Home / Romance / The Substitute Mrs. Craig / Chapter 161 - Chapter 170

All Chapters of The Substitute Mrs. Craig: Chapter 161 - Chapter 170

265 Chapters

CHAPTER 161

GULAT NA GULAT SI DAMIAN SA ipinagtapat sa kanya ni Janice. Parang gusto niyang manliit sa ginawang iyon ng kanyang Papa. “Namatay ang baby natin nang dahil sa kanya?” Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng ama. Ni hindi niya akalaing ganuon ito kagahaman sa pera, “Para lang takutin ka nyang layuan ako at kami ni Rochelle ang magkatuluyan?”“Kung hindi kami natagpuan ni Don Fernando, b-baka hindi kami naka-survive,” sabi ni Janice sa kanya, “At isinakripisyo ni Alex ang buhay nya para lang mailigtas kaming mag-ina.”Napapikit si Damian, “Pinakawalan niya si Alex para guluhin tayong dalawa,” napapailing na sabi nito, “Bakit ngayon mo lang ito sinabi?”“That time, mas pinili ko ang maghiganti. . .” Matapat na sabi ni Janice, “At nung handa na akong ipagtapar saiyo ang katotohanan, nagdalawang isip ako lalo pa at alam ko kung ano ang pakiramdam na traydurin ng magulang dahil naranasan ko yan kay Mama. Kaya mas pinili ko na lang manahimik p-para hindi na lumaki pa ang gap ninyong m
last updateLast Updated : 2024-07-14
Read more

Chapter 162

“Hindi ako makapaniwalang aabot sa ganun ang pagiging gahaman mo, Papa!” galit na galit na sita ni Damian sa ama, “Nang dahil sa inyo, namatay ang batsng dinadala ni Janice. Pinatay nyo ang anak ko! Ang dapat sana ay magiging apo nyo!”Nagimbal si Don Dom sa sinabi ni Damian, punong puno ng pagsisising tiningnan niya ang anak, “Hindi ko alam. . .ang gusto ko lang naman ay takutin si Janice para layuan ka niya. Hindi ko akalaing aabot sa ganun ang lahat.”“Takutin? Iyon lang ba talaga ang pakay nyo, Don Dom? Namatay si Alex at ang baby sa sinapupunan ko nang dahil sa kasamaan ninyo!” sumbat ni Janice sa matanda, muling dumaloy ang luha sa kanyang mga mata nang maalala ang mga nangyari. Inakbayan siya ni Damian para kalamayin ang kanyang kalooban.“Patawarin ninyo ako,” unti unting lumuhod si Don Dom sa harapan ni Janice. “Patawarin mo ako. Sa kagustuhan kong maipagmalaki ako ng pamilya Craig, naging gahaman ako sa salapi at kapangyarihan,” unti unting pumatak ang mga luha nito. Sa kaun
last updateLast Updated : 2024-07-15
Read more

CHAPTER 163

NAPATIKOM NANG kanyang mga palad si Damian nang makumpirma kung sino ang taong nais na pumatay kay Janice.“Hayaan mong ako ang gumawa ng kanyang magiging sentensya, Damian,” sabi ni Janice sa kanya nang ipaalam niya rito ang tungkol doon.“Pero. . .”Tiningnan siya ni Janice ng matiim, “Pinagkakatiwalaan mo ba ako?”Napabuntong hininga ng malalim si Damian. Bagama’t natatakot siya para sa kaligtasan ni Janice, alam niyang hindi ito gagawa ng hakbang na ikakapahamak nito. Tumango siya rito.Napangiti si Janice, “Thank you, Damian,” sabi nitong siniil siya ng maalab na halik sa kanyang mga labi. Muling nag-init ang kanyang pakiramdam at nabuhay ang kanyang pagkalalaki ngunit bago pa siya tuluyang madarang ay lumayo na si Janice sa kanya. Nagproprotesta ang kanyang mukha nang tingnan ito.“That can wait, Damian. Kailangan muna nating tapusin ang lahat ng mga problemang kinakaharap natin ngayon,” nakangiting sabi ni Janice sa kanya, “And kailangan ko ring asikasuhin ang nalalapit na
last updateLast Updated : 2024-07-22
Read more

