Tumigil ang lahat ng bulungan dahil sa takot nila sa maaring gawin ni Liam. Napatingin naman ako kay Liam dahil sa ginawa niya. Na appreciate ko ito kahit pa kailan lang kami nagkakilala. Sa kabila ng tensyon, ramdam ko ang sinseridad niya sa bawat salitang binibitawan niya na kahit kailan ay hindi ko naramdamang binigay sakin ni Rainiel. Pero hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko—sino ba talaga ako sa buhay ng lalaking ito? At kaya ko bang tanggapin ang galit, inggit, at paghusga ng lahat ng taong ito para lang mapanatili ang kasal namin? Habang bumaba na kami ng stage, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon, pero tila hindi nito nabawasan ang init ng mga tingin sa akin. Sinalubong kami ng titig ni Rainiel, matalim at puno ng emosyon. Tumigil siya sa harap namin, hawak pa rin ang kamay ni Emma. “Congrats, Madeline,” sabi niya, pero halatang may halong pandidiri at inis. Ngumiti si Emma, pero ang ngiti niya ay tila may hinagpis at kasiyahan na hindi ko kay
MADELINE POV Nang makauwi kami sa bahay ay siya na nag bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Kung okay lang sayo ako ang gagawa bg dinner natin ngayong gabi?” Tanong niya sa akin “Mmm okay sige lang no problema.” Sagot ko sa kaniya. Nakangiti siyang umalis sandali at nagpunta sa grocery. Pagbalik niya ay may dala siyang supot at parang may bote ng wine. Gusto ko lang siyang panuorin habang nagluluto. Dahil panay ang kwentuhan namin tungkol sa ngyari kanina sa event. Panay ang pang aasar niya sa naging reaksyon ng aking ex fiance at ng babae nito. Maya maya ay biglang tumahimik ang paligid, pero ang tunog ng kutsilyo niyang nagtatadtad ng herbs at ang tunog ng steak na nagluto sa kawali ay parang musika sa tenga ko. Nakaupo lang ako sa stool at tahimik na nanonood sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga. Ang simple lang ng ginagawa niya, pero ang lakas ng dating niya. Paano ba naman, kahit naka-t-shirt lang siya at sweatpants, parang modelo pa rin si Liam
LIAM POV Makalipas ang halos dalawang linggo ay masaya ang naging takbo ng pagsasama namin ni Madeline kahit na alam naming contract marriage lang. Napapangiti talaga ako tuwing kasama ko si Madeline. Hindi ko alam kung bakit, pero kakaiba ang dating niya sa akin. Yung pagiging palaban niya, yung madalas niyang pagtanggi na may epekto ako sa kanya—lahat ng iyon ay mas lalo lang nakakatawag ng atensyon ko. Kinabukasan, nauna siyang umalis papuntang ospital. Hindi ko alam kung sinasadya niya iyon o gusto lang niyang umiwas sa akin. Tumawag ako sa kanya habang papunta ako, pero hindi siya sumagot. Ngayon, na-cu-curious ako. Kaya’t nang makarating ako ng ospital ay dumiretso ako sa nurse station para makita siya. Nakita ko agad si Madeline na abala sa pag-check ng mga charts kasama ang kaniyang mga kasamahan sa duty. Ang cute niya tingnan—seryoso, pero halatang naiilang nang makita niya ako, agad niyang binaling ang kaniyang tingin sa chart pabalik para iwasan ako. Pero tumigil ako s
