Kinabukasan ay sobrang galit na galit pa rin si Mama kay Ate Kate ,panay ang pagsigaw niya sa buong bahay dahil hindi man lang siya sinasagot ni Ate ang kanyang mga messages at tawag.
"Bwis*t na Kate yan, hanggang ngayon ayaw pa rin akong sagutin sa tawag ko. Aba hindi siya nagpadala ng allowance para ngayong buwan at biglaan palang uuwi . Anong ipangbabayad natin sa mga bills ngayon! Ginigil talaga ako ng anak mong yan Arthur." sabi ni Mama Camilia “Ikaw nga tumawag diyan George baka sakaling sumagot yang kapatid mong magaling! Ang dami daming bayarin dito sa bahay hindi man lang nag iwan kahit magkano.”Sabi naman ni Papa “eeh kasi sinabihan mo pa si Ate na hindi niyo kailangan ang pera niya siya na nga itong niloko" pabulong kong sabi sa kanila "anong sinasabi mo George?" tanong sakin ni Mama "sabi ko anong sasabihin ko kapag sumagot na si Ate?!” Tanong ko naman sa kanila “Ikaw ng bahala magdahilan sabihin mo na din yung pang tuition ni Charlotte. Isa pa yun hindi naman pwedeng i hang yun kung kelan huling bayaran na saka pa naman nagka-ganito . Hayyyyyy bwis*t talaga” galit pang sabi ni Mama “Haist!” Napabuntong hininga na lang ako kila Mama. Ilang beses ko ng dina-dial at minemessage si Ate pero hindi din ito sumasagot sakin. “Ayaw naman sumagot ni Ate, Papa” sabi ko sa kanila. “Aba punyet* talaga yang anak mo. Napaka walanghiy* ang taas na ng tingin niya sa sarili niya porket nakapag abroad lang. hinayaan mo kasing sumasagot sagot na lang yan satin kaya nagka ganyan yan. Aba utang na loob niya satin kung bakit gumanda ang buhay niya ngayon. Kaya obligasyon niya na suportahan tayo sa mga pangangailangan natin.” Galit na galit na sabi ni Mama. “Huhuhu! Mama pano na yan yung pang tuition ko baka hindi na magbigay si Ate sakin, finals ko na pa naman ?!” Umiiyak na sabi ni Ate Charlotte kila Mama nakasubsob ito sa dibdib ni Kuya Michael. “Hayaan mo Charlotte kapag nakasampa na ko sa barko hinding hindi mo na kakailanganin pang magmakaawa kay Kate!” Sabi naman ni Michael “Ma, Pa pangako pag nakasampa ako kahit hindi na kayo manghingi kay Kate. Nag iba na talaga ang ugali niyan magmula ng magtrabaho siya sa Dubai. Akala mo kung sino na, siguro ayan ang nakuha niya sa pagsama-sama niya dun sa mga pokp*k niyang kaibigan” gigil na sabi pa nito. Gusto ko man itong bigyan ng isang suntok ay di ko magawa dahil kakampi niya sila Mama. Hindi ko din alam kung saan humuhugot ng kapal ng mukha itong si Michael at siya pa ang maraming nasasabing hindi maganda tungkol kay Ate Kate . “Puny**a kamo siya. Kailangan pa din niyang magbigay samin, wala naman siya kung nasaan siya ngayon kundi dahil samin ni Arthur! Kaya gampanan niya ang obligasyon niya sa amin dahil magulang niya pa rin kami, isa pa napagkasunduan na namin na siya ang magpapa-aral kay Charlotte hanggang makapagtapos. Aba wala kaming magagawa kung hindi niya matanggap na kayo ni Charlotte ang nagkatuluyan!” Gigil pa ring sigaw ni Mama. Hindi pa man nagtatagal ang pag-uusap nilang iyon tungkol kay Ate Kate ay bigla ng nakaramdam ng matinding pagkahilo si Mama. Halos himatayin na ito sa sobrang pamumutla. Nangitim ang kanyang mga labi at kamay. Nataranta naman kaming lahat dahil umaangal siya ng paninikip ng kanyang dibdib. Mabilis akong nanakbo sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig para ipainom sa kaniya pero hinimatay na ito ng tuluyan bago pa man ako