All Chapters of Unofficially Yours: Chapter 41 - Chapter 50

153 Chapters

Chapter 40 - Nagpakasal ang Sampal

“Don’t stress yourself. I’ll make some calls tomorrow. Rest. Patulugin mo si Abby. She also needs to rest. Okay?” Sa dami ng sinabi nya kay Rafael ay iyon lang ang naging sagot nito. Napailing na lang sya pagkatapos ng tawag. Hinithit nya ulit ang tangang sigarilyo. He makes another call. He gives out short instructions sa isa sa dati nyang security escort. “Bayaran nyo kung magkano lahat tapos i-zipper nyo ang bibig.” He is talking about Jessica’s goddamned cousin. Inunat-unat nya ang mga kamay, nanginginig at napakahapdi ng mga ito. Pinitik nya ang filter ng kanyang sigarilyo sa trash bin ng balcony, tinukod ang mga kamay sa pasimano at blangkong tumingin sa itim na itim na langit. “Joaquín,” mahinang tawag ni Abby. Nakatayo lang ito sa may glass door ng balcony, yakap-yakap ang first aid box. “Gamutin natin ‘yang kamay mo.” Suot ni Abby ang bathrobe nyang kulay pink at basa pa ang nakalugay na buhok. Nahimasmasan na rin siguro ito sa sobrang kanyang pagkalasing. Isinuka n
Read more

Chapter 41 - 8th Floor

“Nag-eenjoy ka bang sampal-sampalin ako??!” nagsasalubong ang makapal na kilay ni Joaquín, kamot-kamot nito ang kanyang kanang pisngi. “So-sorry. Nagulat lang ako,” anas nya, kinipkip nya pasarado ang kanyang bathrobe. “Haist!” pabulagsak na sumandal si Joaquín sa pagkakaupo sa tinulugan nilang sofa ng entertainment room, naiiling na pinagmamasdan sya sa pagkakatayo nya sa harap nito. Naligo sya kagabi kaya sya naka-bathrobe. Hindi sya nag-abalang hanapin ang kanyang bag na may lamang mga malinis na damit, paano’y nawala na naman ito sa pinaglalagyan nya sa kanyang sleeping space. Malamang sa ibinalik na naman ito sa closet ng mga kubre ng cleaning service na tinatawag ni Joaquín. Pinakiramdaman ni Abby ang sarili. Wala namang masakit sa kanya. Wala namang pakiramdam na may namamaga o kung anuman. “Wala. Natulog lang tayo,” irap ni Joaquín. Napansin siguro nito ang paghawak nya sa kanyang keps at dibdib. Inaalala nyang maigi kung anong nangyari kagabi. Ginamot nya ang mga sug
Read more

Chapter 42 - Raprap

OA masyado ang hospitality ng Presidente kay Joaquín, isip-isip nya habang nakatingin sya sa sideboard na puno ng pagkain na pawang sa mediterranean restaurants lang na-o-order. Naroroon din si Jim na nakatanga sa tabi nya. “Ate, pa’no ‘yan kinakain? Kanina pa ‘ko dito hindi ko alam kung ano’ng pupulutin ko,” tanong nito sa kanya habang nakatingin sa mga serving dish may mga sawsawan. Kinibit nya ang balikat nya. Nakakain na sya sa mediterranean restaurant pero kasama nya si Joaquín, sya ang umoorder ng pagkain kaya ni hindi nya alam kung ano ang mga tawag sa mga ito. “Kumuha ka na lang ng pastries, Jim. Para sure ka sa lasa,” aniya sa kapatid. “‘Eto na lang, Ate,” nag-aalangang dampot ni Jim sa chocolate muffins. “Umuwi ka ba? Wala na ‘kong damit eh, marami na ring labahan,” tanong nito sa kanya. “Sige, uuwi ako mamaya. Maglalaba ako, pagbalik ko papalitan kita dito para makapagpahinga ka.” “Ayoko sa bahay, Ate. Natatakot ako. Mas masarap dito matulog merong aircon. Dalawan
Read more

