Home / Romance / The Substitute Mrs. Craig / Chapter 131 - Chapter 140

All Chapters of The Substitute Mrs. Craig: Chapter 131 - Chapter 140

265 Chapters

CHAPTER 131

“MARAMING salamat sa inyong pagdalo. Unang-una ay gusto kong pasalamatan si Don Fernando Montemayor sa lahat ng ito,” sabi ni Janice na nilingon ang matanda, “Pasensya na Papa kung hanggang ngayon ay tinatawag ko pa rin po kayong Don Fernando. Alam kong nagtatampo kayo kapag ina-address ko kayo sa inyong pangalan. Pero gusto ko lang po iyong gawing paalala sa aking sarili para hindi ko makalimutan kung saan ako nagmula. At gusto ko rin pong palaging maalala na kung hindi dahil sa tulong niya, marahil ay hindi ko mararating ang tagumpay na tinatamasa ko ngayon. Kayo ang nagbigay sa akin ng pag-asa na muling mangarap. Kayo rin ang nagpadama sa akin ng busilak na pagmamahal na kahit na kailan ay hindi ko naramdaman sa tunay kong mga magulang. Maraming salamat Papa at asahan ninyong hanggang sa aking pagtanda ay hindi ko kalilimutan ang lahat ng mga itunuro ninyong kabutihan. . .at palagi akong lilingon sa aking pinanggalingan. . .” madamdaming sabi niya sa matanda saka humarap sa
last updateLast Updated : 2024-06-25
Read more

CHAPTER 132

“Hmm, we have something in common. Inagaw rin sa akin ng babaeng yan ang great love ko na si Damian.” Nakangusong sabi ni Rochelle. Maya-maya ay bigla silang nagkatinginan ng makahulugan ni Gesel, “So, iisa pala ang taong kinamumuhian NAWALA SA KANYANG PANINGIN SI DAMIAN. Lalabas sana siya para hanapin ito ngunit Nilapitan siya nina Jasmine at Denver, “Happy birthday,” bati ng mga ito sa kanya.“Salamat,” tugon niya saka niyakap nang mahigpit si Jasmine, “Happy birthday sa ating dalawa. Masaya akong makasama ka ngayong gabi.”“Ako rin Ate Janice, at marami kang kailangang ipagtapat sa akin,” bulong ni Jasmine sa kanya.Tumango siya rito. “Oo, marami ka pang hindi nalalaman. Kapag nagkaroon tayo ng oras, sasabihin ko saiyo ang lahat ng nangyari.”“Halos araw-araw kang itinatanong ni Damian sakin,” dagdag pa nito , “Pero gaya ng kahilingan mo, hindi ko ipinaalam sa kanya na may communication tayong dalawa. Ano ba talagang nangyari, ha Ate?”“Jasmine!” Nakangising lumapit sa kanila s
last updateLast Updated : 2024-06-25
Read more

CHAPTER 133

ILANG BESES YATANG bumangon sa kanyang higaan si Damian ng gabing iyon. Ayaw siyang patulugin ng mga isipin niya kay Janice. Kailangan nilang magkausap. Kaya kinabuksan ay maaga siyang gumayak. Inutusan niya si Rex para alamin kung saan ito matagapuan.“For God’s sake Rex, trabaho mong hanapin kung saan nakatira si Janice. You do your job. Hindi naman madaling matukoy iyon lalo pa at kilala si Don Fernando. Or alamin mo ang office nila. . .or puntahan mo ang hotel na pinagdausan ng event kagabi at kuhanin mo ang lahat ng information na makukuha mo tungkol kay Janice. Damn, Rex! Hindi ko na kailangang isa-isahin pa ang mga dapat mong gawin!” Pagkasabi niyon ay mabilis na niyang tinapos ang pakikipag-usap dito.Napapakamot sa ulo si Rex habang sinusundan ng tingin ang kanyang amo. Simula nang mawala si Janice ay palagi na lamang mainit ang ulo nito at parang sa kanya gustong ibunton ang lahat ng galit na nararamdaman. Parang siya pa ang gustong sisihin kung bakit umalis si Jan
last updateLast Updated : 2024-06-26
Read more

