“Alam mo wag kang feeling okay?! Grupo mo lang ang pinaka maingay dito kaya talagang lahat ng tao mapapatingin sa inyo.” Pagpapalusot kong sabi sa kanya.
“Okay Miss sabi mo eh! (Nakangiti naman nitong sagot sa akin) oo nga pala ako si James?! Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?!” Sabi naman niya sakin “Alam mo gusto kong mapag isa kaya pwede wag mo na kong idamay sa trip niyong magkakaibigan. Quota na ko ngayong araw sa sakit. Kaya kung pwede lang ibang babae na lang ang pagpustahan niyo, wala kang mapapala sakin.” sabi ko naman sa kanya. Tumungga lang ako ulit ng tequila at inirapan kong muli ito. “Miss hindi ka namin pinagpupustahan, nakita mo diba umalis na ang mga kaibigan ko! oh sige ganito na lang. Hayaan mo lang ako dito sa tabi mo makipag inuman sayo, at kung sino ang unang gagawa ng hindi magandang ikikilos ay siyang magbabayad ng lahat. (Sabi nito sakin) Waiter (pagtawag niya sa waiter, lumapit naman ito kagad samin.) ikaw ang saksi. Kung may gagawin akong masama sa magandang babaeng ito tumawag ka kagad ng pulis at sakin mo i charge lahat ng magiging order namin ngayong gabi. Ito ang card at ID ko. (Inabot niya ang buong walllet niya sa waiter, natatawa naman ang waiter sa kaniyang ginagawa, hindi ko alam pero mukhang malapit ang waiter na ito sa lalaking nasa harapan ko) okay na ba miss? May tiwala ka na ngayon sakin?” tanong niya sakin natawa na din ako sa pagiging OA niya sa sitwasyon. “Oo na! sige na ! Basta no attachment , kailangan ko lang ng makakasamang mag inom. Kung sino gumawa ng kalokohan siya ang magbabayad ng lahat.(inabot ko din ang buong wallet ko sa waiter)” sagot ko naman sa kanya. Tinawag naman ng waiter ang kanyang manager upang ipaalam ang aming naging usapan. Pumayag naman ito at ngumiti sa amin. Mukhang malakas itong si James sa mga tao sa resort na iyon dahil pinayagan siya nitong gawin ang ganuong bagay na kung tutuusin ay bawal mag iwan ng personal belongings sa kahit saang lugar. Lumalalim ang gabi at patuloy lang kami sa aming pag-uusap, maririnig naman ang malulutong na halakhakan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko maintindihan pero sa ilang oras naming pag-uusap ni James ay gumaan na ang loob ko sa kanya at nakukuha na din nito ang aking tiwala. Mali ang naging interpretasyon ko para sa kanya. Kung kanina ay bwisit ako sa pagiging mabilis nito ngayon ay parang ayaw ko namang matapos ang aming pagkukwentuhan.Muli kaming umorder ng aming maiinom, napaparami na din ang alak na aming inorder. Nararamdaman ko na ang pagkukulitan namin ni James na nauwi sa pagsabay namin sa pagsasayaw sa mga tugtugin.
Lahat ng tao ay naghihiyawan sa malakas na pang disco music ng biglang baguhin ng DJ ang kanyang pinapatugtog. Bigla itong naging Love Song, nailang naman ako ng ayain ako ni James sumayaw, inilatag niya ang kanyang kamay tanda ng pag-anyaya niya saking sabayan namin ng pagsasayaw ang tugtugin. Pinaunlakan ko naman ang kanyang paanyaya. Sinabayan namin ang malambing na musika ng pagsayaw, nakakapit siya sa aking bewang habang ang aking braso ay napayakap sa kanyang likod, napasandal naman ako bigla sa kanyang dibdib ng bigla na lang tumulo ang aking mga luha, hindi ko inaasahang babalik ang sakit na aking nararamdaman ng marinig ko ang musika na plano sana naming patugtugin sa magiging kasal sana namin ni Michael. Napahinto naman kami sa pagkilos at nag-aya na akong bumalik sa aming inuupuan.
