Home / Romance / The Substitute Mrs. Craig / Kabanata 111 - Kabanata 120

Lahat ng Kabanata ng The Substitute Mrs. Craig: Kabanata 111 - Kabanata 120

265 Kabanata

CHAPTER 111

NARAMDAMAN NI JANICE na sinapo ni Damian ang kanyang puwetan habang bumibilis ang paghalik nito sa kanya. Hirap na hirap siyang paglabanan ang init na nararamdaman dahil kahit kay Alex ay hindi niya naramdaman ang ganitong klaseng pananabik. Idagdag pang napakabango ni Damian at napakalapad ng dibdib nito, mas lalo tuloy siyang nawawalan ng lakas na tanggihan ang mga halik nito. Iniangat nito ang isang hita niya. Para siyang isang dahon, hinayaan niyang matangay siya ng alon. Binuhat siya nito at inihiga sa malaki nitong kama. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Papayag ba siyang may mangyari muli sa kanila? Napasinghap siya nang gumapang ang mga labi nito paibaba sa kanyang leeg. Nasaan na ba ang tapang niya? Bakit hinahayaan siyang matangay ng lalaking ito? Hindi. Hindi pwedeng talunin ang utak niya ng lalaking ito. Oo at isa siyang pole dancer ngunit hindi ibig sabihin niyon ay mababang uri na siya ng babae
last updateHuling Na-update : 2024-06-17
Magbasa pa

CHAPTER 112

NAPADUNGAW sa terrace si Janice nang marinig ang malakas na tawanan. Sumimangot siya nang makita si Damian at ang pamangkin ni Inang Arsenia na si Elisa na nagtatawanan habang nagbabalat ang babae ng mangga. Hindi naman kagandahan, sabi niya sa sarili habang pinagmamasdan ang dalaga. Pabilog ang mukha nito, makapal ang mga kilay, mahaba ang itim na itim na buhok at may malaki itong hinaharap na waring nais ipagduldulan kay Damian. Malanding babae, bubulong-bulong na sabi niya nang muling pumasok sa kusina para tulungan si Inang Arsenia sa paghahanda ng pananghalian. “Malapit lang ho ba dito ang bahay ng pamangkin nyo?” Tanong niya sa matanda, “Mukha talagang close na close sila ni Damian, ano po?” “Isang sakay lang ng jeep dito ang bahay nina Elisa pero madalas, dito yan natutulog lalo na kapag lumuluwas ng Maynila ang mga anak ko. Kagabi nga sana’y sasamahan niya kaming mag-asawa dito, kaso’y ginamit mo ang kwartong tutulugan sana niya.” Anang mat
last updateHuling Na-update : 2024-06-17
Magbasa pa

CHAPTER 113

ABOT TENGA ang ngiti ni Janice nang magdesisyon si Damian na sumama sa kanya pabalik ng Maynila. Tinapunan nya ng isang nakakalokang ngiti si Elisa na parang sinasabing: Wala ka naman palang bnatbat kay Damian eh. Close ba kayo kamo? Eh bakit ako pa rin ang nagwagi? Ngunit ang tagumpay na naramdaman ay saglit lang dahil narinig niyang nangako dito si Damian, “Babalik rin ako kagad para icelebrate natin ang birthday mo, okay?” sabi nito kay Elisa. “Promise?” Parang batang naniniyak na tanong ni Elisa dito. Tumango si Damian. Unti-unting lumuwang ang mga ngiti ni Elisa saka tumingin sa kanya na tila nais magyabang. Naiinis na inirapan lamang niya ito saka nagpaalam na sa dalawang matanda. “Maraming salamat po sa inyong dalawa.” “Palagi kang papasyal dito ha?” sabi ni Inang Arsenia sa kanya saka napangiti, “Napakaganda mo talagang bata ka. Bulag na lang ang hindi magkakagusto saiyo at pihado ko, may isa
last updateHuling Na-update : 2024-06-18
Magbasa pa