MADELINE POV Habang naglalakad sa hallway iniisip ko pa rin ang sinasabi sakin ni Liam. Ramdam ko namang mahal niya ako at alam ko din naman sa sariling may nararamdaman din ako sa kaniya. Pero gusto kong makasigurado sa totoong nararamdaman namin sa isa’t isa bago ko sabihin kila Mommy ang tungkol kay Liam. Its too complicated na sabihin ko kila Mommy na wala na kami ni Rainiel at sa isang iglap ay nagkaruon na ako ng asawa. Which is alam kong ikakagulat ni Mommy. Hindi ako to!. At never kong na imagine na magiging ganito ang kapalaran ko. Nang dumating ako sa locker room ay nabingi ako sa katahimikan ng paligid. Wala na ang ibang mga kasamahan ko, at ako na lang ang naiwan. Nagpapatuloy ako sa pag-aayos ng mga charts nang bigla kong maramdaman ang malakas na paghila sa braso ko. “Rainiel?!” Napasigaw ako nang makita ko siyang nakatayo sa likuran ko ang mukha niya puno ng galit para sa akin at isang kakaibang ngiti. “Huwag kang maingay,” sabi niya sa akin ng may malamig at puno
LIAM POV “Huminto ka, Rainiel!” Malakas kong sigaw habang hinahabol siya sa madilim na hallway ng ospital. Napatingin siya sa akin at ang ngisi sa kanyang mukha ay parang nagpapahiwatig na wala akong laban. “Wala kang makukuha sa’kin, Liam!” sigaw niya habang patuloy na tumatakbo. “Sa huli, babalik din si Madeline sa akin!” Nag-init ang dugo ko. Tumakbo ako nang mas mabilis hanggang sa maabutan ko siya malapit sa exit door. Agad kong hinablot ang braso niya at iniharap siya sa akin. “Hayop ka ! Anong ginawa mo kay Madeline?!” Pinilipit ko ang braso niya habang nagpupumiglas siya. “Bitawan mo ako!” galit na sigaw niya, pero mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko. “Sagutin mo kong dimonyo ka! Anong ginawa mo kay Madeline!” Sigaw ko, ramdam ang galit sa boses ko. Ngumisi siya kahit na pinipilipit ko ang braso niya. “Akala mo ba matatakot ako sa’yo? Wala akong pakielam kahit sino ka pa! Isa lang ang nasisigurado ko sayo! Sakin lang si Madeline” Halos sumabog ang galit ko sa sinabi n
MADELINE POVHalo halo ang naging reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Napapaiyak na lang ako sa mga mata nilang mapang husga. Nakabalik na ako sa station ko, pero halata ko ang pagbubulungan ng mga tao sa paligid ko. Sinisisi nila ako sa nangyari kanina kay Dr. Rainiel. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito dahil alam kong kaibigan sila ni Dra.Emma. Pero bago pa ako makahanap ng katahimikan, biglang bumukas nang malakas ang pinto. Dumating si Dra. Emma, galit na galit, ang mga mata niya ay para akong susunugin. Mabilis siyang lumapit at bago pa ako makaiwas, hinablot niya ang buhok ko. Nawala ang pagiging edukada niya. Panay din ang pag-awat sa amin ng iba pang mga Nurses na nakakasaksi ng mga nakakahiyang eksena iyon. Mabuti na lang talaga at hindi ito ngyari sa patients area kung nagkataon sobrang nakakahiya talaga hindi lang sakin kundi pati sa kredebilidad ng ospital. “Hayop ka, Madeline!” sigaw niya sa akin sabay sabunot nang
LIAM POV KINABUKASAN Nakaupo ako sa harap ng table, tahimik pero puno ng tensyon ang paligid. Ang legal team ko ay abala sa pagpapaliwanag ng estratehiya para siguraduhing hindi makakalusot si Doc Rainiel. Sa kabilang panig ng korte, naroon si Dra. Emma kasama ang mga abogado niyang puro kilala ang pangalan. Malinaw na ginagamit niya ang lahat ng koneksyon niya para palabasin na inosente si Dr. Rainiel . Tumayo si Dra. Emma, bakas sa mukha niya ang matinding kayabangan. Samantalang ako ay nagpapa ka low key lang “ Dr. Liam, may oras pa para umatras ka? Kahit gaano kalakas ang ebidensya mo, alam mong sa mundong ito pera ang nagpapatakbo sa lahat. Haha" lumalagutok niyang tawa. Tumayo rin ako at tumingin ng diretso sa kaniya. “ Dra. Emma, sa tingin mo ba natatakot ako sayo at sa kung sinong pinagmamalaki mo? Hanggang ngayon ba hindi pa rin nag-si-sink in sayo kung sino ang taong kinakalaban mo? alam mo ba kung san ka pupulutin