CHAPTER 134

PAKIRAMDAM ni Damian ay wala na kahit na katiting na pagtinging natitira para sa kanya si Janice. O baka nga kahit kailan ay hindi naman siya nito talagang minahal. Parang nanghihinang napahinga siya ng malalim, “Well, nagbakasakali lang naman akong maayos natin ang nakaraan. But I guess, it’s no use kahit pa ilang beses akong humingi ng tawad saiyo,” may pakla sa mga labing ngumiti siya, “It seems wala na akong puwang dyan sa puso mo. Or naging mahalaga nga ba ako kahit paano para saiyo?”Napakurap si Janice. Hindi ba nito naramdaman na halos dito lang umikot ang mundo niya nuon? Na labis niya itong minahal kaya sobra rin ang sakit para sa kanya nang naging paghihiwalay nila? Ngunit hindi na iyon kailangan pang malaman ni Damian. Nakapagpasya na siya. Mas gusto niyang mag-focus na lamang sa pagpapaunlad ng sarili.Ayaw na niyang umibig pa dahil magiging mahina na naman siya.Huminga ng malalim si Damian. Sapat na ang pananahimik ni Janice para maintindihan na hanggang dito
last updateLast Updated : 2024-06-26
Read more

CHAPTER 135

“Damian, akala ko hindi ka na darating.,” lasing at waring wala na sa sariling sabi ni Elisa, tumayo ito upang salubungin siya subalit nabuwal na ito sa sobrang kalasingan, mabuti na lamang at nahawakan nita iro.“Sabi ko naman kasi saiyong matulog ka na, bakit itinuloy mo pa rin ang pag inom?” sita ni Damian rito, napahinga siya ng malalim nang maoansing naghihilik na ito. Napapailing na binuhat niya si Elisa sa guest room. Bakit hinayaan ito nina Inang Arsenia na uminom? Inihiga niya ito sa kama at kinumutan. Nagulat siya nang bigls na lamang nitong hatakin ang braso niya.“Damian,” sabi nitong hinila siya, naout of balance siya kung kaya’t napahiga siya sa ibabaw nito.Mabilis siyang siniil ng halik ni Elisa ngunit bumitaw siya rito at mabilis na tumayo. “Matulog ka na. Hindi ako gaya ng ibang pagsasamantalahan ang kalasingan mo.”“Willing akong ipaubaya saiyo ang katawan ko. Alam mo bang virgin pa ako at inihahanda ko talaga ang sarili ko para saiyo.” nanunuksong sabi nito sa kan
last updateLast Updated : 2024-06-27
Read more

CHAPTER 136

NIYAYA ni Jeffrey si Janice na kumain sa labas pagkatapos ng trabaho. Hindi inaasahan ni Janice na magsasanga ang landas nila nina Rochelle at Gesel sa loob ng restaurant. Huling-huli niya ang pagdidilim ng anyo ng dalawa nang makita siya. Lalong-lalo na si Gesel, at para lalo itong inisin, sinadya niyang kumapit sa braso ni Jeffrey habang naglalakad sila patungo sa mesang ipinareserve nito para sa kanila.“Okay na sakin kahit alam kong iniinis mo lang naman si Gesel kaya mo ginagawa ito,” pabulong na sabi ni Jeffrey sa kanya, “At least kahit palabas lang, sweet ka sakin.”“I’m sorry Jeffrey, hindi ko lang talaga matiis na hindi inisin ang babaeng yan.” Aniya rito.“I know, right?” nakangising sagot ng lalaki sa kanya, “At hindi kita masisisi. Saksi ako sa lahat ng kasamaang ipinakita niya saiyo.”“Sabihin na lang natin na kung gaano kapangit ang pagmumukha nya, ay siya ring pinangit ng ugali nya,” pabirong sabi niya sa binata.Natawa si Jeffrey sa sinabi niya, “No comment,”sabi ni
last updateLast Updated : 2024-06-28
Read more

CHAPTER 137

“Anong ibig sabihin nito?” Naguguluhang tanong ni Don Dom nang dumating si Janice sa general meeting at mapagkaisahan ng lahat na ito na ang papalit sa kanya bilang CEO ng kompanya. Tumayo siya at nilapitan si Janice, “Tinanggihan mong maglabas ng malaking pera sa kompanya ko pagkatapos. . .”“I’m sorry Don Dom but I own seventy percent of this company now,” sagot ni Janice dito, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang ulo na tila nais ipaalala dito na mas makapangyarihan na siya ngayon kaysa dito. Nilingon niya ang kanyang sekretarya, “Elena, pakibigay kay Don Dominic Craig ng mga documents na nagpapatunay na pag-aari ko na ang seventy percent ng kompanyang ito!”Kaagad namang tumalima ang kanyang sekretarya.Nakangiti siyang bumalik sa pagpapatuloy ng meeting, “Now, maari na ba tayong magpatuloy sa meeting? Marami akong gustong baguhin sa policy ng kompanya. Gusto ko ring makuha ang financial reports ng mga nakaraang taon.”Natigilan si Don Dom nang malamang 70 porsyento ng kompan
last updateLast Updated : 2024-06-28
Read more