“Tara na James maupo na lang tayo. ayoko ng ganyang mga tugtog” hinawi ko ang luha sa mga mata ko at pilit na ngumiti sa kanya. Tinawag ko ang waiter at sunod sunod ang naging pag order ko ng alak, kada hatid nito ay mabilis kong nauubos ang alak na nilalapag niya sa aking harapan, kaya naman humingi na ako ng isang buong bote ng whisky, Nakatingin lang sakin si James sa akin hindi niya ako kinulit na magtanong, nag-abot lang siya ng tissue sa akin at sabay na tumungga ng kanyang iniinom . Kahit hindi pa siya nagtatanong ay ako na mismo ang nagkwento sa kanya ng ngyari sa akin ng umaga iyon dala na din siguro ng matindi kong kalasingan naging makwento na ako. “Alam mo kayong mga lalaki ang sasama talaga ng ugali niyo. Huhuhu. Hindi ko kayo maintindihan, wala kayong kakuntentuhan.” Panimula kong sabi sa kanya habang walang tigil ang paglagok ko sa alak at pagtulo ng aking luha. Nakatingin lang siya sa akin at tahimik na nakikinig sa mga kwento ko , panay din ang inom niya ng kanyang alak. “Alam mo ba James? Ang put*ng in*ng fiance ko? (Nabubulol kong sabi sa sobrang kalasingan) yung magaling na yun, binuntis lang naman ang kapatid ko! Oh diba ang galing galing hahahha (natatawa kong sabi habang umiiyak) ang masama pa nito alam pala ng Mama at Papa ko at sa bahay pa nila pinatira, hinayaan nila ang magaling na yun na ipagpatuloy ang katarantaduhan nila ! Limang buwan na palang nagsasama ang mga gag* sinayang niya ang 5 taon na piangsamahan namin. Alam mo kung bakit pumayag sila Mama?” Hindi pa rin siya umiimik, nakatingin lang siya na sinasabayan ang bawat paglagok ko ng aking inumin. “Nakakainis ka naman kwentuhan hindi ka man lang umiimik!” Bagot kong sabi sa kanya “Bakit nga ba?” Tanong niya sa akin. “Eh kasi nga ako lang yung bumubuhay sa pamilya ko! Yung kapatid ko graduating na sana yun eh tanga, hindi niya daw sinasadya . Ang put* huhuhu (humahagulgol ako na tumatawa bahagya sa aking mga naalala) hindi naman kasi nila alam na uuwi ako ng Pinas ngayon. Sosorpresahin ko sana sila ayun pala ako ang masosorpresa sa kababuyan ng mga yun!” galit na galit kong kwento sa kanya. Agad ko namang pinunasan ang luhang walang tigil na pumapatak sa aking mga mata. Binago ko bigla ang mood saming paligid. “Ay shocks ayoko ng umiyak, tama na ang drama Kate! Cheers na lang tayo James (inangat ko ang aking alak at nag toast na kami)” “Ayan mag enjoy lang tayo. Kalimutan mo na muna ang problema mong yun! Makakasira lang yan sa gabi mo! Diba sabi mo kaya ka nagbabakasyon para mag enjoy. kaya mag-enjoy ka lang” Sabi pa niya sakin “Oo nga tama ka! Wooooooh! Cheers para sa mga single na taong niloko!” Hiyaw ko pa. Nagkaayan na kaming lumipat ni James dahil sa lumalalim na ang gabi at lumalamig na ang ihip ng hangin sa aming pwesto. “Saan mo gustong lumipat?!, (tanong niya sa akin hindi pa siya nakakasiguro sa pangalan ko kaya nagtanong siya muli para makasigurado)Kate tama ba?!” “Oo haha! Oo nga pala ako si Kate (binigay ko ang aking kamay upang magpakilala ng formal, kanina pa kami magkasama ngunit hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa kanya.) ayoko na din sa bar , mejo malamig na din (hinubad naman ni James ang kanyang polo shirt at isinuot iyon sa akin, napangiti naman ako sa kanyang ginawa) oi ikaw aah baka na-i-inlove ka na sakin bawal yun!” tumatawa kong sabi ko sa kanya. “Hay Kate iba ka talaga sa lahat (mahina niyang sabi sakin) so saan na nga tayo