Pagkatapos ng lahat, nagpaalam na ang mga abogado. Handa na akong magbayad ng kanilang serbisyo, pero biglang nagsalita si Atty. Cruz. "Oh no, no, no Doc Liam Huwag mo na kaming alalahanin. Nabayadan na kami. Bago pa magsimula ang trial, inasikaso na ni Miss Madeline ang lahat. In fact nagbigay pa siya samin ng bonus kahit na hindi pa man nagsisimula ang kaso. Oh siya pano Miss Madeline, Doc Liam mauna na kami sa inyo. Salamat ulit sa pagtitiwala niyo sa amin.” Nakangiting sabi ni Atty samin. “Maraming salamat din sa inyo Attorney, you never fail us.” Nakangiti kong pagbati sa kanila. “Anyway, please check your account as a sign of saying thank you sa hindi niyo pag-surrender sa kasong ito.” Sagot pa ni Madeline sa kanila. Tuluyan na ngang umalis sila Atty. Napatingin ako kay Madeline na puno ng pagtataka at talagang naguluhan ako. "Anong ibig niyang sabihin?" tanong ko kay Madeline. Nagkibit-balikat siy
Nakita kong nilapitan kaagad ni Annie ang babaeng kasama ng lalaking pumasok. Nakita ko ang malaking pag ngiti ng babaeng kasama nito kay Haime. Hinila din ito ni Julia at excited na tumabi sa kaniya. Nagtataka ang utak ko kung sino nga ba talaga ang tila mag couple na ito. Napatingin pa si Tito Joseph kay Tita Carmi. Pilit akong ngumingiti kahit na ang totoo ay nagtataka ang isip ko , nacu-curious ako kung sino ang mga ito. Kakaiba ang pag-uusap ng kanilang mga mata. Hindi man nagsasalita si Tito pero tinuro ng kaniyang mata at kilay sa mga ito na animo'y inuutusan niya ang mga itong lumapit sa amin. Pinaghila muna niya ng upuan ang babaeng kasama bago siya lumapit sa amin. “Congratulations Bro!” nakangiti niyang bati sa amin kinamayan din siya ni Haime, at ako naman ay nagpasalamat din sa kaniya. “Thank you !" Ngumiti lang ito sa amin. Hindi din siya nagtagal sa pakikipagkamustahan sa amin at agad na din siyang bumalik sa kaniyang assigned seat. Bagama't may ideya na ako kung
NATALIE POV Pakiramdam ko ay parang paniginip ang lahat. Hindi ko mapigilian ang hindi mapaluha sa sobrang saya. Habang naglalakad ako papalapit sa harap ng altar ay nakikita ko ang aking buong angkan. Sila Tita Amara, Tito George , ang mga pinsan kong dekada na ng huli kong nakita ay masayang nakangiti sa akin. Malapit na ako sa harap kung san nahihintay sa akin si Haime kasama ang parents niya. Nang magtapat na ang aming mga mata ay kinapitan kaagad ni Haime ang aking mga kamay, ngumiti siya habang may mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata, magalang kaming nagmano sa aming mga parents. Hindi pa man nagsisimula ay narinig ko ng nagbilin si Daddy kay Haime. " huwag mong paiiyakin ang unica ija ko . Buong angkan namin ang makakalaban mo!" pagbibiroa ni Daddy na may halong katotohanan. Malakas naman na tawanan ang maririnig sa loob ng simbahan dahil sa kapilyuhan ni Daddy. “I would never do that po tito, Natalie is my life!" naka-ngiting sagot ni Haime kay Daddy. Matapos ng kan