CHAPTER 164

SABAY na nagsindi ng kandila sa puntod ng kanyang Mama at Papa sina Janice at Damian. Umusal siya ng taimtim na panalangin para sa kanyang mga magulang. Kasabay niyon ay ang paghingi niya ng blessings sa mga ito sa panibagong buhay na haharapin niya kasama ni Damian.Hinawakan niya ang isang kamay ni Damian habang napapaluhang kinakausap ang kanyang ama, “I’m so sorry Pa kung hindi ako nakahingi ng sorry sa inyo bago kayo mamatay. H-hindi ko rin nasabi kung gaano ko kayo kamahal dahil nabulag ako ng maling paniniwala ko tungkol sa inyo. . .pero pangako, Papa. Itutuwid ko ang lahat ng mga naging pagkakamali ko. At pangako ring this time, magiging maayos na ang buhay ko para maging proud kayo sa akin kung nasaan man kayo ngayon. Sayang at hindi ninyo nakilala si Damian. . .pero alam ko namang aprub siya sa inyo.”“Pangako po, aalagaan at pakakamahalin ko ang anak ninyo,” sabi naman ni Damian, pinisil ng bahagya ang isang kamay niya at dinala sa mga labi nito, “Mahal na mahal ko p
last updateLast Updated : 2024-07-22
Read more

CHAPTER 165

HINDI MAPAKALI SI JOVAN, tiniyak niyang areglado ang lahat ng ipinag-utos sa kanya ni Janice. Maging si Ellen ay kinakabahan habang kinakausap isa-isa ang mga staff na namamahala ng production.Sinigurado naman ni Jeffrey na maayos ang lahat ng mga products na itatanghal sa gabing iyon at hindi magkakaroon ng bulilyaso habang si Damian naman ay tsinek na mabuti ang safety ng lahat ng mga panauhin. Tiniyak rin niya ang kaligtasan ni Janice kung kaya’t hindi siya umaalis sa tabi nito kahit pa nga napakarami na nitong body guards sa paligid. Hindi na baleng masabihan siyang paranoid.Mas mainam na iyong wala siyang pagsisihan.Nang magsimula ang programa at tawagin si Janice sa unahan ay binulungan siya nito, “I’ll be alright. Magmumukha kitang body guard ko kung tatayo ka sa likuran ko, sige na. Kaya ko ang sarili ko.”Hindi pa rin siya gumagalaw. Hindi niya ito gustong iwan sa gitna ng entablado kung kaya’t bahagya itong napatawa sa kanya. “Damian, don’t be so paranoid. . .” aniya
last updateLast Updated : 2024-07-22
Read more

PROLOGUE

WALANG PAGSIDLAN ng katuwaan si Jasmine habang pinagmamasdan si Janice na inihahatid sa altar ni Don Fernando. Ang guwapo-guwapo naman ni Damian na halatang hindi mapakali habang naghihintay ito sa altar kasama ng bestman nitong si Denver.Napapaiyak siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang magiging masaya ang love life nila ni Janice. At kung nasaan man ang kanilang mga magulang, alam niyang masaya ang mga ito sa naging kapalaran nila.“Sayang Papa, hindi mo na kami naihatid ni ate Janice sa altar,” mahinang sambit niya sa sarili. Napangiti siya nang matanawan sina Debbie at Alexa na excited habang naglalakad rin patungo sa altar. Ang mga ito ang bridesmaid ni Janice, kumaway pa ang dalawa sa kanya.Panalangin niyang maging maswerte rin ang mga ito sa magiging kapalaran ng mga ito sa pag-ibig gaya nilang magkapatid.PARANG HINAHALUKAY ang tiyan ni Janice habang naglalakad patungo sa altar, sa tabi niya ang proud na proud na si Don Fernando na halos ipagsigawan kun
last updateLast Updated : 2024-07-22
Read more

Chapter 1- You are my first Love

Napabuntong hininga ng malalim ang panganay na anak ni Fred Craig na si Cali Craig nang makitang kasama na naman ng pinsan niyang si Debbie ang pinsan nitong si Alexa.Naiinis siya sa dalaga dahil una, palagi na lamang itong nagpapansin sa kanya at tahasan nitong sinasabing malaki ang gusto nito sa kanya.Pangalawa, masyado itong liberated at gandang ganda sa sarili. Conceited at masyadong eskandalosa. Kabaligtaran sa dream girl niya.Ewan nga ba niya sa Mommy niya at Daddy niya kung bakit aliw na aliw ang mga ito sa pinsan ni Debbie. Ipinahalata niyang naiinis siyang makita ito kung kaya sumimangot kaagad siya rito saka mabilis nang pumasok sa kanyang kuwarto.Awang awang napatingin si Debbie kay Alexa. “Sorry pinsan kung pinilit kitang samahan ako rito, mukhang bad trip saiyo si Kuya Cali,” wika niya rito. Pareho na silang nasa Senior high ni Alexa. Talagang pinilit nito ang Tita Janice niya na dito na magpatuloy na rin magpatuloy ng pag aaral since magdesisyon ang Mommy at Daddy ni
last updateLast Updated : 2024-07-29
Read more