pupwesto?!” Tanong niya sakin. “Kahit saan James!” Sagot ko sa kanya. Tawanan naman kami ng tawanan ng ilang beses kaming muntik madapa sa paglalakad dahil sa kalasingan.Nakaakbay ako kay James habang siya ay nakaalalay sa aking balakang .Pasuray-suray kaming naglakad patungo sa isang silid sa resort na aking pinuntahan. Kung saan - saan naman kaming napasok na silid , may isa pa kaming napasukan na nag se-s*x dahil hindi nito naisara ng maayos ang kanilang pintuan, matinding halakhakan naming dalawa hanggang sa mapagbuksan kami ng isa niyang kaibigan na Mayor, sa sobrang kalasingan ko ay medyo sinisinok pa ako habang nagsasalita. Nagkasiyahan kami saglit at nagsulat-sulatan sa isang papel. Hindi ko alam kung ano nga ba yun basta parehas kaming pumirma ni James , kasama nitong si William ang assistant niyang si Daniel , dahil sa lasing na ito kagaya namin ay may kinuha siya sa kanyang bag. Sinelyuhan niya ang papel na pinirmahan namin at umalis ito dahil ihuhulog niya daw ito sa mail box sa receptionist. Tawanan naman kami ng tawanan pag labas nito at nagpaalam na din kami sa kaibigan na Mayor ni James dahil ayokong makaistorbo sa kung ano mang balak
KINAUMAGAHAN SA HOTEL ROOM NI JAMESNapabalikwas ako ng bangon ng walang tigil na nag ring ang aking cellphone. Napasaplo naman ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay parang binibiyak ito sa sobrang sakit nagulat pa ako ng pagbaling ko sa aking tagiliran na may lalaki akong katabi, agad kong sinilip ang aking katawan na nakatabong sa ilalim ng comforter. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong mayroon naman akong saplot. "Ohhhh Kate, ano na naman kayang katangahan ang pinaggagagawa mo kagabi?!" mahina kong bulong sa aking sarili bahagya ko pang hinampas hampas ang aking ulo dahil sa totoo lang wala akong maalala kung ano ang mga ngayari kagabi. Wala din akong ideya kung paano ako nakarating sa silid ng lalaking ito. Ang huling natatandaan ko lang nasa Beach Front Bar ako at mag-isang nagpapakalunod sa alak.Dahan-dahan akong kumilos at bumaba ng kama. Ayokong makalikha ng ingay para hindi ko magising ang lalaki sa aking tabi. Ayokong makita niya ako lalo na at hindi ko naman k
Kinabukasan ay sobrang galit na galit pa rin si Mama kay Ate Kate ,panay ang pagsigaw niya sa buong bahay dahil hindi man lang siya sinasagot ni Ate ang kanyang mga messages at tawag. "Bwis*t na Kate yan, hanggang ngayon ayaw pa rin akong sagutin sa tawag ko. Aba hindi siya nagpadala ng allowance para ngayong buwan at biglaan palang uuwi . Anong ipangbabayad natin sa mga bills ngayon! Ginigil talaga ako ng anak mong yan Arthur." sabi ni Mama Camilia“Ikaw nga tumawag diyan George baka sakaling sumagot yang kapatid mong magaling! Ang dami daming bayarin dito sa bahay hindi man lang nag iwan kahit magkano.”Sabi naman ni Papa“eeh kasi sinabihan mo pa si Ate na hindi niyo kailangan ang pera niya siya na nga itong niloko" pabulong kong sabi sa kanila"anong sinasabi mo George?" tanong sakin ni Mama"sabi ko anong sasabihin ko kapag sumagot na si Ate?!” Tanong ko naman sa kanila“Ikaw ng bahala magdahilan sabihin mo na din yung pang tuition ni Charlotte. Isa pa yun hindi naman pwedeng i h