THIRD PERSON POVMabilis na lumipas ang araw. Dumating na ang petsa ng pinakahihintay nilang lahat. Iyon ang pag-iisang dibdib ni Natalie at Haime. Gaya ng napagkasunduan one week before ang kanilang wedding ay personal na sinundo ni Natalie ang kanyang pamilya sa US gamit ang private plane nila Jethro. Kasama niyang nagbyahe ang mga kaibigang nurse at doktor na aalalay sa parents niya at magmomonitor during the floght. Nag leave ang mga ito ng 2 weeks para sa event na yun. Sa bahay ni Natalie tumira ang kanyang parents at family ng kuya niya. Hindi din muna siya nag stay sa Condo ni Haime dahil gusto niyang pagsilbihan ang kaniyang family habang nasa Pinas ito. Isang magarbong handaan ang gaganaping kasalan nila Natalie. Hindi naman kinuwestiyon iyon ni Natalie . Hinayaan niya ang kanyang mother in law ang mag-decide pag dating sa reception dahil excited ito sa kanilang kasal. Mataas din ang standard nito sa pagpili sa lahat ng kanilang kakailanganin , makikita dito na sopistik
SA BAHAY NG PARENTS NI HAIME HAIME POV Sinundo ko na si Natalie sa bahay nila . Maganda ang ayos niya at kitang kita na pinaghandaan niya talaga ang gabing ito. Ito kasi ang gabi na makikilala na din niya sa wakas ang family ko. Kinakabahan talaga ako. Bukod sa unang beses nilang magkikita kita ay maaring pag-usapan nila ang tungkol sa kasal namin. Hindi din naman nagtagal at nakarating na kami sa ancestral home namin. “Good evening Sir, Mam!” Magalang at nakangiting bati ng security guard sa amin.“Good Evening din kuya . Kamusta po?!” Tanong ko sa kaniya.“Okay naman sir. Medyo puyat lang po kasi kakapanganak lang ni Misis.” Tugon niya“Ganun ba kuya?! Sana nag leave muna kayo papayagan namn kayo ni Mommy.” Tanong ko sa kaniya.“Okay lang Sir. Sayang din po kasi ang sasahurin ko.” Sabi pa niya.“Naku kuya. Mas sayang ang moment na kasam mo ang family mo. Sige kakausapin ko si Mommy kahit 30 days leave ka with pay. Ako ng bahala. “ sabi ko sa kaniya“Naku sir salamat po, ang
PRESENT TIME Mahigpit akong niyakap ni Mommy. Umiiyak siya sa tuwa sa mga sandaling ito. n “Anak anong gusto mong kainin?!” excited niyang sabi. panay ang paghalik niya sa akin ” Manang! “ sigaw pa niya sa aming kasambahay ” Pakisabi kay Pen na iluto lahat ng paborito ni Haime!. Andito ang Sir Haime niyo!” Pagmamalaki nito sa mga kasamahan sa bahay. Nagmamadaling lumabas din si Manang mula sa station niya at masayang bumati sa akin Ngumiti naman at masayang binati siya ng matandang mayordoma nila “Sir welcome back po!” “Salamat Manang! “Nakangiti kong tugon sa kaniya. “Mommy may gusto lang sana akong sabihin sayo kaya ako pumunta dito.”nakayakap ako sa bewang ni Mommy habang naglalakad kami papuntang sala. Tahimi ang paligid ng mansyon hindi gaya ng huling apak ko dito na nagkakagulo ang lahat. “Aba anak mukhang seryoso yan! Hindi ka naman pupunta dito kung hindi yan importante. Ilang beses na kitang pinapabalik dito pero ayaw mo!” nagtatakang tugon ni Mommy. “Mommmmy!”tila
SA MANSYON NG MGA RODRIGUEZ Nananakbo pababa ng hagdan si Carmi, ang Mommy ni Haime. Member na din ng Senior Citizen society itong si Carmi, ngunit malayo sa kanyang edad ang kanyang itsura at pagkilos. Aktibo kasi ito sa pag-attend ng zumba class at cardio vascular exercise kasama ng kanyang mga Amiga. Halos mahulog na ito sa hagdan sa pagmamadali, makalipas kasi ng higit sa 5 taon ay ngayon na lang ulit umuwi si Haime sa kanilang family house. Ang huling beses na ito’y umuwi sa mansyon ay bago pa man sila maghiwalay ng kanyang live-in partner na si Pearl. HAIME POV THROWBACK NG RELASYON NI HAIME AT PEARL Buong akala ko ay masaya si Pearl sa aming pagsasama. Ngunit may isang eskandalo ang gumulo sa buhay naming mag partner pati na rin sa aming pamilya pamilya. Maraming balita na siyang naririnig tungkol sa pagkakaroon ng kalaguyo nitong si Pearl, palagi diumanong nakikita itong may kasamang lalaki na lumalabas ngunit hindi ko iyon pinansin, maayos naman kasi ang pakikitungo sa
