"Are you fucking kidding me?!" His jaw tightened. "I called her para sabihin sanang successful ang operasyon ng nanay nya, but she sounded like she was very unhappy. Binihisan mo sya ng mamahalin, pinaganda mo nang husto. You made her look like a princess. Tapos iniwan mo sa party to sit with somebody else. Kahit kanino ka magtanong walang matutuwa sa 'yo." The doctor's remarks stung him deeply, but his ego didn't allow it to surface on his face. Hindi nya hahayaang makuntento ang kausap sa komento nito sa kanya. He rested his back against the chair and gave the doctor his arrogant grin. "I don't think that still falls under your care, doctor. Mga pasyente mo ang dapat na tinututukan mo, hindi kami ni Abby." "Well, sad to say, I really do care for her... Mag-tropa palang kayo mahal ko na sya. Pakawalan mo na lang sya, Señor. Hindi sya kawalan sa 'yo. Marami pang ibang babae d'yan na pwede ring gawing manika. Ibigay mo na lang sya sa akin, tutal hindi ka rin naman magtatagal eh
Inabot nya sa gilid ng bathtub ang mainit na kape na inihanda para sa kanya ni Joaquín. Nakaramdam sya ng ginhawa sa pagguhit ng mainit sa sikmura nya sa kanyang paghigop. Naroroon si Joaquín ngayon sa harap ng kanyang computers at may kausap sa cellphone. Nakapinid ang pinto ng bathroom, tanging ugong lang ng mababang boses nito ang naririnig nya. Inaya nya itong makipag-hottub sa kanya kanina noong pumasok ito sa bathroom para ibigay sa kanya ang kanyang kape pero tinanggihan sya nito: “Ikaw na lang muna, mi cielo. Take your time. May kailangan lang akong gawin. Mamaya masa-shower ako pagkatapos mo,” hinågkan sya nito sa noo at lumabas na ng bathroom. Isinandal nya ang likod sa isang gilid ng hottub. Nararamdaman nya ang pangangalay ng kanyang mga binti sa pagsusuot ng mataas na heels kanina. Hindi naman kasi madalas mag-stiletto heels, kadalasan tsinelas lang sya o flat na sapatos. Sana pala hinubad na lang nya muna ito bago sya nagtatakbo palabas ng hotel at pumara ng masasakya
Wala talaga syang binatbat sa babaeng iyon, isip-isip nya. ‘Beauty queen’. Iyon ang mga tipo ng lalake. Kaya lang naman sya gumanda dahil sa nabihisan sya. Kung tutuusin nga, kung nagpaalam ito na mauuna nang umalis kasama ng babaeng ‘yon ay hindi na sya magtataka. Gaya noon, ikikibit lang nya ang kanyang balikat, susuotin ang headphones para wala syang marinig o ‘di kaya ay sasakay ng taxi pauwi. Kung sakaling nangyari man iyon ulit kanina ay malamang sa ikikibit din lang nya ang mga balikat pero may kasama nang masaganang luha sa mga mata.Inalala nya ang poot na naibaling nya kay Rafael na kung tutuusin nga rin ay walang kinalaman sa totoong iniiyak nya dahil nasa maayos namang kalagayan ng ina. Sa kabila ng panlalabo ng kanyang mga mata sa luha ay kitang kita nya ang nagigitlang mukha ng nakababatang kapatid ni Joaquín nang hindi sya napigil nito sa kakaiyak hanggang sa inawat na lang sya ni Dr. Pueblo at dinala sa Doctor’s lounge. “Galit ka sa ‘kin, ‘di ba? Hanggang ngayon, gali
Noong magbuntis ang kanyang ina kay Jim ay nagpaalam na itong aalis na sa malaking bahay. Lumipat na rin sila ng bahay noon na mas malapit sa eskwelahan nya. Sa public school sya nag-aral, samantalang ang tatlo ay sa exclusive school na puro lalake lang ang estudyante. May mga pagkakataon nang pumupunta si Joaquín noon sa kanila—para tumambay o makikain, o ‘di kaya magpa-baby sa nanay nya. Hindi dahil sa kanya, sa pagkakaalam nya. Hindi naman kasi sila madalas na nagpapansinan noon. Iwas na iwas sya kay Joaquín dahil sa tatas nitong mang-alipusta. Palibhasa’y noon palang ay maigting na ang pagka-crush nya rito kaya mabilis syang napipikon at napapaiyak sa mga pang-iinis nito sa kanya. “Hoy! Sino ‘tong Josh na nagbigay sa ‘yo ng sulat? Ang kapal ng mukha nya sabihin mo. Sa ‘kin pa nya talaga pinaaabot. ‘Kala ba nya sa ‘kin kartero mo?! Kung may gusto sya, pumunta sya rito. Suntukan ‘kamo kami!” singhal nito sa kanya pagpasok palang nya ng pintuan nila. “Kung sa ‘yo naman pala bin
