niyang pagkain . Pupunta lang muna ako ng supermarket para makabili ng sugpo at crab.” Sagot ko naman sa kanya.Nagulat ako ng iabot sa akin ni James ang isang box na kulay pula. “Napadaan ako sa Mubarakiya
Pagbalik ko galing sa aking pag-grocery ng gabing iyon ay wala pa rin ang sasakyan ni James. Gabi na ay hindi pa ito bumabalik. Sinilip ko na din ang kanyang silid pero wala rin ito sa kaniyang kwarto. Halatang hindi pa ito bumabalik simula ng umalis ito kanina. Nakipag kita na din ako kila Rona para humina at humingi na din ng payo sa mga dapat kong gawin. Tumatagal ang araw ay tila nahuhulog na ako paunti-unti kay James. Hindi ko din maaring pagsabayin sina Jay at James. Kahit na alam kong contract marriage lang mayroon kami ay hindi pa rin magandang makikita ng kahit na sino ang pagpunta ni Jay sa akin sa trabaho para manuyo. Lalo na ngayong siniwalat na ni James ang tungkol sa aming relasyon sa lahat. Sigurado akong kumalat na ito sa dami ng nakarinig at nakakita ng gulong ngyari sa showroom. Naka receive din ako ng email mula kay Mr. Ismail na simula ngayong araw ay hindi na ako magtatrabaho sa Showroom . Tatapusin ko na ang ilang buwan kong pananatili sa Kuwait sa pagta-training
MADELINE POVPagkalipas ng ilang araw, nagsimula na ang paglilitis. Halos mapuno ang courtroom sa dami ng taong nais masaksihan ang kaso. Ang bawat kilos ng mga nasasakdal—sina Jasper, Bridget, at Nicole—ay nakatuon sa lahat ng mata. Sa gitna ng mahigpit na seguridad, tahimik akong nakaupo sa likuran, hawak ang kamay ni Liam. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, lalo na nang magsimula ang mahabang balitaktakan ng mga abogado.Hukom: "Tayo'y magsimula. Atty. De Guzman, pakipresenta ang inyong mga unang tanong."Atty. De Guzman (Prosekusyon): "Maraming salamat,your honor. Unang tanong ko sa saksi, si Aaron. Aaron maaari mo bang ilarawan ang iyong relasyon sa mga akusado, sina Bridget at Nicole?"Aaron: "Oo, ako ay matagal nang nakatrabaho sina Bridget at Nicole. Kami ay magkaibigan, at sa simula, nagkakasundo kami sa mga desisyon. Ngunit, nang magtagal, napansin ko na may mga bagay silang ginagawa nang lihim na hindi ko alam. Hindi lang sila kundi ang boss kong si Jasper"Atty. De Guzman:
MADELINE POV Tahimik akong nakamasid sa gilid habang binibitbit ng mga pulis sina Bridget at Nicole. Nakaposas ang kanilang mga kamay, at kahit pilit nilang itinatago ang kaba, bakas sa kanilang mga mukha ang galit at takot. Lahat ng ito ay nag-ugat sa ginawa ni Jasper, hindi nagtagal ang pag-interrogate kay Jasper ay tinuro niya at sinabi niya ang lahat ng kaniyang ginawa. "it's okay Love, ito na yun oh!, matatapos na ang lahat, pagkatapos nito i think you deserve a big vacation." malambing na sabi ni Liam sa akin "oo Love, salamat. " bumaling ako sa kaniyang balikat.Sa hindi kalayuan, nandoon si Jasper. Tahimik siyang nakamasid, pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang kawalang-awa. Walang bahid ng pagsisisi ang kanyang mukha ni isang pag-alala sa pagkakaibigan nila nina Bridget at Nicole. Para sa kanya, tapos na ang lahat. Tatawa-tawa siyang nakangiti habang pinagmamasdang ipasok ang dalawang kasabwat niya, binanggit din niya ang tungkol sa pakikipagsabwatan ng mga