Hindi naman nagtagal ay biglang nag ring ang aking cell phone. Si Ate Kate ang nasa kabilang linya. Bumubulong ito sa pagsasalita ng sagutin ko ang kanyang tawag. Hindi ko pa siya masyadong marinig pero sinabihan ko na siya sa nangyari kay Mama. "ate si Mama kasi, sinugod sa ospital." sabi ko kay ate Kate "bakit anong ngyari kay Mama?" tanong naman niya sakin "galit na galit kasi sayo si Mama kahapon pa. Tinatawagan ka daw niya hindi ka naman sumasagot." natataranta kong sabi sa kanya, narinig kong napabuntong hininga naman si Ate Kate mula sa kabilang linya." kaya ayon kanina biglang inatake sa puso, namumutla siya nung una hanggang sa hinimatay na siya ng tuluyan, susunod na din ako kila Papa sa ospital ngayon." sabi ko pa kay Ate. "umuwi ka na dito ate, pasensya ka na Ate pero kasi ang alam ko walang pambayad sila Mama sa ospital, kanina inaangal pa din niya ang pambayad sa kuryente, mapuputulan na daw tayo" nahihiya ko pang sabi sa kanya. "bakit nagpadala ako sa kanya nung naka
CHARLOTTE POVNakaupo ako sa may silya sa labas ng aming balkon. Napapangiti ako ng makaalis na si Ate Kate sa aming bahay. Mahal ko ang aking kapatid ngunit nagkataon lang na iisa ang taong minahal namin. Umakyat na din sila Mama sa kanilang kwarto sa sobrang galit kay Ate Kate. Nagkaruon na ako ng kutob na ngayong araw ang dating ni Ate para magbakasyon dito sa Pilipinas batay sa huling video call namin ng sabihin ko sa kanya ang tungkol sa last tuition fee na babayran ko. Finals ko na din kasi, ilang buwan na lang at pa graduate na ako. Kagaya ng napagkasunduan namin nila Mama at Papa hindi ko binanggit kay Ate ang tungkol sa aking pagbubuntis dahil siguradong hindi na ito magpapadala sa amin ng sustento lalo na kapag nalaman niya kung sino ang ama ng aking pinagbubuntis. Mag-dadalawang tatlong buwan na din ang dinadala ko sa aking sinapupunan. Hindi ko inagaw kay Ate si Michael. Una naman talaga kaming nagkakilala ni Michael bago pa man maging sila ni Ate ng biglaan, kasamahan ko
Nagdaan ang mga araw at palagian na ang naging pag-aaway nila Michael at Ate dahil ito sa lalaking laging nakakasama ni Ate Kate sa kanyang picture. Kaya naman palagi akong niyaya ni Michael na mag-inom hanggang sa isang araw ay naungkat namin sa usapan ang nakaraang panliligaw niya sa akin. "Alam mo Charlotte dapat kasi ikaw na lang talaga . Bakit ba kasi ayaw mo sakin noon?" tanong nito sa akin. Napaparami na din ang aming naiinom ng mga sandaling iyon. "Michael magtigil ka nga diyan!. Engage ka na sa kapatid ko kahit pa sabihin kong gusto kita wala na din naman silbi." pagpapakipot kong sagot sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. Napahinto siya sa paglagok ng kanyang iinumin. Dahil sa palagian na naming pagsasama ay naramdaman kong nahulog na muli ang loob sa akin ni Michael, makikita sa lagkit ng kanyang mga tingin ang matinding pagnanasa sa akin. Mag-iisang buwan na din kasi magmula ng hindi na siya kausapin ni Ate Kate dahil sa pagseselos niyang wala naman talagang baseha
JAMES POV Naparami na naman ako ng nainom na alak kagabi. Alam kong naabot ko na naman ang limit ng aking pag-iinom dahil nakakaramdam ako ng pagsakit ng aking ulo. Ganun pa man ay tandang tanda ko pa rin ang lahat ng nangyari at ginawa ko kagabi. Napabalikwas ako ng bangon ng pagkapa ko sa aking tabi ay wala na si Kate. "Hay Kate, kakaiba ka talaga sa lahat." anas ko , napapailing na lang ako ng aking ulo ng maalala ko ang masayang kwentuhan namin ni Kate kagabi pati na ang muntik kong pag angkin sa kanya. Kilala akong babaero at aminado naman ako doon, hindi ko pinapalampas ang kahit na sino basta magpakita sa akin ng motibo. Ika nga nila kapag palay na ang lumalapit sa manok ay hindi mo pa ba ito tutukain?. Pero kakaiba ang naramdaman ko kay Kate kagabi. Nirespeto ko siya ng malaman kong virgin pa siya. Hindi ko naman kasi inaasahan na hanggang ngayon ay wala pa pala itong karanasan sa pakikipagtalik dahil kahit sinong lalaking nakakita kung gaano ka wild si Kate sa dance fl
