"HAH, ginagamit ko nga si Janice, masaya na ba kayo, ha papa? Sa wakas, may kabuluhan na rin ako para sa inyo?" May sarcasm na tanong ni Damian sa ama."Anak, ngayon lang nagtugma ang mga plano nating dalawa," masayang-masayang sabi ni Don Dom, akmang yayakapin niya ang anak ngunit mabilis itong pumalag."Pa, sa palagay nyo, nakikipaglapit ako kay Janice para sa inyong sariling ambisyon?" Dismayadong tanong ni Damian sa ama. "Umalis na kayo, Pa. Umalis na kayo bago ko pa makalimutang ama ko kayo!" Sigaw niya rito."Anak. . .""Huwag nyo ng pakialaman ang buhay ko. Tinutulungan ko kayong maisalba ang kompanya ninyo pero hindi nangangahulugan iyon na sumasang-ayon ako sa mga plano ninyo. Mahal ko si Janice at this time, hindi ko na hahayaang masira pa ang pagsasama namin ng dahil lang sa pakikialam ng ibang tao. Wala na rin akong paki sa magiging opinion ninyo pagdating sa personal kong buhay. Kaya please Papa, this time, sarili ko naman. . ." Pakiusap niya sa ama.Nagkibit ito ng
Last Updated : 2024-07-13 Read more