“Wait up, mi amor,” ani Joaquín nang akma na nyang bubuksan ang pinto ng kotse para lumabas. Tinitigan nya si Joaquín na lumalakad-patakbo patungo sa passenger’s seat para pagbuksan sya ng pinto. “Tara?” ngiti ni Joaquín sa kanya. Nahihiwagaang tinitigan nya si Joaquín. Trip na trip sya nito ngayon, sa tagal nang panahon na umaangkas sya sa kotse nito ngayon lang nito natipuhang gawin iyon. Feeling nya prinsesa sya. Niyapos na naman sya nito sa bewang at akmang hahalikan pero nag-iwas na sya. “Pumirmis ka, Joaquín, baka ma-shock sa ‘yo ang nanay ko! Baka imbis na okay okay na ang pakiramdam no’n, himatayin ‘yun sa ‘yo,” pinaalalahanan nya ito. Wala syang planong sabihin sa nanay nya maski kay Jim ang kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa. Ayaw nyang masira ang tingin ng mga ito kay Joaquín kung malalaman nilang sya mismo ang ‘flavor-of-the-month’ nito ngayon. “Sí, sí. Mamaya na lang,” ngiti ni Joaquín, pero dinampian pa rin sya nito ng halik sa labi. Naninigas
Magbasa pa