KATE POVMatapos ang tatlong araw ng pananatili ni Mama sa ospital ay pinayagan na din siya ng kanyang Doctor na lumabas. Sa buong panahon magmula ng ma-confine si Mama sa ospital ay hindi ko man lang nakitang bumisita sa kanya sila Charlotte o sinasadya talaga ng mga ito na hindi ko sila maabutan . Maaring sinasabihan na sila ni Mama sa tuwing parating na ako sa ospital para makaiwas sa maaring maging gulo. Kagaya ng sinabi ko kila Mama at Papa hindi na ako bumalik sa bahay namin, nangupahan na lang ako ng apartment na may kalayuan sa aming bahay. Si bunso lang din ang nakapunta sa aking apartment. Inasiakso ko na din ang pagkuha ng sarili kong condo habang nandito pa ako sa Pinas dahil magmula ngayon ay wala na akong planong bumalik sa bahay namin kung saan din nakatira sila Charlotte kasama si Michael. Si bunso naman ang patitirahin ko sa aking condo kapag bumalik na ako sa Dubai, kung aayaw naman siya ay plano ko na lang paupahan muna ito sa mga estudyante tutal ay malapit lang i
HAIME POV Kinabukasan , as usual naunang nagising na naman sa akin si Natalie. Alam kong excited din siya kaya agad na din akong bumangon at naligo. Sinundo namin ang pamilya ni Natalie sa address na binigay ni Jerald. Hindi naman ito kalayuan sa bahay na namin at alam ko iyon, ginamit namin ang malaking Van na tinatawag nilang artista van sa Pilipinas. “Good morning Haime, good morning Anak.” Masayang bati ng Mommy niya sa amin. “Good Morning din Tita. Ready na po kayo?!” Nakangiti kong tugon. Lumapit din si Natalie sa parents niya at humalik. “Oo iho , hindi na nga kami nakatulog nitong si Ethan sa pagka excited.” Sagot sakin ni Tita Kayline Bumaba naman ako katapat ni Kim at binati ang batang kanina pa nakatingin sakin. “Who’s excited to go Universal Studios?” Pilyo kong tanong “Me…..” sumisigaw habang tumatalong sagot ni Kim. “Okay kaya naman. Lets go na.” Tugon ko sa kaniya. Tinulungan ko na nga din sila Jerald mag ayos ng kanilang mga dalang gamit. Dahil ka
NATALIE POVHindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayong gabi. Kaya ng makarating kami sa kwarto ay pinupog ko ng mainit na halik si Haime. Walang hanggan ang pasasalamat ko kay Haime. Hindi ko na siya inusisa pa kung paano niya nahanap ang parents ko. Ang importante lang sakin ay pinahahalagahan ni Haime ang bawat sinasabi ko. "ikaw!, masyado kang clever hon, bakasyon pala ahh...." malandi kong sabi kay Haime habang nakalingkis ang aking mga braso sa kaniyang leeg. “Pero again, I appreciate everything hon. You made this trip really extra special” nakangiti kong sabi.“Kaya naman Mister Haime Rodriguez, come with me…” malandi kong hinila papuntang banyo si Haime. “Hon…. Wag mo kong sisimulan, i swear you cannot stop me!” Malambing pero may pagbabanta niyang sabi.“Then don’t stop” sagot ko sa kaniya.Pagdating namain sa loob ng banyo ay tinitigan ko siya ng may kaharutan sa kaniyang mga mata. Pilya kong kinagat ang aking mga labi habang dahan dahan kong hinuhubad ang mga