CHAPTER 114

“TALAGANG MAKAPAL ang pagmumukha mo, mga patay gutom. Mga linta na ginagamit ang ganda para lang mabuhay!” Nanggagalaiting sabi ni Don Dom kay Janice, nilingon nito ang mga tauhan, “Bitbitin ninyo palabas ng building na ito ang mga hampas lupang ito!” Niyakap ni Janice ng mahigpit ang anak, tinakpan rin niya ang mga tenga nito para hindi na marinig pa ang mga masasakit na salitang binibitiwan ng matanda laban sa kanila. Nangangatal ang buong katawan niya sa galit. Hindi niya alam kung nasaan ang tapang niya ng mga sandaling iyon. Ni hindi niya masagot ang matanda at hinayaan lang niyang hamakin nito ang pagkatao niya. Hinila siya ng isa sa mga tauhan nito ngunit mabilis niya itong nasipa sa pagitan ng mga hita nito, “Si Damian ang nagpatuloy sakin dito kaya siya lang ang pwedeng magpalayas sa akin!” Napatiim ang mga bagang ng matanda. “Anong pang tinutunganga ninyo dyan? Babae lang, natatakot na kayo!” Bulyaw nito sa mga tauhan sub
last updateHuling Na-update : 2024-06-18
Magbasa pa

CHAPTER 115

“MOMMY, ANG SWEET NAMAN NI TITO DAMIAN, MAY PASURPRISE pa sya sa birthday mo!” Bulalas ni Alexa nang nasa loob na sila ng hotel at igiya siya ng tauhan ni Damian patungo sa pinareserba nitong mesa para sa kanilang tatlo. Nanduon na si Damian naghihintay sa kanila. Hindi niya mapangalan ang damdaming lumukob sa kanya nang magtama ang kanilang mga paningin. Tumayo ito para salubungin siya, “Happy Birthday,” sabi nitong niyakap siya at hinalikan sa pisngi. Nagulat pa siya nang iabot nito ang isang box. “May gift rin sya saiyo,” tila kinikilig na sabi ni Alexa habang nakatingin sa regalong nakabalot sa pulang wrapper, “Parang sa movie na pinanuod natin, Mommy!” Iginiya sya nito paupo. Feeling niya ay siya si Julia Roberts sa pelikula nitong Pretty Woman with Richard Geere ng mga sandaling iyon. Para kasing napaka-espesyal ng turing sa kanya nito ngayon. “Buksan mo,” sabi ni Damian sa kanya. Nangangatal an
last updateHuling Na-update : 2024-06-18
Magbasa pa

CHAPTER 116

“PANIRA KA TALAGA NG ARAW KO! Ano na namang ginagawa mo rito? Wala ka ba talagang kahihiyan, palagi ka na lang nanggugulo!” sit ani Damian kay Rochelle nang hilahin niya ito sa isang sulok. Pinagtitinginan na sila ng ibang mga diners pero parang walang pakialam si Rochelle. “Damian, talagang mas gusto mo pang ka-date ang mag-inang iyan kesa sa akin?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya, “Ano bang kailangan kong gawin, ha? Sobrang insult naman yata saking mas pinipili mo pa ang babaeng yan kesa sakin? Look at me, dalaga ako. Maayos ang family background ko. . .” “Damitt Rochelle! Hindi mo ba naiintindihan, hindi kita gusto!” Giit niya rito. Napahikbi ito. Nagsusumamo ang mga mata nang tingnan siya. Tinawag niya ang mga body guards nito, “Bitbitin nyo nang palabas ang amo nyo kung ayaw nyong bugbugin ko kayo!” matigas ang tonong sabi niya sa mga ito. Yumukod ang mga ito sa kanya saka walang nagawang sinunod an
last updateHuling Na-update : 2024-06-18
Magbasa pa

CHAPTER 117

BAGO PA MAGLAPAT ang kanilang mga labi ay nagising na si Alexa, “Tito Damian, Mommy, anong ginagawa natin dito?” Tanong nito habang kinukusot ang mga mata, “Wow, ice cream? Gusto ko rin po ng ice cream.” Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Damian, wala itong nagawa kundi bilhan na lamang ng ice cream si Alexa. Pagkaubos niyon ay umuwi na sila. Nagulat siya nang sa halip na sa bahay nito ay duon sila tumuloy sa isa sa pinakamahal at prestigious na hotel. “Hindi ko alam na ganito ka kagalante,” aniya rito, “L-lalo na siguro kay Elisa?” sabi niya habang iniisip kung ano ang surpresang inihanda nito para sa dalaga. Mas espesyal siguro. Ngunit hindi naman nito sinagot ang tanong niya kaya mas lalo lamang siyang na-curious. Nakahiga na sila ni Alexa nang tawagan siya ni Damian, “Lumabas ka sandali, may gusto lang akong ipakita saiyo,” utos nito sa kanya. Tumayo siya at isinuot ang kanyang bathrobe. Pagbukas niya ng pinto
last updateHuling Na-update : 2024-06-19
Magbasa pa

