"PAPA," bakas ang pag-aalala sa mukha ni Janice nang makita si Don Fernando na nakaratay sa hospital bed at nakaswero. Para ng isang tunay na ama ang turing niya rito kaya hindi yata niya kakayanin kapag nawala ito.Ngumiti ang don sa kanya, "Hindi pa ako mamatay, okay?" Pagbibigay assurance nito sa kanya."Kayo naman kasi, sinabihan ko na kayong wag kayong masyadong magpapagod, ang tigas pa rin ng ulo nyo," aniyang hinagod ang buhok nito, "Magpalakas kayo, Papa.""Of course. Gusto ko pang maihatid kita sa altar. Kaso'y hanggang ngayon, wala ka pa namang ipinapakilala sa akin." anang matanda sa kanya."Magpalakas kayo, Pa. Malapit ko ng ipakilala sa inyo ang lalaking gusto ko," sabi niya sa ama-amahan habang naiisip si Damian. "Talaga? Aba'y bukas na bukas rin pwede na akong lumabas ng ospital. Imbitahin mo ang lalaking iyon na magdinner sa bahay," excited na sabi nito sa kanya.Napailing na lamang siya rito. Talagang gustong-gusto na nitong magkaasawa siya. Ano kaya ang masa
Huling Na-update : 2024-07-10 Magbasa pa