HAIME POV "thank you Hon!" bulong ni Natalie sa akin. Sobrang na-appreciate niya ang ginawa kong ito para sa kaniya. Aminado naman kasi talaga siyang matagal na niya itong pangarap na mangyari pero dahil sa ego at dahil na din sa pagka busy niya sa negosyo ay laging naiisantabi ito. Masaya siyang nakasabay ulit niya sa isang hapag ang kaniyang mga magulang at kuya. Bonus pa na kasama nito ang asawa at anak nito."Hon is it okay na tumabi ako kila Mommy?!" tanong niya sa akin "it's okay ano ka ba. I-enjoy mo ang moment Hon, masaya ako na nagustuhan mo ang hinanda ko para sayo." tugon ko sa kaniya. Parang bata itong yumapos sa kaniyang Mommy at Daddy, samantalang ako ay umupo sa tabi ng kaniyang Kuya. Mabilis din kaming nagkasundo ng kapatid niya, dahil isa rin itong businessminded person, naiisipan na din pala nitong mag retire sa ospital para mag for good na sa Pinas pero madami pa siyang dapat isa-alang-alang kaya hindi pa siya sumusuong. Panay pagpapasalamat ni Natalie sa akin k
NATALIE POVSa loob ng VIP Lounge. Nakangiting pumasok si Haime. Agad kong ibinaba ang aking cellphone, at ngumiti ako sa kaniya. Hindi pa rin maalis ang ngiti ko dahil sa pang aasar ng mga kaibigan ko. Naupo si Haime sa tabi ko.“Ang tagal mo naman Hon, okay ka lang ba?!” Tanong ko sa kaniya.“Im good Hon, medyo may pila lang kasi sa CR.” Sagot naman niya sa akin. “May order na ba kayo?” Tanong niya sa akin“Wala pa , hinihintay ka pa namin” tugon ko sa kaniyaNakatalikod ako sa pintuan ng VIP LOUNGE kaya hindi ko nakikita kung sino ang pumapasok. Bumukas ulit ang pinto at nagulat ako ng mula sa kanyang likuran ay may batang masayang tumatawa. Bahagya nitong kinapitan ang aking buhok dahilan para humarap ako.Paghalingon ko para tignan kung sino ang batang ito ay bumuhos na ang mga luha sa aking mga mata. Nagulat siya ng makita ko si Mommy, Daddy at Kuya Jerald, hindi naman pamilyar sa akin ang kasama ni kuya na babae. Pero sa tingin ko ay asawa niya ito at ang bata na kahawig ko
KAYLINE POV Mixed emotion ang nararamdaman ko. Halos dekada na din kasi ng huling kong makita ang aking anak na babae. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagtatrabaho magmula ng hindi na bumalik samin si Natalie. Nagalit ako sa kaniya dahil mas pinili niya ang lalaking yun kaysa samin. Matinding kirot ang dinulot noon sa puso namin ng Daddy niya na walang ibang inisip kundi ibigay ang maganda at marangyang pamumuhay sa kanilang magkapatid. Habang ako ay naglalakad sa pasilyo ay nag-flashback naman sa aking alala ang pangyayari sa aming bahay isang araw bago kami tuluyang mag migrate sa Amerika. Abala kaming lahat mag-impake pati itong si Manang ay abala din sa pag-iimpake ng mga gamit ng kanyang mga alaga, Malapit talaga itong si Natalie at Jerald sa kanilang Manang dahil ito na halos siya ang kasama ng mga bata habang lumalaki sila. Dahil sa abala kami sa negosyo noon. Ang buong akala namin nung una ay dahil sa hindi na namin maisasama si Manang kaya ito nagmamaktol ngunit may ib
Napansin kong ang babae ay ang Mommy ni Natalie at ang lalaki naman ay ang Daddy niya na may umaalalay na. Kasabay ng mga itong naglalakad ang isang mag-anak na kung titignan ay nasa mid-age pa. Mukhang mga professional ang mga ito sa tindig, at klase ng kanilang pananamit. Magaganda ang mga kasuotan nito, at mukhang alam nila ang dress code sa lugar na ito. Makikita namang sophisticated at may pinag-aralan ang mga ito dahil sa kanilang kilos. Mukhang ito ang adopted brother na sinasabi ni Natalie sa akin. Nakangiti ko silang sinalubong. Magalang kong pinakilala ang sarili ko sa kanila. Sa totoo lang kilala ko ang ang mga taong harap ko ngayong gabi, dahil na din sa tulong ng imbestigador na kinuha ko .Palagi akong nagpapa send ng mga picture sa kanila para maging updated ako sa ngyayari. Imbestigador ang palagi kong kausap sa email at ito din ang laging tinatawagan ko sa tuwing nagtatago ako kay Natalie upang makipag ugnayan ay maplano ng maayos ang araw na ito. IMbestigador din