makabalik. Tumawag na kami ng ambulansya at mabilis naman ang naging pagresponde ng ambulansya at kinuha nito si Mama. Nag uumpukan naman ang mga tsismosa sa tapat ng bahay namin. Simula pa kahapon ng dumating si Ate Kate ay naging tampulan na ng tsismis ang sitwasyon sa aming bahay. Hindi naman na namin ito pinapansin. Sumama na si Papa sa loob ng ambulansya at binilinan akong sumunod sa kanila sa ospital para magdala ng ilang gamit ni Mama. Nang makaalis na sila Papa ay panay naman ang pangungulit sakin ni Ate Charlotte para tawagan si Ate Kate. “George , tawagan mo nga yang si Ate Kate pag may ngyaring masama kay Mama issusumpa ko talaga siya. I message mo sabihin mong dinala si Mama sa ospital." sabi pa ni Ate Charlotte "oo na ito na nga ate, kanina ka pa kulit ng kulit diyan tinatawagan ko na nga." sagot ko naman sa kanya. Makailang ring ako ay wala pa rin talalang sumasagot sa kabilang linya. Binaba ko na muna ang aking telepono ng patayan ako ni Ate Kate sa huling pagtawag ko sa kanya upang makapag ayos ng mga gamit na dadlahin ko sa ospital para kay Mama. Imbis na tumulong ay abala naman si Ate Charlotte kung pano niya mabubuksan ang maleta na iniwan ni Ate Kate. Napapailing ako dito, kapatid ko siya pero tila nawalan na ata ito ng pakielam para sa pamilya niya lagi niyang dinadahilan samin ang pagbubuntis niya. Isa rin sa makapal ang mukha itong si Kuya Michael na tila proud pa na binabandera sa mga kapitbahay namin ang naging kaguluhan sa bahay ng dahil sa pag-aaway ni Ate Kate at Ate Charlotte. Noon pa man ay naririnig ko na ang hindi magagandang balita na sinasabi nito tungkol sa dahilan ng pag iwan niya kay Ate Kate. Wala din naman mangyayari kahit sabihin ko pa iyon kila Mama kasi lagi nilang sinasabi na kapag naging Kapitan na ng barko si Kuya Michael malaki maitutulong nito sa pamilya namin. Tutal ay may mga foreigner naman na daw na kasama si Ate Kate atleast kahit papano makinabang pa rin sila sa pinaghirapan ni Ate Kate sa mga naging gastos niya kay Kuya Michael. Malaki nga naman ang sasahurin ni Kuya Michael bilang kapitan sayang kung iba lang ang makikinabang nuon.Hindi naman nagtagal ay biglang nag ring ang aking cell phone. Si Ate Kate ang nasa kabilang linya. Bumubulong ito sa pagsasalita ng sagutin ko ang kanyang tawag. Hindi ko pa siya masyadong marinig pero sinabihan ko na siya sa nangyari kay Mama. "ate si Mama kasi, sinugod sa ospital." sabi ko kay ate Kate "bakit anong ngyari kay Mama?" tanong naman niya sakin "galit na galit kasi sayo si Mama kahapon pa. Tinatawagan ka daw niya hindi ka naman sumasagot." natataranta kong sabi sa kanya, narinig kong napabuntong hininga naman si Ate Kate mula sa kabilang linya." kaya ayon kanina biglang inatake sa puso, namumutla siya nung una hanggang sa hinimatay na siya ng tuluyan, susunod na din ako kila Papa sa ospital ngayon." sabi ko pa kay Ate. "umuwi ka na dito ate, pasensya ka na Ate pero kasi ang alam ko walang pambayad sila Mama sa ospital, kanina inaangal pa din niya ang pambayad sa kuryente, mapuputulan na daw tayo" nahihiya ko pang sabi sa kanya. "bakit nagpadala ako sa kanya nung naka