Chapter 43 - Sermon

“Ano’ng oras ka uuwi?” narinig nyang tanong ni Joaquín habang kumukuha sya ng tubig sa water dispenser. “Mamaya nang konte, uuwi na rin ako, maglalaba pa ‘ko pag-uwi,” sagot nya dito. “Hindi ikaw. Si Leng,” ani Joaquín habang inuunat ang likod na parang ngalay na ngalay na ito sa pagkakaupo nya maghapon sa monoblock chair. Pagkaalis ng kanyang kapatid ilang sandali lang matapos nitong pumasok sa opisina ng Presidente ay ginugol ni Joaquín ang maghapon nya na nakatuon lang sa laptop at sa mga folder na inilapag ni Leng. Tumatayo lang ito para mag-unat ng likod, para mag-CR o para silipin ang kanyang ina sa higaan kapag gising ito. Pati ang pagkain na kinuha ni Leng kanina para sa kanya ay hindi nya nakain. Ang kinain lang nito maghapon ay ang soda crackers ng kanyang ina at tubig. “Ah boss, kung pwede na sana. Alas-nuebe na rin kasi eh. May pasok pa bukas,” nag-aalangang sagot ni Leng. “You can take the two days off, tomorrow and the following day, Leng. Tawagan mo ang driver p
Read more

Chapter 44 - Pasalubong

“Hindi ka pa ba uuwi, Joaquín?” Kagyat na naputol ang kwentuhan at mahihinang hagikhikan ni Joaquín at dalawang nurse ng kanyang ina sa mahabang lamesa nang magsalita sya. Bitbit na nya ang eco bag ng mga maruruming damit ng ina at ni Jim. Dinampot ni Joaquín ang kanyang laptop bag. “Tara na. Ihahatid kita,” hinalikan ni Joaquín ang noo ng tulog na tulog na pasyente nila saka dumiretso sa pinto ng kwarto. +++++ “Uuwi ako sa bahay, Joaquín. Maglalaba pa ‘ko,” sambit nya nang mapansing papunta sa penthouse ang daang tinatahak nila. “Sa penthouse ka na lang matulog, wala kang kasama sa inyo,” sagot nito. “Maglalaba pa ako eh. Tsaka kukuha ako ng damit ni Jim para madala ko bukas.” “Bukas na lang ‘yon, ipapa-laundry natin.” “Konti lang naman ‘to, papaikutin ko lang sa washing machine.” Nakita nya ang pag-ismid ni Joaquín pagkuway mabilisang minaniobra ang sasakyan. Napahawak sya nang mahigpit sa inner roof handle. “Walang lock ang bahay nyo, isang sipa lang sa p
Read more

Chapter 45 - Player Got Played (SPG)

Dumiretso si Joaquín sa labahan nila sa likod-bahay para ilapag ang dala-dala nya kaninang eco bag. “Maglalaba ka pa, gabing-gabi na. Agahan mo na lang gumising bukas,” sambit nito habang hinuhubad ang suot na T-shirt saka ipinampunas iyon sa pawisang mukha. Mainit nga naman kasi sa bahay nila, hindi gaya sa penthouse nya na centralized ang aircon. Pero kahit mainit at masikip ang bahay nila ay laging feeling at home si Joaquín. “Si-sige, bukas na lang ako maglalaba.” Kanina pa talaga kumakalabog ang kanyang dibdib sa kaba. Nakita nyang pumunta si Joaquín sa sofa at nakipaglaban sa electric fan nilang hindi na umiikot. “Sira ba ‘to?” “O-oo, sa kwarto ka na lang mahiga.” Iginala ni Joaquín ang mga mata nya sa tatlong dipa nilang sala. “‘Pag-uwi ni Nanay ipapa-aircon ko ‘tong bahay nyo.” “‘Sus, h’wag na, lilimandaan lang ang kuryente namin buwan-buwan eh napuputulan pa kami,” nagkakatapon-tapon ang mainit na tubig pagsalin nya sa tasang may instant na kape. Narini
Read more

Chapter 46 - Sala Sa Lamig, Sala Sa Init

“Sino ba sa atin ang talagang pinaglalaruan?! Ako o ikaw?!” inis na inis na dagdag pa nito. Hindi nya gaanong maaninag ang mukha ni Joaquín sa dilim ng kwarto nila pero sa tono palang ng pagsasalita nito ay nawawari na nya ang reaksyon ng kanyang mukha. Ginagap nya ang unan sa likod nya para ipantakip sa hubad nyang katawan. “Hindi iba ito ang gusto mo? Binibigay ko na nga, bakit ayaw mo naman? Hindi kita maintindihan!” nag-uunahang tumulo ang mga luha nya sa kanyang mga pisngi. “That’s not how it works, Eyb!” “Ano’ng? Pa’no ba??! Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh. Halika muna dito kase,” inaabot nya ang kamay ni Joaquín para bumalik sa kama. “Sabihin mo sa ‘kin kung anong gagawin ko para magawa ko nang maayos,” humihikbing pakiusap nya sa lalake. “Baliw ka, Abby?!” Lumakad si Joaquín papunta sa drawer na malapit sa pinto. Naaninag nyang tinukod nito ang siko sa ibabaw ng drawer kung saan nakalagay ang tasa ng kape na tinimpla nya. “Makikipaghalikan ka, tapos mananampal ka. N
Read more

