Nang dumating ang alas singko ng hapon ay nagdatingan na sa flat ang mga kasama ko sa bahay. Kagaya ng ibang mga OFW na nagtitipid, naisipan kong mangupahan lang ng maliit na kwarto kay Tikya ang aming flat holder, hindi kasi practical dito sa abroad ang kumuha ng sariling bahay, mas okay ang room sharing. Mabuti na nga lang at mura kong nakuha ang kwarto na ito, kasama ko dito ang kaibigan ko sa trabahong si Lou, siya ang nag refer sakin sa flat holder namin, ng malaman niyang nabakante na ang isang partition sa kanilang flat ay agad niya akong inabisuhan at nagustuhan ko naman ito ng makita ko dahil sakto lang ito para sakin ang mahalaga may sarili akong kwarto na matulugan.Dalawa lang kami sa full room na nilagyan ng partition at may maliit na hallway sa gitna namin, may sarili din kaming banyo sa loob kaya hindi na namin kailangan pang makipag unahan kapag kailangan naming gumamit ng banyo. Dito sa Dubai madaling makakuha ng mauupahang kwarto pero mahirap makatapat ng maayos na ma
Read more