“Sumakay ka na at baka magbago pa ang isip ko,” binuksan nya ang pinto ng Corvette. “Hmp! Masungit!” sambit nito habang maingat na sumasakay ng kotse. +++++“Magkikita naman kayo mamaya kaya h’wag ka nang magtext, do’n na lang kayo mag-usap, masisira mo ang kuko mo,” sita nya kay Abby sa kakatipa nito sa cellphone. “Si Dr. Pueblo ang ka-text ko, hindi na sya ang humahawak kay Nanay? Bakit? Alam mo ba ‘to?” Bahagya syang nagitla. Nakalimutan nyang banggitin kay Abby ang tungkol sa pagpapalit ng surgeon sa operasyon ng kanyang ina. Paano’y pagkarating nila ng condominium ay naroroon na si Alicia at ang nakuha nitong hair and makeup artist para mag-asikaso kay Abby.“Si Rafael ang magli-lead sa operación. Naro’n pa rin naman si Doc Pogi mo para mag-assist. That shouldn’t be a problem.”“‘That shouldn’t be a problem’??! Hindi mo dapat pinaglalaruan ang desisyon ng mga doktor nang dahil sa sa na-i-insecure ka. Buhay ni Nanay ang pinag-uusapan dito!”“Wala kang tiwala kay Rafael, Abby?
Tinitingnan nya si Abby na masayang nakikipagkwentuhan sa katabi nitong babaeng naka-pulang gown sa malaking pabilog na lamesa. Magkatabi sila at nakadantay ang kanyang isang braso sa sandalan ng upuan nito pero ni hindi man lang sya hinaharap. May pagka-exaggerated ang mga tawa ni Abby sa kwentuhan nila ng kanyang mga kaklase. Mula nang bumaba ito ng sasakyan ay hindi na sya pinansin. Hindi sya hinintay na pagbuksan nya ito ng pinto at tulungang makalabas ng sasakyan. Ang mga escort nya ang umalalay kay Abby para maingat na makababa nang hindi sumasabit ang ball gown na suot. Nagtilian ang mga estudyante at iba pang mga taong nakakita ng pagdating nila kanina. Napilit nya ang sariling ngumiti pero masyado syang nako-konsumo ng kanyang inis lalo na noong iwan sya ni Abby sa lobby ng hotel nang dumugin sya ng mga nakikipag-picture sa kanya. Para syang nalugi sa itsura nya sa pagkakapangalumbaba nya sa lamesa. Nilapitan sya ng naka-bow and tie na si Mr. Hidalgo, ang School Preside
“Joaquín Álvaro Molina Verdaguer, Miss Casias. May diin ang ‘-kin’ sa dulo. Jo-a-quín. He’s the CEO of AVTech Cyber Solutions Philippines, and soon-to-be President of Verdaguer Group of Companies.” Natatawa talaga sya sa pagka-animated ni Mr. Hidalgo. Kanina sa ilang mga bisita ng ball party ay ganito rin sya nito ipakilala. Tuwang-tuwa itong bigkasin ang buo nyang pangalan pati na ang kanyang titulo. +++++ Nilagok nya ang whiskey sa kanyang baso pagkuway nginitian ang waiter na agad lumapit para mag-refill ng alak. “Can you get me a glass of water, please?” “Right away, Señor,” sagot ng waiter saka umalis. Napagod sya sa kakaupo at tayo nya tuwing may ipapakilala sa kanya ang Presidente at bahagya na syang nalalasing. Pinahid nya nang mariin ng palad ang makinis na pisngi na medyo nangangapal na sa dami ng nainom nya. “Parang lasing ka na, okay ka lang?” natatawang tanong ni Jillian na katabi nya sa VIP table. “Bakit? Hehehe! Mukha na ba akong lasing?” Ang talagan
His Chevy Corvette screeched as he made a sudden drift onto the parking lot. Tinakbo nya ang papasok ng ospital at tumungo sa information area.“Nasa’n ang operating room?” He's very anxious; his voice is a bit shaky. “Good evening, Señor! Si Nanay Elsa po? Nasa ICU po sya,” tinanguan ng babaeng nasa information ang kausap nyang lalakeng Nursing Assistant. “Sasamahan po nya kayo.”He strided up the stairs. Tigalawang hakbang ang ginagawa nya para makatipid sa hakbang at mapabilis ang pagpanhik nya. Someone called Abby kaya napahangos ito sa ospital. Nag-seizure raw si Nanay Elsa sa gitna ng operasyon. Nang makarating sya sa second floor ay nagtatahip ang dibdib nyang binagalan nya ang kanyang lakad. Dahan-dahan nyang sinilip si Nanay Elsa sa bintana ng ICU. May tubo ito sa bibig at maraming aparatong nakakabit. Tulog na tulog. O comatosed. Hindi nya alam. Maya-maya ay lumabas si Rafael sa wash room na katapat ng ICU, naka-scrub suit pa ito. Pagkakita ni Rafael sa kanya ay agad syan