Chapter 2

Muntik nang matumba sa kinatatayuan si Alexa nang may bigla na lamang humila ng hinihithit niyang vape mula sa kanyang likuran.“Oh shit!” dinig niyang bulalas ni Debbie, para itong nakakita ng multo.Unti unti siyang pumihit patalikod. Nakita niya si Cali na madilim na madilim ang anyo habang nakatingin sa kanya, “Not in our house Alexa!” bulyaw nito sa kanya. “ Ano na lang ang sasabihin ng mga kapatid ko kapag nakita ka nila ritong humihithit? You are setting a bad example! Kahit kelan BI ka talaga!” sabi nitong kulang na lang ay palayasin siya. Nilapitan nito si Debbie, “At ikaw, naturingan kang matino pero kinukunsinti mo ang pinsan mo!” Napatungo si Debbie,”im sorry kuya. . .”Napaangat ang isang kilay ni Alexa, “Kung magsalita ka akala mo napakalaking kasalanan ng ginawa ko.” naoangisi siya, “don’t tell me never mo pang natry ito?” aniyang inagaw muli dito ang vape ngunit hinigpitan ni Cali ang pagkapit duon. Napikon siya, “Ano ba? Ibalik mo sakin yan!” sigaw niya rito.Ngunit
last updateLast Updated : 2024-07-29
Read more

Chapter 3

Mula sa terrace ay tanaw ni Cali ang masayang pakikipagkwentuhab ng kanyang kaoatid na si Lander kay Alexa. Hindi man aminin ni Lander, ramdam niyang may itinatago itong pagtatangi sa dalaga. Sabagay, magkakasundo nga ang dalawa dahil pareho ang mga itong easy going. Ni hindi nga niya tiyak kung may pangarap ba si Lander sa buhay dahil ilang beses na itong nagpalit ng kurso.Hindi gaya niya na bata pa lang, alam na niyang magiging mahusay siyang abogado someday. Two years na lang at graduating na siya kung kayat masigasig siya sa pag aaral. Ilang mga events at parties na nga ang nadecline niya dahil sobrang busy siya sa pag aaral bukod pa sa tinututukan niya ang kanilang mga negosyo.Siya kasi ang panganay at alam niyang mas maraming nakaatang na responsibilidad sa kanya. Sabi nga ng lolo niya, mas nagmana siya sa Uncle Denver niya habsng si Lander naman ay parang ang Daddy niya.“Wag mo ng tawagan ang driver mo, ako na ang maghahatid saiyo pauwi,” sabi ni Lander kay Alexa.“Sino nam
last updateLast Updated : 2024-07-30
Read more

Chapter 4

Bahagyang natigilan si Cali nang makita si Alexa nakasuot ng bathing suit at basa ang buhok, kahit malamig ay pinagpawisan siya. Kaagad niyang iniiwas ang tingin dito nang makita siya nito.Pero ayaw man niyang aminin ay tila nawala siya sa wisyo. “Sophie, umahon ka na sa pool at check mo ang lahat ng mga kailangan mo sa school bukas,” utos niya sa kapatid para lang magkaroon ng dahilan ang pagpunta niya sa may pool.Napatawa si Alexa nang makita ang reaction ni Cali habang nakasuot siya ng swim suit. Mas matangkad kaso siya kay Sophie at hindi hamak na para ng sa isang ganap na dalaga ang pigura niya kaya mas hapit sa katawan niya ang bathing suit nito. Lumutang tuloy ng husto ang ganda ng hubog ng katawan niya.Lumapit siya kay Cali at sinadya niyang tuksuhin ito, “its either allergic ka talaga sakin or attracted ka sa beauty ko. Pero mas feel kong attracted ka kasi hindi mo ko matingnan ng diretso sa mga mata ko. Iwas ka ng iwas pero kpag nagtatama ang mga mats natin, ramdam kon
last updateLast Updated : 2024-07-30
Read more
PREV
1
...
1516171819
...
27
DMCA.com Protection Status