ILANG LINGGO ANG NAKALIPAS MADELINE POV "love, sorry fro bringing your family into our family's mess." malungkot kong sabi kay Liam. "hey!" malambing niyang sabi habang hawak ang aking pisngi "Don't be like that, hindi lang inaasahan na ang pamilya nating ay may mga nakaraang hindi pa rin naghilom, mabuti nga at satin na iyon sumabog dahil alam kong kaya nating malutas ang kasong ito! magtutulungan tayo Love, kaya natin to. I love you Madeline and i like how your family handle this problem." nakangiti niyang sabi sa akin. "thank you for understanding. Siguro kung ibang lalaki lang yan, dahil sa gulong ngyayari sa pamilya namin, sigurado akong iniwan na ako" sagot ko sa kaniya Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya sabay bulong sakin "ahhh... ahhhh... at yun naman ang hindi ko gagawin kahit kailan." sabay kindat niya sa akin. Natawa ako at malambing ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Sa piling ni Liam pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako. Alam kong hindi ako mapapano
Hindi makapaniwala si Tita Amara nang malaman niya ang patuloy na galit at plano nina Jasper, Nicole, at Bridget laban sa aming pamilya. Hindi niya maitanggi ang kaba at galit na bumalot sa kanya. Agad niyang kinuha ang telepono at tumawag kay Lola Kate, ang pinakamatanda at pinakamataas na kinikilala sa aming pamilya. “Hi Mommy, nangyayari na ang kinakataukan ko. Sila Madeline na ang inabutan nito. Kailangan nating mag meeting, ngayon din,” madiing sabi niya sa linya. “Hindi na ito pwedeng palampasin.” Sa kabilang linya, alam ni Lola Kate na hindi na ito simpleng problema lamang. “Sige, Amara. Ipagbibigay-alam ko sa lahat. Maghanda ka.” Kinabukasan, nagtipon ang buong pamilya sa ancestral house ng pamilya. Ang mansyon, na karaniwang puno ng tawanan at masayang kwentuhan, ay tila may bigat ngayon na hindi maitatanggi. Ito’y parang isang reunion, ngunit sa pagkakataong ito, hindi para magdiwang kundi para pag-usapan ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap namin. Unang dumating
Madeline POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng sala habang pinagmamasdan si Tita Amara. Ang bawat salita niya ay bumabasag sa katahimikan, hinuhubaran ang mga nakatagong lihim na tila napakatagal nang iniingatan. Sa bawat kwento niya ay parang may bumabalik na pait mula sa nakaraan na hindi ko akalaing may kinalaman sa buhay ko ngayon. “Si Don Eduardo,” panimula ni Tita Amara, mahigpit ang hawak sa isang lumang photo album na may bakas ng panahon. “Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sigurado ako, hindi niya kailanman mapapatawad ang pamilya natin. Lalong lalo na ako.” Napakunot ang noo ko, ramdam ang bigat ng kanyang boses. “Galit? Bakit siya galit sa’yo, Tita?” Napabuntong-hininga si Tita Amara, halatang mabigat ang alaala niya sa nakaraan, kahit na nabanggit sakin ni Mommy ang tungkol dito ay hindi ganuon ka detalyado ang nasabi niya sa amin. “Galit siya dahil mas pinili ko si Mommy Kate kaysa sa tunay kong ina na si Mommy Charlotte. Hindi niya matanggap na mas minahal ko
MADELINE POV Isang araw habang nasa ospital si Doc Liam at ako naman ay nasa bahay lang . Naupo ako sa harap ng laptop ko at pinilit alalahanin ang bawat detalye ng mga nakita ko sa email ko bago tuluyang nawala ito. Paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang mga pangalan - Eduardo, Bridget, at Nicole. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pamilyar ang mga ito para sa akin, pero alam kong may kahalagahan sila sa kung anuman ang gusto naming malaman. Kasama si Doc Liam, sinubukan naming ibalik ang mga na-delete na file gamit ang iba’t ibang recovery tools, pero mukhang sobrang bihasa ang hacker. Kahit ang mga screenshot na inisip naming ligtas na, tuluyan na ring nawala. Habang tahimik akong nag-iisip, bumabalik sa akin ang mga alaala ng ilang pagkakataon kung saan narinig ko ang mga pangalang iyon. Hindi ko matiyak kung saan o kailan, pero alam narinig ko na yun walang duda. Hanggang sa naalala kong nagkuwento sa akin noon si Mommy tungkol sa paghihirap nila Tita Amara sa relasyon n