Nakatitig lang si Abby sa pagkain na nasa harap nito habang hinihilot-hilot nya ang isang palad nito. Para silang galing sa teatrong dalawa dahil naka-gown at tuxedo pa rin silang nakaupo sa cafeteria ng ospital.“Nanalo kang Princess of the Night kanina, mi cielo! Nasa coche ang crown at sash mo,” nakangiting anas nya sa babaeng nakatulala.Bukod sa crown at sash na napanalunan ay may kasama pa talagang pera, mga gift certificates, at three days and two nights staycation sa isang five-star hotel. Pero hindi na nya kinuha ang mga ito para maibigay na lang sa iba tutal galing din naman ito sa kanya. Mas magandang premyo ang naiisip nyang ibigay kay Abby. “Kumain ka muna, hindi ka pa kumain eh. Tapos uuwi na tayo para makapagpahinga ka, babalik tayo dito bukas ng umaga, okay?" Hinalikan nya ang noo nito. Para syang nang-uuto ng bata. Kagyat itong nagbaling sa kanya, nangingitim ang paligid ng mapupungay na mga mata nito dulot ng naagnas na eyeliner. “Uhm, Joaquín? Pupunta lang ako sa
"Are you fucking kidding me?!" His jaw tightened. "I called her para sabihin sanang successful ang operasyon ng nanay nya, but she sounded like she was very unhappy. Binihisan mo sya ng mamahalin, pinaganda mo nang husto. You made her look like a princess. Tapos iniwan mo sa party to sit with somebody else. Kahit kanino ka magtanong walang matutuwa sa 'yo." The doctor's remarks stung him deeply, but his ego didn't allow it to surface on his face. Hindi nya hahayaang makuntento ang kausap sa komento nito sa kanya. He rested his back against the chair and gave the doctor his arrogant grin. "I don't think that still falls under your care, doctor. Mga pasyente mo ang dapat na tinututukan mo, hindi kami ni Abby." "Well, sad to say, I really do care for her... Mag-tropa palang kayo mahal ko na sya. Pakawalan mo na lang sya, Señor. Hindi sya kawalan sa 'yo. Marami pang ibang babae d'yan na pwede ring gawing manika. Ibigay mo na lang sya sa akin, tutal hindi ka rin naman magtatagal eh
Inabot nya sa gilid ng bathtub ang mainit na kape na inihanda para sa kanya ni Joaquín. Nakaramdam sya ng ginhawa sa pagguhit ng mainit sa sikmura nya sa kanyang paghigop. Naroroon si Joaquín ngayon sa harap ng kanyang computers at may kausap sa cellphone. Nakapinid ang pinto ng bathroom, tanging ugong lang ng mababang boses nito ang naririnig nya. Inaya nya itong makipag-hottub sa kanya kanina noong pumasok ito sa bathroom para ibigay sa kanya ang kanyang kape pero tinanggihan sya nito: “Ikaw na lang muna, mi cielo. Take your time. May kailangan lang akong gawin. Mamaya masa-shower ako pagkatapos mo,” hinågkan sya nito sa noo at lumabas na ng bathroom. Isinandal nya ang likod sa isang gilid ng hottub. Nararamdaman nya ang pangangalay ng kanyang mga binti sa pagsusuot ng mataas na heels kanina. Hindi naman kasi madalas mag-stiletto heels, kadalasan tsinelas lang sya o flat na sapatos. Sana pala hinubad na lang nya muna ito bago sya nagtatakbo palabas ng hotel at pumara ng masasakya
Wala talaga syang binatbat sa babaeng iyon, isip-isip nya. ‘Beauty queen’. Iyon ang mga tipo ng lalake. Kaya lang naman sya gumanda dahil sa nabihisan sya. Kung tutuusin nga, kung nagpaalam ito na mauuna nang umalis kasama ng babaeng ‘yon ay hindi na sya magtataka. Gaya noon, ikikibit lang nya ang kanyang balikat, susuotin ang headphones para wala syang marinig o ‘di kaya ay sasakay ng taxi pauwi. Kung sakaling nangyari man iyon ulit kanina ay malamang sa ikikibit din lang nya ang mga balikat pero may kasama nang masaganang luha sa mga mata.Inalala nya ang poot na naibaling nya kay Rafael na kung tutuusin nga rin ay walang kinalaman sa totoong iniiyak nya dahil nasa maayos namang kalagayan ng ina. Sa kabila ng panlalabo ng kanyang mga mata sa luha ay kitang kita nya ang nagigitlang mukha ng nakababatang kapatid ni Joaquín nang hindi sya napigil nito sa kakaiyak hanggang sa inawat na lang sya ni Dr. Pueblo at dinala sa Doctor’s lounge. “Galit ka sa ‘kin, ‘di ba? Hanggang ngayon, gali