Share

Chapter 77 - Lambing ng Ina

“Hay! Akala ko hindi ko na makikita ang langit,” ani Nanay Elsa habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin sa malawak na garden sa likod ng ospital.

“Hindi ka ba inilalabas ng mga nurse, ‘Nay?” Dahan-dahan lang ang ginagawa nilang paglalakad, halos yakapin nya ang ina sa paninigurado nya. Para syang umaalalay ng batang kakaumpisa lang maglakad. Mini stroke lang ang nangyari sa ina ayon sa mga doktor, pero malaki ang naging epekto nito sa balanse ni Nanay Elsa. Nakakatulong sana ang palagiang paglalakad para ma-exercise nito ang mga nanghihinang binti.

“Lumalabas naman kami ni Nancy kapag sya ang naka-duty pero lagi akong nakaupo lang sa wheelchair, samantalang kaya ko naman maglakad kahit dahan-dahan lang. Wala naman na akong suero eh,” ngiti nito sa kanya. Minasdan nya ang fistula na bahagyang umangat sa nagnipis nang braso ng kanyang ina.

“Malapit nang matanggal ‘yang access mo sa dialysis, ‘Nay. Konting panahon pa,” sambit nya. Tinanaw nya si Joaquín na seryosong nakatunghay sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status