MADELINE POV Dalawang buwan na ang mabilis na nagdaan ngunit ang bigat ng nakaraan ay parang kahapon lang nangyari. Akala ko, kapag tinanggap na kami ng mga magulang namin, unti-unting magiging maayos na ang lahat. Pero hindi pala ganoon kasimple. Kahit tanggap na nila Mommy at Mommy ni Doc Liam ang relasyon namin ay hindi maikakaila na may bahagi pa rin ng pagsasama namin na hindi mabuo. Isang malaking katanungan ang bumabagabag sa amin—sino ang tunay na dahilan kung bakit nasira ang mga pamilya namin nuon. Nasimulan na namin ang mag-imbestiga kaya naman hindi na kami papayag na mahinto pa ito. May buhay ng naibuwis ng dahil sa mga taong nasa likod nito at patunay lang ito na sa tagal ng panahon ay hindi pa rin sila tumitigil kaya nakakatakot. Ngayong araw, tulad ng dati, nagpasya akong hintayin siya sa clinic, sa tuwing may duty siya at kahit na nakaleave ako ay palagi pa rin akong pumupunta sa ospital, mas panatag kasi ang kalooban ko sa tuwing magkasama kami. Pagdating ko ay
Matapos ang mahabang araw ng usapan at pagsasaliksik kasama ang aming mga pamilya, nagkaisa kaming lahat sa isang desisyon—kailangang makausap nila Mommy si Lorraine. Gusto nilang malaman ang buong detalye tungkol sa mga taong nasa likod ng iskandalong sumira sa aming mga pamilya. Para sa aming lahat, si Lorraine ang susi sa pagkakabuo ng kabuuang kwento. Sa kabila ng takot na baka may panganib pa, determinado kaming magpatuloy. Kinabukasan, bumalik kami ni Doc Liam sa bahay ni Lorraine at dahil weekends wala kaming shift sa ospital. Tahimik kaming nagmaneho papunta roon, kapwa iniisip ang magiging takbo ng usapan. Ngunit sa aming pagdating, bumungad sa amin ang hindi namin inaasahan. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga pulis. May mga caution tape na nakapalibot sa bahay, at sa gilid nito ay may nakaparadang ambulansya, ang mga ilaw nito’y kumikislap pa rin sa ilalim ng araw. Napahinto kami at natulala sa eksena. Agad naming naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang kaba sa aking d
Halos isang linggo din ang paghihirap namin sa paghahanap kay Lorraine. Sa laki ng London swertehan na lang talaga na matagpuan namin siya. Its either bangkay na siya o pwede ding nasa pinas na siya ngayon. Daig pa namin ang mga detective na inupahan ni Doc Liam . Sa bawat araw na lumilipas, ramdam namin ni Doc Liam ang bigat ng tensyon sa pagitan ng aming mga pamilya. Tumagal ng halos isang linggo bago nagkaruon na lead ang detective at sa kabutihang palad ay nandito pa rin siya sa London. Matagal din bago namin natunton ang matagal nang nawawalang sekretarya. Sa wakas, natagpuan namin siya sa isang tahimik na bayan, malayo sa ingay ng lungsod. Nakita namin siya sa isang maliit na bahay na gawa sa bato at napapalibutan ng mga halaman sa gitnang palayan. Nang kumatok kami, isang babaeng nasa edad singkuwenta ang nagbukas ng pinto. Si Lorraine - matangkad, may mahinang kilos, ngunit may mga matang tila laging nakabantay. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaba at alinlangan nang maki