CHAPTER 118

“GOOD NIGHT. I hope I made your day extra special,” halos paanas lamang na sabi ni Damian kay Janice nang ihatid na niya ito sa kuwarto nito. Parang nagsisikip ang dibdib niya habang nakatitig dito. Ang gusto sana niya ay makasama niya ito buong magdamag kaya parang nahihirapan siyang bitiwan ang mga kamay nito. Parang ganuon rin naman ang nababasa niya sa mukha ni Janice kung kaya’t hindi na siya nakatiis pa. Naglakas loob siyang siilin ito ng halik sa mga labi. Nagulat siya nang mainit nitong tinugon ang kanyang halik. Tuluyan na siyang nag-init. Mapupusok, nag-aalab at punong-puno ng pagnanasang inangkin niya ang mga labi nito. Ramdam niya, gaya niya ay nanabik rin ito sa kanyang mga halik. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Hinila niya ito papasok sa kanyang kuwarto. “Damn, I’d been longing to do this,” mahinang sabi niya rito, muli niyang inangkin ang mga labi nito. Bahala na, iyon ang tanging nasabi ni Ja
last updateHuling Na-update : 2024-06-20
Magbasa pa

CHAPTER 119

HINDI MAALIS ANG NGITI sa mga labi ni Damian nang magising kinabuksan. Masayang-masaya siya at di niya kayang pangalanan ang damdaming nararamdaman. Ang tanging tiyak lang niya, si Janice ang source of joy niya. Extra special ang naging pagtrato niya kay Janice ng mga sumunod na araw. Tuwang umaga ay inuutusan niya si Rex na mag-deliver ng mga bulaklak para iyon ang mabungaran ni Janice paggigising nito. Never niyang ginawa ito sa ibang babae, kahit sa mga nakarelasyon pa niya. “Wow, Mommy, boyfriend mo na po ba si Tito Damian?” nanlalaki ang mga matanong tanong ni Alexa, “Nakakahalata na ko, every day may pa-flowers sya at may pa-chocolate ah. . .tapos maaga rin syang umuuwi ngayon, pansin ko.” “Ang dami mong napapansin,” nakangising sita ni Janice sa anak ngunit sa totoo lang ay kinikilig siya. Hindi niya alam kung ano ba siya para kay Damian ngunit sabi nga, actions speak louder than words kaya ipinagpapalagay na lamang niyang e
last updateHuling Na-update : 2024-06-20
Magbasa pa

CHAPTER 120

WALANG nagawa si Janice nang magpaalam sa kanya si Damian. Bagama’t nagseselos siya kay Elisa ay ayaw naman niya itong kinokontrol lalo pa at ayaw rin niyang ginagawa ito sa kanya. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit tinabangan siya kay Alex, masyado itong naging controlling to the point na gusto nitong malaman ang bawat galaw niya. Kaya hindi siya mapakali ng pangatlong araw na ay hindi pa rin umuuwi si Damian, at tuwing tinatawagan naman siya nito ay palaging nagmamadali. Ni hindi kwenikwento sa kanya kung anong nangyari kay Elisa at bakit kailangan nitong puntahan sa Quezon Province. Pang limang araw nang umuwi si Damian, halatang pagod na pagod at puyat kaya di na muna niya ito inabala. Umalis siya para mag-grocery. Balak sana niya itong surpresahin sa bagong luto na natutunan niya sa panunuod online. Kasalakuyan siyang nagbabayad sa counter nang bulagain siya ni Alex. “Akala mo siguro natakasan mo na ako ano?” Nakangising tanon
last updateHuling Na-update : 2024-06-20
Magbasa pa
PREV
1
...
1011121314
...
27
DMCA.com Protection Status