SA BAHAY NI HAIME Nauna akong bumaba , nakahanda na ako . Habang naghihintay ako sa dalawang kasama ko ay naging abala ako sa aking telepono.Para akong magnanakaw na nakikipag usap, maya't maya ang aking pagsilip kung pababa na sila Natalie. Si Mang Samuel naman ay hinahanda na ang sasakyan na aming gagamitin. Bago nga tuluyang makababa sila Natalie ay natapos na din ako sa aking kausap. Mabuti na lang at naibaba ko kagad ang aking telepono . “You stole my heart! My God Natalie. You look so stunning!” Natulala kong sabi ng makita ko si Natalie. Ayun na lang ang nasabi ko ng alalayan ko siya habang pababa ng hagdan. “Tse! Bola.” Nahihiyang pagtutol ni Natalie sa akin . Nakita ko nag kilig sa mga mata niya sa tuwing binabati ko siya. “Kidding aside hon! Napakaganda mo! Bagay na bagay sayo ang napili mong damit” “Mmm thank you kung ganun. Teka hon si Manang din pala. Don't worry hon, tinawag na siya ni Cathy sa kwarto niya. Nakabihis na din ata siya. ” Nauna ng sumasakay sa sa
Nang matapos na kaming magkainan ay hindi naman nakatiis itong si Manang , tinulungan niya si Cathy mag-intindi sa kusina, hindi na din namin siya piniit dahil sanay talaga ang matandang kumilos Bumalik na kami sa silid namin pero bago kami magbalik sa silid ay sinabihan na namin si Manang na magpahinga na din at bukas ay mag-iikot na kami sa Beverly Hills mall. Mabilis kaming nakatulog ng gabing yun. Kinaumagahan ay nauna na namang nagising si Manang kaysa samin at nagulat na lang kaming lahat na nakahanda na ang almusal para sa lahat. Hindi talaga maiaalis sa matanda ang kumilos dahil nakasanayan na niya ito. Pagkakain namin ay gumayak na kamin para bumyahe patungo sa mall. As usual si Mang Samuel ang nag drive para sa amin. Ayaw kong malaman ni Natalie na may sarili akong lisensya dito sa Amerika, dahil panigurado akong makakahalata na siya sa totoong estado ko. Nakakatuwa na sa yaman ni Natalie at kilala din ang kaniyang pamilya sa industriya ay hindi niya niluluhuan ang s
Habang naglalabas kami ng mga gamit namin mula sa maleta ay walang tigil sa pag ku kwento si Natalie. “Hon ang swerte natin at hindi na tayo masyadong na interrogate sa immig no?! May napapanuod kasi ako minsan kapag first timer pahihirapan daw. Buti na lang hindi na tinanong si Manang” sabi niya sa akin. Ngumiti ako ng pilyo sa kaniya. “Siyemrpe Hon, pogi ang kasama mo kaya kinindatan ko na lang yung taga immig. oh diba effective pinalampas kagad tayo.” Pabiro kong Sagot sa kaniya “Oh really?! Gusto mo bumalik na ko ng pinas?!” Seryoso niyang sabi “Hahaha i’m just kidding Hon. Siyempre sayo lang ako titingin. Siguro nagluwag na sila ngayon dahil kailangan nila ng turismo after ng pandemic. Alam mo na diba bumagsak naman lahat ng mga ekonomiya.” Sagot ko sa kaniya. Tumango lang siya at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Sa totoo lang hindi nakakapagtaka na mabilis ang naging transaction namin sa immigration. Dahil Pabalik-balik na ako sa Amerika, at kilala na ako ng mga taga-imm