Naniningkit ang kanyang mga mata habang nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi nya maintindihan kung bakit sa coffee shop pa naisipang makipagkita ng doktor gayong nasa ospital ang pasyenteng pinag-uusapan nila at sa ganitong oras pa ng gabi. ‘Akala siguro nitong bugok na ‘to hindi ako kasama,’ he smirks. Isinalikop nya ang kanyang mga braso at humilig pagawi kay Abby. Tinaliman nya ang kanyang tingin sa mga nagniningning na mga mata ng doktor na titig na titig sa kanyang nobya. ‘You can stare until your eyes pop out of your sockets, pero hanggang do’n ka lang.’ Nakatukod ang isang siko ni Abby sa lamesa at nakahawak sa leeg para matago ang kiss mark na kagagawan nya. Napaka-prominente nga naman kasi nito, medyo napasipsip sya nang matindi sa gigil nya sa pakikipagkita ng doktor. Nawala sa kanyang isip na may party pa nga pala itong dadaluhan. ‘Kaya naman siguro ng makeup, bahala na ang makeup artist ni Alicia,’ isip-isip nya. “...napakaswerte ninyo, Abby, sa haba ng pi
Nilingon nyang muli si Abby na papunas-punas ng panyong hawak sa mga mata, pero nakangiti sa kausap. Umiiyak nga si Abby. Hindi nya alam kung bakit, samantalang kanina lang ay masayang-masaya ito sa ibinabalita ng doktor. He immediately realizes he should be there. Dapat alam nya ang nangyayari. Dapat sya ang nagko-comfort dito, hindi ibang tao. “I’m hanging up, Jessica, I’m really sorry. May inaasikaso kasi ako ngayong importante.” At bago pa man nakapagsalita ang babae ay napatay na nya ang tawag. Agad nyang hinakbang ang pabalik sa loob ng coffee shop. “W-what— Why, mi vida?” alalang tanong nya nang maupo sya sa tabi ni Abby na pahikbi-hikbi. “I think she needs to see her mother, Señor. Kung may gagawin pa kayo ako na lang ang maghahatid sa kanya, tutal pabalik na rin ako sa ospital. This is just my lunch break,” seryosong sambit ni Dr. Pueblo. “No, no, no, I’ll bring her myself if she needs to. Bakit? May nangyari ba? Tatawagan ko si Jim," nag-aapurang hinahanap nya a
“Hay! Akala ko hindi ko na makikita ang langit,” ani Nanay Elsa habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin sa malawak na garden sa likod ng ospital. “Hindi ka ba inilalabas ng mga nurse, ‘Nay?” Dahan-dahan lang ang ginagawa nilang paglalakad, halos yakapin nya ang ina sa paninigurado nya. Para syang umaalalay ng batang kakaumpisa lang maglakad. Mini stroke lang ang nangyari sa ina ayon sa mga doktor, pero malaki ang naging epekto nito sa balanse ni Nanay Elsa. Nakakatulong sana ang palagiang paglalakad para ma-exercise nito ang mga nanghihinang binti.“Lumalabas naman kami ni Nancy kapag sya ang naka-duty pero lagi akong nakaupo lang sa wheelchair, samantalang kaya ko naman maglakad kahit dahan-dahan lang. Wala naman na akong suero eh,” ngiti nito sa kanya. Minasdan nya ang fistula na bahagyang umangat sa nagnipis nang braso ng kanyang ina. “Malapit nang matanggal ‘yang access mo sa dialysis, ‘Nay. Konting panahon pa,” sambit nya. Tinanaw nya si Joaquín na seryosong nakatunghay sa
He anxiously scratches his clean-shaven chin. Kagyat nyang pinunit at nilamukos ang kulay green na papel at binato iyon sa nakabukas na drawer na lagayan ng trash bin sa kitchen counter. Mauubos na yata nya ang notepad nya pero hindi nya mabuo ang kanyang speech. "Napakahirap naman! ¡hijo de puta!" Mas madali pa para sa kanyang magpanalo ng presentation sa kliyenteng mabusisi. Mas madali ring lunukin ang rejection kapag hindi nagustuhan ang project proposal, kasi maaari naman itong baguhin. Pwedeng makipag-meeting ulit sa team para ma-overhaul. Pagkatapos mag-revise ay pwedeng resubmit. Pero hinding-hindi ang wedding proposal. This is a one shot deal. “Rafael,” sinagot nya ang tawag na kanina pa nagba-vibrate sa bulsa ng suot nyang itim na pantalon. “Estoy en el hospital. La están preparando, Joaquin. ¿Cómo está Abby? (I'm at the hospital. They're already prepping her, Joaquin. How's Abby?)” “She’s getting dressed. Four fucking long hours and counting, just to get fucking dress
“Sumakay ka na at baka magbago pa ang isip ko,” binuksan nya ang pinto ng Corvette. “Hmp! Masungit!” sambit nito habang maingat na sumasakay ng kotse. +++++“Magkikita naman kayo mamaya kaya h’wag ka nang magtext, do’n na lang kayo mag-usap, masisira mo ang kuko mo,” sita nya kay Abby sa kakatipa nito sa cellphone. “Si Dr. Pueblo ang ka-text ko, hindi na sya ang humahawak kay Nanay? Bakit? Alam mo ba ‘to?” Bahagya syang nagitla. Nakalimutan nyang banggitin kay Abby ang tungkol sa pagpapalit ng surgeon sa operasyon ng kanyang ina. Paano’y pagkarating nila ng condominium ay naroroon na si Alicia at ang nakuha nitong hair and makeup artist para mag-asikaso kay Abby.“Si Rafael ang magli-lead sa operación. Naro’n pa rin naman si Doc Pogi mo para mag-assist. That shouldn’t be a problem.”“‘That shouldn’t be a problem’??! Hindi mo dapat pinaglalaruan ang desisyon ng mga doktor nang dahil sa sa na-i-insecure ka. Buhay ni Nanay ang pinag-uusapan dito!”“Wala kang tiwala kay Rafael, Abby?