CHARLOTTE POVNakaupo ako sa may silya sa labas ng aming balkon. Napapangiti ako ng makaalis na si Ate Kate sa aming bahay. Mahal ko ang aking kapatid ngunit nagkataon lang na iisa ang taong minahal namin. Umakyat na din sila Mama sa kanilang kwarto sa sobrang galit kay Ate Kate. Nagkaruon na ako ng kutob na ngayong araw ang dating ni Ate para magbakasyon dito sa Pilipinas batay sa huling video call namin ng sabihin ko sa kanya ang tungkol sa last tuition fee na babayran ko. Finals ko na din kasi, ilang buwan na lang at pa graduate na ako. Kagaya ng napagkasunduan namin nila Mama at Papa hindi ko binanggit kay Ate ang tungkol sa aking pagbubuntis dahil siguradong hindi na ito magpapadala sa amin ng sustento lalo na kapag nalaman niya kung sino ang ama ng aking pinagbubuntis. Mag-dadalawang tatlong buwan na din ang dinadala ko sa aking sinapupunan. Hindi ko inagaw kay Ate si Michael. Una naman talaga kaming nagkakilala ni Michael bago pa man maging sila ni Ate ng biglaan, kasamahan ko
Nagdaan ang mga araw at palagian na ang naging pag-aaway nila Michael at Ate dahil ito sa lalaking laging nakakasama ni Ate Kate sa kanyang picture. Kaya naman palagi akong niyaya ni Michael na mag-inom hanggang sa isang araw ay naungkat namin sa usapan ang nakaraang panliligaw niya sa akin. "Alam mo Charlotte dapat kasi ikaw na lang talaga . Bakit ba kasi ayaw mo sakin noon?" tanong nito sa akin. Napaparami na din ang aming naiinom ng mga sandaling iyon. "Michael magtigil ka nga diyan!. Engage ka na sa kapatid ko kahit pa sabihin kong gusto kita wala na din naman silbi." pagpapakipot kong sagot sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. Napahinto siya sa paglagok ng kanyang iinumin. Dahil sa palagian na naming pagsasama ay naramdaman kong nahulog na muli ang loob sa akin ni Michael, makikita sa lagkit ng kanyang mga tingin ang matinding pagnanasa sa akin. Mag-iisang buwan na din kasi magmula ng hindi na siya kausapin ni Ate Kate dahil sa pagseselos niyang wala naman talagang baseha
JAMES POV Naparami na naman ako ng nainom na alak kagabi. Alam kong naabot ko na naman ang limit ng aking pag-iinom dahil nakakaramdam ako ng pagsakit ng aking ulo. Ganun pa man ay tandang tanda ko pa rin ang lahat ng nangyari at ginawa ko kagabi. Napabalikwas ako ng bangon ng pagkapa ko sa aking tabi ay wala na si Kate. "Hay Kate, kakaiba ka talaga sa lahat." anas ko , napapailing na lang ako ng aking ulo ng maalala ko ang masayang kwentuhan namin ni Kate kagabi pati na ang muntik kong pag angkin sa kanya. Kilala akong babaero at aminado naman ako doon, hindi ko pinapalampas ang kahit na sino basta magpakita sa akin ng motibo. Ika nga nila kapag palay na ang lumalapit sa manok ay hindi mo pa ba ito tutukain?. Pero kakaiba ang naramdaman ko kay Kate kagabi. Nirespeto ko siya ng malaman kong virgin pa siya. Hindi ko naman kasi inaasahan na hanggang ngayon ay wala pa pala itong karanasan sa pakikipagtalik dahil kahit sinong lalaking nakakita kung gaano ka wild si Kate sa dance fl
KATE POVMatapos ang tatlong araw ng pananatili ni Mama sa ospital ay pinayagan na din siya ng kanyang Doctor na lumabas. Sa buong panahon magmula ng ma-confine si Mama sa ospital ay hindi ko man lang nakitang bumisita sa kanya sila Charlotte o sinasadya talaga ng mga ito na hindi ko sila maabutan . Maaring sinasabihan na sila ni Mama sa tuwing parating na ako sa ospital para makaiwas sa maaring maging gulo. Kagaya ng sinabi ko kila Mama at Papa hindi na ako bumalik sa bahay namin, nangupahan na lang ako ng apartment na may kalayuan sa aming bahay. Si bunso lang din ang nakapunta sa aking apartment. Inasiakso ko na din ang pagkuha ng sarili kong condo habang nandito pa ako sa Pinas dahil magmula ngayon ay wala na akong planong bumalik sa bahay namin kung saan din nakatira sila Charlotte kasama si Michael. Si bunso naman ang patitirahin ko sa aking condo kapag bumalik na ako sa Dubai, kung aayaw naman siya ay plano ko na lang paupahan muna ito sa mga estudyante tutal ay malapit lang i