Chapter 47 - Key Card

“Kuya, hindi kayo umuwi?” tanong nya nang mabungaran nya pagbukas nya ng pinto ang dalawang nag-ayos ng lock ng pinto nila na umiinom ng kape na galing sa vending machine sa labas ng kanilang bahay. Medyo mabigat pa ang mga mata nya pero nakatulong nang malaki ang ice pack na pinabigay ni Joaquín para maidilat nya kahit papaano ang mga matang namaga nang husto sa kakaiyak. “Hindi po, ma’am. Utos ni boss samahan daw kayo,” sabi ng isang mas malaki ang katawan kesa sa isa. “Ihahatid namin kayo sa ospital.” “H’wag na, kuya. Baka masanay ako. Trike at jeep lang naman ang sasakyan ko.” Natuwa na rin sya kahit papaano ay inalala pa rin sya nito kahit galit na galit ito sa kanya. “Bilin ni boss, ma’am. Baka mawalan kami ng trabaho.” “Oh sige ganito na lang, samahan nyo na lang ako ngayon...” +++++ Halos ibinaba lang nya ang mga dalahin nya, sinilip ang ina, nagpaalam kay Jim na may pupuntahan lang saglit saka nagmamadaling lumabas ulit ng ospital. Kakakausap lang nya sa recept
Read more

Chapter 48 - Pak! Basted.

Nanunuot na sa suot nyang manipis na cardigan ang lamig ng ihip ng hangin. Niyakap nya ang sarili. Pinitik-pitik nya ang yosing hawak habang hinihintay ang susundo sa kanya. Medyo naiinis na rin sya, mag-iisang oras na syang nakatayo at nakatunghay sa dinaraanan ng mga sasakyan pero hindi pa rin dumarating ang kausap. Ngayon na nga lang nya pinagbigyan, pamumutiin pa pala ang mata nya. “Pineda, dadating pa ba ‘yang hinihintay mo? Hahaha!” tinawanan pa sya ni Manong na nagtitinda ng sigarilyo at merienda sa labas ng eskuwelahan nila. “Si Manong eh, nang-aasar pa!” irap nya nang pabiro dito. Papara na sana sya ng jeep nang may pumaradang itim na SUV sa harap nya. “Hop in Abby, magko-cause tayo ng traffic,” pinagbuksan sya nito ng passenger’s seat sa loob. “Sasakay na sana ako ng jeep eh,” pakli nya sa lalake. Hinatak nya pabukas ang passenger’s seat at humakbang papasok. “Sorry, dapat kanina pa ‘ko. Biglang may pina-revise si Boss,” paliwanag ng lalake. Napaka-apologe
Read more

Chapter 49 - Ang Multo sa 8th Floor

Sinuyod nya ng tingin ang mga nakaparadang sasakyan sa parking lot sa harap ng ospital. Madalas nya iyon gawin kapag dumadating sya o kapag bumababa sya ng gusali. May designated parking space ang kumpanya ni Joaquín pero minsan ay pinaparadahan din ito ng sasakyan ng mga executives kapag puno ang parking lot. Sa ngayon, masinsin ang hile-hilerang sasakyang nakaparada sa malaking parking lot ng ospital kaya may ibang sasakyan na nakaparada dito.“Baby!”Napalingon sya bigla sa lakas ng boses ng tumawag pagdako nya sa cafeteria. Humahangos ang lalake palapit sa kanya.“Doc Pogi, bakit po? May update kay Nanay?” “No, wala namang bago,” nakangiting sabi ni Dr. Pueblo. “Aayain lang sana kitang kumain, sa canteen lang. Break ko ngayon. Look, I have a cake, it’s your favorite,” tudyo nito sa kanya, iniangat pa nito ang dala-dalang slice ng chocolate cake na nakalagay sa disposable na clamshell container na madalas binibili ng doktor para sa kanya. Ang sarap din kutusan ni Dr. Pueblo, isip
Read more
PREV
1
...
34567
...
16
DMCA.com Protection Status