CHAPTER 138

“Ellen, pakitawagan si Atty. Mendez, dalhin kamo ang lahat ng mga documents na kailangan kong pirmahan,” utos ni Janice sa kanyang sekretarya bago siya sumakay sa VIP elevator ng Craig’s Apparel building. Bago pa iyon magsara ay pumasok sa loob si Damian.Kumunot ang nuo niya, “Anong ginagawa mo rito?”“Let me remind you na may share pa rin naman sa kompanyang ito ang father ko kaya may karapatan pa rin akong maglabas masok dito. Mas lalo na ngayong ipinagkatiwala na niya sa akin ang lahat ng karapatan niya,” sagot ni Damian sa kanya.Nagulat siya. Bago niya binili ang 70 percent share ng kompanyang ito ay inalam muna niya ang lahat-lahat. Alam niyang hindi kailanman nagkaroon ng interes si Damian sa pagpapatakbo ng kompanyang ito kung kaya’t malakas ang loob niyang pasukin ang kompanyang ito sa pagaakalang hindi magsasanga ang landas nila ni Damian. Bakit biglang nagkainteres ang lalaking ito na makialam dito?“Ginagawa mo ba ito para muling mapalapit sa akin, Damian? Kung ako a
last updateLast Updated : 2024-06-29
Read more

CHAPTER 139

“EXCUSE ME, pero ito na ang magiging office ko from now on!” Sita ni Janice kay Damian nang pumasok rin ito sa loob ng opisina ng CEO, “O baka gusto mong ipaskel ko sa nuo mo ang signage na yan?” Itinuro niya ang signage kung saan nakasulat ang kanyang pangalan at ang posisyon niya sa kompanya.Napangisi si Damian, “Kung hindi mo naitatanong, dito rin ang magiging opisina ko, sa cubicle na yan. Alam mo namang may financial crisis ang kompanyang ito kaya kailangang magtipid, lalo na sa aircon!”“Nanadya ka ba?”“Nagpapaka-praktikal lang ako, Janice. Don’t take it personally,” sabi ni Damian na inilapag ang gamit sa mesa at naupo sa swivel chair.Hindi malaman ni Janice kung ano ang gagawin. Ang ibig bang sabihin nito ay share sila sa iisang opisina ng lalaking ito? Napahinga siya ng malalim at padarag na inilagay ang kanyang mga gamit sa mesa. Paano siya makakapagtrabaho ng maayos kung kasama niya rito ang lalaking ito?After thirty minutes ay dumating ang kanyang sekretarya. Maski
last updateLast Updated : 2024-06-29
Read more

CHAPTER 140

KAAGAD NA TINAWAGAN NI DAMIAN SI REX, “Sundan mo kung saan pupunta si Janice at iyong lalaking kasama nya. Itawag mo kaagad sakin, okay?” utos niya rito.Napapakamot sa ulong sumakay ng kanyang motorsiklo si Rex at sinundan ang sasakyan nina Janice. Talagang nababaliw na sa pag-ibig ang kanyang boss. Tanging kay Janice lang ito nagkaganito. Kung tutuusin ay napakaraming magagandang babae ang naghahabol dito. Hindi niya maintindihan ang kanyang amo kung bakit hindi na lang pumili ng babaeng hindi na ito kailangang mahirapan pa.Ilang sandali pa at itinawag na niya kay Damian kung nasaang restaurant nagtungo si Janice.Nagmamadaling pinuntahan ni Damian si Stella sa restaurant na pagkikitaan nila. Napasimangot ito nang makitang wala siyang dalang bulaklak, “Akala ko ba bibilhan mo ko ng bulaklak?”“Sorry, nawala na sa isip ko. Halik ana, duon tayo maglunch sa favorite restaurant ko,” sabi niya rito.“Ha? Nandito na tayo, lilipat pa tayo ng ibang lugar?” Nagrereklamong sabi nito sa
last updateLast Updated : 2024-06-30
Read more
PREV
1
...
1213141516
...
27
DMCA.com Protection Status