“Sige anak, wag ka sanang magtampo samin ng Mama mo kung nilihim namin ito sayo. Saka yung mga naririnig mo sa mga kapitbahay natin hayaan mo sila. Alam mo namang wala kaming ibang maasahan kundi ikaw lang. Sana naman hindi maputol ang pagpapadala mo samin ng allowance pagbalik mo ng Dubai ng dahil sa nangyari. (maamong sabi sakin ni Papa) Alam mo naman diba?! Si Charlotte kasi pagka graduate nun ay hindi pa muna siya makakapag trabaho dahil manganganak na din ang kapatid mo. Malapit na din naman makasampa sa barko si Michael habang hindi pa siya nakakaalis, pakiusap namin ng Mama mo na ikaw muna ang gumastos sa amin pati sa pagpapa check up na din sana ng kapatid mo tutal ikaw naman ang meron sa ngayon ibabalik din naman nila yun pag-nakaluwag luwag na sila!” Mahinahong sabi ni Papa. Hindi naman ako sumagot sa kanila. Ayokong magsalita dahil baka kung ano na naman lumabas sa bibig ko. Sa isip isip ko , nagawa na nga nila akong gag*hin tapos ngayon ako pa ang sasagot sa mga obligasyo
MALAKIPAS ANG DALAWANG ORAS Malalakas na pagkatok sa pintuan ng apartment na tinutuluyan ko ang sunod sunod na umalingaw-ngaw. Sa sobrang katahimik sa lugar na iyon ay maririnig ko mula sa loob ang mga pang aasar ng mga kababata ko na ume-echo sa buong pasilyo ng 10 rooms apartment na iyon. "ang mga bruha! hahaha" anas ko. "KATE BUKSAN MO ANG PINTO!" mala Nora Aunor sabi ni Alvin. Tawa ako ng tawa ng mabuksan ko na ang pinto dahil nagda-drama na kagad itong si Alvin , nag-wa-walling pa siya. nakakapit sya patalikod sa pader saka paupong nagpadausdos. "hahaha chos lang!" sabi nito sakin. “Ahhhhhh!!! (malakas na sigaw ni Nikka) Kate, wow naman asensado na talaga ang friend natin ang ganda ganda natin ngayon teh! Sa lahat ng niloko ikaw lang ang blooming na blooming. Kaya ka mapag tsismisan sa Maharlika Compound, ” walang pakielam na sabi ni Nikka sakin. Tawa pa ito ng tawa sa kanyang kalokohan. “Ahh okay bye! (Pang aasar ko dito, asta kong sasaraduhan sila ulit ng pinto) hahhah
“Preeeetttt !!! Piiiit! Piittt! Nikka busi-busina din pag may time oh! Oo si Kate tong kaharap mo. Siya yung ex fiance ni Michael at pamilya niya yung ikinukwento mo!” Pag aawat naman ni Alvin sa pagiging madaldal ni Nikka. “Aba girl mas okay na yan kesa malaman pa ni Kate sa iba na naman niya malaman, atleast tayo na naunang nakapag-chika sa kanya” sabi naman nito “Ok lang Alvin , sus ngayon pa ba ako masasaktan, buti pa nga mga kapitbahay natin alam na nuon pa ang ngyari kay Charlotte at Michael ako na lang pala ang hindi pa nakakaalam. At himala dahil hindi umabot ng Dubai ang tungkol dito samantalang lahat na lang ata ng tsismis lumilipad, at ito pa talaga ang nakalagpas sakin” Sabi ko pa sa kanila “Girl pasensya ka na hindi naman namin masabi sayo, malay ko bang hindi mo pa alam. Busy ka din naman kasi lagi girl, bibihira ka na nga naming makitang magpost“ sabi naman ni Nikka sa amin. “Hayaan niyo na yun , move on na lang talaga pero hindi na ko babalik sa bahay nila Mama han
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.