Tinitingnan nya si Abby na masayang nakikipagkwentuhan sa katabi nitong babaeng naka-pulang gown sa malaking pabilog na lamesa. Magkatabi sila at nakadantay ang kanyang isang braso sa sandalan ng upuan nito pero ni hindi man lang sya hinaharap. May pagka-exaggerated ang mga tawa ni Abby sa kwentuhan nila ng kanyang mga kaklase. Mula nang bumaba ito ng sasakyan ay hindi na sya pinansin. Hindi sya hinintay na pagbuksan nya ito ng pinto at tulungang makalabas ng sasakyan. Ang mga escort nya ang umalalay kay Abby para maingat na makababa nang hindi sumasabit ang ball gown na suot. Nagtilian ang mga estudyante at iba pang mga taong nakakita ng pagdating nila kanina. Napilit nya ang sariling ngumiti pero masyado syang nako-konsumo ng kanyang inis lalo na noong iwan sya ni Abby sa lobby ng hotel nang dumugin sya ng mga nakikipag-picture sa kanya. Para syang nalugi sa itsura nya sa pagkakapangalumbaba nya sa lamesa. Nilapitan sya ng naka-bow and tie na si Mr. Hidalgo, ang School Preside
“Joaquín Álvaro Molina Verdaguer, Miss Casias. May diin ang ‘-kin’ sa dulo. Jo-a-quín. He’s the CEO of AVTech Cyber Solutions Philippines, and soon-to-be President of Verdaguer Group of Companies.” Natatawa talaga sya sa pagka-animated ni Mr. Hidalgo. Kanina sa ilang mga bisita ng ball party ay ganito rin sya nito ipakilala. Tuwang-tuwa itong bigkasin ang buo nyang pangalan pati na ang kanyang titulo. +++++ Nilagok nya ang whiskey sa kanyang baso pagkuway nginitian ang waiter na agad lumapit para mag-refill ng alak. “Can you get me a glass of water, please?” “Right away, Señor,” sagot ng waiter saka umalis. Napagod sya sa kakaupo at tayo nya tuwing may ipapakilala sa kanya ang Presidente at bahagya na syang nalalasing. Pinahid nya nang mariin ng palad ang makinis na pisngi na medyo nangangapal na sa dami ng nainom nya. “Parang lasing ka na, okay ka lang?” natatawang tanong ni Jillian na katabi nya sa VIP table. “Bakit? Hehehe! Mukha na ba akong lasing?” Ang talagan
His Chevy Corvette screeched as he made a sudden drift onto the parking lot. Tinakbo nya ang papasok ng ospital at tumungo sa information area.“Nasa’n ang operating room?” He's very anxious; his voice is a bit shaky. “Good evening, Señor! Si Nanay Elsa po? Nasa ICU po sya,” tinanguan ng babaeng nasa information ang kausap nyang lalakeng Nursing Assistant. “Sasamahan po nya kayo.”He strided up the stairs. Tigalawang hakbang ang ginagawa nya para makatipid sa hakbang at mapabilis ang pagpanhik nya. Someone called Abby kaya napahangos ito sa ospital. Nag-seizure raw si Nanay Elsa sa gitna ng operasyon. Nang makarating sya sa second floor ay nagtatahip ang dibdib nyang binagalan nya ang kanyang lakad. Dahan-dahan nyang sinilip si Nanay Elsa sa bintana ng ICU. May tubo ito sa bibig at maraming aparatong nakakabit. Tulog na tulog. O comatosed. Hindi nya alam. Maya-maya ay lumabas si Rafael sa wash room na katapat ng ICU, naka-scrub suit pa ito. Pagkakita ni Rafael sa kanya ay agad syan