THIRD POV "Besssyyyyy Congrats! wooooooohhhh!'" hiyaw ni Maika sa kaibigan, sinuot ng mga ito ang sash na kanina ay gamit nila, nilagyan pa nila ng korona si Natalie bilang reyna ng araw na iyon. "naiiyak ako bessy! finally ikakasal ka na!, nakakainggit naman si Natalie baby." pang-aasar ng mga kaibigan niya. Tumingin si Mark sa kaniyang borfriend na si Ryan at sumandal pa ito sa dibdib ng kanyang partner habang hawak ang alak. Hinalikan naman ni Ryan si Mark sa kanyang ulo. Hindi ito sumagot sa sinabing iyon ng kanyang partner. "sus! sussss! ikaw talaga Mark. susunod ka na. Oh ito na ang korona!" humalakhak silang lahat sa pangungulit ni Colton. Napatungga na lang si Jasmin. "aarte ka pa. Ako nga hindi man lang mailabas ni Brett , paminsan-minsan na lang kami magkitang dalawa." pag-iinarte din nito. "eh kung sabunutan ko kaya kayo. ano to paligsahan ng araw ng ikakasal. Basta sis kami happy for you. Kelan na ba ang plano nio?" pagpapakalma ni Maika sa mga kaibigang nag-iinarte
IN THE PHILIPPINES Prolongue May aftermath pa para kay Natalie ang ngyari sa US. Pero wala siyang choice dahil back to reality na naman siya. Maaga siyang gumising dahil kailangan niyang maghanda para pumasok sa kanyang office. Sa bahay niya muna siya nagpahatid pagkagaling nila sa Airport para makapagpahinga din si Haime ng maayos. Alam niyang pagod din ito dahil sa mahabang byahe. Hindi na rin niya inabala sa pagtulog itong si Manang dahil may jet log pa ang matanda. Humihilik pa ito sa kanyang pagkakatulog ng silipin niya. Sya na muna ang nag-asikasong magluto ng kanyang pagkain, simple omelet, toast bread and coffee lang ang kinain niya for breakfast. Pagpasok niya sa opisina ay masayang bumati sa kanya ang lahat ng nakakasalubong niyang empleyado sa lobby. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Nagtataka naman siya sa mga kakaibang ngiti na binibigay ng kanyang mga staff sa kaniya. Hinahanap naman ng mata niya ang mga tao sa cubicle sa floor bago makapasok sa opisina niya. Wala kas
Haime Huling araw na namin sa States, tumawag na si ako kay Jerald para ipaalala dito ang kanyang plano, pinaalam ko dito na lahat ay naka set na. Sinabihan ko din si Mang Samuel at Aling Cathy na sumama sa aming despedida dinner, “Mag ayos po kayo Mang Samuel. White po ang motif natin” sabi ko sa kanila “Sige po sir.” Ganoon din si Manang na pinaghandaan ng matanda, lahat sila ay pinagdamit ko ng puti. Clueless naman si Natalie sa kung anong magaganap ngayong araw, Alam naman talaga niyang mag dinner kami sa Yate para sa last day get together namin kasama ang kaniyang pamilya. Pagdating namin sa Yate, naaliw si Natalie sa itsura ni Kim, nakasuot ito ng puting dress at may koronang bulaklak sa kanilang ulo. “Wow naman ang princess namins sobrang ganda.” Pagbati niya kay Kim. “Because i look like you tita ganda.” Magiliw niyang tugon. Naabutan naming nagkukwentuhan ang kanyang pamilya, Nauna ang mga itong dumating kaysa samin. Isa-isa na din kaming nagsipag akyatan sa Yate.