Nilingon nyang muli si Abby na papunas-punas ng panyong hawak sa mga mata, pero nakangiti sa kausap. Umiiyak nga si Abby. Hindi nya alam kung bakit, samantalang kanina lang ay masayang-masaya ito sa ibinabalita ng doktor. He immediately realizes he should be there. Dapat alam nya ang nangyayari. Dapat sya ang nagko-comfort dito, hindi ibang tao. “I’m hanging up, Jessica, I’m really sorry. May inaasikaso kasi ako ngayong importante.” At bago pa man nakapagsalita ang babae ay napatay na nya ang tawag. Agad nyang hinakbang ang pabalik sa loob ng coffee shop. “W-what— Why, mi vida?” alalang tanong nya nang maupo sya sa tabi ni Abby na pahikbi-hikbi. “I think she needs to see her mother, Señor. Kung may gagawin pa kayo ako na lang ang maghahatid sa kanya, tutal pabalik na rin ako sa ospital. This is just my lunch break,” seryosong sambit ni Dr. Pueblo. “No, no, no, I’ll bring her myself if she needs to. Bakit? May nangyari ba? Tatawagan ko si Jim," nag-aapurang hinahanap nya a
Magbasa pa