“Nakalimutan ko na'ng birthday ko ah! Pinaalala mo pa.” Natuwa syang makita ang cute na high school bully nya noon na nakangising napapakamot ang ulo habang tinitingnan ang maliit na cupcake na halos madurog na sa paninigurado nyang maitayo ang kandila kanina. “Ako pa ba naman?” mayabang nyang tugon. “Pero h’wag mo nang kainin ‘yang cupcake kasi matagal na ‘yan sa bag ko eh. Ibibili na lang kita nang mas masarap d’yan kapag may work na ‘ko.” “Eh ano na lang ang kakainin ko? May hinanda ka ba?” “Uhm,” tumingin sya sa taas na kunwang nag-iisip. “Ako na lang.” Sabay silang natawa sa pilya nyang sagot. “Kung anu-ano ang natututunan mo sa mga kaklase mong bastos,” natatawang bulong nito sa kanyang tenga habang inihihiga sya sa malaking kama. “Kunsabagay, mas masarap pakinggan kung magde-dirty talk ka. Aralin mo ‘yon.” Isang banayad na halik lang ni Joaquín ay agad na nawaksi ang lahat ng gumugulo sa isipan nya. Tanging ang init lang ng mga labi nito na dumadampi sa kanyan
Humahangos syang lumabas ng elevator papunta sa main entrance ng condominium unit. Nakita na nya agad si Rafael, sakay ng kanyang itim na SUV at kinakawayan sya. Dali-dali nyang binuksan ang passenger’s seat at humakbang papasok. “Good morning,” abot-abot ang hingal nyang bati nya sa haggard na mukha ni Rafael. “Good morning,” ibinalik nito ang pagbati sa kanya at mabilis na nilisan ang parkway ng condo. Nagtatahip ang dibdib nyang sinipat sa side mirror ang pinanggalingan nya. Hindi na nya ginising si Joaquín bago sya umalis at iniwan lang nya ang mga kalat na ginawa nya sa service kitchen para makipagkita sa kababatang kapatid rin nito. ‘Thirty minutes lang,’ ‘ika ng lalake noong kausap nya ito sa cellphone; sasamahan lang mag-breakfast at ibabalik na rin sya nito agad sa condo.“Kay Joaquín ‘yan?” nguso nito sa maluwag na puting branded na T-shirt na suot nya. “Ay, oo, naubusan ng damit,” sagot nya habang inaayos-ayos ang balikat ng T-shirt sa kanya. Ito ang una nyang nakita s
“Joke ba ‘yan, Rafael Alejandro Molina Verdaguer?! Tatawa ba ‘ko dapat?!” Hindi nya nakontrol ang lakas ng kanyang boses pagkatapos ng ilang minuto ring pakikipagtitigan nya kay Rafael. “Do I look like I’m joking?” “Malay ko! Seryoso ‘yang mukha mo pero parang joke ‘yung sinabi mo.” Nagkasabay pa sila sa pagbuntung-hininga at pagsandal ng ulo sa upuan. Minasdan nya nang wala naman sa loob nya ang pag-ilaw ng hazard signal ng kotse. “Alam mo naman ang isasagot ko d’yan, tinanong mo pa talaga ‘ko,” sagot nya kay Rafael. Kahit hindi direkta ang tinuran nya ay siguradong naintindihan na nito ang ibig nyang sabihin. “Wala naman akong pinipiling iba eh—kahit noon pa. Alam mo ‘yan.” “Mahal na mahal mo?” “Oo,” walang pagdadalawang-isip nyang sagot. Mahal na mahal nya pero hindi sya malubos. Napakaraming mali para sa kanya, napakarami ring kulang. “Ouch! Ang sakit.” Napapikit na lang sya sa tinuran nito. Natahimik ang loob ng kotse nito nang may kung ilang minuto.
“Fuck! Abby! Alas-kwatro ka naman ng madaling araw kung makipagkwentuhan sa kapatid ko!” Tumunog ang car theft alarm ng isa sa mga kotse nito nang umalingawngaw sa malawak na espasyo ang laki ng boses ni Joaquín kasabay nang malakas na pagsarado ng pinto ng 4x4. Hindi sila nagkibuan sa buong sampung minuto ng pagmamaneho nito hanggang sa makarating sila sa basement parking ng condominium building pero nang makababa sila ng sasakyan ay dito na sya inumpisahang awayin ni Joaquín. Iniwanan sya nito sa paglalakad papunta sa elevator pero hinintay muna syang makasakay bago ito humakbang papasok. “Shit! How can you be that insensitive?! Hindi mo man lang ako ginising, edi naihatid pa sana kita!" Napapapikit sya lakas ng boses ni Joaquín. Nang makita palang nya ang nagdidilim na mukha ni Joaquín nang mamataan sila ni Rafael nito na magkatabing nakaupo sa park ay pinagsisihan na nya ang kanyanb pag-alis nang walang pasabi. Hindi naman rin nya lubos akalain na magigising ito ng alangani